Mga Inaasahan sa Paglilingkod sa Ating Panginoon
By : Ruth Looper, Boston, MA
John 8: 10-11, NKJV
10 Tumayo si Jesus at sinabi sa babae, “Babae, nasaan na sila? May humatol ba sa iyo?” 11 Sumagot ang babae, ‘Wala po.’ Sinabi ni Jesus sa kanya, “Hindi rin Kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.””
Maaaring mangyari na marami sa atin ay alam ang maikling paglalarawan ng maawaing pangungusap, “Hindi rin Kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.” Sa paksang ito, ang kabuuan at mga sangkot ng pangungusap ni Jesus ay isasaalang-alang.
Ang salaysay na inilalarawan ang babaeng nakikiapid ay nahuli kasama ang lalaki na gumagawa ng kasalanang seksuwal. Hindi binanggit ang lalaki. Sino siya, at sino tayo sa pakikipag-ugnayan sa kanya? Sa pagkakarinig ng salitang nakikiapid, madali sa atin na lumayo sa kanya sa ganitong gipit na kalagayan. Marahil, tayo ay magmamalaki at iisipin na, “Hindi ko gagawin iyon.” Gayunman, ang espirituwal na pakikiapid ay kasalanan din. Inilalagay ba natin ang isang bagay na higit na mahalaga kaysa Dios? Ang akin bang puso, panahon, kakayahan, at maalab na damdamin ay nakatuon sa paglilingkod sa Panginoon?
Ang kapangyarihan, lakas, pagkamaawain,at pag-ibig ni Jesus ay malinaw sa Kanyang pagsagip sa babae mula sa nakakikilabot at hayag na kamatayan. Ang Kanyang paninindigan ay salungat sa mga Judio. Isipin natin ang pag-ibig at taos na pagsamba na kanyang madarama sa Panginoon matapos na siya’y patawarin.Bilang mga nabautismuhang mananampalataya, binibigyan natin ng pagpapahalaga ang kabutihang-loob ng ating kaligtasan, dahil sa napakasakit, hindi masusukat na hirap at sakit na tıniis ni Jesus hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus. Ang hindi mabibigyang halaga ng kaligtasan ay nagbibigay sa atin ng paghihikayat na gumawa. Kahit na ang hindi maipaliwanag na kuro-kuro kung paano Siya naghirap ay nagbibigay sa atin ng pagkamangha sa Kanyang hindi masukat na pag-ibig, ang taos na pagsamba ay naglalapit sa atin kay Cristo Jesus at tayo ay kumikilos ayon sa Kanyang utos: “….kaya mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas” ( Marcos 12: 30 ). Binigyan Niya ng diin ang likas na bunga ng tunay na pagmamahal sa Kanya: “Kung mahal ny’o Ako, susundin ny’o ang Aking mga utos” (Juan 14:15).
Makalipas na tayo’y sagipin sa kasalanan at kamatayan, ipinapakita natin ang ating katapatan sa pag-ibig sa pamamagitan ng gawa. Ang bawat isa ay kailangang maunawaan kung ano ang kahulugan ng umalis at huwag na muling magkasala. Una, ay kailangan natin na makilala na ang pagiging tagasunod ay nangangailangan ng sakripisyo. Sinabi ni David, “Hindi ako maghahandog sa Panginoon kong Dios ng mga handog na sinusunog na walang halaga sa akin.” Ang pinakamabuting bunga ay mangyayari kung ating isusuko ang ating buong panahon, kakayahan, at ari-arian.
Upang maging tagasunod ng ating Panginoong Jesu Cristo, kailangan nating magpasya na lumakad sa liwanag dahil Siya ang liwanag ( 1 Juan 1:7 ), pagkatapos sumunod sa ebanghelyo. Ang makatuwirang dugo ni Jesus ang sanligan ng ating katuwiran. Kailangan nating tumayo sa katuwirang iyon upang magsanay sa maka- Dios na pamumuhay sa araw-araw. Ang ating makasariling larawan ay dapat na magbago. Sa halip na ipalagay ang ating mga sarili na makasalanan na nilinis na, ngayon, tayoay mga pinabanal na nagsisikap na mabuhay na may katuwiran. Ang kasalanan ay nababawasan, “ ako ay lumalago sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu Cristo” ( 2 Pedro 3:18 ). Ang pagsasanay araw-araw ay nagbubunga ng paglago.
Sa pagsisikap na mabuhay kung saan ang kasalanan ay madalang ay nagsisimula sa tapat na pagbibigay ng halaga ng ating pangkasalukuyang mga kilos at espirituwal na karamdaman. Kailan at saan ako natutukso? Sa anong paraan ako dapat na umunlad? Ang ating mga layunin ay maaari nang balangkasin.
Mabuting paunlarin ang balak kung paano labanan ang bawat masamang pag-iisip, kuro-kuro o tukso sa pamamagitan ng halimbawa ng Panginoon nang Siya at tuksuhin ni Satanas, paglaban sa masama sa pamamagitan ng mga salita sa Biblia - ang Kasulatan ang wakas ng kasamaan. Halimbawa, kung nararamdaman ko na ako’y lubos na nag-aalala at ang aking isipan ay kung saan-saan pumupunta, masasabi ko na, “Hindi, hindi ko pahihintulutan na ito ay lumala at ako’y maging hangal.” Higit na mabuti, aalalahanin ko, “ Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ang Dios” ( Awit 46:10a ). Ang susi sa pagiging handa ay ang Salita ng Dios. Ang isang kuro-kuro ay isulat ang salita ng Dios sa isang tarheta na madaling magamit .
Ang paggamit ng kasangkapan ng Espiritu nang may katiyakan ay pananagutan ng bawat Kristiyano ( Efeso 6: 14-18 ). Kailangan din nating sanayin ang ating sarili tulad ng inilarawan ni Pablo, “Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios” ( 1Corinto 9:27 ). Ito ang pang-araw-araw na adhikain na piliin na maging banal sa halip na makasalanang pag-uugali. Ang makatutulong sa atin aypalaging isipin kung sino tayo, sang-ayon sa inilalarawan ng Kasulatan sa atin.
Sa panahon na matutunan natin ang kasulatan upang labanan ang makasalanang pag-iisip, matutulungan tayo na tudlain ang paraan ng pag-iisip na pangunahan ang tunay na kasalanan. Ang pagsusuri sa sarili ay makatutulong na makita kung kailan nagsisimula ang pagbulusok. Kung tayo ay nagsasanay ng pag- iwas sa pag-iisip at palagiang pagpapasya na magnilay sa mga “ bagay na mabuti at kapuri-puri, mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais” (Filipos 4:8), makikita natin na ang masamang pag-iisip ay nababawasan.
Ang pag-iingat ng ating mga puso nang may pagtitiyaga ay nangangailangan ng talaan ng ating mga pagpili sa araw na iyon: “ Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang may pananampalataya kayo kay Cristo. Tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili” ( 2 Corinto 13:5a).
Sa pag-iwas sa kasalanan, tayo ay lumalago sa pagpupuri sa Dios sa awitin at salita, pagbabasa at pagninilay sa Kasulatan, pananalangin at pag-aayuno, pagkakaloob at pagsasalita ng may asin at liwanag habang ibinabahagi ang ebanghelyo at binibigyan ng pag-asa ang mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoong Jesus. Kung tayo ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, tayo ay lalago, “Kayo na tulad din ng batong buhay ay itinatayo ng Dios bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Dios, nag-aalay kayo sa Kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa Kanya dahil ginagawa n’yo ito sa pamamagitan ni Jesu Cristo” ( 1 Pedro 2:4-5 ). Tayo ay bahagi ng maharlikang pari. Ang ating pagiging mabunga, gayunman, ay nakasalalay kung gaano kalawak ang ating pagtitiwala sa Dios. Tayo ay mamumunga lamang kung tayo ay nananatili sa puno: “ Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa Akin at Ako rin sa kanya ay mamumunga ng marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo saAkin” ( Juan 15:5 ). Dahil sa mga pananagutan natin kay Cristo, ang pagsasabuhay ng mga salita sa Kasulatan ay nangangailangan ng pagsasanay. Nawa ang Panginoong Dios ay pagpalain ang ating mga pagpupunyagi na maging tulad ni Cristo.