Sino ang Aking Susundan ?
“Hanggang kailan pa ba kayo mag-aalinlangan?” ( 1Hari 18:21 ). Ito ang katanungan ni Elias sa mga tao ng Israel sa Bundok ng Carmel. Ito ay nakagigising ng diwa na parirala. Marahil sa America ay gagamitin natin ang parirala na, (“How long can you go on believing you can have your cake and eat it too?”) Hanggang kailan ka maniniwala na makukuha mo ang dalawang magkaibang bagay nang sabay? Minsan na ang pagkain ay nakain na, hindi na ito makukuha pa. Hindi mo magagawang magkaroon ng 2 hindi magkatugmang bagay. Ang mga Israelita ay hindi magkakaroon ng magkaibang dios, at tayo ay gayundin. Ano ang kamalian ng mga Israelita? Marahil ikaw ay makagagawa ng pakikipagtalo sa maraming bagay, nguni’t nais kong imungkahi na ang paksa ay nagsimula sa kanila kung ano ang dapat unang bigyan ng pansin.
Tiyak ko na marami na ang nakarinig ng pangungusap na, “ipakita mo sa akin ang 5 matatalik mong kaibigan, at sasabihin ko sa iyo kung sino ka.” Ano kaya kung itala mo ang 5 paborito mong aklat? O ang 5 pangunahing tao na pinapanood mo sa social media? Paano mo ginugugol ang iyong panahon at salapi? Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita kung ano ang inuuna mo sa iyong buhay.
Si Jesus ay binigyan tayo ng halimbawa kung ano ang dapat unahin sa talinghaga na mababasa sa Lucas 14: 15-24. Sa kabuuan ng talinghaga, ang isang tao ay magbibigay ng isang malaking piging, at ang paanyaya ay naipadala na. Sa araw ng piging, ang tao ay inutusan ang kanyang alipin na tawagin ang mga inanyayahan at sabihin na handa na ang lahat. Nang ang lahat ay handa na, ang mga inanyayahan ay gumawa ng ibat-ibang dahilan. Ang isa ay bumili ng baka, ang isa ay bumili ng lupa, at ang isa ay bagong kasal. Ang amo ng alipin ay nagalit at sinabi sa alipin na anyayahan ang mga hindi inanyayahan noong una at ito ay nangangahulugan na ang mga ito ay ang mga dukha ng lipunan.
Sa pagbabalik-tanaw sa talinghagang ito, si Jesus ay nasa isang hapunan sa Araw ng Pamamahinga sa tahanan ng isang pinuno ng mga Pariseo. Si Jesus ay nagbigay na ng talinghaga tungkol sa halaga ng kababaang-loob sa pinunong ito, at ang ibang mga panauhin, marahil ay hindi palagay ang loob sa panlipunang kamalian na sinabi ni Jesus, ay nagsikap na baguhin ang paksa sa pagsasalungatan, “mapalad ang taong makakasalo sa handaan sa Kaharian ng Dios.” Si Jesus ay nagpatuloy sa pagtuturo tungkol sa amo at malaking piging. Nais ni Jesus na maunawaan nila na ang mga “inanyayahan” ay gagawa ng mga dahilan. Sa katapusan, ang piging ay hindi binigyan ng unang pansin ng mga inanyayahan. Hindi nila ito itinala sa kanilang kalendaryo, at nagpatuloy sa kanilang buhay. Sila ay tulad ng mga binhi na inihasik sa matinik na lupa, sa talinghaga ng maghahasik at nagapi ng mga alalahanin,yaman, at kaaliwan ng buhay.
Ako, tulad din ng mga panauhin kasama si Jesus, ay naniniwala na ang lahat ay bahagi ng kaharian ng Dios ay pinagpala. Gayunman, malimit na tinatanong ko ang aking sarili kung ako ay naniniwala sa pangungusap na iyon na ginagawa ko na unahin na maging handa na pumaroon sa piging sa kaharian. May isang binanggit si Aristotle: “…we are what we repeatedly do - nagiging sino tayo kung ano ang palagi nating ginagawa. Ang pinaka- mainam ay hindi gawa kundi isang kinagawian.” Si Aristotle ay naniniwala na ang katangian ay isang gintong paraan sa pagitan ng dalawang hilig at upang makamtan ang katangian ay nangangailangan ng pagsisikap, paggawa at pagsasanay. Kailangan mong unahin ang mabuhay nang may katangian. Ngayon, bakit ko sinasabi ang tungkol sa kabutihang-asal namula kay Aristotle? Sapagkat kung nais mong tanggapin ang paanyaya ni Cristo, kailangan nating maging handa kung ang lahat ay handa na, at iyon ay nangangailangan ng pagsisikap, paggawa, at pagsasanay. Ako ay buong katapatan na nagsasabi na malimit ako ay gumagawa ng mga dahilan upang makawala sa pagsisikap, paggawa, at pagsasanay. Ako ay nakagagawa ng mga dahilan upang hindi manalangin, mga dahilan upang hindi magnilay ng Kanyang salita, at malimit sa paggawa ng mga dahilan upang hindi maglingkod sa iba na dapat ko sanang gawin. Ako ay nakatuon sa sarili kong alalahanin at sa kaabalahan ng buhay. At ang pinakamasama, ako ay nag- aaksaya ng oras sa mga kaaliwan - ang mga libangan na nag papamanhid sa aking mga alalahanin at pagkabalisa, sa halip na kapaki-pakinabang na mga paraan na bumuo ng isang komunidad upang makatulong sa aking paglalakad kasama si Cristo.
Kung ikaw ay hindi pa nakasubok na sundan ang iyong oras sa isang araw, subukan mo minsan, at ito ay nakamamangha. Natagpuan ko sa aking buhay na ako ay may panahon sa mga bagay na dapat kong unahin. Maaaring mahirap, at nangangailangan din ng sakripisyo upang magawa ang bagay na dapat kong unahin, nguni’t paano man, ito ay nagagawa ko. Ipinapakita natin ang dapat unahin sa pamamagitan ng panahon at kakayahan, at maliwanag na sinabi ni Jesus na tunay na magkakaroon ng halaga ang paglilingkod sa Kanya. Bagaman, malimit na naniniwala tayo na sa buhay ngayon ay mahirap na sumunod kay Jesus, ito ay isang dahilan na ibinibigay ni Satanas na ikinahuhulog natin. Sa buong kasaysayan ng tao, mula sa pagkakasala ni Adan at Eba, hanggang ngayon, ang mga tao ay patuloy na nagpupunyagi na makita ang gintong paraan. Tayo ay sumasandal sa isang masamang hilig, at ang tumpak na tugon na mabuhay sa isang natatanging buhay ay dalhin ang sarıling krus at sumunod kay Jesus - na isang Gawain! Ako ay dumadalangin para sa iyo at para sa akin na unahin natin ang gawaing ito at maging handa at maghintay, sumunod kay Jesussa maluwalhating piging na naghihintay sa atin pagkatapos ng ating paglalakbay dito sa daigdig.