Ang Lungsod na Itinayo sa Ibabaw ng Burol

Sa sermon ni Jesus na sinasabing may hindi magandang tunog, Siya ay tumayo sa bundok at sinabi sa Kanyang mga tagasunod na sila ang ilaw ng mundo, at tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng burol na hindi maitatago, maging ang ilaw ng Kanyang mga tagasunod.

Mateo 5:14, “Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago .”

Samantalang ang larawan na ito ay maganda, sa tuwing babasahin ko ito, ang lalim ng mensahe ay nagbibigay sa akin ng sandaling katahimikan. Upang maging ilaw ng mundo, kailangan kong maging tagasunod ni Jesus. Siya ang ilaw, at ang tanging layunin ko ay ang makita Siya sa akin. Tulad ni Moses sa Exodus 34, na ang mukha ay nagliwanag na kailangan niyang takpan ito, pagkatapos niyang makipagkita sa Dios, ako man ay kailangang magliwanag at makita ang ilaw ni Jesus sa aking buhay dito sa lupa.

Ang tanging paraan na makita ang ilaw ni Jesus ay maging tagasunod Niya. Malimit nating marinig ang salitang tagasunod, nguni’t isinaalang-alang mo ba kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging tagasunod noong unang siglo? Si Jesus ang kanilang guro, at sa pagpili mo ng guro, ang iyong buhay ay ginugol mo sa pag-aalay at pagsisikap na maging katulad ng taong iyon - hindi ang nagbabago - kundi ang magkatulad.

Kung nais ko talaga na maging tulad ni Jesus upang ako ay maging tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng burol, atipakita ang Kanyang liwanag sa daigdig, ay kailangan kong gugulin ang panahon sa Kanya. Walang ibang paraan upang maging katulad ng isang tao kundi ikaw ay dapat na malapit sa kanya, pag-aralan ang bawat kilos at salita, at gugulin ang maraming oras sa kanila na nakikita mo kung paano sila maglakad, magsalita, mga bagay na pinili nilang sabihin at mga bagay na hindi dapat sabihin. Hindi natin masusundan si Jesus sa paglalakad, tulad ng Kanyang mga tagasunod noon, nguni’t masusundan pa rin natin ang Kanyang kilos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang buhay at pananatili sa Kanyang Salita. Magpasalamat tayo sa Kanyang mga tagasunod, na nakinig sa tawag ng Dios at isinulat ang buhay ni Jesus upang tayo ay matuto ngayon.

1 Juan 2:6, “Ang sinumang nagsasabing siya ay sa Dios, dapat siyang mamuhay nang tulad ni Jesu Cristo.”

Si Juan ay ipinaalala sa atin sa kabuuan ng 1Juan na tayo ay kailangan na manatili sa Kanya kung nais nating maging tagasunod Niya. Kung minsan sa buhay ay madali na manatili sa Kanyang Salita. Kung ang buhay ay maayos, kung nasusunod ang dapat gawin at ang mga bagay ay maayos, at may panahon tayo na maupo at basahin ang Kanyang Salita nang may ginhawa. Gayunman, mayroong panahon na ang buhay ay puno ng gawain at kaguluhan, at nararamdaman mo na imposibleng magkaroon ng oras na manatili sa Kanyang Salita, gayunman, ito ang dapat nating gawin upang ipakita ang Kanyang liwanag. Tulad ni Moses, na ang mukha ay nagliwanag pagkatapos niyang makipagkita sa Dios at ang kaliwanagan na iyon ay kukupas sa kalaunan, ang ilaw din natin ay kukupas kung tayo ay hindi mananatili sa Kanyang Salita at gugulin ang panahon kay Jesus.

Sa panahon ng pagsusulat ng payong ito, ako ay nasa ika- 11 linggo matapos kong isilang ang aking unang anak. Tulad ng iniisip ninyo, ang aking pag-iisip at pangangatawan ay pagod na, habang natututunan ko kung paano maging isang ina, at ako aymalimit na natutukso na ipagpaliban ang pag-aaral ng Biblia at umaasa sa katotohanan na ang Dios ay puno ng biyaya at nauunawaan ang aking kapaguran. Alam ko na ang tukso ay dumarating sa anumang bahagi ng buhay, kung ikaw ay lilisan sa iyong nakalakihang tahanan, aalis upang mag-aral sa kolehiyo, magsisimula sa isang bagong gawain, o nakikipaglaban sa isang karamdaman. Samantalang Siya ang tunay na mapagpalang Dios, ang Kanyang biyaya at aking pangangailangan ay ang higit na dahilan upang ako ay mag sakripisyo upang aking unang gugulin ang panahon sa Kanya. Kung ako ay Kanyang tagasunod at nais kong ipakita ang Kanyang liwanag, ay kailangan kong gugulin ang aking panahon sa Kanyang presensya - walang ibang paraan. Kailangan kong manatili sa Kanyang Salita upang maipakita ang Kanyang liwanag sa lahat ng nasa paligid ko, saan man sa loob ng aking tahanan, sa aking anak, o sa daigdig hanggang sa nasa pamilihan.

Samantalang ang panahon ng buhay ay nagbabago at ang uri ng pag-aaral na ating binibigyan ng pagpapahalaga ay bumababa at umaagos, isang bagay ang dapat na walang pagbabago : tayo ay kailangang manatili sa Kanyang Salita upang Siya ay manatili sa atin, at ating ipakikita ang Kanyang liwanag sa nakapaligid sa atin.


Previous
Previous

Mga Inaasahan sa Paglilingkod sa Ating Panginoon

Next
Next

Ang Tagasunod ng Guro