Ang Pagka-awa sa mga Hindi Mahawakan

By: Kathy Towers

Sa apat na raang taon (400), ay may katahimikan sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan - isang mabigat na pag tigil sa kasaysayan ng Hebreo na ang mga tao ng Dios ay nangungulila sa Kanyang tinig. Ang bawat salin-lahi ay naghihintay sa ipinangakong Mesiyas, umaasa sa isang pinuno na maghahari na may pisikal na kapangyarihan at muling ibalik ang kaluwalhatian ng Israel.

Subalit, nang si Jesus ay dumating, ay isinakatuparan Niya ang pangako ng Dios sa paraan na hindi nila inaasahan. Sa halip na makapangyari ang makamundong lakas, Siya ay nanakop sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa halip na gumamit ng armas, inialay Niya ang Kanyang kamay at inilapat sa mga ayaw hipuin ng iba : ang mga may karamdaman, ang makasalanan, ang marumi. Sa Kanyang pagka-awa sa mga taong ito, ay ipinakita Niya ang tunay na puso ng Dios - isang hindi lumalayo sa marumi, sa halip, handang yakapin sila.

Si Jesus ay kinakausap ang lahi na nabibigatan sa mga batas ng mga Pariseo, at nag-alay ng espirituwal na kapahingahan mula sa bigat ng kasalanan at ng batas. Ang Kanyang tungkulin bilang Kataas-taasang Pari, ang mga himala na Kanyang ginawa ay nagpapatunay na Siya ang Anak ng Dios at ipinakita rin Niya ang awa sa kalagayan ng mga tao. Siya ay may malaking awa sa mga may mabigat na pasanin, na napatunayan ng mga piniling tao para sa mahimalang pamamagitan ng Tagapagligtas. Ang Kanyang pagdamay ay hindi nangangahulugan ng pandamdaming tugon, kundi isang pagpapahayag ng makalangit na pag-ibig at awa. Siya ay huwaran ng pakiki-isa sa nararamdaman ng isang tao, ng kabutihan, at awa para saKanyang mga tagasunod. Ito ang tugon sa katanungan kung ano ang pakiramdam ng Maylikha sa Kanyang mga nilikha. Ang Manlilikha ay mahal ang Kanyang nilikha - Genesis 1:13.

Sa Marcos 1:40-45, ay ibinigay ang halimbawa ng isang ketongin na nagnanais na siya’y pagalingin ni Jesus. Ang ketongin ay hinipo ni Jesus, at siya’y gumaling, at dagling luminis. Dito ay hinipo ni Jesus ang hindi nahahawakan at nililinis ang marumi. Ang aklat ni Mateo ay patungkol sa mga nakikinig na mga Judio. Si Mateo ay tinalakay na ang Dios ng Lumang Tipan, na nagpadala ng mga salot, ay ang parehong Dios ng Bagong Tipan sa katauhan ni Jesu Cristo, na nagsagawa ng 37 naitalang himala sa mga ebanghelyo. Sinabi ni Jesus, “ Maliban,na kung makakita kayo ng mga tanda at kahanga-hangang mga bagay, ay hindi kayo maniniwala,” na nagpapahayag na ang nakikitang katibayan ay kailangan upang ang mga nagmamasid ay maniwala. Tayo ay nagtitiwala sa mga nakasulat na katibayan upang tulungan ang ating pananalig sa kapangyarihan ng mga himala. Ang mga naninirang-puri ay naghahasik ng pag-aalinlangan, nguni’t ang dapat na itanong ay, bakit ang mga gumaling sa kanilang mga karamdaman at kanilang malalapit na kaibigan ay hindi pinabulaanan ang mga nangyaring himala?

Sa Mateo 20:29-34, ay may dalawang lalaking bulag na nagmamakaawa na sila’y pagalingin. Ang mga taong ito ay tinatawag na may kapintasan at makasalanan. Sila ay dapat na layuan sa lahat ng pagkakataon. Sila ay hinipo ni Jesus at nanumbalik ang kanilang paningin. Sila ay pinagaling ni Jesus tulad din ng pagpapagaling sa ketongin. Ito ay nagpapakita ng Kanyang malaking pag-ibig at awa at ang katunayan na Siya ay hindi mahahadlangan sa Kanyang gagawin. Ang mahimalang pagpapagaling ay halimbawa na kailangan ang paningin upang makita ang Katotohanan at Daan. Ang lahat ng tao ay dapat na mabuksan ang mga mata upang makita Siya.

Si Cristo ay inilalarawan na isa ring tao sa pamamagitan ng Kanyang awa at nakakaramdam din ng pagkagutom, gayundin na Siya ay tunay na Dios sa Kanyang kakayahan na pagalingin ang Kanyang mga nilikha. Tinalakay ni Apostol Juan sa Juan 20:30-31, na ang mga himala na naitala ay nagpapatunay na si Jesus ang Mesiyas at Anak ng Dios. Si Apostol Pablo ay isinulat sa 1Corinto 2:5, “Pinatunayan ng Banal na Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, nang sa gayon, hindi nakasalalay sa karunungan ng tao ang inyong pananampalataya kundi sa kapangyarihan ng Dios.” Para sa ating mga mananampalataya, ang mga gawaing ito ay pinatunayan at pinatotohanan ang ating pananalig. Hindi lahat ng nakakita ng mga himala, at hindi lahat ng nag-aral sa kasalukuyan ay naniniwala na may makalangit na namamagitan sa mga pangyayari.

Ang pagpapakain sa apat na libong tao (4,000) sa ebanghelyo ni Mateo ay muling ipinakita ang pagiging maawain ni Jesus. Hindi Niya nais na ang mga tao ay manghina sapagkat sila’y gutom na. Si Jesus ay hindi lamang nagkaloob ng pagkaing pangkatawan, kundi nagkaloob din ng espirituwal na pagkain para sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

Ang paksa ng pagka-awa ay naghahanda ng halimbawa para sa mga tagasunod ni Cristo. Ito ay naghahanda ng halimbawa ng maka-Dios na pag-ibig at awa. Ito ay nagpapakita ng puso ng isang alipin para sa sangkatauhan. Ito ay isang halimbawa para sa mga tagasunod na mamuhay nang magkatulad - upang maibsan ang paghihirap ng mga tao na nilalang ayon sa wangis ng Dios. Ang pagiging maawain at pakikiramay ay papasok sa kaluluwa at binabago ang panloob na katauhan ng tao.

Ang mga himala ay nagpapatunay na Siya ang Anak ng Dios at isinakatuparan ang hula sa Lumang Tipan. Ito ay nagpapakita ng pag-ibig ng Dios para sa Kanyang mga nilikha. Ang Kanyang pinakamalaking gawa ng pag-ibig ay ang Kanyang ipinakita sakrus. Ang Kanyang dugo ang tunay nagpapagaling. Ang Kanyang makapangyarihang dugo ang nagpapalinis sa marumi at ipinagkasundo Niya tayo sa Dios Ama, at ang makapangyarihang dugo ay sapat na tagapamagitan ng kaligtasan upang ang mga mamamayan ng Dios ay magkaroon ng walang bahid ng dungis na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay. Tayo ay pinagaling ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus. Dinala Niya ang lahat ng ating mga kasalanan, ipinagkasundo Niya tayo sa Maylikha sa pamamagitan ng Kanyang napakalaki at sariling sakripisyo. Ito ay pagpapatunay ng pinakamataas na gawa ng pagpapagaling at awa.


Previous
Previous

Isang Busilak na Puso

Next
Next

Ang Pagkaawa sa Madla