Isang Busilak na Puso

“Ilikha N’yo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong Espiritu na matapat.” Ito ang hiniling ni David sa Dios sa Awit 51:10. Alam natin na si David ay inilarawan na “ang lalaking malapit sa puso ng Dios” ( 1 Samuel 13:14; Gawa 13:22 ), na marahil ang kanyang kahilingan ay hindi kailangan nguni’t tunay na nagpapakita ng kahalagahan sa atin na ipagpatuloy na hanapin ang isang malinis at bagong puso.

Ang konsepto ng puso at kung ano ang magagawa ng puso sa tao ay naitala sa Biblia ng 700 na ulit. Maraming mga halimbawa na tumutukoy sa “heart posture” o ang kuro-kuro na kung nasaan ang puso at kung saan ang layunin na nakatuon ang puso. Ang ating mga puso ay maaaring mapuno ng kagalakan o maging manhid sa mga bagay na nasa ating kapaligiran. Ang karaniwang kalagayan ng puso na naitala sa Biblia ay isang matigas na puso, tulad ng nakita natin kay Paraon nang hindi niya pinayagan ang mga tao ng Dios na umalis. Nguni’t bakit ang ating mga puso ay isang mahalagang bagay? Bakit tayo nag- aalala tungkol sa kalagayan ng ating mga puso? Sinabi ng Panginoon sa Genesis 8:21, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam Kong makasalanan ang tao mula noong bata pa Siya.” Dahil sa bunga ng kasalanan sa Hardin ng Eden, ang tao ay nahihikayat patungo sa kasamaan ng mundo na naging mahalaga upang ipagsanggalang ang ating mga puso mula sa kasalanan.

Ang mga Israelita ay nagsikap na huwag magkasala sa Dios, at alam ng Dios na mangyayari ito. Sa Deuteronomio 5, si Moses ay ipinaalala ang Tipan na ginawa ng mga tao sa Dios, at ipinaalala ang mga batas at alituntunin na kailangang sundin. Sa pagpapa-alaalang ito, ang mga tao ay naalala ang takot sa nasaksihang kaluwalhatian ng Dios, at nakiusap kay Moses na siya ang maging tagapamagitan upang hindi sila mamatay sa presensya ng Dios, nangako na gagawin ang ipinag-utos ng Dios. Narinig ng Dios ang sinabi ng mga tao at sinabi kay Moses na mabuti ang lahat ng sinabi ng mga tao. At sinabi ng Dios sa talata 29. “Sana’y palagi nila Akong igalang at sundin ang Aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salin- lahi magpakailanman.” Nauunawaan ng Dios na ang kanilang mga puso ay nakahilig sa paggawa ng kasalanan at ang kanilang takot sa Dios ay hindi magtatagal. Sa kabila nito, maraming mga batas patungkol sa mga puso, tulad sa Deuteronomio 6:5-6, “Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay Ko sa inyo ngayon.” At sa Deuteronomio 11:16, “Mag-ingat kayo dahil baka matukso kayong lumayo sa Dios at sumamba sa ibang mga Dios at maglingkod sa kanila.”

Sa Kabila ng maraming mga batas upang pigilan sa pagkaligaw at pagiging matigas ng puso ng mga Israelita, sa paglipas ng panahon, sila ay nagpatuloy sa paglayo at ang kanilang mga puso ay parang naging bato kahit na sila’y naging bihag. Sa buong panahong ito, ang Dios ay namalaging malapit sa kanila at nagpadala ng mga pari, mga Hukom, at mga Propeta upang ibalik ang kanilang mga puso sa Dios. Ang mga propetang sina Jeremias at Ezekiel ay nagsalita nang buong katapatan sa kalagayan ng mga puso ng mga Israelita. Ipinahayag ni Jeremias ang mensahe ng darating na pagkawasak habang nagdadalamhati sa walang kusang-loob ng mga tao na magbago. Sa Jeremias 5:23, ang propeta ay nagbabala, “ Pero matitigas ang ulo at rebelde ang mga taong ito. Kinalimutan at nilayuan nila Ako.” Sa kabanata 12:2, “Pinupuri po nila Kayo ng mga bibig nila pero hindi galing sa puso nila.” Si Jeremias ay sinumbatan ang mga tao, nakiusap na unawain na “ang puso ng tao ay mandaraya higit sa lahat at lubos na masama” (Jeremias19:9), at ang poot ng Dios ay hindi mawawala hanggang hindi natutupad ang Kanyang layunin na magbalik ang mga puso ng mga tao sa Kanya. Ang mensahe ni Ezekiel ay tulad ng kay Jeremias at nakiusap sa mga tao na si Jeremias ay tama; ang Jerusalem ay nawasak at nais ng Dios na sila’y bumalik sa Kanya. Habang si Jeremias ay nagdadalmhati, si Ezekiel ay nagbigay ng pag-asa. Sinabi niya sa mga tao sa Ezekiel 36:26, Sinabi ng Dios, “Bibigyan Ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong mga puso ay magiging pusong masunurin.” Mayroong pagbabagong darating para sa mga tao, isang paglilinis ng puso tulad ng kahilingan ni David.

Ang antas ng likas na pagbabago ay maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng bagong buhay kay Jesu Cristo. “ Kaya noong bautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama Niya. Kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay mamuhay sa bagong buhay” ( Roma 6:4 ). Ang tangi nating pag-asa na mawala ang pusong matigas sa atin ay mapalitan ito ng puso ni Cristo na namumuhay sa atin. Sa Colosas 2:9-13, “Kaya huwag kayong padadala, dahil ang kapuspusan ng Dios ay nananahan sa katawan ni Cristo. At maging ganap kayo sa pakikipag-isa ninyo sa Kanya, na Siyang pangulo ng lahat ng espiritung namumuno na may kapangyarihan. Dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo, tınuli na kayo. Ang pagtutuli na ito ay hindi pisikal kundi espirituwal - ang pag-aalis ng masasamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil na kay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama Niya, dahil nanalig tayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa Kanya. Noong una, itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga kasalanan ninyo. Pero ngayon, binuhay kayo ng Dios kasama si Cristo. Pinatawad Niya ang lahat ng kasalanan natin.” Sa Deuteronomio 30:6, sinabi ng Dios sa mga tao, “Babaguhin ng Panginoon na inyong Dios ang mga puso ninyo at ang mga puso ng inyong lahi para mahalin ninyo Siya nang buong puso’t kaluluwa atmabubuhay kayo nang matagal.” Ang pagtutuling ito, ang kamatayan kay Cristo, ay ang tanging pag-asa, ang tanging pagkakataon sa buhay, ang tunay na buhay magpakailanman. Bagaman alam ng Dios na tayo ay maliligaw, ang busilak na layunin ng Dios ay nagbibigay sa atin ng pangmatagalang kalutasan sa ating matitigas na puso. Ipinagkaloob Niya sa atin ang bagong puso, ang puso ni Cristo,tınuli at dinalisay sa pamamagitan ng tubig ng bautismo. Isang napakagandang handog, isang bagay na dapat gawin araw-araw. Tulad ng sinabi natin, si David ay nanalangin ng isang malinis na puso; alam niya na ang kanyang kalikasan ay hindi sapat upang magkaroon ng malinis na puso. Kailangan din natin ang tulong ng Dios. Kailangan nating sundin ang salita ni David, hindi lamang hinihiling ang malinis na puso, siya ay gumawa upang punuin ang kanyang puso ng mga batas ng Panginoon. Siya ay nagnilay sa mga utos at itinanim sa kanyang puso upang hindi siya magkasala. Sinabi sa atin ng Dios sa Hebreo 8:10, “ Ito ang bagong kasunduan na gagawin Ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon; Itatanim Ko sa isipan nila ang mga utos Ko, at isusulat Ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Dios nila at sila naman ang magiging bayan Ko.” Kaya ngayon, kunin ang malinis na puso, sinulatan ng Dios, at punuin ng kabanalan upang mahalin Siya nang buong puso at kaluluwa upang mabuhay tayo.


Previous
Previous

Pagtitiwala sa Ating Kaligtasan

Next
Next

Ang Pagka-awa sa mga Hindi Mahawakan