Ang Pagkaawa sa Madla

By: Karen Padgett

“When my love for man grows weak…” ( Kung ang akin pagmamahal sa kapwa tao ay nanghihina). Kahit kailan ko awitin ang mga salitang ito kasama ang mga kapatid na lalaki at babae kay Cristo, ako ay laging naninindigan sa mga tapat na talatang ito. Bilang mga tao, tayo ay nahihikayat na guluhin ang pagmamahal sa ating kapwa. Ito ay lumalakas o kaya ay nanghihina, malimit ay dahil sa pakiramdam ng pagod o kabiguan, sa halip na damdamin ng awa. Sa payak na pananalita, ang awa ay ang kakayahan na makita at makaharap ang pangangailangan, at isang malawak na mahalagang katangian ng kalikasan ng Dios. Ang totoo, ang “pagiging maawain” ay ang unang pang-uri na ginamit ng Dios upang ilarawan ang Kanyang sarili sa Bundok ng Sinai sa Kanyang mga mamamayan sa Exodus 34. Ito ay talata na paulit-ulit na ginagamit sa kasulatan dahil sa kanyang kahulugan. Nakamamangha, ang “awa” sa salitang Hebreo ay may kaugnayan sa sinapupunan. Ang Dios ay pinili nang maingat ang salitang ito, na higit sa lahat ng Kanyang mga katangian, Siya ay mapagmahal at nangangalaga na magulang, na nakikita ang paghihirap ng Kanyang mga anak, at handang gumawa para sa kanila.

Kaya Siya ay ang awa na nagkatawang-tao, dumating sa daigdig upang ang mga bulag ay muling makakita, at ang mga lumpo ay makalakad na muli, ang mga may ketong ay luminis na muli, at ang mga bingi ay makarinig na muli, ang mga patay ay mabuhay na muli, at ang ebanghelyo ay maipahayag sa mga mahihirap (Mateo 11:5). Kay Cristo Jesus, ay nakikita natin ang walang -bahid ng dungis na halimbawa ng awa sa kapwa tao.

Ang isang tao ay maaaring umasa na ang Immanuel, “Kasama natin ang Dios,” ay magalit at mabigo habang Siya’y naririto sa wasak na mundo. Samantalang may angkop na panahon para sa Kanyang makatarungang poot sa mga walang awa at mapagpakunwari, si Cristo ay patuloy na pinagmamasdan ang sangkatauhan nang may awa. Sa Mateo 9:36, “na si Jesus ay naawa, dahil napakarami ng kanilang mga problema na parang mga tupa na walang pastol.” Nakita Niya ang maraming tao na may mga pansarili at espirituwal na pangangailangan at Siya ay nahabag. Nakita natin ang awa na ito na inilarawan sa pagpapakain ng 5,000 tao, maingat na naitala sa 4 na ebanghelyo.

Ang 4 na salaysay ay ipinakita ang tagpo ng nalulungkot na Tagapagligtas at mga pagod na alagad. Sila ay bumalik mula sa kanilang pagpapahayag, marahil dala ang balita ng pagpatay kay Juan Bautista. Walang alinlangan na ito ay nakapaghatid ng paghihirap kay Jesus, sapagkat alam Niya na ito ay nangangahulugan ng politikal na pagpapalit sa pagtanggap sa Kanyang paglilingkod, kasama ang damdamin ng kalungkutan dahil sa pagkamatay ng isang minamahal sa buhay. Nguni’t walang panahon para magdalamhati o magpahinga. Sinasabi sa Marcos 6:31, “wala na silang panahon para kumain man lang, dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis upang makita sila!

Gayon nga, sinasabi sa salaysay na sila ay şumakay sa bangka at pumunta sa isang ilang na lugar upang magpahinga, nguni’t wala silang nakita. Ang mga tao, na sabik na mapagaling ang karamdaman, at mga tanda ay sumunod at nais ng higit pa. Sa halip na makita ang likas na pagkainis o pagdadahilan, na maaaring maunawaan ng iba dahil sa pangyayari, si Jesus ay “nakita ang napakaraming tao at nakaramdam ng awa sa kanila” (Mateo 13:14). Tinanggap Niya ang mga tao. At nagsimulang Siyang “magsalita tungkol sa kaharian ng Dios” at “bigyan ng lunas ang mga nangangailangan ng pagpapagaling”(Lucas 9:11).Dito ay nakita natin ang Panginoon na hindi Niya inuna ang pansariling pangangailangan sa halip ay inuna ang panganga- ilangan ng iba.

Nguni’t, ang pangangailangan ay hindi tumigil, ang mga napakaraming tao ay nagtipong muli! Ginugol ni Jesus ang buong araw sa pagtuturo at pagpapagaling ng mga may karamdaman. Dumating ang gabi, ang mga tao ay walang pagkain, at walang malapit na mabibilhan ng pagkain. At ang Panginoon ay muling ipinagkaloob ang pangangailangan nila. Ang unang 3 ebanghelyo ay ipinakita ng mga disipulo ang pangangailangan ng pagkain ( o ang pagpapaalis sa mga tao). Nguni’t sa ebanghelyo ni Juan, ay ipinakita ang malalim, higit na hangarin sa mga susunod na pangyayari. Sa Juan 6:6, binigyan tayo ng sulyap sa isipan ni Cristo: “… sapagkat alam Niya ang Kanyang gagawin.” Makalipas ang pagtanggi mula sa mga alagad inalam ni Jesus kung ano ang kanilang pagkain: 5 pirasong tinapay at 2 pirasong isda. At sa kanilang harapan ay pinagpira-piraso ni Jesus ang tinapay at isda, nanalangin, at pinakain ang mahigit na 5,000 mga kaluluwa. Ang bunga? Ang mga tao ay hindi lamang nabusog (Juan 6:12); sila ay naniwala (Juan 6:14). Ang himalang ito ay hindi lamang dahil sa awa, kundi isang binalak na gawa ng awa. Sa pagsasagawa nito, ang ating Tagapagligtas ay ipinakita ang Kanyang maka-Dios na kalikasan na “tinapay na nagbibigay buhay” ((Juan 6:35), nagkakaloob ng kalakasan para sa kanilang pansamantalang mahinang katawan, at ang pangako ng espirituwal na pagkain magpasawalang- hanggan.

Bilang mga tao na pinaghari si Cristo sa kanyang buhay, (Roma 13:14), tayo ay kailangan din na “magkaroon ng pusong maawain” (Colosas 3:12), upang makita at mabigyan ng pansin ang pisikal at espirituwal na pangangailangan ng ibang tao. Nguni’t madaling sabihin, pero mahirap gawin. Napakaraming mga pangangailangan! Sa pagbabalik sa Mateo 9:36, si Jesus ay nakaramdam ng awa sa mga tao “ sapagkat sila ay maramingsuliranin, parang mga tupa na walang pastol.” Walang mainam na paglalarawan para sa daigdig sa paligid natin, puno ng materyal at espirituwal na kahirapan. Malimit, sa karamihan ng pangangailangan, ang ating tugon ay magsawalang-bahala o kapaguran. Ang ating espiritu ay handa, nguni’t ang ating katawan ay mahina (Mateo 26:41). Mararanasan din natin ang tinatawag sa medisina na “compassion fatigue”, pagod na sa pagiging maawain. Ang mga tagasunod ay tiyak na naranasan din ito.

Sa malawak na salaysay sa ebanghelyo, nang ang mga alagad ay lumapit kay Jesus dahil sa kailangang pagkain, tumugon si Jesus, “Kayo ang magpakain sa kanila!” Ito ay isang utos sa 12 alagad na pagod na rin at may kaunting pagkain lamang. Ang mga sumusunod na dahilan ay nagpakita ng galit. Sinabi nila sa Tagapagligtas, “ Nasa ilang na lugar po tayo at dumidilim na. Paalisin N’yo na po ang mga tao para maka punta sila sa mga nayon at nang makabili ng mga pagkain nila” (Mateo 14:15). “Mayroon lang po tayong 5 tinapay at 2 isda” (Mateo 14:17). “Sa dami po nila, ang 8 buwang şahod ng isang tao ay hindi sapat upang pakainin ng kahit tig kakaunti ang bawat isa” (Juan 6:7 ; Marcos 6:37). Sa aking sariling kuro-kuro, hindi ako mababahala sa tugon ng mga alagad. Kung ako ay magiging tapat, ginagamit ko ito araw-araw sa apat na maliliit na bata sa aking tahanan!

Ang nakalimutan ng 12, at malimit ko ding makalimutan, ay wala sinuman sa atin ang inaasahang maghimala na nagpakain ng libong tao. Tayo ay inaasahan na buong awang makita ang pangangailangan ng mga nasa paligid natin, maging ito man ay pisikal o espirituwal, tingnan ang talaan ng mga bagay na mayroon tayo, ialay sa harap ng Panginoon, at hayaan Siyang “magbigay ng pagpapalago” ( 1 Corinto 3:6 ). Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pananalig na mapararami Niya ang tinapay at isda kung ito ay ihahandog sa Kanyang harapan na may pusong nag-uumapaw sa awa. Kung minsan ang ating awaay maghahatid sa malaking gawa. At kung minsan, “kahit ang isang baso na may malamig na tubig” ay magkakamit ng gantimpala sa Panginoon ((Mateo 10:42).

Huwag din nating kalimutan na tayo ay “nahirapan at nawalan din ng gana tulad ng mga tupa na walang pastol.” At sa kataas-taasang gawa ng awa, si Cristo ay ipinako sa krus sa bundok ng kalbaryo, upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad at magkaroon ng pag-asa sa buhay na walang- hanggan. Nakita Niya ang ating pangangailangan, at kusang ipinagkaloob ang sarili. Siya ang “Tinapay na nagbibigay-buhay” magpakailanman.

Wala tayong mga dahilan upang tanggihan ang awa para sa iba sapagkat ito ay ipinagkaloob sa atin na isang napakahalagang handog. Samantalang si Jesus ay huwaran ng pisikal at espirituwal na pamamahinga, pagsikapan nating gamitin ang bawat pagkakataon, na may layunin na pagkalooban ng awa ang ibang tao. Sa pagsasagawa nito, ay inilalarawan natin ang kalikasan ng Dios. At kung nararamdaman natin na ang awa sa kapwa ay nanghihina, tumingin tayo sa krus para sa pagbabago. “Kung ang aking pagmamahal sa kapwa ay nanghihina, kung ako ay naghahanap ng higit na pananalig, sa bundok ng kalbaryo, ako ay pupunta, sa tagpo ng takot at pangamba.” (When my love for man grows weak, when for deeper faith I seek, hill of Calvary I go, to Thy scenes of fear and woe.”)


Previous
Previous

Ang Pagka-awa sa mga Hindi Mahawakan

Next
Next

Ang Pagka-awa Tulad ni Jesus