Pagtitiwala sa Ating Kaligtasan

Ano ang ating pinagkakatiwalaan? Ang aking sapantaha ay nasa ibat ibang bagay . Ang totoo, ginugugol natin ang ating buhay sa mga bagay na magdudulot ng matatag na sanligan para sa kapanatagan. Ipinapakita natin ang pagtitiwala sa mga napatunayang kasangkapan sa ating buhay, kahit na sa maliliit na gawain sa araw-araw. Tayo ay umaasa sa mga lumang paraan sa pagluluto, sapagkat tayo ay nagtitiwala sa kalalabasan. Tayo ay umaasa sa GPS o mga mapa ng kalye sapagkat tayo ay nagtitiwala na ito ang maghahatid sa atin sa tamang paroroonan. Tayo ay nagtitiwala sa mga kasangkapan sapagkat ang mga ito ay napatunayan na nang paulit-ulit sa ating buhay.

Tayo ay mayroon ding mga bagay na hindi tiyak, mga bagay na hindi nasusubukan at napatutunayan. Tayo ay may pagtitiwala sa ating pinag-aralan at pagsasanay na magbibigay sa atin ng hanapbuhay, ang ating kayamanan ay magkakaloob ng maayos na buhay sa ating pagtanda, na ang ating pamahalaan ay mapapanatili ang kapayapaan, at ang ating mga ari-arian at tahanan ay magkakaloob ng kapanatagan at kapahingahan sa hinaharap.

Ang Biblia ay tinalakay ang maling kaisipan ng kapanatagan sa mga bagay dito sa lupa. Sa Jeremias17:5, ganito ang sinabi ng Panginoon, “Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawa ang laman ng kanyang bibig at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.” Ang Awit 33 ay tinitiyak sa atin na ang kaligtasan at kapanatagan ay hindi darating sa kapangyarihan ng mundo. “Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo angdigmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan” (Awit 33:16-17).

Sa ibang salita, ang pagtitiwala ay likas na bunga para sa atin kung tayo ay nagtitiwala na ang isang bagay ay magbibigay sa atin ng nais nating bunga. Ngayon, paano na ang ating pagtitiwala ay maipapakita sa ating buhay-espirituwal? Saan natin ilalagay ang pagtitiwala? Sa pagkakaroon ng pagtitiwala na ang Dios ay ipinagkaloob ang kaligtasan ay nangangahulugan na mayroon tayong ganap na kapanatagan at kapayapaan, na sa pamamagitan ni Cristo Jesus, tayo ay pinatawad, iniligtas, at panatag sa ating pakikipag-ugnayan sa Dios ngayon at magpakailanman, kung magtitiwala tayo sa Kanyang layunin at sundin ang landas at mga paraan…at tayo’y naniniwala sa bunga nito.

Sa Awit 27:1, “Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.” Ang kaligtasang ito ay hindi nababatay kung gaano tayo kabuti, kundi sa mapagkakatiwalaang natapos na gawain ni Cristo sa krus. Sinabi sa atin sa Filipos 1:6, “Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan Niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni CristoJesus.”

Tayo ay may pagtitiwala na tayo’y tunay na pinatawad, lumalakad sa hinaharap at hindi na lumilingon sa nakaraan. Si Pablo ay pinalalakas ang ating loob. Tayo ay tiyak na nagtitiwala na ang ating kasalanan, nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay mapapatawad at tinakpan na ng sakripisyo na ating Panginoon. “Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus” ( Roma 8:1 ). At ang tunay na kaligtasan ay nagkakaloob ng buhay na walang hanggan, hindi pansamantala, kundi magpasawalang hanggan tulad ng ipinangako ni Jesus,“Isinusulat ko ito sa inyo na sumasampalataya sa Anak ng Dios upang malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan.” ( 1 Juan 5:13 ).

At sa pagtitiwalang iyon, matatagpuan natin ang kapayapaan at hindi takot sa ating paglalakbay at ating patutunguhan. Hindi tayo nabubuhay sa takot na mawala ang kaligtasan sa bawat oras na tayo’y matisod. Samantalang ang kasalanan ay malubha, at tayo’y tiyak na matatangay ng kasamaan sa mundo, at mawala ang kaligtasan, huwag nating kalimutan kung gaano kalaki ang biyaya ng Dios. Ang mga tunay na mananampalataya, ang mga nagtitiwala sa kaligtasan at mga pangako ng Dios ay maaaring matisod nguni’t hindi itataboy ng Dios. Tayo ay mananatiling tiyak at matatag na ialay ang ating sarili upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan sa Dios. Sa pagkakaalam na “walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon,” (Roma 8:), walang kaguluhan at hindi pagsunod.

At kaya nga, tayo ay nabubuhay na may pagtitiwala, na tayo ay iniligtas, at tayo ay tatanggapin ng ating Panginoon kasama ng mga nakatanggap ng kaligtasan na inilarawan sa aklat ng Pahayag 7, “Pagkatapos nito, nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Tupa. Silang lahat ay nakadamit ng puti at may mga hawak ng palaspas. Sumisigaw sila nang malakas, “Purihin ang Dios na nakaupo sa trono at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami sa kaparusahan.””

Tayo ay nabubuhay nang may katiyakan sa pamamagitan ng kaligtasan kay Jesus, ang ating mga pangalan ay pinangalagaan at nakasulat sa Aklat ng Buhay. “At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, patı na ang aklat na mga listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. At ang bawat isa sa kanila ayhinatulan ayon sa ginawa nila na nakasulat sa mga aklat na iyon” (Pahayag 20: 11-12).

Ngayon, ano ang ating gagawin - paano tayo mamumuhay? “Kaya huwag kayong mawalan ng pananalig sa Dios, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo” (Hebreo 10:35).


Previous
Previous

Mga Kalayaan at Kababaang Loob kay Cristo

Next
Next

Isang Busilak na Puso