Kapayapaan sa Gitna ng mga Kamalian at Panghihinayang
By: Denise Bowman
“Dahil inaamin ko ang aking mga pagsuway, at lagi kong iniisip ang aking mga kasalanan” (Mga Awit 51:3). Ikaw ba ay naroon ? Tayong lahat, sa ilang pagkakataon ay nakaharap ang ating mga kasalanan, at naramdaman natin ang pagkakasala at kahihiyan na nabigo natin ang Dios, at tayo’y napahiwalay sa Kanya. Ito ay isang nakatatakot na pakiramdam. Tayo ay nananalangin nang taimtim upang mapatawad, nguni’t kung minsan, ay nararamdaman pa natin ang bigat at dalamhati ng ating mga pagkukulang. Paano nating matatagpuan muli ang kapayapaan sa Dios?
Una sa lahat, hindi natin matatagpuan ang kapayapaan hanggang hindi natin itinatapon ang basura. Ginawa ba natin ang lahat ng ating makakaya upang ang pagsisisi ay maging lubos? Kung ang ibang tao ay nasaktan o nagdulot ng pinsala dahil sa ating mga kilos, tayo ba ay humingi ng kapatawaran? Kung tayo ay nahikayat na gumawa ng kasalanan sa pamamagitan ng mga kaibigan o kasama sa trabaho, tayo ba lumayo sa kanila? Kung ang ating mga kasalanan ay nagmula sa internet, social media, o ano mang uri ng libangan, tinanggal ba natin ang pagpapatala, alisin ang mga apps, patayin ang telepono o anumang gamit, at gumawa ng mga bagong gawain upang maging kapaki- pakinabang ang ating oras? Sinabi ni Jesus kung any iyong kamay ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon, at kung ang iyong mga mata ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon… Nguni’t hindi Siya tumigil doon. Si abi Niya “itapon mo ito” (Mateo 18: 8-9). Huwag hayaang ang mga tukso ay malapit sa iyo. Sa Gawa 19, si Pablo ay nagpahayag sa mga tao sa Efeso, at sa Isang pangkat na gumagawa ng mga salamangka. Nang sila ay nagbagong -loob,sila ay nagpasya na sunugin ang kanilang mga aklat sa lansangan upang maiwasan ang dating gawain. Samantalang ako ay hindi katulong sa pag susunog ng mga aklat (sapagkat ako ay isang kawani ng silid-aklatan), bigyan natin ng pagpapahalaga ang pananagutan at sakripisyo ng mga taong ito. Ang mga aklat noong panahon nila ay pinahahalagahan, pambihira, isinulat sa pamamagitan ng kamay, at tunay na mahalaga. Ang mga taong ito ay winasak ang mga bagay na maaaring makapaghiwalay sa kanila kay Jesus. Ginawa ba natin ang magkatulad? Ang ating kapayapaan ay nakasalalay dito.
Pangalawa, hindi tayo magkakaroon ng kapayapaan hanggang hindi nabubuo ang ating pananalig. Kung minsan mahirap na isipin ang pagpapatawad ng Dios — ang ating mga isipan ay nahihirapan na unawain ang napakalakas na awa at habag ng Panginoon. Maaaring kinakaharap natin ang bunga ng ating mga ginawa at ang pangamba ay sumasagi habang tayo ay nakikipaglaban doon. Paano Niya ako mapapatawad? Gaano mang kahirap na isipin iyon, ang katotohanan ay SIYA ay nagpapatawad. Isaalang-alang ang Awit 32:5, “Nguni’t sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa Inyo; hindi ko na ito itinago pa. Sinabi ko nga sa sarili ko, “ Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.” At pinatawad N’yo ako.”” At sa 1 Juan 1:9, “Nguni’t kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya.” Basahin Ang Awit 103: 8-14; ang Dios ay hindi nagsisinungaling (Titus 1:2) at nangako na Siya’y magpapatawad. Tayo ba ay tunay na naniniwala rito? Ito ay praktikal na pagsusuri ng ating pananalig. Isaalang-alang ang Hebreo11. Ang lahat ng binanggit sa “Hall of Faith” ay mga halimbawa ng katapatan, nguni’t sila ay mga katibayan ng napakalaking pagpapatawad ng Dios. Ang bawat isa sa kanila aymay mga kahinaan at mga kasalanan, nguni’t dahil sa kanilangpagsisisi, at awa ng Dios, sila ay nagkamit ng katarungan. SiDavid ay isa paring “lalaking malapit sa puso ng Dios.” Si Pedroay isa pa ring mabuting alagad at pinuno ng iglesya ng Dios. Si Pablo ay isa pa ring tagapaghatid ng mensahe ng Dios sa buong daigdig. Ang Dios ay nagpapatawad. Ang patuloy na pagninilay sa salita ng Dios at ng mga halimbawa at mga pangako, higit na matatagpuan natin ang kapayapaan at pagtitiwala sa pagpapatawad ng Dios.
Sa pagtatanim, hindi natin matara o ang kapayapaan hanggang hindi tayo kumikilos at maging abala. Si Satanas ay nais na hindi tayo kumilos at naupo na lamang sa isang tabi at wala ng gawin,nguni’t isipin natin kung gaano iyon nakasusuklam. Kung wala tayong gagawin, si Satanas ay magtatagumpay na muli ! Ang pagharap sa ating mga kasalanan ay hindi kaşıya-siya. “Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Nguni’t ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay” ( Hebreo 12:11 ). Kailangan nating ipakita ang panibagong pakikipag-isa sa Panginoon sa pagkakaroon ng bunga. Lumahok sa bawat pananambahan — hindi ba napakarami na dapat nating ipagpasalamat? Purihin ang Dios, palakasin ang loob ng kapwa kapatid, at palalakasin din ang loob ninyo. Ang Dios ay ibinigay ang bawat isa sa atin na may dahilan! Nagpadala ng tarheta o mensahe upang magbigay ng kagalakan. Magdala ng pagkain sa mga may karamdaman na hindi nakalalabas ng bahay. Magkusang-loob na maghanda ng mga aralin, o tumulong sa pagtuturo, maglinis ng pook-sambahan, tumulong sa paghahanda ng tinapay at inumin na gagamitin sa pananambahan. Anyayahan ang maybahay ng pastor para sa isang pananghalian. Anyayahan ang iyong tagapag-ayos ng buhok o ang dentista sa pananambahan. Padalhan ng sulat o mensahe ang mga pinuno ng iglesya. Anyayahan ang nga kabataan upang sila’y lubusang makilala. Gayon din ang gawin sa isang may idad o bagong Kristiyano o bagong kasapi ng iglesya. Maraming mga bagay ang magagawa natin araw-araw upang maging abala sa paglilingkod tulad ni Jesus, at ang mga ito ang maglalayo sa atin sa diablo upang hindi siya makalapit saatin. Mayroong napakalaking kapayapaan sa paglilingkod sa Panginoon sapagkat alam natin “ na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa Kanya” ( 1 Corinto 15:58 ).
Alisin ang basura. Palakasin ang pananampalataya. Tumayo at maging abala. At magpasalamat sa Dios sa kapayapaan na ipinagkaloob sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Hindi ba kahanga-hanga na tayo’y ma pupunta sa kalangitan, at tayo’y pagkakalooban ng dalisay, walang-hanggang kapayapaan? Salamat sa pagpapatawad ng Dios at tayo’y makahaharap ng may pagtitiwala !
“Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios. Sa pamamagitan ni Jesus at dahil sa ating pananampalataya, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng Dios at nagagalak tayo sa ating pag-asa na makababahagi tayo kadakilaan ng Dios” ( Roma 5:1-2 ).