Pagtuklas ng Kapayapaan sa Buhay na Itinatag saPanghihinayang

Noong aking kabataan, ako ay hindi naging tagahanga ng paaralan. Ito ay isang bagay na likas sa akin, at ang bunga, ito ay nakababagot… lalo na ang matematika. Ang kabaliktaran na ako ay naging guro sa mataas na paaralan na puno ng mga mag- aaral na hindi rin tagahanga ng paaralan ay hindi naiiba sa akin.

Bagaman ang mga klase ay hindi naman kahanga-hanga, ako ay nagkaroon ng pagnanais sa pag-aaral ng sina-unang kabihasanan. Anong imahinasyon ang hindi maaantig sa mga kuwento ng mga sumpa ng Paraon, ang mga mandirigma ng Grecia, at ang hiwaga ng mga nawalang siyudad? Sa maikling panahon,nais ko ring mag-aral ng mga bagay-bagay na ukol sa lumang panahon (archaeology), at binasa ko ang lahat na may kaugnayan sa sina-unang daigdig.

Bagaman hindi ako naging tagapag-tuklas (archaeologist), ako ay nagkaroon ng mainam na kapalaran at kasiyahan sa paglalakbay sa mga lugar kung saan ang sina-unang kabihasnan ay nahukay na aking pinangarap noong ako ay nasa ika-5 antas ng paaralan. Ang makikita mo sa mga lugar na iyon ay ang bawat kalinangan o sibilisasyon ay nagbibigay ng daan sa susunod, ang mga bagong bagay ay itinatayo mula sa mga nabasag ng mga lumang bagay, at ang proseso ng paghuhukay ay malimit na mas malalim upang mahukay ang mga guho ng maraming pundasyon ng mga siyudad na itinayo ng mga taong nakalimutan na. Ito ang buong sinabi ni Solomon sa Ecclesiastes na isang henerasyon ang magtatayo at susunod ang isang henerasyon na wawasakin ang itinayo upang magtayo ng panibago.

Halimbawa, ako ay naninirahan sa isang lugar na dating bahagi ng kaharian ng Roma. Nang ang Roma ay bumagsak, ang lahat ng mga bantayog at malalaking gusali ay nagkabasag-basag, habang ang Europa ay bumagsak dahil sa digmaan ng mga angkan, ang bawat grupo ay inaangkin ang lupain at mga materyales na kanilang makukuha habang ang kapangyarihan ay nawala sa pagbagsak nito. Makikita mo ang mga palatandaan ng Roma - isang pintuan, isang pader, o isang basag na istatwa, nguni’t sa malaking bahagi, na ang minsang mapagmataas na kaharian ay nalibing sa mga lupa ng makabagong siyudad.

Ngayon, marahil ikaw ay nag-iisip. Ano ang kaugnayan nito sa buhay na may panghihinayang? Ito ay tunay na katanungan. Sa isang klase ng mga kababaihan na nag-aaral ng Biblia, kami ay nag-aaral tungkol sa panalangin. Bilang bahagi ng pag-aaral, ang isa sa mga babae ay iminungkahi ang aklat ni Tyler Staton, Praying Like Monks, Living Like Fools. Bilang pagbubulaan, nais kong sabihin na mayroong mga paksa na hindi ako sang-ayon, nguni’t sa isang kabanata, ay tinalakay niya ang panalangin para sa kapatawaran ng kasalanan, at inihalimbawa niya ang pagtuklas ng ating mga kasalanan sa paghuhukay ng mga guho.

Ito ang nagbigay sa aking sarili na isang espirituwal na paghuhukay. Ang isang itinayo mula sa mga guho ng isang luma. Ang bawat salin ng aking sarili, sa ibang paraan, bago at malaya, oo, nguni’t itinatag mula sa lumang paraan. Hindi tulad ng mga nakalimutang kabihasnan sa ilalim ng mga lumang siyudad, ay hindi ko nakalimutan ang dating sarili…Ang lahat ng salin ng aking sarili, bagamat patay na sa ibang paraan, ay buhay pa rin sa aking isipan.

Ako ay isang malaking kabiguan. Masasabi kong “Sa aking kabataan”, nguni’t hindi ko alam kung saan ang paglalarawang iyon ay magwawakas. Ang aking kabataan, idad 20, 30, ay ginugol ko nang buong-buo sa maka-sariling pagka-akit sa mundo. Nilustay ko ang maraming panahon at mga pagkakataonsapagkat ako ay puno ng pagiging makasarili na iniisip na kahit sino, kabilang ang Dios, ay alam o magagawa ang higit kaysa aking sarili. Ginawa ko ang nais ko, sinabi ko ang nais ko, pumunta kung saan nais ko… ang lahat ay para sa sarili ko. Sa pagbabalik- tanaw ngayon, at buong katapatan, ang taong iyon ay nagbibigay ng sakit sa akin. Nguni’t ako ang taong iyon, sa antas ng aking sanligan…sa ilalim ng maraming pagbabago… ako ang taong iyon. Higit na masama, kaysa kapaki-pakinabang, iniisip ko na marahil, ako ay nakagawa ng pinsala sa kaharian. At hindi ko na mababago iyon.

Ako ay nakagawa ng mga pagpapasya na nagbunga sa aking buhay at sa buhay ng aking anak. Kahit na sa susunod na antas ng pagtatayo, ang ilang lumang bahagi ay nakikita pa rin sa bagong antas. Hindi natin maiiwan ang lahat at magsimulang muli sa isang malinis na buhay.

Si David ay isang tauhan, na sa karamihan, ay mahirap na bigyan ng katarungan, “na isang lalaki na malapit sa puso ng Dios.” Siya ay sinungaling, isang naki-apid, marahil isang nanggahasa, sang- ayon sa nabasa nating kuwento ni Bathsheba, at isang mamamatay-tao. Paano ang taong iyon ay naging malapit sa puso ng Dios? Ito ay mahirap, at hindi ako magkukunwari na mayroon akong tumpak na tugon. Nguni’t ang nakikita natin kay David ay ang tapat na hangarin na magbago. Sa kanyang mga awit, nakita natin ang isang kaluluwa na inihahayag ang sarili sa Dios. Si David ay nanalangin sa Dios na hanapin siya at ang kanyang mga kasalanan. Dumalangin siya sa Dios na balıin ang kanyang mga buto at linisin ang kanyang utak . Sinabi niya na ang paghuhukay ng kasalanan sa kanyang buhay ay magiging masakit - nakakahiya na ang ating mga pagkukulang ay mahahayag. Gayunman, sinabi ni David na matatagpuan niya ang kagalakan at kapayapaan sa pagbali ng kanyang mga buto sapagkat ang sakit ay mag babalık sa atin sa tumpak na pakikipag-ugnayan sa Dios. At İYON lamang ang lugar na naroon ang kapayapaan. Nais mo bang harapin ang iyong mga malingpagpapasya at magkaroon ng kapayapaan? At ngayon, ang unang hakbang na dapat gawin ay aminin ang mga nagawa…at kung sino tayo.

Kailangan nating hukayin nang malalim ang kasalanan na naging bahagi ng ating mga buhay upang makipag- ayos sa mga iyon. Kung ito ay pagtatakpan lang natin, ang ating pagbabago ay hindi buo. Paano tayo magbabago kung hindi natin kikilalanin ang ating kabuuan? Kailangan nating ihayag ang ating sarili - at ito ay nakakahiya at masakit - at malimit ay malungkot. Paano tayo makakakita ng kagalakan sa ating bagong kalayaan kung hindi natin pananagutan ang kaguluhan na ating ginawa?

At alam ko ang tungkol dito. Ako ay nagtago sa maraming taon, nagbalat-kayo na isang bago, isang kapaki-pakinabang, nguni’t hindi tunay na nagbago. Noon lamang na ako ay naging isang ina na naisip ko ako ay isang mapag-pakunwari. Hindi ko masasabi nang tuwiran kung ano ang nangyari, nguni’t nagkaroon ng pagpapalit ng ibang pananaw. Alam ko na hindi ko malilinlang ang aking anak, at alam ko na hindi ko malilinlang ang Dios. Mamimili ako sa dalawa, ayusin ang aking sarili, o ibagsak ang gawain nang lubos. Hindi madali kung ikaw ay magsisimula ng pagbabago. Hindi lamang sa pagharap sa kasalanan at pagsisisi, kundi ang mga nasa paligid natin na ayaw makita ang bagong siyudad. Ang aking pagbabago ay nagbigay ng alitan o pagtatalo sa aming tahanan, nguni’t alam ko na ito’y mahalaga. Kaya ako ay nagpatuloy, nagsikap na muling pag-aralan ang Dios - ang Kanyang batas, ang Kanyang katauhan, ang Kanyang kalikasan.

Upang ang bago ay lumitaw, ang luma ay kailangang ilibing, sa abot ng ating makakaya. Tulad ni David, kailangan nating ihantad ang ating sarili sa Dios - hindi para sa Kanyang kapakanan, kilala na Niya tayo. Kailangan kong kilalanin ang aking mga kasalanan, na hindi na dapat bigyan pa ng ibang kahulugan. Kailangan nating maging marahas. Ito ang likas na pagpapagamot na ipinahayag ni Jesus sa Sermon sa Bundok. Ang pagputol saating kamay o ang pagbulag sa ating mata ay mainam kaysa ipag walang-bahala ang ating mga kasalanan.

Ito ay hindi dagliang paraan, at ang kapaguran ng pag-ayos ng ating buhay at mga pasya ay maghahatid ng kawalang pag-asa. Kung hindi tayo magiging maingat, ang ating mga lumang kasalanan ay magiging katuwiran upang tumigil sa pagbabago. “ Ako ay lubha nang masama, kaya hindi na ako gagamitin ng Dios” ay isa lamang na nakatutuksong dahilan na hindi gawin ang isang mahirap na gawain. Ang totoo, iniisip ko minsan na ang mga kapahamakan sa aking buhay ay ang mga bagay na ako ay naging kapaki-pakinabang. Tingnan natin ang mga halimbawa na mga tauhan sa Biblia na mga may kapintasan na pinayagan ang sarili na magamit - si Judah, Samson, at Jonah na ating maiisip. Ang 12 lalaki na pinili ni Jesus ay nagtalo tungkol sa kadakilaan at Siya ay iniwan sa krus. Hinuhulaan ko na sila ay hindi maipag-mamalaki ang kanilang sarili. Nguni’t sila ay hindi tumigil; sila ay nanatili at ginawa ang mahirap na gawain ng pagbabago, at tayo ay dapat na gayon din.

Ikaw ba ay may panghihinayang? Oo, ako man . Ikaw ba ay gumawa ng magulong bagay at nakasakit ng ibang tao sa pamamagitan ng iyong salita at kilos? Ako ay gayon din. Ikaw ba ay nahihiya na makita ng ibang tao na kilala ang iyong dating pagkatao, nguni’t hindi nila alam na ikaw ay nagbago na? Ito ay nauunawaan ko.

Samantalang naaalala natin, ang Dios ay kinakalimutan… kahanga-hanga! Siya ay nagpapatawad, kinakalimutan, at nakikita ang ating kapakinabangan kung papayagan natin Siya. Ang tungkol sa ating sarili ay hindi ang Dios ay pinalalagpas ang ating mga dating kamalian ; ang tungkol doon ay tayo ang hindi nakakalimot… lalo na kung tayo ay nabubuhay sa mga bunga niyon. Tayo ay lumalakad lamang sa paligid ng iniwang lumang siyudad - dinadalaw ang mga guho ng ating dating sarili at nag- iisip kung paano makaka-ahon. Si Pablo ay alam ang tungkol sapanghihinayang, nguni’t sinabi niya na siya ay nagpapatuloy sa pagsulong, iniwan ang mga bagay na nakalipas. Ito ay kabilang ang mga kasalanan at mga tagumpay, hindi tayo dapat na maging bihag ng nakaraan, hindi rin tayo mananatili sa ating karangalan.

Ang Mabuting Balita ng ebanghelyo ay hindi tayo dapat na mabuhay sa inilibing na siyudad. Hindi dapat na dalawin o tumingin man dito. Tayo ay mabubuhay sa ibabaw ng lupa, hindi nakakulong sa mga guho ng ating lumang buhay. Iwan ang lumang pagkatao - isuot ang bagong pagkatao. Ang tanikala ng kasalanan ay nalagot na- isipin ang larawan ng pagtatayong muli — pagbabago!

Ang pundasyon ng ating lumang katauhan ay nasa ilalim na… nasa likuran na…nguni’t kailangang iwan sila doon. Wala ng puwang upang tumingin sa nakaraan. Kailangan nating mag-aral na muli,na magbibigay ng awa at pagpapasensya at tayo’y magiging maawain at magiging mabuti, at ŞAKA lang tayo magkakaroon ng kapayapaan… tunay na kapayapaan… hindi dahil ang ating buhay ay wagas o alam na natin ang mangyayari, kundi dahil makikita natin kung paano maging kapaki-pakinabang sa Dios, at sa ating pakikipag-ugnayan sa Kanya, matatagpuan natin ang kapayapaan.

Hindi ko na maaayos ang mga bagay na aking ginawa o sinabi. Ako ay makahihingi ng paumanhin, nguni’t ang mga ito ay naroon pa rin. Nasaktan ko ang mga nasaktan, at ang kasiraan na aking nagawa ay nangyari na. Ako ang may kasalanan. Hindi ko ito ibinibintang sa ibang tao. İyon ang aking lumang siyudad na ako ang nagtayo. Ako ay nagpapasalamat na ito’y nailibing na, at hindi na ako naninirahan doon. Sisikapin ko na hindi na dalawin ito ng malimit, kung ito ay magiging paalala kung sino ako kung wala ang Dios. Ang ilan sa mga dating pagpapasya ay bahagi pa rin ng kasalukuyang tanawin, nguni’t ako ay nagsisikap na harapin sila, makita sila na mga aral at pagkakataon na ayusin,maunawaan na ang bagong siyudad ay hindi pa tuluyang natatapos.

Iniisip ko noon na habang ako’y nagkaka-idad, ang espirituwal na paglago ay mangyayari, at ang pagbabago ay magiging buo. Ngayon na ako ay 60 taong gulang na…ay nakita ko na ang kuro-kurong iyo ay walang katuwiran. Nais kong isipin na ako ay may sapat na gulang na sa espiritu, at sa pananaw ng idad, nakikita ko ang mahabang hakbang ng pagbabago. Ako ay umaasa na sa pagsapit ko ng 80 taon, kung ako ay buhay pa, na ako ay magkakaroon ng panibagong antas ng pagtatayo at ang aking kasalukuyang sarili ay isa na lamang inilibing na guho, hindi nakakalimutan, nguni’t isa lang na pundasyon ng isang malapit sa Dios, higit na nagmamahal sa kapwa, patuloy sa paglilingkod sa kaharian, at may kapayapaan… hindi lamang sa dating katauhan ng sarili, nguni’t higit na mahalaga, may kapayapaan sa aking Dios.


Next
Next

Kapayapaan sa Gitna ng mga Kamalian at Panghihinayang