Natagpuang Kapayapaan sa Gitna ng mga Kamalian at Panghihinayang
By : Sonja H. Winburn
Ano ang nagtulak kay Judas at Pedro na kumilos ng magkaiba nang tumugon sa magkatulad na mga kasalanan? Sa pagsusuri ng mga halimbawa ng tagumpay at kabiguan ng mga tauhan ng Biblia ay tumutulong sa pagbibigay ng patutunguhan. Kung nais nating matagpuan ang kapayapaan sa Dios dahil sa ating pagsuway, kailangan nating maunawaan ang mga pamamaraan ng Dios para sa pagpapanibago na ipinaliwanag sa Kanyang Salita.
Kung tayo’y nagkakasala, tayo ba ay may takot, nababalisa, at nanghihinayang, o may kapayapaan ba tayo sa Dios? Ang tugon ay nakasalalay sa ating pananaw sa Dios ng pagtingin Niya sa atin. Kailangan nating abutin ang katotohanan na ang Dios ay totoo at tinitingnan ang bawat isa sa atin, at Siya ay may pag-aalala sa ating kapakanan ( Hebreo 11:6 )! Totoo, ang pananalig na nananatili ay nagsisimula rito.
Ang susunod, ang bawat isa sa atin ay kailangang makita ang pansariling pakikipaglaban kay Satanas. Siya ay nagsisinungaling upang lituhin tayo. Si Jesus at si Satanas ay nais na makuha ang ating mga isipan! Samantalang si Satanas ay gumagawa laban sa atin, ang Dios ay gumagawa kasama natin at para sa atin. Ang isang pipiliin natin na pakinggan ang huhubog at gagamitin tayo para sa kanyang pakay. Alalahanin na si Satanas ay tunay! Kailangan nating makilala ang kanyang mga patibong at tanggihan siya. Siya ay tulad ng isang umaatungal na leon na naghahanap ng mga kaluluwa na malalapa. Sa maraming panahon, tayong lahat ay mahuhuli ng kanyang pandaraya.
Bigyan natin ng pansin kung paanong si Jesus ay hinarap si Pedro na parang si Satanas. Sa pakikipag-usap kay Pedro sa Marcos 8: 31-33, ipinahayag ni Pedro, “Kayo po ang Cristo” at naging pangahas na pagwikaan si Jesus pagkatapos ng pagtuturo na Siya’y mamamatay at muling mabubuhay. Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Lumayo ka sa Akin Satanas!” Ano ang dahilan ng mabalasik na pagsasalita?
Ang nais ni Pedro ay naaayon sa kung ano ang nais niya kay Jesus sa pisikal na pag-iisip. Ang turo ni Jesus tungkol sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay hindi naaayon sa payak na pang-unawa at nais ni Pedro sa tunay na layunin. Ang iniisip niya ay mga bagay na para sa tao. Ang lakas ng kapang- yarihan ni Jesus ay bumaling sa kapangyarihan ni Satanas at si Satanas ay ginamit iyon upang salakayin si Jesus.
Si Satanas ay sinasala rin tayo tulad ng pagsasala ng trigo kung tayo ay nasa mahirap o nakapapagod na mga pangyayari kung saan ang damdamin ay mataas at ang mga kamalian ay maaaring magawa. Sa Lucas 22: 31-32, sinabi ng Panginoon, “Şimon, makinig kang mabuti ! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Dios na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Nguni’t nanalangin Ako para sa iyo na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik- loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.” Pansinin na ang “pagsasala sa trigo” ay inaalis ang maliliit na bato at mga walang pakinabang na basura upang makuha ang dalisay na buto ng trigo.
Si Pedro ay ipinagkanulo si Jesus at kailangan niyang bumalik kay Jesus upang maging kapaki-pakinabang na muli sa kanyang kapwa manggagawa. Sa Juan 21: 14-16, si Jesus ay tinanong si Pedro ng 3 ulit kung minamahal niya Siya. Sinabi ni Jesus kay Pedro na alagaan ang Kanyang mga tupa. Si Pedro ay kailangang bumalik kay Jesus pagkatapos niyang ipagkanulo angPanginoon. Kung si Satanas ay makuha tayo, kailangan din nating bumalik na muli upang humingi ng kapatawaran at muling maging kapaki-pakinabang.
Ngayon ay pumunta naman tayo kay Judas. Noong huling hapunan, ang mga alagad ay nagtanong kung sino ang magkakanulo kay Jesus. Alalahanin ang Juan 13: 26-27, kung saan sinabi ni Jesus :
“Kung sino ang bibigyan Ko ng tinapay na isasawsaw Ko, siya iyon. Kaya kumuha si Jesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscareote. Nang matanggap ni Judas ang tinapay, pumasok sa kanya si Satanas. Sinabi ni Jesus sa kanya, Gawin mo na agad ang gagawin mo.”
Ang pangungusap ay nagbigay kay Judas na lisanin ang hapunan at ipinagkanulo si Jesus, samantalang ang iba ay hindi napansin ang tugon. Nakita nila at napakinggan si Jesus, nguni’t ang kanilang akala kay Judas ay ito ay mapagkakatiwalaan. Siya ay matagumpay na naitago ang tunay na pagkatao bilang magnanakaw sa mga kasamang alagad.
Alam natin na si Judas ay isang magnanakaw sapagkat ito ay Inilantad ni Juan sa ika-12 kabanata ng ebanghelyo. Ito ay noong si Maria ay binuhusan ng mamahaling langis ang paa ni Jesus at si Judas ay tinuligsa ang ginawa ni Maria, sinabi na ang salapi na ibinili ng langis ay ibinigay na lamang para sa mga mahihirap. Si Maria ay nagpapasalamat kay Jesus at isinasaalang-alang ang mga bagay para sa Dios. Si Judas ay masama ang loob sapagkat hindi niya malulustay ang salapi na ibinili ng langis. Itinago niya ang kanyang buong pagkatao sa likod ng pangungusap na parang siya ay dakila.
Ang dalawa ni Pedro at Judas ay may magtulad na mga kasalanan. Si Judas ay ipinagkanulo si Jesus dahil sa salapi, at siPedro ay ipinagkanulo si Jesus ng 3 ulit. Silang dalawa ay nakagawa ng mga kamalian at sila’y kapwa nagsisi. Ang pagkaka-iba nilang dalawa ay kung paano ang bawat isa ay tumugon sa kanilang pagdadalamhati. Si Judas ay pinili ang permanenteng paglutas sa isa lamang pansamantalang suliranin at nagbigti sa sarili. Ang kanyang pananalig at pang-unawa ay mahina. Si Pedro ay nagpakumbaba na nagsisi at naging haligi ng iglesya.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao ng Dios at ng mga tao sa mundo ay hindi ang kasalanan. Ang dalawang uri ay mayroon nito, nguni’t ang tao ng Dios ay may naiibang tugon sa kasalanan na naiiba sa mga tao sa mundo.
Ngayon, ano ang nagbigay ng dahilan sa tugon na kanilang ginawa? Mayroon lamang na kaunting masasabi tungkol kay Judas hanggang sa huling linggo bago ang kamatayan ni Jesus. Ang salaysay ni Juan tungkol sa kilos ni Judas sa ginawa ni Maria na pagbubuhos ng langis sa paa ni Jesus ay doon lang nakita ang tunay na katauhan ni Judas. Nakita niya ang mga himala at narinig ang parehong turo tulad ni Pedro.
Maraming mga pagtalakay ang naibigay sa atin tungkol kay Pedro. Ang salaysay ay ipinahayag na siya ay kaisa sa mga bagay na nakita at narinig. Ang kanyang isipan ay laging bukas, na laging pabigla-bigla. Siya ay gumagawa at nagsasalita bago nag- iisip. Nguni’t ang pagiging bukas ay maaaring maging mabuti. Makikilala kung ano ang tao at ano ang iniisip nila. Sila ay maaaring iwasto sapagkat hindi nila itinatago ang kanilang katauhan.
Si Judas ay hindi bukas ang pagkatao. Siya ay mandaraya. Ipinakita niya ang isang bagay nguni’t ang kalooban ay naiiba. Siya ay may dalawang kaisipan. Naitago niya ang pagmamahal sa salapi. Maaaring naipakita niya na siya’y kagalang-galang at mapagkakatiwalaan, o hindi ibibigay sa kanya ang pamamahalatungkol sa salapi. Siya ay umayon sa kanyang kilos at salita nguni’t hindi lumayo sa pang-unawa o pansariling pagbabago tulad ni Pedro.
Si Pedro ay nagtiwala kay Jesus. Nais niyang gawin ang tumpak. Sa Juan 6: 67-68, tinanong ni Jesus ang mga alagad kung sila ba ay lilisan din at iiwan Siya. Ang tugon ni Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang-hanggan.” Si Pedro ay lumakad sa ibabaw ng tubig, habang ang mga mata ay nakatuon kay Jesus ( Mateo 14:29 ). Siya ay nabahala nang ang takot ay pumasok sa kanyang isipan. Gayunman, sinabi niya kay Jesus na iligtas siya at siya ay naniwala na siya’y ililigtas.
Nakita natin ang nagbagong puso ni Pedro na tinalakay sa Juan 21:7-9: “ Sinabi kay Pedro ng tagasunod na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Pedro, isinuot niya ang kanyang damit na hinubad niya, tumalon sa tubig, at lumangoy patungo sa dalampasigan.” Ito ay pagkatapos ng kanyang pagsisisi, at bago ang pag-akyat sa langit ni Jesus. Nakita ang kababaang-loob at pasasalamat ni Pedro. Pabigla- bigla pa rin, siya ay buong-sigla na nakita ang Panginoon at lubos na nagpasalamat sa Kanya at sa Kanyang sakripisyo na siya ay mabilis na lumapit!
Sa kabalintunaan, si Judas ay hindi panatag. Hindi siya nagtiwala sa Dios na siya’y pangangalagaan. Siya ay nagtiwala sa salapi at sa mga pinuno ng Judio. Si Judas ay sakim, maka- sarili, at nag-aalala lamang na mawala ang paggalang ng iba. Ang tanging paraan na makabawi mula sa ganitong mga kapintasan ng pagkatao at puso ay buong pagpapakumbabang magsisi, magbago, at magpatuloy sa pagbabago. Ang pagtatago at pagbibigay ng mga dahilan sa ating mga kamalian ay higit na magiging masama.
Si Judas ay hindi pinili ang kailangang panloob na gawain upang tunay na magsisi, nguni’t si Pedro ay patuloy na pinalakas ang pananalig. Si Pedro ay patuloy na binibigyan ng pansin ang kanyang pananalig. Lumalago ang kanyang pang-unawa at katuwiran. Siya ay maayos na tumutugon sa disiplina. Ang kanyang pagkatao ay hindi nagbago habang kasama niya si Jesus. Sa halip, siya ay nagbago dahan-dahan. Alam niya na ang tugon sa mga suliranin sa buhay ay nagmumula sa Dios, at alam niya na kailangang pumunta kay Jesus upang magbago.
Sa Awit 32: 3-5, ipinahayag ni David kung ano ang nararamdaman ng isang pusong nagsisisi :
Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan, buong araw ako’y nanlulumo at nanghihina ang aking katawan.
Araw gabi, hirap na hirap ako dahil sa tindi ng Inyong pagdisiplina sa akin.
Nawalan na ako ng lakas, tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw.
Nguni’t sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa Inyo; hindi ko na ito itinago pa.
Sinabi ko nga sa sarili ko,”Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.”
At pinatawad N’yo ako.
Bagaman siya ay naghirap dahil sa bunga ng kanyang mga kasalanan sa kanyang buong buhay, si David ay pinatawad. Ang lakas ng kanyang kapangyarihan at mga suliranin sa kanyang mga kaibigan at pamilya bilang Hari ay nabawasan. Gayunman,siya ay nagkaroon ng kapayapaan sa Panginoon, at nagsulat ng maraming mga Awit o Salmo, at sa pagpapahayag ng kanyang puso, binigyan niya tayo ng lakas ng loob ! Mayroon tayong magkatulad na pagkakataon na matuto at tumanggap ng kaligtasan. Tanggapin natin ito. Ito ang magkakaloob sa atin namaging mapagpakumbaba at hindi makasarili. Ito ay nangyari kay David.
Alalahanin, ang Dios ay ginagamit ang lahat ng nagbagong mga kaluluwa para sa Kanyang layunin. Si Pablo ay tunay na halimbawa nito. Lagi niyang ginagawa ang nais lamang ng Dios sa pamamagitan ng malinis na budhi. At kung siya’y nagkakamali, tinitiyak ng Dios na matututunan niya nang lubos ang katotohanan. Gayunman, siya ay namuhay din sa bunga ng kanyang mga pagkakamali.
Ang aral na ating natutunan dahil sa ating mga kasalanan ay ang mapagpakumbabang paghingi ng kapatawaran. Ang paraan upang tayo’y makalapit sa Dios at magbago ng katauhan ay ang tuloy-tuloy na pag-aaral at pagninilay sa mga turo sa Biblia. Ang bawat isa ay dapat na pakinggan ang Dios at mag- ingat sa mga patibong ni Satanas. Kailangan nating piliin na hindi pahalagahan ang sarili at maglingkod na walang pagdaramot. Ang bawat isa ay dapat na magtiwala sa mga panagko ng Dios at hindi sa mga makalupang bagay ng mundo. Ang pagtitiwala sa Dios ay kailangan upang mapalitan ang takot at makalupang hangarin. Kailangan nating tumakbo papalapit kay Jesus at lumayo kay Satanas !