Ang Pagka-awa Tulad ni Jesus

Datapuwa’t nang makita Niya ang mga karamihan, ay nahabag Siya sa kanila, sapagkat pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastol. Nang magkagayo’y sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kanyang aanihin. (Mateo 9: 36-38).

Ang pangungusap na ito ay malimit na nagbibigay ng mabigat na damdamin sa akin - mga damdamin ng mapitagang pagkatakot, ng kakulangan, at kung minsan ay pangamba. Ang mapitagang pagkatakot, kung isasaalang-alang ang awa na malimit na ipinapakita ni Jesus. Ang kakulangan, sapagkat alam ko na ako ay hindi namumuhay ayon sa pamantayan. Pangamba, sa aking pagkaka-alam na ang aking puso ay naging matigas sa mga pagod at salantang daigdig sa paligid ko.

Sa karagdagan ng mga damdaming ito, ako ay nagtataka kung ano ang pagkaka-iba ng awa (compassion), pakikiramay (sympathy), at pakiki-isa (empathy). Ang pakikiramay ay nangangahulugan ng “damdamin ng pakikibahagi ng kalungkutan sa isang dumaranas ng kasawian.” Ang pakiki-isa ay nangangahulugan ng “kakayahan na maunawaan at maki- bahagi sa damdamin ng isang tao. At ang ikatlo, ang awa, ay nangangahulugan ng “kakayahan na magtiis na magkasama.” Ang kahulugan ng awa sa salitang Griego na ginamit sa Mateo 9 ay “pagka-awa sa kaibuturan ng kanyang kalooban.” Ito ay may tunog na di-karaniwan, nguni’t ang kaibuturan ay itinuturing naluklukan ng pag-ibig at habag, at ito at katulad ng paggamit natin ng salitang puso na inilalarawan ang pag-ibig at damdamin.

Ang kahulugan ng mga salitang ito ay nagbibigay ng pagkakahawig sa bawat isa; ang pakikiramay ay damdamin ng habag o kalungkutan para sa isang tao. Ang pakiki-isa ay damdamin na inilalagay natin ang ating sarili sa nararanasan ng isang tao. At ang awa ay hinihimok tayo na makisalo sa paghihirap ng isang tao.

Gusto ko ang pagbabasa, na makikita sa aking mga lathalain, at nakakita ako ng mga pananaliksik na pinag-uusapan kung paano ang pagbabasa ng mga kathang-isip (fiction) ay nakapag- daragdag ng pakikipag-kaisa. Ang totoo, ang mga kuwento ng kathang-isip ay malimit na kasama sa malalaking pagbabago ng lipunan. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ito ay totoo sapagkat mahirap na magkaroon ng mga damdaming ito kung wala ang kakayahan na makita ang mundo sa pamamagitan ng paningin ng ibang tao. Ang mga kuwento ay magbibigay sa atin ng kakayahan na makita ang kanilang paghihirap mula sa sariling pananaw. Gayunman, si Jesus ay kayang tingnan ang tao at alam ang kanilang kuwento ng paghihirap.

Sa ika-2 bahagi ng Mateo 9:36, si Jesus ay nagsabi sa Kanyang mga alagad na ang aanihin ay napakalaki, nguni’t ang mga mag- aani ay kakaunti. Ako ay naninirahan sa Kansas, na kilala bilang “breadbasket” ng bansa. Ako ay dumaraan sa maraming bukirin ng trigo (mais, soybeans o milo). Ang totoo, ako ay naninirahan sa lugar kung saan ako ay nakapaglalakad sa mga bukirin na pinagtataniman tuwing tag-araw. Malimit kong pinagmamasdan ang mga tanim at iniisip kung gaano kalaki ang gawain ng pag- aani kung wala ang mga makabagong makinarya. Ang mga alagad ni Jesus ay nauunawaan ito, sapagkat sila ay naninirahan sa lipunan ng mga magsasaka.

Malimit kong marinig ang salaysay na ito na itinuturo sa paksa ngpagpapahayag ng Ebanghelyo, at upang maging maliwanag, ito ang inaalala ni Jesus - ang espirituwal na kalagayan ng bawat tao na Kanyang nakasasalamuha. Gayunman, Siya ay nagpagaling ng mga may karamdaman, hinipo sila at nagpakain. Si Jesus ay isang halimbawa sa atin kung paano ilagay ang ating sarili sa isang taong may pansariling karamdaman na ang hangarin ay matulungan sila sa kanilang espirituwal na paghihirap.

Ngayon ay mayroon ng halos 8 bilyong tao sa daigdig. Noong 2023, mayroon lamang 1/3 na mga mamamayan ang nagsasabing sila’y Kristiyano. Ang aanihin ay lubhang napakalaki.

Tayo ay matutukso na makaramdan ng hindi maipaliwanag na damdamin kung paano magsisimula sa pag-aani; gayunman, si Jesus ay nag-iwan ng halimbawa para dito. Naunawaan Niya ang kapangyarihan ng pagpaparami. Ang 12 lalaki na kasama Niya tuwina ay ibinabahagi ang Mabuting Balita sa mga nakapaligid sa kanila. Sa pamumuhay na may awa sa ating maliit na mundo ay makapaghihikayat sa mga tao, na makapaghihikayat din sa iba. Tayong lahat ay may bahagi na dapat gampanan, at hindi lahat sa atin ay tinawag tulad ni Pablo na nakapaglalakbay at nakapag-hihikayat nang malawak. Kailangan din nating maranasan ang paghihirap ng iba at ipaalam na mahal din natin sila. Sa pamamagitan ng pakiki-isa sa kanila, tayo ay magiging tunay na tagasunod ni Jesus sa pamamagitan ng pagkilos tulad Niya upang magkaroon ng ugnayan na ituro sa iba ang isang tunay na makakatulong - walang iba kundi ang Dios.

Kung ako ay magiging tapat, ako ay malimit na nasa sariling mundo ng pagkabahala at pag-aalala na ako ay hindi na tumitingin at hindi nakikita ang aanihin. Ako ay walang damdamin na makibahagi o maramdaman sila sa kaibuturan ng aking puso. Tinitingnan ko ang aking mga pagsubok na pinakamahirap, o kaya ay higit na dapat bigyan ng pansin,at hindi ko nakikilala na ang aking pansin ay nakatuon sa maling suliranin ng aking buhay - ang makamundong suliranin, hindi ang pang espirituwal. Hindiko sinundan si Jesus at sa iba ibinilang ang pansin. Ito ay naghatid sa kawalan ng awa at walang pag-aani. Ako ay walang paki- alam sa lahat ng maling dahilan.

Ang lunas sa akin ay magbalik sa salaysay upang itayong muli ang pakikipag-isa. Ang pinaka-makapangyarihang kuwento sa lahat- at hindi ito kathang-isip. Ito ay kuwento ng Dios na nag- katawang-tao at namuhay sa daigdig upang ipakita sa Kanyang mga nilalang ang mga suliranin sa kanilang pananaw. Ang kuwento ng Dios na nagpakain, nagpagaling ng mga may karamdaman, nagmahal, at magturo sa mga nasa paligid Niya na ang layunin ay makapiling sila magpakailanman. Ang kuwento ng Dios na namatay para sa Akin. Ang kuwento na nagbibigay sa akin na sumunod sa Kanyang mga yapak at mamuhay na tulad Niya araw-araw. Ang kuwento na humihikayat at nag tutulak na makita ko ang iba tulad ng nakikita Niya. Ang aking panalangin na sa aking paglalakad na papalapit kay Jesus, ako ay magnilay sa Kanyang awa sa aking buhay nang higit araw-araw. Ang aking panalangin ay katulad din ng para sa inyo.


Previous
Previous

Ang Pagkaawa sa Madla

Next
Next

Pagsusuri sa mga Kababaihan