Ang Halaga ng Pagiging Tagasunod

By : Nicky McCall

Ang kasaysayan ay napagmasdaan ang mga natupad na gawainng mga bantog na tauhan, na  dahil sa lakas ng kanilang katauhan at kakayahan, ay umakit sa maraming tagasunod na kanilang ipinaglalaban. Si Alexander the Great, ang batang heneral ng sandatahang lakas, ay pinangunahan ang kawan ng sinanay na 50,000 kawal. Ang pagpili ay mahigpit at ang karapat- dapat lamang na mga lalaki ang pinahihintulutan na sumapi sa kanyang kawan. Si Plato, ang tanyag na pilosopo ng Grecia, ay itinatatag ang isang paaralan sa Athens, na kilala bilang Academy, at naging lugar para sa matalinong pagtatalakayan, pagsasanay, at gawaing pang-relihiyon. Ang bantog na paraan ng pagpintura ni Leonardo da Vinci ay ginamit ng mga estudyante na kilala bilang Leonardeschi, na ang mga ginawa ay nagpapakita ng kanyang inpluwensiya.

Ang ideya ng pagiging tagasunod ay hindi paksa na para lamang sa mga tagasunod ni Cristo. Ang salita ay nagmula sa Latin na “discipulus” na ang kahulugan ay mag-aaral. Sa kabuuan nito, ang pagiging tagasunod ay ang kalagayan ng isang mag-aaral sa mga turo at paraan ng pamumuhay na nais na maging pinuno, at ito ay malimit na may halaga. Ang mga Gnostics, Nazarites, Stoics, Buddhists, Monks, at maging ang mga manlalaro sa Olympic,at Navy Seals ay sumailalim sa malawak na pangangailangan sa kanilang panahon, katawan, at isipan. Ang pansariling sakripisyo ay mga paraan upang makamit ang pansariling layunin.

Ano kaya kung ang iyong layunin ay hindi para sa makamundong pagnanais kundi ang kaligtasan ng iyong kaluluwa? Ano ang halaga nito, at sino ang pinuno na nais mong sundan? Angkatanungan na kasing-tanda ng panahon, ay tinugon ng mga anak ni Korah sa Aklat ng mga Awit 49:6-8: 

“ Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang. Pero walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kahit magbayad pa siya sa Dios. Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay; hindi sapat ang anumang pambayad.”

Ang talatang ito ay isang pagtatangka na ipakita ang kamang- mangan ng pag-iisip na magagamit ang ating kayamanan sa lupa bilang kapalit ng ating kaluluwa. Ang ating natuklasan ay ang halaga ay hindi nababayaran ng kayamanan. Ang kaligtasan ng kaluluwa at pagkakahango mula sa libingan ay wala sa kapangyarihan ng tao at sa kanyang kayamanan.

Tayo ba ay walang pag-asa? Ang katanungan ay tinanong makalipas ang 100 taon ng propetang si Micah sa kabanata 6: 6-7 :

“Ano ang ihahandog ko sa Panginoon, ang Dios sa langit, kapag sasamba ako sa Kanya? Mag-aalay ba ako ng guya bilang handog na sinusunog? Matutuwa kaya ang Panginoon kung hahandugan ko Siya ng libo-libong tupa at nag-uumapaw na

langis? Ihahandog ko ba sa Kanya ang panganay kong anak bilang kabayaran sa aking mga kasalanan?”

Ang katanungan ay hindi iniwan na walang katugunan, at ito’y makikita sa talata 8 :

“Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At Ito ang nais Niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.”

Ito ay higit sa salita sa pahina na ipinagkaloob ng Dios. Ang tugon ay naging “Tabernakulo” at namuhay kasama natin. Si Cristo na nagkatawang-tao ang tahanan kung saan ang Dios ay nakipagkita sa tao, kung saan ang kaluluwa ng tao ay nasa presensya ng Dios, lubos na tinubos, kung saan ang kasalanan na kasing-pula ng dugo ay magiging kasing-puti tulad ng niyebe. Ang katarungan, awa, pag-ibig, at kababaang-loob ay kasama ng mga tao. Walang Sto, walang Akademnia ang makapagkakaloob ng ganitong uri ng pagtuturo. Ito ay kailangang isabuhay upang makita at maunawaan at masunod. At ang mga tagasunod ay pinararangalan ang Kanyang pangalan at tinatawag ang mga sarili na Kristiyano. Makalipas ang 2,000 taon, ang mga tao sa lahat ng bansa ay patuloy na tumutugon sa Kanyang pagtawag, patuloy na sinusunod ang Kanyang paraan ng pamumuhay, patuloy na pinapakinggan ang Kanyang mga aral. Hindi tayo kabilang sa mga personal na tumanggap ng paanyaya na sumunod sa Kanya, nguni’t tinanggap natin ang pahayag ng mga tumanggap noon.

Siya ay nasa may Lawa ng Galilea at nagturo sa maraming tao tungkol sa kaharian kung saan sila ay magiging bahagi nito. Ang mga aral at ang mahimalang panghuhuli ng mga isda ay nagkaloob kay Jesus ng pagsamba na karapat-dapat sa isang Panginoon mula sa bibig ng mga namanghang mga mangingisda: “Lumayo po Kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako!” (Lucas 5:8). Sa pagkakataon ito ay natagpuan ni Simon Pedro ang kanyang Amo, at ang tawag na sumunod siya, at ang kapwa mangingisda ay “iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus” (5:11). Si Levi, ang maniningil ng buwis, na kilala bilang manunulat ng Ebanghelyo ni Mateo, ay may magkatulad na tugon: “Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus” (5:8). Hindi nagtagal, si Nathaniel ay natagpuan din ang kanyang Amo at Siya’y sumamba kay Jesus: “Guro, Kayo nga ang Anak ng Dios! Kayo ang Hari ng Israel!” (Juan 1:49).

Isa-isa ang 12 ay inanyayahan. Hindi sila ang mga umalis at ipinalibing ang kanilang mga ama, o nagpaalam sa kanilang pamilya, o nag-aalala kung saan sila matutulog at kakain. Hindi na lumingon sa lıkuran, walang panghihinayang, walang pag- aalala tungkol sa pangyayari ng kanilang sariling buhay. Iniwan nila ang lahat: pamilya, ari-arian, pansariling hangarin. Walang halaga na napakalaki para mapabilang sa presensya ng Panginoon. Ang mismong Panginoon ay inuna ang Kanyang mga tagasunod sa halip na ang Kanyang ina at mga kapatid. Hindi Niya binigyan ng pagpapahalaga ang sarili, sa halip ibinaba nang lubusan ang sarili Niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin (Filipos 2:7), at pinaki-usapan Niya ang Kanyang mga tagasunod na maging alipin din. Ang kanilang likas na layunin, mga pabigla- biglang kilos at paghahangad ay mapapalitan ng kanilang bagong kalagayan na maging tagasunod ng Panginoon. “Nguni’t sinasabi Ko sa inyo na nakikinig sa Akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Maging mabuti kayo sa mga galit sa inyo. Pagpalain ninyo ang mga umaalipusta sa inyo. At idalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo. Kapag sınampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may gustong kumuha ng balabal mo, ibigay mo. At kung pati ang damit mo ay kinukuha niya, ibigay mo na rin. Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong ari-arian ay huwag mo na itong bawiin pa (Lucas 6:27-30).

Walang pag-aalinlangan, ang mga paghamon na ito ay darating kung ang Tagapagligtas ay hindi na nila kasama. Kaya, tulad ng isang mabuting Amo, sila ay inihanda Niya. Ipinaliwanag Niya ang halaga at mga pangangailangan na kailangan nilang gawin, hindi upang takutin sila na iwan ang kanilang katapatan, kundi bigyan sila ng pag-asa na parangalan ito hanggang sa wakas. Hindi ba ito ang ginawa ni Moses na pinangunahan ang mga Israelita sa pagtatayo ng Tabernakulo? Sang-ayon sa maka-langit na plano, si Moses ay nagtagubilin sa mga Israelita na maghandog nang lubos ng mga materyales na kailangan sa pagbuo ng Tabernakulo at sa mga kasangkapan. Pagkatapos na ang mgahandog ay sapat na, ang pagtatayo ng Tabernakulo ay nagsimula na. Ang magkatulad na paraan ay sinundan ni David sa pagtatayo ng Templo. Ang paghahanda ay naging mabuti bago pa si Solomon ay iniutos na ipatayo ang napakagandang templo ng pananambahan.

Ang magkatulad na simulain ay kailangang ilapat sa buhay na nakay Cristo. Ang mataas na sakripisyo ay iniutos sa kanila, kung minsan ang sariling buhay, at kailangan nilang maging handa upang harapin ang mga pagsubok na ito. Ito ang ginagawa ng mapagmahal na Amo, ito ay ginagawa ng mapagmahal na Ama. Kailangan nating tanungin ang ating sarili kung isinasaalang- alang natin ang halaga at kung tayo ay handa at kusang- loob na bayaran ang halaga upang maging tagasunod Niya. Sana tayo ay maging karapat-dapat sa Kanyang pagtawag!


Previous
Previous

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kagandahang-loob

Next
Next

Ang Lalaking Mayaman