Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kagandahang-loob
Sa pangalawang pagkakataon sa hanay ng mga lathalain, na isinulat na may kaugnayan sa pag-aaral ng mga kababaihan ng Biblia, ako ay nakaupo at nakatitig sa aking computer screen, nag-iisip kung saan magsisimula. Marahil, ay naalala ninyo na ako ay parang tuod nang ako ay nagtatangka kung paano ko ituturo nang tuwiran ang bunga ng “pag-ibig.” At dahil nga na ang pag-ibig at kagandahang-loob ng Dios ay halos magkatulad, muli ako ay nakaupo na naman. Ako ay nakatitig sa kawalan sa aking tahanan, nagtangka habang nasa kapehan, at gumawa ng mga gawaing-bahay na hindi ko malimit na ginagawa bilang pag papaliban. Gayunman, ako ay nagbabasa ng mga magaganda, kahanga-hanga, nakakababang-loob na mga kasulatan tungkol sa kagandahang-loob ng Dios.
“Alam Ko kung paano Ko tutuparin ang mga plano Ko para sa kabutihan n’yo at hindi sa kasamaan n’yo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan. Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa Akin, at diringgin Ko kayo” ( Jeremias 29:11-12 ).
“Pero ipinakita ng Dios sa atin ang Kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayo’y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin” ( Roma 5:8 ).
Ang paglalarawan ng Kanyang kagandahang-loob, ng Kanyang katuwiran, ng Kanyang habag at pag-ibig, ay nag-iwan sa akin ng kapayapaan at ako ay nagkaroon ng utang na loob at paninindigan - na may katiyakan na gumawa nang mabuti, maging mabuti, may mabuting kalooban.
Bilang mga babaeng nag-aaral ng Biblia, kami ay naghanda na magbahagi at pag-usapan ang kasulatan na nagtuturo sa amin ng natatanging bunga ng Espiritu. Kami ay nagbabahagi rin ng isang kuwento sa Biblia na pinaniniwalaan namin na naglalarawan ng bunga. Sa panahong ito, para sa paglalarawan ng isang tauhan sa Biblia, ay naalala ko si Job. Ako ngayon ay ginugol ang maghapon na nakatuon sa magandang aklat ni Job. Ito ay kuwento ng isang tunay na mabuting tao na naglilingkod nang tapat sa Dios na alam niya na isang Dios na dakila at mabait.
Si Job ay isang mabuting tao na nagbigay ng pansin kay Satanas. Mula pa sa aking pagkabata, ang bahagi ng kuwentong ito ay nagbigay sa akin ng pagka-usisa - iniisip ko na kilala ng Dios ang bawat isa sa atin dito sa daigdig. Ang buhay ko kaya ay may dahilan upang ako ay banggitin kay Satanas?
“May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Matuwid siya, walang kapintasan ang pamumuhay, may takot sa Dios at umiiwas sa kasamaan” (Job1:1). Ang Dios ay itinagubilin si Job kay Satanas dahil sa mga katangiang ito. Sa pagtatangka na subukin si Job - at ipinalagay na masasaktan niya ang Dios - si Satanas ay humiling at pinahintulutan ng Dios na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job patı na ang kanyang mga anak. Ang ginawa ni Job, pinunit ang kanyang damit, inahit ang buhok sa kanyang ulo, nagpatirapa sa lupa, para sumamba sa Panginoon. Sinabi niya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon” (Job1:21). Sa talata 22 , “Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nagkasala si Job. Hindi niya sinisi ang Dios.” Kung ako ay nag-iisip kung ano ang kahulugan ng pagiging mabuti, o kung paano ako dapat na maging mabuti, si Job ay isang halimbawa kung ako ay nagsisikap na maging mabuti sa panahon na mahirap, si Job ay isang nagbibigay ng sigla.
Ang pagiging matuwid ni Job sa harapan ng Dios, ay isang kaaliwan sa kanya: “At kapag ito’y nangyari, maşaya pa rin ako, dahil sa kabila ng aking paghihirap hinding-hindi ko itinakwil ang mga salita ng Banal na Dios” ( Job 6:10 ). Kahit na sa kanyang kawalang-pag-asa kung bakit siya ay nagdurusa, ay kinilala pa rin niya ang kanyang lugar sa harap ng Dios at sinabi: “Hindi tao ang Dios na katulad ko; hindi ko Siya kayang sagutin o isakdal man sa hukuman” ( Job 9:32 ). Alam niya na ang Dios ang nagbigay ng lahat ng kanyang kailangan: “Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa Kanya rin ang kapangyarihan, at Siya lamang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin” ( Job 12:13 ). Hindi siya sumuko o magbibigay. “Tiyak na patatayin ako ng Dios, wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol Ko pa rin ang aking sarili sa Kanya” ( Job 13:15 ). Ano ang pag-asang iyon? Sinabi ni Job, “Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating Siya rito sa lupa upang ipagtanggol ako” ( Job 19:25 ). Sa kabanata 24, si Job ay nagtanong kung bakit ang masasamang tao ay hindi hinahatulan. Sa kabanata 27, si Job ay binanggit ang lahat ng mabuti na kanyang ginawa. Malinis ang kanyang konsensya. Siya ay patas sa kanyang hanapbuhay, at siya ay mabuti sa kanyang mga alipin. Siya ay mabuti sa mga dukha, mga dayuhan, at mga ulila; hindi siya nagtiwala sa kayamanan. Hindi niya itinatwa ang Dios o pinaratangan ang Dios, nguni’t nais niyang malaman kung bakit siya nagdurusa.
Ang salaysay na ito, na kalunos-lunos, ay nagtuturo sa atin ng kahulugan kung paano maging mabuti. Alam natin ang mga sumunod na mga pangyayari. Ang Dios ay nakipag-usap kay Job, sinimulan ang pag-uusap: “Nasaan ka noong nilikha Ko ang pundasyon ng daigdig?” ( Job 38:4 ). Ang Dios ay nagpatuloy ng pagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan at katuwiran, sinumbatan si Job, “Makikipagtalo ka ba sa Akin na Makapangyarihang Dios?” At si Job ay nagsalita: “Ako po’y tinanong N’yo kung bakit ako nag-aalinlangan sa Inyongkarunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo po akong nagsalita ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na hindi ko lubos maunawaan. Nakipag-usap po Kayo sa akin at sinabi N’yong makinig ako sa Inyo at sagutin ko ang mga tanong Ninyo. Noon ay naririnig ko lang po sa iba ang tungkol sa Inyo, ako po ngayon ay nakita ko na Kayo. Kaya ako ay nahihiya sa lahat ng sinabi ko tungkol sa Inyo, ako po ngayon ay nagsisisi sa pamamagitan ng pag-upo sa abo at alikabok” (Job 42:3-6). Ang taong ito na mabuti ay higit na mabuti ngayon.
Hindi natin alam kung gaano kalaki ang pahayag kay Job na tinanggap niya sa kanyang buhay, nguni’t alam natin na siya ay naniniwala sa salita ng Dios, kinikilala ang kapangyarihan ng Dios, at namuhay sa paglilingkod na may pagsunod. Ang Dios mismo ang nagpahayag ng lihim na plano ng Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ( Efeso 3:5 ). “Nguni’t nang mahayag ang biyaya at pag-ibig ng Dios na ating Tagapagligtas, iniligtas Niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa Kanyang awa. Iniligtas tayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na naghugas sa atin at nagbigay ng bagong buhay” ( Titus 3:4-5 ). Tiyakin natin na handa tayo na “ibigay ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Kanya. Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito” ( Roma 12:2 ). “ Kaya ipakita sa pamumuhay n’yo na naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na. (Sapagkat kung ang isang tao ay naliwanagan na, makikita sa kanya ang kabutihan, katuwiran, at katotohanan). Alamın ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon” ( Efeso 5:9 ). “At sikapin nating mahikayat ang isat isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan” ( Hebreo 10:24 ).
Sa pagpapatuloy natin ng pag-aaral ng Biblia, mababasa natin ang kagandahang-loob ng Dios sa lahat halos ng pahina ng kasulatan. Ang Espiritu sa pamamagitan ng Salita, ay ipakikita sa atin ang nais ng Dios, ano ang kailangan Niya, at ano ang karapat-dapat sa Kanya. Ang bunga ng kagandahang-loob aylalago sa atin. “ Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil Siya’y mabuti; ang pag-ibig Niya’y magpakailanman” ( Awit 107:1 ).