Ang Lalaking Mayaman

Ang kuwento ng mayamang lalaki ay matatagpuan sa tatlong ebanghelyo, Mateo19:16-23, Marcos 10:17-22, at Lucas 18:18-23. Ang lalaki ay inilarawan na isang “pinuno”, at ating ipinapalagay na Siya ay isang opisyal ng mga Judio sapagkat walang Romano na tatawagin si Jesus na “guro” o “amo” (Mateo 19:16). Samakatuwid, ang taong ito ay alam nang mainam ang mga Batas ng Dios. At ito ay pinatunayan sa kanyang pagtatanong kay Jesus kung ano ang mga utos na dapat niyang sundin. Sinabi ni Jesus ang anim na utos, kasama ang “mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” (Mateo 19:19). Ang tugon ng lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ba ang kulang sa akin?” (Mateo 19:20). Ang katanungan ay tumutukoy sa suliranin ng puso ng pinunong ito. Higit marahil, ang lalaking ito ay hindi sinunod ang utos ng Dios nang buong-buo mula pagkabata, at gayunman, siya ay makikitang relihiyoso at masasabing tapat sa kanyang pagnanais ng kaligtasan, sinukat ang sarili laban sa Batas, at itinuring ang sarili na walang kamalian.

Iwan natin kay Jesus ang pagkalingat ng lalaking ito: “Kung nais mong maging ganap sa harap ng Dios, umuwi ka at ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa Akin” (Mateo 19:21-22). Inilantad ni Jesus ang isang bahagi kung saan ang lalaki ay hindi makahahambing sa Batas ng Dios. Nakamamangha na sa ebanghelyo ni Marcos 10:21, nakita natin ang awa ni Jesus sa lalaking ito: Tiningnan siya ni Jesus nang may pagmamahal at sinabi, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili mo ang mga ari-arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mgamahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa Akin.” Inilagay in Jesus ang pananalig ng lalaking ito sa isang pagsubok, at nakaka- lungkot, ang kanyang pananalig ay nabigo. Minahal niya ang kayamanan sa mundo higit sa panghabang-buhay na kayamanan. Inilantad ni Jesus ang puso ng lalaki at kung ano ang mahalaga sa kanya: “Nang marinig iyon ng binata,umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya” (Mateo 19:22). Ang pinili ng lalaki ay nagbigay ng kalungkutan kay Jesus sapagkat siya ay mahal ni Jesus.

Ito ba ay may naantig na damdamin sa iyo? Naramdaman mo ba na higit na mabuti ang iyong kaligtasan sa mga araw ng iyong paglilingkod, kasama sa pananambahan, o ginugugol ang oras sa Kasulatan? Tayo ay namumuhay sa daigdig kung saan ang bunga ng mga ginawa at mga nakamit na karangalan ay binibigyan ng papuri. Nais kong bigyan ng pag-uuri tayong mga kababaihan at ipalagay na tayo ay nagagalak na natapos ang “mga dapat gawin” sa ating talaan. Sa likas na gumawa ng ibat- ibang kakayahan, tayo ay nasisiyahan kung gaano karami ang nagagawa natin sa isang araw, at kung hindi tayo magiging maingat, pinahihintulutan natin ang ating sarili na magkaroon ng mabuting pakiramdam. Samantalang ang pagiging mabunga ay hindi dapat na ipagkunot-noo, huwag nating dayain ang ating mga isipan na ang ating mga kilos at paglilingkod ay magbibigay sa atin ng kaligtasan at biyaya ng Dios. Sinasabi sa Efeso 2:8-9, “Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo dahil sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob Ito ng Dios, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmamalaki ang sinuman.” Kahit na gaano tayo nakapag bibigay ng bunga, hindi natin makakamit ang biyaya ng Dios, at hindi natin dapat pahintulutan na ang ating pagiging mabunga ay magbigay ng dahilan upang tayo ay maging palagay ang loob sa ating paglalakbay kasama ang Panginoon na nakakaligtaan ang pang-araw-araw na kalagayan ng ating mga puso. Oo, si Jesusay inaasahan ang pagsunod at paglilingkod, nguni’t higit pa sa riyan, nais Niya ang ating mga puso.

Sa pagsasabi sa lalaki na ipagbili niya ang lahat ng kanyang ari- arian, si Jesus ay hindi tinutuligsa ang karangyaan o kayamanan. Kung minsan, ang kuwentong ito ay itinuturing na pagtuligsa sa kayamanan, nguni’t sa malapit na pagsusuri, ito ay isang babala na anumang bagay na inuuna natin higit sa Panginoon ay magbibigay ng hadlang upang makamit ang buhay na walang - hanggan. Si Jesus ay binigyan ng diin na ang Batas ang tunay na pamantayan ng Dios, kaya kung ang isang tao ay sinusunod ang Batas nang lubos, tayo ay makaliligtas sa kaparusahan ng kasalanan. Nguni’t walang makagagawa Ito, liban kay Jesus. Nang tumugon ang lalaki na sinunod niya ang pamantayan ng Batas, ipinahayag ni Jesus na kulang siya ng isang bagay at hindi naging karapat-dapat sa katuwiran ng Dios. Ang lalaki ay hindi sang-ayon na sumunod sa Panginoon kung ito ay nangangahulugan na iiwan niya ang kanyang kayamanan. Ang lalaki ay nilabag ang dalawang pinakamahalagang utos: hindi niya minahal ang Panginoon nang buong puso, at hindi niya minahal ang kanyang kapwa. Maraming bagay sa mundong ito na humahadlang sa mga tao sa pagpapasakop sa Dios; ang kayamanan ay isa na riyan.

Gaano kadalas na tayo ay nagkakasala sa magkatulad na bagay? Inilalagay natin ang ating mga propesyon, pakikipag-ugnayan, mga kakayahan, at iba pa, bago ang pagmamahal kay Cristo, at gayunman, binibigyan natin ang ating sarili ng patunay ng tapat na pagsamba sa Dios. Ang kasakiman ay nangibabaw sa puso ng lalaki bagaman ito ay hindi niya naunawaan. Sinasabi sa Santiago 1:17, “ Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Dios.” Inaakala natin na ang lahat ng mabubuting bagay sa ating buhay - ang ating pamilya, mga anak, mga propesyon, ating kalagayan sa pananalapi, ating kalusugan - at kung hindi tayo magiging maingat, binibigyan natin ng halaga ang handog higit sa Nagkaloob. Huwag tayongtumulad sa lalaking ito na binigyan ng halaga ang pansamantalang kayamanan na ipinagkaloob ng Dios na maging isang tapat natagasunod ni Cristo, at samakatuwid ay nawala ang makalangit na tahanan kasama ang Tagapagligtas.

Mayroon bang bahagi sa ating buhay na ating inuuna bago ang Panginoon kung tayo ay tunay na tapat? Kung minsan, ako ay nagkakasala sa mga pagkakataon. Sa halip na manghina ang loob, alalahanin natin ang salaysay ni Marcos - minahal ni Jesus ang lalaki, kahit na tumanggi na sumunod sa Kanya, at mahal din Niya tayo, habang pinapaunlad natin ang ating kaligtasan at gumagawa na linisin at dalisayin ang ating mga puso araw-araw.


Previous
Previous

Ang Halaga ng Pagiging Tagasunod

Next
Next

Sino ang Aking Susundan ?