Isang Pag-aaral sa Kapayapaan - Awit 90
Ang lahat sa atin, kung tayo ay biniyayaan ng mahabang buhay, ay maaaring makaharap sa walang katiyakan at mga pangyayari na hindi natin inaasahan, maging ito man ay kagalakan o kalungkutan. Ang buhay ay walang katiyakan na magpapatuloy tulad ng nakaraan. Ito ay malaking kalagayan ng tao. Sa kaisipang ito, paano natin haharapin ang buhay kung dumarating ang mga pagkakataon na hindi natin inaasahan o hindi natin maunawaan? Ang tanging tugon dito sa magulong buhay na ito ay ang Dios. Ang mundo ay may kaguluhan at abala. Ang buhay ay may mga sandali ng kaligayahan, kaluwalhatian, kalungkutan, at kaguluhan. Tanging ang Dios ang walang pagbabago hanggang sa katapusan (Awit 90:1).
Marami tayong aral na makikita sa pamamagitan ng pagninilay sa Awit 90 at ang mga salita mula kay Moses. Kung titingnan natin ang magiting na bayani ng pananampalataya, tiyak na mauunawaan natin na si Moses ay nabuhay sa mga pangyayari na hindi niya lubos na naunawaan o hindi nakita. Paano makikita ni Moses ang plano ng Dios para sa kanya? Paano ko makikita ang mga bagay na nais ng Dios na magawa sa pamamagitan ko? Kung ang mga bagay na hindi inaasahan ay mangyari sa atin, tayo ba ay tumitigil upang isipin kung ang mga pangyayari ay may pakinabang sa aking paglilingkod sa Dios? Si Moses ba ay nais na laging gawin ang nais ng Dios para sa kanya? Hindi! Siya ba ay gumagawa ng mga dahilan? Oo! Paano tayo ngayon? Ginagawa ba natin ang inilalagay ng Dios sa ating landas? Gumagawa ba tayo ng mga dahilan? Oo! Sa mga panahong ito ng walang katiyakan, ang ating pagsamba sa Dios at pagka-unawa sa Kanya, ay nagiging kailangan tulad ng nangyari kay Moses.
Ngayon, ano ang naunawaan ni Moses na kailangan din nating maunawaan habang tayo’y nabubuhay sa magulong buhay na ito? Nauunawaan niya na ang Panginoon ay walang- hanggan at Siya ang kanlungan ng lahat ng tao na naghanap sa Kanya, sa lahat ng henerasyon. Ang buhay ko ba ay higit na walang katiyakan kaysa buhay ng mga naglingkod sa Dios noong nakaraan? Ang buhay ko ba ay walang katiyakan tulad ni Noah na nagbuo ng barko para sa ulan at baha na hindi niya nakikita? Ang buhay ko ba ay higit na magulo kaysa kay Abraham nang lisanin niya ang kanyang tahanan sa Ur? Ang buhay ko ba ay higit na hindi masukat kaysa mga alagad na nakita ang TAO na kilala nila bilang Panginoon at Tagapagligtas na namatay sa krus? Ito ay hindi. Walang nakaunawa sa balak, paano sila nagwagi? Ano ang kanilang pinanghahawakan? Ang DIOS !
Naunawaan ni Moses na tayo ay nasa paglalakbay, tulad ng mga nauna sa atin. Naunawaan natin na ang lahat ng ating buhay ay tulad ng panaginip (Awit 90:5). Sinabi ni Moses na ang tao ay nabubuhay ng 70 taon, o marahil ay 80 taon kung malakas pa. Sa nalalapit kong 70 taon, ito ay nagpapa-alala na ako ay hindi mamamalaging buhay magpakailanman. Ito ay hindi nakalulungkot na kaisipan sa akin. Ako ay nasasabik sa aking mga anak at mga apo. Ako ay nagagalak na kasama ang mga kaibigan at mga minamahal. Hindi ako naiinip kung kasama ko ang mga kapatid na babae. Tunay, ako ay pinagpala ng Dios sa mundong ito. Gayunman, tayo ay pinaalalahanan ni Moses na ang panahon ng ating buhay ay paggawa at kaguluhan. Kung ito ay totoo, ano ang tanging bagay na ang aking buhay ay magiging panatag at makakayanan kung ang mahirap na panahon ay dumating? Ang Dios ang aking angkla, ang nagbibigay ng katatagan, tulad ng mga nauna sa akin. Kailangan kong panabikan ang aking Dios at manatili sa Kanya. Bagaman ang mga pangyayari sa aking buhay ay hindi laging payak, ang aking paglalakbay ay payak kung ako ay nagtitiwala sa Dios tulad ng ginagawa ng mga nauna sa akin. Ako ay sumusunod sa Kanya.
Nauunawaan din ni Moses na hindi nakalulungkot ang pag bibilang ng mga araw sa ating buhay. Ito ay karunungan ng Dios. Ito ay nagbibigay sa atin ng pagpapasalamat at katuparan. Ang totoo, tayo ay nagagalak na isipin ang lahat ng ginawa ng Dios para sa atin. At sa pagbabalik-tanaw sa ating buhay, ang mga hindi nakikitang pangyayari ay malimit na malaking pagpapala. Malimit, sa mga panahon, sa mga pangyayaring ito ay nakikita natin nang malinaw ang layunin ng Dios para sa atin. Pinalalakas Niya ang ating pananalig. Itinuturo Niya na tayo ay dapat na umasa sa Kanya. Pinauunlad Niya ang ating mga kakayahan. Gagawin ng Dios ang lahat ng ito KUNG pahihintulutan natin Siya.
Sa pagsisimula ko ng aking mga huling araw sa daigdig, ay minamasdan ko ang mga biyaya at mga paghihirap. Tinitingnan ko ang mga pagpupunyagi. Tinitingnan ko ang mga kagalakan. Ako ba ay nagkaroon ng mga sandali ng pagkalito at walang katiyakan? Totoo! Ako ba ay nagkaroon ng pakikipaglaban tungkol sa aking pananampalataya? Tunay! Ako ba ay nagkaroon ng katuwaan sa panahon ng lakas at katiyakan? Walang pag- aalinlangan! Nakikita ko ang aking sarili na nagninilay sa aking buhay at mga biyaya. Ako ay nagpapasalamat sa Dios na ako ay binigyan Niya ng mga taon na makita ang bunga ng aking mga ginawa. Ang Dios ay dakila! Siya lamang ang tanging pag-asa ng masamang mundong ito. Hindi ako naniniwala na ang aking buhay ay naiiba sa mga tao noong una. Hindi ako naniniwala na ako lang ang tao na may magulong buhay. Hindi ako naniniwala na may higit na mainam na paraan upang harapin ang buhay na walang katiyakan. Tanging ang Dios ang katugunan, at Siya ang magbibigay ng katatagan sa gawa ng ating mga kamay.