Ang Babaeng Taga-Shunem
By : Ruth Looper, Boston, MA
Ang ating mga karanasan ay hinuhubog at binabago tayo. Bilang mga tao, tayo ay patuloy na naghahanap ng sapilitang mga salita, mga larawan at mga kilos. Ang maliit na bahagdan ng mga ganitong pagbibigay-sigla ay dalisay at walang kamalayan. Marami ay nagbibigay ng tukso mula sa mahinahon hanggang sa may kabagsikan. Bilang mga Kristiyano, ang ating layunin ay lumakad sa liwanag - na namumuhay sa mundo, nguni’t hindi maka-mundo (Juan 17:14-16). Nakikita natin ang tukso at tumatanggi na hindi pagbigyan ang pagnanasa ng laman (Galatia 5:24). Si Satanas ay naghahanap ng mga paraan upang mawala tayo sa kapayapaan at kasiyahan kasama ang ating Ama.
Paano tayo makikipagkasundo sa malawak na hanay ng mga nangyayari samantalang tumatanggi tayo sa mga tukso na iwan ang ating unang pag-ibig? Kung minsan, hindi natin nararamdaman ang kapayapaan. Ang ating mga karanasan ay nagbibigay ng maalab na pakiramdam na kailangan nating bigyan ng panahon. Kailangan nating bigyan ng lugar ang pag- aalala, kalungkutan, galit, at pagdadalamhati. Makakamit lang natin ang kapayapaan kung pinapayagan natin ang ating sarili na gumagawa ayon sa ating mga tugon. Ang bawat isa sa atin ay maglalakbay sa pagitan ng mga panahon ng kasiglahan at pag- asa tulad ng kagalakan sa pagpasok sa kolehiyo o pagkakaroon ng bagong trabaho, ang pagpapakasal, o pagkakaroon ng anak. Tayo ay nabubuhay din sa panahon ng kahirapan sa panahon ng kakulangan ng pananalapi, sa matagal na pagkakasakit ng sarili o ng pamilya, o ang hindi maiwasang paghihiwalay ng mahal sa buhay dahil sa kamatayan. Tayo ay binibigyan ng kaaliwan ng ating mapagmahal na Ama na mapapansin ang ating pag-luha(Awit 56:8). Ang bawat araw ay hindi maaaring laging mapayapa, nguni’t ang layunin ay makipag-usap sa Dios na alam natin kung ano ang pakiramdam ng Kapayapaan sa Kanya. Sa mga panahon ng kalungkutan, kapahamakan, o pagkakasakit, tayo ay mababago sa pamamagitan ng ating malakas na paniniwala at pagtitiwala, patuloy na sumasandig sa ating Tagapagligtas.
Upang makamit ang kapayapaan sa magulong panahon, kailangan nating matuto sa mga pangyayari sa Biblia. Sinong mga tauhan sa Biblia ang nagpakita ng kapayapaan sa panahon ng walang katıyakan at hindi nakikitang mga pangyayari? Marahil, si David, na mag-isang hinarap ang higante, na tinitiyak ang tagumpay sa pamamagitan ng Dios (1Samuel 17:48). O si Daniel, na nanalangin sa Dios nang kaharapin ang banta ng kamatayan sa kulungan ng mga leon - higit na ninanais na makipag- usap sa Dios kaysa sariling buhay (Daniel 6:10). O si Jael (Hukom 4:22), na buong tuso na gumawa ng pakana at işi nagawa ang isang mapanganib a balak upang mawawala ang Israel kay Sisera, ang kapitan ng mga kaaway, sa pamamagitan ng pagbabaon ng tulos ng tolda sa sentido ni Sisera gamit ang martilyo!
Lahat sila ay nangahas. Inilagay nila ang kanilang mga sarili sa panganib, at sa paggawa niyon, ay buong tapang na nakamit ang mas mataas na layunin. Maliwanag na ang kanilang kapayapaan ay nagmula sa kanilang pananalig sa Dios. Isang kahulugan ng kapayapaan ay, “Kalayaan mula sa labis na pag- aalala, pagkaligalig (pandamdamin, pangkaisipan o espirituwal), o panloob na pagsasalungatan; payapa, tahimik”, na makikita sa Oxford English Dictionary. Ang kapayapaan ngayon ay nangangahulugan ng kamalayan na walang pag-aalala, galit o kabiguan. Sa lathalaing ito, isaalang-alang natin ang halaga at pinagmulan ng kapayapaan kasama ang pagninilay sa katauhan ng isang babae na nagpakita ng matatag na pagtitiwala sa Dios. Ang kanyang espirituwal na kagandahan at pagtitiwala sa Dios ang magbibigay sa atin ng mahalagang kaalaman ngayon.
Si Jesus ang Pinagmulan ng kapayapaan. Niliwanag Niya, “Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan Ko sa inyo ang kapayapaan. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo (Juan 14:27). Ang handog na ito ay may pananagutan. Niliwanag ni Jesus na mayroon tayong pagpipilian kung tayo ay mababagabag o matatakot. Iniutos niya sa Kanyang mga alagad na iwasan na ang kanilang mga damdamin ay magambala. Sa paglalapat ng Katotohanang ito sa atin ngayon, kailangan nating huwag bigyan ng pansin ang magulo at nakakatakot na pag-iisip kung ang mga ito ay dumarating. Ang pagiging malungkot o ang pagiging mapayapa ay isang pagpapasya. Ako ay umaasa, tayo ay matututo kung paano tatanggihan ang mga kaisipan na magbibigay sa atin ng dahilan upang tanungin ang Dios. Tunay, sa mundong ito, nararanasan natin ang sakit, paghihirap, pagkawala, o kalungkutan. Ang layunin ay magkamit ng kakayahan sa ating mga tugon upang mabigyan ng kaluwalhatian ang Dios sa lahat ng pangyayari ( 1 Thes. 5:16-18 ). Maaaring ito ay payak sa kabuuan, nguni’t kung kinakaharap ang ilang pangyayari, maaaring ito ay maranasan na imposible.
Alın sa mga tauhan sa Biblia ang nagpakita ng kakaibang kapayapaan sa gitna ng mabigat na paghihirap, may isang ginang na may mabuting gawa na karapat-dapat na bigyan ng mahabang pag-aaral - ang babae na taga-Shunem. Ipinakita niya ang kanyang espirituwal na pagkapit kahit sa panahon ng kapighatian. Ang kanyang kakayahan na pamalagiin ang kahinahunan ay katangi-tangi. Tatalakayin natin ang mga pangyayari at ang kabuuan ng kanyang buhay, ang kanyang katauhan, at ang kinahinatnan ng kanyang mga kilos, at ang kanyang iniwang pamana ayon sa Biblia. Sa katapusan, isipin natin kung paano natin isasama ang kanyang salin ng karunungan sa ating sariling buhay.
Ang babaeng Shunamita ay naninirahan sa bayan ng Shunem sa panahon ng buhay ni Eliseo. Ang kanyang dating tahanan ay nasa nayon ngayon ng Sulam, sa hilaga ng Arab- Israel na lugar. Mula sa kasulatan, alam natin na siya ay “mayamang babae” (2 Hari 4:8). Ang kanyang asawa ay may katandan na at alam natin na sila ay gumagawa sa bukirin (2 Hari 4:18). Ang kanilang pamilya ay may maayos na kalagayan sa buhay - may sapat na ipinamamahagi. Sa pagsisimula ng kuwento, ang babae ay walang anak. Nakikita niya ang tao ng Dios na naglalakbay malapit sa kanilang tahanan. Pinapakain niya ang propeta kapag dumaraan doon. Pinakiusapan niya ang kanyang asawa na magpagawa ng isang silid sa kanilang tahanan upang bigyan ng mapagpapahingahan si Eliseo. Si Eliseo ay nagpasalamat sa kanyang pagiging maalalahanin at nais na ibalik ang kabutihan ng babae. Nang tanungin niya ang babae kung ano ang nais niya, sumagot ang babae, “Hindi na po kailangan, mabuti naman po ang kalagayan ko kasama ng aking mga kababayan” (2 Hari 4: 13). Sinabi ni Eliseo na sa susunod na taon ay magkaka-anak siya ng lalaki. Siya ay tila nawawalan na ng pag-asa na magkakaroon pa ng anak at sinabi na huwag naman siyang paasahin. At gayon nga, nang sumunod na taon, ang babae ay nagsilang ng isang anak na lalaki.
Ang tungkulin ng isang ina ay kasama ang hindi inaasahang kapahamakan. Maraming mga ina ay alam ang labis na sakit at kapighatian kung ang isang anak ay pumanaw nang una sa kanya. Ang kamatayan ng isang anak ay nagdudulot ng matinding pagkatakot, dalamhati at nawawalan ng katatagan at pagpipigil sa sarili sa panahon ng pagdadalamhati. Ito ay mahirap na arukin, nguni’t ang babaeng taga-Shunem ay pinigilan ang mga damdaming iyon at kinalong ang anak hanggang binawian ng buhay. At dinala ng ina ang anak sa silid ni Eliseo na kanyang inihanda para sa pagpapahinga ng propeta.
Siya ay karakang naglakbay papunta kay Eliseo:
Tinawag ng babae ang asawa niya at sinabi, “Padalhan mo ako ng isang utusan at isang asno para mabilis akon makapunta sa lingkod ng Panginoon at makabalik agad. Nagtanong ang asawa niya, “Bakit ngayon ka pupunta? Hindi naman Pista ng Pagsisimula ng Buwan o Araw ng Pamamahinga.” Sumagot ang babae, “Ayos lamang iyon.” Kaya nilagyan niya ng upuan ang asno at sinabi sa utusan niya, “Bilisan mo! Huwag kang titigil hangga’t hindi ko sinasabi.” (2 Hari 4:22-24)
Ang babaeng Shunamita ay naniniwala na si Eliseo lamang ang makatutulong sa kanya. Siya ay may pagtitiwala sa kakayahan ni Eliseo na mababaliktad ang kasawian. Marahil siya ay may natatanging lakas na sabihin ng dalawang ulit, “Mabuti naman ang lahat” (2Hari 4:13,26), tumanggi na ipahayag ang kamatayan ng anak sapagkat alam niya na muling mabubuhay ang kanyang anak.
Tila ang kanyang pagpipigil - ang hindi pagpapahayag ng katotohanan ay naging kasangkapan sa muling pagkabuhay ng anak. Ang kanyang kakaibang pananalig na ang tao ng Dios ay muling maibabalik ang buhay ng anak ay malinaw sa kanyang hindi pag-iwan sa propeta. Siya ay lumuhod sa paanan ni Eliseo at sinabi, “Sumusumpa ako sa buhay na Panginoon at sa inyo na hindi ako uuwi kung hindi ko kayo kasama” ( 2 Hari 4:30). Kahit na sinabi ni Eliseo sa kanyang katulong na si Gehazi na mauna, ang babae ay naghintay pa rin sa propeta. Sila ay nagbalik sa Shunem kung saan si Eliseo ay nanalangin sa Dios na ang kaluluwa ng bata ay muling ibalik at muli ngang nabuhay ang bata.
Magnilay tayo sa kanyang mga kalakasan. Sa pagsisimula ng kuwento, siya ay nagpakita ng pagnanais na ibahagi ang kanyang kayamanan. Naiisip niya marahil ang kapaguran ni Eliseo sa mahabang paglalakbay. Ang kanyang damdamin ay nagbigay sa kanya na ipakita ang pag-ibig,ang kanyangpagpupumilit at pag-aalay na magbigay ng isang mainam na silid upang makapagpahinga si Eliseo.
Ipinakita niya ang paggalang sa kapangyarihan ng asawa sa pamamagitan ng pagsasabi na bigyan siya ng asno at utusan. Siya ay maingat at mabilis sa pagkilos na hanapin si Eliseo. Hindi siya nagkakaila sa katotohanan- ang kanyang pansin ay nasa kanyang tagapagligtas. Ang babaeng Shunamita ay kumilos na parang ang kamatayan ng anak ay hindi pa tapos. At ito ay hindi nga. Siya ay naniniwala na may higit pang mataas, isang espirituwal na kapangyarihan na kanyang pinagkakatiwalaan. Ang babaeng Shunamita ay nakatitiyak at hindi mapipigilan sa kanyang layunin - si Eliseo. Nilagpasan niya si Gehazi at lumuhod at hinawakan ang paa ni Eliseo.
Samantalang ang kanyang pangalan ay hindi binanggit, ang kanyang espirituwal na katauhan ay patauloy na pinag- uusapan. Mahalagang malaman ang kanyang kuwento. Ang kabuuan ng kanyang lakas sa ilalim ng matinding dalamhati ay maaaring magbigay ng daan sa ating lahat. Tulad ng babaeng Shunamita na alam na ang katulong na si Gehazi ay hindi taglay ang kapangyarihan ni Eliseo, ay kailangan din nating kilalanin ang walang saysay na paghahanap ng makamundong tulong at sa halip ay manatiling nakahawak sa Panginoon at Amo, kay Jesus. Siya ay nakatitiyak at lumalakad nang pasulong. Tayo ba ay sumusunod sa yapak ng ating Kapatid na si Jesus, nagtitiwala sa Dios anuman ang mangyari? Kahit na sa kamatayan? Bawasan natin ang nakikitang kasamaan, sa halip tumingin tayo sa pakikipag-ugnayan sa Dios na tanging sapat na kagalingan.
Ang magandang awitin “It Is Well With My Soul” ay isinulat ni Horacio Gates Spafford nang mawala ang kanyang mga anak sa karagatan. Sa matinding kapighatian, inilarawan niya ang daan sa kapayapaan, tulad ng pananalig ng isang bata sa ating Tagapagligtas na si Jesus. Lalo na ang masakit na damdamin ng kapighatian, “ Whatever my lot, Thou hast taught me to say, it iswell, it is well with my soul.” (Anuman ang ating kalagayan, maging mabuti ang ating kaluluwa). Sa ating pagtataguyod ng kapayapaan, sa dalisay na kapayapaan sa ating buhay, sanayin natin ang ating sarili na kumilos tulad ng awiting ito:
“It Is Well With My Soul”
When peace like a river attendeth my way,
When sorrows like sea billows roll,
Whatever my lot, Thou hast taught me to say,
“It is well, it is well with my soul.
Though Satan should buffet, though trials should come,
Let this blest assurance control,
That Christ hath regarded my helpless estate,
And hath shed His own blood for my soul.
My sin,O the bliss of this glorious tho’t,
My sin,not in part but the whole, is nailed to the cross.
And I bear it no more,
Praise the Lord, praise the Lord, O my soul !
( Anuman ang dumating sa ating buhay, tulad ng daluyong ng
dagat, mga tukso at paghihirap, alalahanin natin ang Panginoong
Jesus na ipinagkaloob ang Kanyang katawan at dugo upang
magkaroon tayo ng kapatawaran sa lahat ng ating mga
kasalanan. Purihin ang Panginoon, aking kaluluwa ! )