Kapayapaan sa mga Panahon na Walang Katiyakan
Ano ang kahulugan ng “kapayapaan na hindi maunawaan?” Sa pagpapatuloy ng paksa sa taong ito, ay titingnan natin ang mga pangyayari, kung saan na wala ang Dios, ang kapayapaan ay imposible. Sa buwang ito, isaalang-alang natin ang kapayapaan sa mga panahon na walang katiyakan.
Sa pagsisimula ng aking pag-iisip ng lathalaing ito, isang ala-ala ang dumating sa akin na lubhang pansarili. Ilang taon na ang nakalipas, ang aking kapatid ay may malubhang karamdaman, at sumailalim ng dalawang operasyon. Ito ay nangangahulugan ng matagal na pag tigil sa ospital at maraming paghihirap. Ako ay kasama niya, sa abot ng aking makakaya, at ito ay kailangang malayo ako sa aking tahanan- malayo sa aking kapaligiran at suporta. Masakit na makita siyang naghihirap. Hindi ako nagrereklamo o nagyayabang, isang paglalarawan lamang ng paligid na nakaramdam ako ng pagod at kahinaan.
Araw-araw, sa pagsakay ko sa elevator mula sa kanyang silid, hanggang sa kapehan, o lumabas upang magpahangin, ay dinadaanan ko ang Trauma Unit. Araw-araw, sa aking pagsakay sa elevator, ay nakikita ko ang ibat-ibang pamilya na kailangang puntahan ang isang miyembro ng pamilya na nagkaroon ng emerhensya o kaya ay aksidente. Nakikilala ko sila bago pa man pindutin ang buton para sa ikatlong palapag. Sila ay parang walang pakiramdam o sila’y nalilito. Sa aking pansariling kalagayan ng kaisipan, iniisip ko na wala sinuman sa kanila ang nag-iisip na sisimulan nila ang kanilang araw na sila ay narito sa ospital upang makita ang isang mahal sa buhay na nagkaroon ng sakuna.
Nagsimula akong mag-isip tungkol sa kung paano natin malalaman kung ano ang mangyayari - hindi lang sa hinaharap, gayundin sa pang-araw-araw na buhay! Paano natin sisimulan ang araw na may pagtitiwala at layunin sa halip na sa takot sa mga masasamang bagay na mangyayari? Hindi ito lubhang nakawawala sa aking pananalig, nguni’t parang naramdaman ko na nawala ang aking katatagan. Kamakailan sa physical therapy para sa aking likod, kailangan kong tumayo sa isang BOSU Balance Trainer. Ito ay parang kalahating bola, ang ilalim ay patag sa sahig, at ang pasyente ay nakatayo sa itaas ng kabilugan, nguni’t ito ay gumagalaw, kaya ikaw ay kailangan iakma ang balanse . Ang pangkalahatang pakiramdam ng malaking takot sa hindi nakikita ay nagbibigay ng pakiramdam na ako ay tila nakatayo sa isang gumagalaw na bola.
Mayroon ding mga panahon na hindi naman malubha kung tayo ay may pag-aalinlangan kung ano ang mangyayari. Mayroon tayong malayong pag-iisip tungkol sa hinaharap, tulad ng, ako ba ay makapag-asawa? Ako ba ay magkakaroon ng mga anak? Ano ang gagawin natin sa ating pagtanda at kailangan ng tulong?
Kung minsan, mayroon mga pangkasalukuyang pag-iisip tulad ng posibilidad na mawalan ng trabaho. O kaya ay malubhang karamdaman ng isang mahal sa buhay. Kung minsan, naririnig natin ang salitang “food insecurity”,o kakulangan sa pagkain. Ito ay nangangahulugan na hindi tayo nakatitiyak na mapakakain natin ang ating pamilya. Tayo ay nabibigo na palakihin at turuan ang ating mga anak kung saan ang teknolohiya ng mundo ay nagbabago bago pa tayo maka-angkop at makapaghanda. Mayroon mga kinahihiligan ang ating bansa na tila nagpapahiwatig na ang mga tao ay tumatalikod sa Dios. Paano ako makahahanap ng kapayapaan sa malimit na walang katiyakan?
Bago ang Kanyang kamatayan, si Jesus ay ginugol ang isang gabi kasama ang 12 piniling mga alagad na mararanasan ang pagbabago ng kanilang mundo. Nagsimula Siyang mangusap, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa Akin”. Ipinahayag Niya ang mga pangako at katatayuan. Sinabi Niya na ipaghahanda sila ng lugar at malalaman nila ang daan patungo sa Kanya. Sinabi Niya, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.” Ipinangako Niya na ang “Tagatulong”, ang “ Espiritu ng Katotohanan” ang magtuturo sa kanila ng lahat ng bagay. Ipinangako Niya na hindi Niya sila iiwan ng walang kasama.
Ang naka-aaliw na mga pangungusap ang Kanyang sinabi, “Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan Ko sa inyo ang kapayapaan. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo” ( Juan 14-16 ).
Sa loob ng ilang oras, ang mga alagad ay hindi mauunawaan ang nangyayari sa paligid nila, nguni’t makikilala nila ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, at ang “ kanilang kalungkutan ay mapapalitan ng kagalakan.” Ang tugon sa takot na hindi nakikita ay ang pananampalataya na alam natin ngayon.
Isang alagad na naroon noong gabing iyon ay si Juan, na inilalarawan na mahal ni Jesus. Siya ay nakaupo na nakahilig sa dibdib ng Panginoon. Sa susunod na mga oras, sila ay tatakas dahil sa takot. Pagkalipas ng ilang oras, siya ay nakatayo sa tabi ni Maria, minamasdan ang Tagapagligtas na naghihirap at namatay. Makalipas pa ang ilang araw, makikita niya ang nabuhay na mag-uli, si Cristo, at sa susunod na mga araw ay ipahahayag ang mensahe ng ebanghelyo. Naunawaan ni Juan ang espirituwal na banta ng kawalang katiyakan at ang tugon ng tunay na pananampalataya at pagtitiwala sa Dios.
Kung ako ay nakakaramdam ng walang katiyakan, ako ay nagninilay sa unang sulat ni Juan. Dito, ako at ang ibang mga Kristiyano, ay tinutukoy ni Juan na mga anak niya. Halos nararamdaman ko na siya ay nasa harapan ko, at tinitingnan sa mata, ang kanyang mga kamay ay nasa balikat ko, at binibigyan ng katiyakan, at tinutulungan ako ay nakatuntong sa matatag na lupa.
Inilarawan niya ang unang bagay. Si Jesus, kasama ang Dios, ay nagkatawang-tao. Si Juan, at ang ibang mga alagad ay narinig Siya, nakita Siya, at nahawakan Siya. Sa pamamagitan Niya, nagkaroon tayo ng ugnayan sa Dios at ang posibilidad sa buhay na walang-hanggan. Ang paniniwala dito ay kagalakan. (1 Juan 1:1-4).
Ang lahat ng sinabi ni Juan ay maliwanag at walang pag- aalinlangan. Basahin natin ang 1 Juan 1:5-10 :
Ito ang mensaheng narinig mula kay Cristo Jesus, at ipinahahayag namin sa inyo. “ Ang Dios ay liwanag at sa Kanya ay walang anumang kadiliman. Kung sinasabi natin na may pakikiisa tayo sa Kanya nguni’t namumuhay naman sa kadiliman,nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. Nguni’t kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Dios na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na Kanyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Nguni’t kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya. Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, ginagawa nating sinungaling ang Dios, at wala sa atin ang Kanyang salita.”
Hindi ko alam ang mangyayari ngayon, nguni’t alam ko na ang mga salitang iyon ay totoo sa bawat araw. Hindi ko alam ang kına bukasan ng buhay ko dito sa lupa, nguni’t alam ko ang Kanyang kalooban, at alam ko kung paano lumakad sa liwanag.
Kung ako ay magpapatuloy, ang lathalaing ito ay magiging mahaba, kaya hinahamon ko kayo na buksan ninyo ang Biblia sa Unang Juan, at hanapin ang mga bagay na sinabi ni Juan na “alam namin.” Alam ni Juan na maraming tao ang gumagawa upang dayain ang mga Kristiyano noong panahon niya sa pamamagitan ng pagpapahina ng kanilang pananampalataya kay Cristo. Nais niya na ang kanyang mga anak ay maka tiyak ng kanilang kaligtasan habang sila’y naglalakbay kasama ni Cristo. Nais niya na sila’y tiyak sa pagbabalik ng Panginoon. Walang anumang kapangyarihan sa aking buhay maliban sa kaalaman na ako ay makakasama ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik.
Mababasa ninyo ang maling doktrina ng Gnosticism na hinahamon ang pananalig ng mga Kristiyano kay Jesus, at ito ay magbibigay ng higit na kaliwanagan sa sulat ni Juan. Mahalaga sa aking isipan na iwaksi ang maling doktrina at maunawaan na ang kaaway ng Dios, na si Satanas ay gagamitin ang lahat ng paraan upang ako’y mahulog. Nais ni Satanas na ang takot sa walang katiyakan at magbibigay sa akin ng hindi pagiging matatag. Nguni’t nais ng Dios na ako ay patuloy na maging matatag.
Ang paliwanag sa likod ng balance ball na ginagamit sa therapy ay ang malimit na pagsasa-ayos ay nagbibigay ng lakas sa kasu- kasuan upang maging balanse ang paglalakad. Kailangan kong malaman na ako ay hindi pinangakuan ng karunungan kung ano ang ibibigay sa pang-araw-araw na buhay. Maaaring ito ay naka- tatakot. Sinabi ni Juan, “ Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot” (1Juan 4:18). Ang patuloy na pagninilay sa salita ng Dios ay magpapalakas sa aking pananampalataya. At sinabi niJuan, “ na napagtagumpayan niya ang mundo - sa pamamagitan ng pananampalataya” ( 1Juan 5:4 ).
Ako ay malimit na naghahanap ng mainam na paraan upang tapusin ang aking lathalain. Ito ay ibinibigay ko na may kagalakan kay Juan sa pagtatapos ng kanyang sulat, “Alam din natin ang Anak ng Dios ay naparito sa mundo, at binigyan tayo ng pang- unawa upang makilala natin ang tunay na Dios. At tayo nga ay nasa tunay na Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu Cristo . Siya ang tunay na Dios at ang Buhay na walang- hanggan” ( 1Juan 5:20 ).