Ang Dios ay Pag-ibig

Anong mainam na tapusin ang taon sa pagninilay ng ating pagiging tagasunod kundi ang pagsasaalang-alang ng paksa ng pag-ibig?

Sa buong panahon at kultura, ay mayroong malaking naisulat at napag-usapan tungkol sa pag-ibig. Ang kahulugan ay nahahanay mula sa malimit na masalimuot na pag-ibig na pinagsasaluhan ng pamilya hanggang sa maalab na pag-ibig na nagliliwanag sa simula ng pag-iibigan nguni’t lumilipas sa panahon at napapalitan ng isang malalim na ugnayan o pagkawala ng pananabik. Kung minsan, ang mga manunulat ay iniisip ang pangangailangan ng pag-ibig sa daigdig upang mailagay sa ayos ang pagkakaiba at lutasin ang mga suliranin ng lipunan. Ang katotohanan ay ang daigdig ay hindi tunay na alam na ang pag-ibig ay ang tugon sa maraming kaasalang naaayon sa mabuting pamantayan ng sangkatauhan, sapagkat ang mga nasa mundo ay hindi kilala ang Dios, hindi nila alam ang kahulugan ng pag-ibig sa kanyang pinakadalisay na anyo.

Sa 1 Juan 4, ang apostol na nagsasalita ng tungkol sa pag-ibig higit sa ibang manunulat ng Biblia ay sinasabi hindi lamang kung saan nagsimula ang pag-ibig , nguni’t gayundin kung saan ito nakikita kung ito ay nasasalamin sa ating buhay.

Kung gagamitin natin ang 1Juan 4:7 bilang balangkas, makikita natin ang buong pagtingin kung ano ang pag-ibig at kung paano ito dapat magbunga sa ating mga buhay.

Isinulat ni Juan :7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo dahil ang pag-ibig ay mula sa Dios. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Dios at kumikilala sa Dios. 8 Ang sinumang hindi umiibig sa kanyang kapwa ay hindi kumikilala sa Dios dahil ang Dios ay pag-ibig. 9 Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang sa pamamagitan Niya ay magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. 10 Ito ang tunay na pag-ibig; hindi tayo ang umiibig sa Dios kundi Siya ang umiibig sa atin; at isinugo Niya ang Anak upang akuin ang ating mga kasalanan para sa kapakanan natin. 11 Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo.

Nais kong kunin ang ilang sandali upang isaalang-alang ang dalawang mahalagang kuro kuro na ipinapakita sa talata 7. Ang isa ay ang pag-ibig ay mula sa Dios - Siya ang pinagmulan. Hindi ito nagmula sa anumang bagay. Alınman, ay kilala natin ang Dios at samakatuwid ay alam ang pag-ibig, o hindi natin alam. Ang pangalawa ay ang Dios ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi lamang nagmula sa Dios, ito ang pinakabuod kung Sino Siya.

Kung ito ay totoo, samakatuwid walang anumang labas sa kalooban ng Dios ay nangangahulugan ng pag-ibig. Tayo ay namumuhay sa lipunan na ang pag-ibig ay hindi binibigyan ng paggalang. Ang salawikain na “Love is Love” (Ang pag-ibig ay pag-ibig) ay nagpapahiwatig na anumang uri ng pamumuhay , maka-Dios o hindi maka-Dios ay tinatanggap dahil sa pag-ibig. Narito ang problema - kung ito ay hindi naaayon sa batas ng Dios, ito ay hindi pag-ibig. Tayo ay may ugali na kunin ang talata - “Ang Dios ay pag-ibig” - at pagkatapos ay bigyan ng kahulugan ang Dios sa ating pansariling pagkaunawa ng pag-ibig. Kung ito ay ginagawa natin, ito ay paurong. Ang pagkaunawa natin sa pag-ibig ay hindi kahulugan ng Dios - ang ating pagkaunawa sa kalikasan ng Dios ang nagpapakilala ng ating kuro kuro ng pag- ibig.

Sa mahirap na mga pangyayari, madaling magpasya na ang “mapagmahal” na bagay na dapat gawin ay tuwirang iwasan na banggitin ang kasalanan. Samantalang ito ay nakayayamot at nagbibigay ng salungatan at kung minsan ay alitan, ang pagpapakilala ng kasalanan ay pag-ibig. Ito ang ginagawa ng Dios, at Siya ay pag-ibig, kaya ang pag-iwas sa mahihirap na usapan ay hindi pag-ibig. Ang pagiging mapayapa ay hindi laging pag-ibig. Ang hindi pagbibigay ng gawain sa ating mga anak kung sila ay mapagmataas o tamad o ang pagtatanggol sa kanila kung sila ay mali ay hindi pag-ibig. Ang pakikitungo sa ugaling makasalanan sa kongregasyon o sa kapwa kapatid ay hindi pag- ibig. Hindi ito maaari kung ang pag-ibig ay hindi kasama sa kalooban ng Dios.

Sa ika-8 talata, ang pag-ibig ay ipinapakita sa pagkakaloob ng handog. Ang bunga ng pag-ibig ay kilos na hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang sarili. Ipinakita ng Dios ang Kanyang pag- ibig nang isinugo Niya ang Kanyang Anak sa daigdig upang tayo ay “mabuhay sa pamamagitan Niya.” Sapagkat tayo ay minahal Niya, ang Dios ay gumawa ng isang bagay. Ang totoo, gumawa Siya ng isang bagay na hindi natin alam na ginawa Niya. Siya ay gumawa ng isang bagay na tayo ang nakinabang - hindi Siya. Hindi kailangan ng Dios si Jesus na bayaran ang Kanyang kasalanan. Para sa ating kabutihan, inihiwalay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang Anak. Nagkaloob Siya ng bagay sa atin na isang sakripisyo na ang lawak ay maaaring hindi natin pahalagahan. Hindi ako magkukunwari na nauunawaan ko ang Tatlong Persona ng Dios, nguni’t ang ipinagkaloob ng Dios ay bahagi Niya. Isinakripisyo Niya ang “pagkakaisa” na hindi ko maunawaan upang tubusin tayo nang tayo ay naging kaaway ng Dios dahil sa ating mga kasalanan.

Ang pagdating ni Cristo sa daigdig ay ang tanging panahon na ang Dios ay nahiwalay sa Kanyang Anak. Ang sakripisyo ng Kanilang pagiging isa ay maaaring napakalaki. At kahit na Sila’ymay pag-uugnayan sa pamamagitan ng panalangin habang si Jesus ay narito sa daigdig, ang sandali sa krus nang si Jesus ay inako ang mga kasalanan ng mundo ay nangangahulugan ng buong pakikipaghiwalay. Ang paghihirap ay napakalaki, at ito’y para sa ating kapakanan. Ang Dios ay isinakripisyo ang pakikipag-isa sa Kanyang Anak, nakita ang paghihirap at kamatayan ng Kanyang Anak sa kamay ng Kanyang mga nilikha, para sa kapakanan ng mga nilikha. Tunay, ito ay isang nakamamanghang kaisipan.

Ang Dios ay ipinagkaloob ang lahat sa atin. Isinakripisyo ang Kanyang bugtong na Anak, wala ng ibang makakatulad Niya. Ang Dios ay hindi na makalilikha pa ng iba. Hindi Niya isinugo ang anghel; isinugo Niya ang Kanyang Anak - ang pinakamabuti sa langit na Kanyang handog.

Higit pa, tayo ay hindi karapat dapat. Ginawa natin ang ating sarili na kaaway ng Dios (Roma 5:8). Kung ang pag-ibig ng Dios ay hindi pantay sa pakinabang, ang pag-ibig ko ba ay maibabahagi na hindi isasaalang-alang kung ang tao ay karapat dapat o hindi? Hindi ba kailangan kong umiibig kahit wala akong pakinabang? Ang totoo, hindi ba dapat akong umiibig kung ito ay magbibigay ng halaga sa akin?

Kung sinasabi mo sa mga tao na mahal mo sila, nguni’t wala ka namang ginagawa para sa kanila, iyon ay hindi pag-ibig. Kung minsan ang paggawa ng bagay para sa mga tao, ay nanganga- hulugan ng pakikipag-usap mo sa kanila upang malaman kung ano ang dapat na gawin. Narinig ko sa ibang Kristiyano na sinabi nila, “Maşaya ako na makatulong, pero hindi naman sila nagsasabi sa akin.” Tinanong mo ba sila? Binigyan mo ba sila ng panahon na makilala sila upang malaman mo kung ano ang kailangan nila. O, ang pag-ibig mo ba ay sa salita lamang - hindi kumikilos? Kung ito ang kalagayan, ang anumang nararamdaman ay hindi pag-ibig.

Ang pag-ibig ng Dios ay hindi salita lamang, at ang ating pag-ibig ay dapat na gayundin. Kailangan nating mahalin ang nasa paligid natin upang makita natin ang kanilang pangangailangan. Hindi natin mapagpapasyahan kung sino ang karapat dapat o hindi. Hindi maaari na tayo ay maglingkod kung sino lamang ang nais nating paglingkuran at pabayaan ang iba. Malimit, naglilingkod tayo sa nakapaglingkod na sa atin o kung sino pa ang makapag- bibigay ng lingkod sa atin. Ang mga tao na nakikita natin na walang kabuluhan sa atin ay hindi natin binibigyan ng pansin o hindi karapat dapat na tulungan. Hindi ito pag-ibig. Walang anumang bagay na magagawa mo para sa Dios na hindi Niya nagampanan sa Kanyang sarili, at gayunman, ikaw ay minahal Niya. Kung minsan, hindi ko alam kung bakit Siya nag-aabala sa akin, sapagkat pakiramdaman ko na ako ay walang kabuluhan. Ito ay kahanga-hanga sa akin, nguni’t ako ay lubos na nagpapa- salamat sa Kanyang pag-ibig . Iniisip Niya ay ako ay mahalaga kahit na ako ay hindi.

Ang talata ay napakayaman at puno ng mga aral sa pag-ibig na ako ay nagkaroon ng mahirap na panahon upang bigyan ng pansin ang nararapat, nguni’t isang bagay ang mahalaga - tayo ay tinawag upang mahalin ang tao at bigyan ng pansin ang espirituwal na ikabubuti nila. Ang pag-ibig ng Dios ay espirituwal. Tiyak ko na hindi ito makagugulat sa marami, nguni’t ang pansin ng Kanyang pag-ibig ay ang kapakanang espirituwal ng ating buhay. Si Jesus ay hindi dumating upang ayusin ang lipunan, o gamutin ang mga karamdaman. Ang Kanyang layunin ay hindi tapusin ang kahirapan o gamutin ang mga karamdaman ng mundo. Ang Kanyang tanging layunin ay ayusin ang suliranin ng kasalanan. Ang ibang mga paksa ay hindi mahalaga. 

Para sa akin, ito ay mahalaga sa pagpapakita ng ating pag-ibig sa nakapaligid sa atin. Ito ay dapat na nakatuon sa espirituwal. Mabibigyan natin ng pagkain, damit at pag-aalaga ang mga nakapaligid sa atin, nguni’t kung hindi natin ibinabahagi ang Mabuting Balita, samakatuwid ang ating pag-ibig ay pisikal nakilos lamang, at walang pansin sa espirituwal. Ito ang bagay na mali sa mga iglesya. Maraming mga programa ang komunidad upang ang mga tao ay tawagin, at sa maraming pagkakataon, ang mga tao ay dumarating. Gayunman, sila ay dumarating sa maling dahilan, at sila ay lumilisan na walang espirituwal na pagbabago. Ito ay bunga ng pagbibigay ng kahulugan sa Dios at ng Kanyang kalooban sa ating pansariling kaalaman dahil sa ating mababaw na pagkaunawa sa pag-ibig. Ang bawat bagay na ginawa ng Dios para sa atin ay ginawa para sa ating espirituwal na kapakinabangan - sapagkat mahal Niya tayo.

Sa mga huling talata ng 1Juan 4, sinabi ni Juan na walang sinumang nakakita sa Dios; wala tayong kaalaman sa Dios sa pisikal na paraan. Gayunman, kung mahal natin ang isat-isa, mayroon tayong katiyakan na ang Dios ay mananatili sa atin at tayo’y mananatili sa Kanya. At ang daigdig ay malalaman din ito. “Makikita” nila ang Dios sa atin at ang pag- ibig na ipinapakita natin sa isat-isa ay magiging ilaw sa isang madilim, walang pag- ibig na daigdig.

Kung binibigyan natin ng kahulugan ang pag-ibig sa paraan na nararanasan natin bilang mga tao, ay hindi natin tunay na mauunawaan ang pag-ibig. Hindi tayo makalalayo sa kuro kuro na ang maalab na pagmamahal sa isang tao ay para doon lamang sa magmamahal sa atin.

Hindi ito pag-ibig na espirituwal. Ang pag-ibig ay kumikilos sa kalooban ng Dios at nangangailangan ng kilos ng sakripisyo. Kung hindi ganoon ang ating pag-ibig, tayo ay magtatanong kung ito ba ay tunay na pag-ibig. Sa kahulugan ng Dios, ito ay hindi. At kung mamahalin natin ang bawat isa tulad ng pagmamahal ng Dios sa atin, kailangan nating makita kung saan tayo magmamahal na may kasamang sakripisyo, na walang hinihintay na pakinabang para sa ating sarili , kundi maging kalugod-lugod sa ating Ama at ipakita kung ano ang ginawa Niya sa ating buhay dito sa daigdig sa mga nasa paligid natin.


Next
Next

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu — Kahinahunan