Pagninilay sa Bunga ng Espiritu — Kahinahunan

Ako ay pinagpala na magkaroon ng limang magagandang apong babae, at ang lahat sa kanila ay dumaan sa bahagi ng buhay na mahilig sa mga kabayo. Ako ay may tatlong anak na lalaki at wala sinuman sa kanila ang mahilig sa kabayo, marahil ito ay isang pambabaeng bagay. Ako ay kasama nila sa mga bukirin at mga peryahan, kung saan sila ay may pagkakataon na sumakay sa kabayo. Ito ay naka-aakit na ang maliliit na batang babae ay naaaliw sa malalaki at malalakas na hayop. Ang mga kabayo ay malalakas at gayon nga ay kailangan ang pagbabantay sa kanila nang malimit, nguni’t pinili nila na maging banayad at kusang makipag-ugnayan sa isang nagtitiwalang bata.

Inaamin ko, ako ay hindi nagkaroon ng pagkahilig sa kabayo. Ako ay nagsaliksik sa internet sa paghahanap ng hindi pangkaraniwang ugnayan. Natagpuan ko ang sumusunod na mga pangungusap na nakakapukaw ng sigla at naging sanligan ng pagninilay sa bunga ng kahinahunan.

“Ang kabayo na nasusupil - na pinipili na makibagay sa halip na maging marahas - ay naglalarawan kung paano ang tunay na lakas ay isinasama ang pagpipigil sa sarili, kababaang-loob, at pangangalaga sa kapwa. Hindi lang ito kung ano ang magagawa mo, kundi kung paano mo pipiliing gamitin ang lakas na iyon .”

Ang salitang mahinahon ay maaari rin isalin na “maamo o mapagpakumbaba.” Sa ating makabagong kanluraning kaisipan, mayroon tayong kaunting mga pangyayari na ating isinaalang- alang na ang pagiging mahinahon ay isang kabutihan, tulad ng isang ina sa kanyang anak, o isang tagapag- alaga ng isangmatanda. Nguni’t sa kabuuan, ang kahinahunan at mapagpakumbaba ay hindi binibigyan ng halaga sa ating kultura. Malimit, sila ay tinataguriang kahinaan.

Ang ating Panginoon ay hindi ganoon ang iniisip. Sa Mateo 5:5, sa Kanyang pangangaral sa bundok, ay ipinakita Niya ang pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal at makamundong pag- iisip. Sinabi Niya, “Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.” Kung ikaw ay nakasaksi o nakapanood ng isang panoorin ng isang Black Friday Sale, sa ating mundo, ang mga mapagpakumbaba ay hindi makakakuha ng murang telebisyon. Ito ay ang “bawat tao sa kanyang sarili”, na “binibigyan ng katarungan ang nakamit pagkatapos ng kanyang unang ginawa”, na isang marahas na gawa upang makamit ang gantimpala. Sa kabaliktaran, si Jesus ay nakikita ang kapangyarihan sa kababaang-loob. Nakikita Niya ang katangian sa pagpapakumbaba at gantimpala sa kababaang- loob.

Ang pagiging mahinahon ay nagsisimula kay Cristo, na nag- aanyaya sa atin sa Mateo 11:29, “Sundin ninyo ang mga utos Ko at matututo kayo sa Akin, dahil mabait Ako at mababang-loob. Makapagpapahinga kayo dahil madaling sundin ang Aking mga utos, at magaan ang Aking ipinagagawa.” Si Jesus ay ginugol ang panahon sa pagtuturo, sa pagpapagaling ng mga may karamdaman, pinawawalang- saysay ang mga walang pananalig, sa pagtanggap sa mga bata at paggamit na halimbawa ng isang mamamayan ng kaharian. Itinaob Niya ang mesa ng mga nagpapalit ng pera sa templo ng Dios, nguni’t huminto at inaliw ang isang babae na gumaling sa kanyang sakit matapos na hipuin ang laylayan ng Kanyang damit. Siya ang dakilang Hari na dumating sa Banal na Lunsod. “ Mapagkumbaba Siya at nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno” (Mateo 21:5). Si Pablo ay nakiusap nang may kababaang-loob na handa niyang harapin ang kumakalaban sa kanya ( 2 Corinto10:1 ).

Ang paggawa nang may kababaang-loob ay isang utos sa BagongTipan. Ang mga tagapagturo ng Salita ay inutusan na maging matuwid, tapat, mapagmahal,at may mabuting pakikitungo sa kapwa. “Ang lingkod ng Dios ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo, at mapagtimpi. Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakalıng sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Dios ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan. Sa gayon, maliliwanagan ang isip nila at makakawala sila sa bitag ng Diablo na bumihag sa kanila para gawin ang nais nito” (2 Timoteo2:24-26). Ang kapangyarihan na iligtas ang mga kaluluwa ay nakasalalay sa katapangan ng pagsasalita ng katotohanan at ang kusang-loob na gawin na may kababaang-loob at kahinahunan.

Ang matatanda sa iglesya ng Panginoon ay dapat na maging mahinahon at kayang ipagsanggalang ang Salita. Ang salitang “Pastol” na inilalarawan ang kanilang gawain, ang mahinahon, hindi makasarili, na inilalarawan si Jesus. Ang sumusunod na talata ay mula sa Isaias 40: 9-11, inilalarawan ang Maluwalhating Dios na dumarating nang may kapangyarihan. Pansinin na ang kababaang -loob ay bahagi ng Kanyang tagumpay :

“Kayong nagdadala ng magandang balita sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umakyat kayo sa mataas na bundok, at ısıgaw ninyo ang magandang balita. Huwag kayong matakot, sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda na nandiyan na ang kanilang Dios. Dumarating ang Panginoong Dios na Makapangyarihan at maghahari Siya nang may kapangyarihan. Dumarating Siya dala ang gantimpala para sa Kanyang mamamayan. Aalagaan Niya ang Kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag- aalaga ng kanyang mga tupa. Kinakarga Niya ang maliliit na tupa at maingat Niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.”

Tulad ng dati, inihanda ko ang pag-aaral na ito sa pagsasaliksik ng mga salitang mahinahon at kahinahunan. Ang aking nalaman sa buwang ito ay ang diin sa kahinahunan, hindi lamang sa bawat isa na magkasama sa pananampalataya, kundi sa mundo at sa mga kaaway natin. Ang daigdig ay nagmamatyag sa atin, at sinabi ni Pablo na kailangan nilang makita ang kahinahunan natin. “Ipakita ninyo sa lahat ang kagandahan-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon! (Filipos 4:5). Ang mga babaeng may-asawa ay kailangang magpasakop sa kanilang mga asawa kung ang kanilang asawa ay hindi pa naniniwala sa Salita, maaaring madala ninyo sila sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag- uugali, sapagkat ito ay mahalaga sa paningin ng Dios. ( 1 Pedro 3:4 ).

Mahirap mang paniwalaan, ang kahinahunan ay kailangan ding makita ng mga nang -uusig :

“Pero kung uusigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa n’yo, mapalad kayo. Huwag kayong matakot o mag-alala sa ano mang gawin nila sa inyo. Alalahanin n’yo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang nagtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo, at maging mahinahon at magalang sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensya para mapahiya ang mga taong minamasama ang mabuti ninyong gawa bilang mga tagasunod ni Cristo” ( 1Pedro 3: 14-16 ).

Kailangan ko bang tumanggi at maghimagsik sa mga masasamang tao? Ako ay nasa wasto! Nasa akin ang katotohanan! Ang layon ni Pedro ay maging matatag sa kabila ng pag-uusig - may panahon na ang manlulupig ay kukunin ang anuman at lahat ng nasa akin. Hindi ako natatakot, at hindi ako lumalaban sapagkat ako’y naniniwala na walang makakakuha sa akin na lubos kong mahal - ang aking pananalig at pagtitiwala kay Cristo. Makukuha niya ang lahat kong ari-arian, aking lakas,at kahit ang aking buhay - nguni’t hindi ang pag-aangkin sa akin na maging anak ng Dios at hindi ang aking kaligtasan. Kaya ibibigay ko ang aking tugon na may paggalang at kahinahunan. Ipinagtatanggol ko si Cristo bilang Panginoon nguni’t Siya ang lalaban sa digmaan.

“Inapi Siya at sinaktan pero hindi man lang dumaing. Para Siyang tupang dadalhin sa katayan para patayin o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik” ( Isaias 53:7).

Sa ating pagbabalik sa paglalarawan ng mga kabayo, ang salitang “maamo” sa orihinal na salitang Griego ( praus ) ay malimit na ginagamit sa paglalarawan ng maamong kabayo - malakas pa rin ngunit may pagpipigil at kusang-loob na sumusunod. Ang mga may kapangyarihan ay maaari rin maging mahinahon. Nguni’t mayroon ding kapangyarihan sa kahinahunan. “Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot; ang malumanay na pagsasalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao” (Kawikaan 15: 1,4). Ang Panginoon ay nagpakita kay Elias hindi sa pamamagitan ng hangin, hindi sa lindol, kundi sa tinig na parang bulong. (1 Hari 19: 11-12).

Ang bunga ng kahinahunan ay lalago lamang sa akin kung ito ninanais ko, at kung ito’y inaalagaan ko, at kung pinuputol ko ang pansariling kalooban at nagpapasakop sa kalooban ng Dios.

Si Moses, ang magiting na pinuno at propeta, na nakipaglaban sa makapangyarihang Paraon, at sa bayan ng mga mapaghimagsik na mga Israelita ay inilarawan na : “Mapagpakumbaba si Moses higit sa lahat ng mga tao sa mundo” (Bilang 12:3). Sa Deuteronomio 32:2, nagsalita si Moses sa mga Israelita bago sila pumasok sa Lupang Pangako. Ito ang lugar kung saan hindi na Siya siya makakapasok, ang kanyang buhay ay magwawakas na. Ang kanyang mga salita at ang paglalarawan sa kanya ay nagbigay sa akin na makita ang kapangyarihan ng kahinahunan:

“Ang aking mga katuruan ay papatak gaya ng ulan athamog. Ang aking mga salita ay katulad  ng patak ng ulan sa mga damo, katulad din ng ambon sa mga pananim.”


Next
Next

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Katapatan