Umiibig Tayo sa Dios Dahil Siya ang Unang Umibig sa Atin

By : Stephanie Moody, Birmingham, Alabama

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan; Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” Juan 3:16 - ito ay laganap na itinuturing na pinakamalimit na banggitin na talata sa Biblia. Ayon sa pagsisiyasat ng World Vission, ito ang pinaka- tanyag na talata sa Biblia, na may karaniwang buwanang pagsasaliksik ng 2.1 milyong paghahanap sa 172 mga bansa.

Ito ang isinasaalang- alang na sanligan ng pananalig ng Kristiyano at ang mensahe ng ebanghelyo - ang Mabuting Balita na ang sakripisyo ng Dios ang nagligtas sa atin dahil wala tayong paraan na iligtas ang ating mga sarili. Isang katulad na talata ay matatagpuan sa Roma 5:8: “Pero ipinakita ng Dios sa atin ang Kanyang pag-ibig sa ganitong paraan; kahit na tayo’y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.” Paano natin mauunawaan ang lalim ng ganitong pag-ibig?

Kung sinisikap nating isipin ang pag-ibig ng Dios sa atin, makikita natin sa mga talata ng 1Juan 4:19, “Umiibig tayo sa Dios dahil Siya ang unang umiibig sa atin,” at sa 1Juan 4:8, na ibinigay sa atin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, na sinasabi, “Ang Dios ay pag-ibig.” Ang pag-ibig ay ipinapakita kung Sino Siya. Ipinapakita Niya ang Kanyang kusang-loob na ipagkaloob ang Kanyang Bugtong na Anak na magpakasakit at mamatay para sa ating kapakanan.

Inibig Niya tayo kahit hindi tayo dapat na mahalin. Maiisip mo ba ito? Hindi ako. Nguni’t sa pagsisikap ko na hawakan ito, higitakong nagiging mapagpasalamat, may kababaang-loob , at may mapitagang pagkatakot ang aking nararamdaman. Paano tayo makagagawa ng iba kundi ang parangalan ang Dios, na tumawag sa atin mula sa kadiliman tungo sa kahanga- hanga Niyang kaliwanagan at inangkin tayong mga anak Niya? (1 Pedro 2:9 ; Galatia 3:26 ).

Sa kabila ng malalim na damdamin at pagkakaloob ng pagsamba, inaasahan ng Dios sa atin ang tugon ng pagsunod. Sa Juan 14:15, malinaw na sinabi ni Jesus, “Kung mahal n’yo Ako, susundin n’yo ang Aking mga utos.” Hindi natin masasabi na mahal natin ang Dios, kung hindi tayo mamumuhay na may kababaang-loob na pagsunod.

Ang Dios ay umaasa ng isa pang pagsunod: Umaasa Siya na mahalin natin ang kapwa tao. Ito ay isang bagay na mahalin ang walang-kapintasang at mapagmahal na Dios, at magpasakop sa Kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos, nguni’t ang magmahal sa kapwa ay nagiging mahirap para sa akin. Maraming tagubilin si Pablo sa kanyang mga isinulat tungkol sa pag-ibig sa kapwa. Hindi natin masasabi na tayo ay may pag-ibig kung hindi natin ipinapakita ang pag-ibig sa kapwa (1 Juan 4:9).

Ikaw ba ay sumasang-ayon na ang mga tao kung minsan ay mahirap mahalin - marahil sa maraming panahon? Alam ko iyon ! Nguni’t kung umiibig tayo tulad ng pag-ibig ng Dios, sisikapin natin nang buong-lakas upang hanapin ang paraan upang magmahal - kahit ang mga hindi kaibig-ibig. İniibig natin ang kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila nang may kababaang-loob, ibahagi ang mensahe ng ebanghelyo, at ipanalangin sila. Gayun nga, ang una sa talaan ng Bunga ng Espiritu ay pag-ibig. Ang Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa atin, at ang pag-ibig ng Dios ang pumasok sa atin, at ating ipinamahagi sa kapwa.Gusto ko ang paraan na nakasaad sa Juan 10: 34-35 : “Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo, kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal n’yo sa isat isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod Ko kayo.” Isang napakagandang kaisipan ! Kung paano natin minamahal ang kapwa sa daigdig ay makikita na tayo ay mga tagasunod ng Dios.

Kung minsan, ipinapakita natin ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain sa isang kapit-bahay na may karamdaman. Kung minsan, ay ang pag-aanyaya para sa isang pag-aaral ng Biblia. Kung minsan, ay ang pagdamay sa isang taong may suliranin o paghihirap. Kung minsan, ay ang isama ang isang “hindi kilala” sa inyong lipunan. Kung minsan, sa pamamagitan ng pagpipigil ng pagsasalita - o hindi pagsagot sa mainit na tugon sa Facebook.

Ang ating pakikipag-ugnayan sa Dios, sa pamamagitan ng Kanyang Anak, ay mangyayari. Tayo ay una Niyang inibig, at iyon ang nagpapahintulot na mahalin natin ang ating kapwa. Alam mo ba kung ano pa ang magagawa ng pag-ibig? Ito ang magbibigay sa atin na huwag mahalin nang labis ang sarili.

Mababasa sa Galatia 2:20, “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag- alay ng buhay Niya para sa akin.”

Ang pagpapala sa sarili ay hindi ang sinasabi ng mundo na gawin natin. Sinasabi na mabuhay nang mainam, ipagpatuloy ang mga pangarap, at hanapin ang pansariling kasiyahan at kaligayahan higit sa lahat. Kahit na ang tinig ng mga may kapangyarihan sa ating kultura ay pinahihintulutan ang maka-sariling kaisipan. Nakita natin ito sa pangkasalukuyang taon sa pamamagitan ngtanyag na salitang “self care” o pansariling pangangalaga. Naka- babahala na ang maraming kababaihan ay nalinlang at nahulog sa makasarili at materyalistikong paghahabol na bunga.

Alam ninyo, ako ay magbibigay ng pagpapabulaan o pagtanggi , kaya narito: Oo, ang kababaihang Kristiyano ay mabuting taga- pangasiwa ng buhay at kalusugan na ipinagkaloob ng Dios sa kanila. Binabalaan tayo sa kasamaan ng paglalasing, katakawan, at katamaran. Matatanggap natin nang buong puso kung ang pangsariling pangangalaga ay tungkol sa wastong pagkain, ehersisyo, at sapat na pahinga - pangkatawan o pangka-isipan.

Bilang mga babae, makikita natin ang ating mga sarili na tagapag-alaga - kahit ito ay ang pag-aalaga sa mga anak, mata tandang magulang, o kasapi ng pamilya sa iglesya. Tayo ay higit na makapaglilingkod kung inaalagaan natin ang ating katawan na ipinagkaloob ng Dios.

Lubhang mahalaga na mayroon tayong panahon na makipag- sa Dios sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng Kanyang salita - tunay na pag-aralan ito. Ang ating espirituwal na pangangalaga - o tawagin nating “pangkaluluwang pangangalaga” - ay higit na mahalaga.

Nais kong maging maingat tayo upang maiwasan ang kaanyuan ng “pansariling pangangalaga.” Ang tanging paraan na nais ng Dios upang maging mapagmahal na lingkod Niya ay unahin ang kapakanan ng kapwa bago ang ating sarili (Filipos 2:4). Bigyan ng lakas ng loob ang bawat isa na maging kaiba sa kultura — na alalahanin ang paghuhugas ng paa ng mga tao (tulad ni Jesus) sa halip na magpalinis ng sariling mga kuko (pedicure).

Noong ako ay nagtuturo sa preschool,ang titik na F na kailangan nilang tandaan ay mula sa Juan 3:16. Lagi kong binibigyan ng diin ang salitang “So.” “For God SO loved the world, that He gave His only Son.” Nais kong maunawaan ng mga maliliit nabatang babae na ang pag-ibig ng Dios ay “Malaki”- napakalaki na ipinagkaloob ng Dios ang Kanyang Anak para sa atin! Si Jesus ang Mabuting Pastol na nag-alay ng Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa. Sinabi niya, “Nguni’t dumating Ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap” ( Juan 10:10-11 ).

Tayo ay tumugon sa handog ng buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya, sundin ang Kanyang mga utos, mahalin nang higit ang kapwa, at huwag lubusang mahalin ang sarili. Nawa ang paraan ng ating pag- ibig sa kapwa sa paligid natin ay makita ng ibang tao at hanapin ang Dios. Alam ninyo, ang lahat ay naghahanap ng pag-ibig, nguni’t ang tunay na hinahanap nila ay ang Dios.


Next
Next

Ang Dios ay Pag-ibig