Ang Pagsusuri sa mga Lalaki

By Raeline Lattimore, Albuquerque, NM

Kung ikaw ay gumagawa ng pangkaraniwang bagay sa isang hindi pangkaraniwang paraan, ikaw ay mapapansin ng daigdig. Sa lathalaing ito, ay bibigyan natin ng pansin ang isang pandak na tao, si Zaqueo. Ang pangalan ni Zaqueo ay nagpapaalala sa awitin na malimit nating awitin sa pag-aaral ng Biblia noong tayo’y mga kabataan pa, “si Zaqueo ay isang pandak na tao. Siya ay umakyat sa puno ng Sikomoro upang makita ang pagdaan ng Panginoon. At, sa pagdaan ng Tagapagligtas , Siya ay tumingala at sinabi, ‘Zaqueo, bumaba ka! Ako ay paparoon sa iyong bahay ngayon.’” Susuriin natin hindi lamang ang panlabas na anyo ni Zaqueo, kundi gayon din ang kanyang espirituwal na katauhan, at iyon ang kanyang puso, ang kanyang maalab na saloobin at ang kanyang pagmamahal kay Jesus.

Mababasa natin ang buong kuwento ni Zaqueo sa Lucas 19: 1-10. Narito ang ilang bagay na alam natin tungkol sa kanya. Una, siya ay isa sa mga pinuno ng maniningil ng buwis, at siya ay mayaman. Sa panahon ng Biblia, at kahit ngayon man, ang mga maniningil ng buwis ay hindi lubos na tinatanggap ng ibang mga tao na may kasabikan. Ang mga maniningil ng buwis sa Bagong Kasulatan ay walang magandang pagkatao, malimit na maniningil ng labis na hindi nararapat at itinatago ang labis para sa kanilang sarili. Ang mga maniningil ng buwis ay malimit na hindi tapat at mga mandaraya. Nakita natin si Zaqueo na kung nakita niya na siya’y may pagkakamali, ito ay kanyang inaamin. Siya ay handang magsisi at ilagay sa wasto ang kamalian. Ang totoo, nakasaad sa Lucas 19:7-8, “Nang makita ng mga tao na roon Siya tumuloy sa bahay ni Zaqueo, nagbulong- bulungan sila, ‘ Tumuloy Siya sa bahay ng isang masamang tao.’ Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, ‘ Panginoon, ibibigayko po sa mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung May nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanila.’” Narito ang isang maniningil ng buwis, at “nagnanais na iwasto ang lahat.” Ipinaaalala sa atin sa 1 Pedro 3: 15-17, “ Alalahanin ninyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo. At maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensya, para mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang tagasunod ni Cristo. Mas mabuti pang magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti, kung ito talaga ang kalooban ng Dios, kaysa sa magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng masama.” Si Zaqueo ay maaaring nakahihigit sa lahat ng maniningil ng buwis, at nawa’y naituro ang tamang paraan na gawin ang kanilang gawain. Siya ay isang mabuting halimbawa sa ibang tao.

Pangalawa, maaari nating ipalagay na si Zaqueo, bagaman pandak, ay isang masigasig na tao. Siya ay mayroong lakas ng loob at katiyakan na gawin ang kanyang trabaho, nguni’t sinasabi rin sa talata 3, “Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus, pero dahil pandak siya at marami ang tao doon ay hindi niya ito magawa. Kaya patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na daraan doon.” Mailalarawan ko si Zaqueo na isang Amerikanong manlalaro ng football na nangunguna sa pagtakbo upang makarating sa end zone . Malimit Ang mga tinatawag na running backs ay maliliit na tao. Hindi ko alam kung para sa inyo, ako ay maliit din, at ang malalaking pulutong ng mga tao ay pumipigil sa akin na magpatuloy na gawin pa ang isang bagay. Kung minsan, nais ko na sumuko na, umalis at umuwi na lamang. Hindi si Zaqueo. Nais talaga niyang makita si Jesus. Sinasabi sa Mateo 7:7, “ Humingi kayo sa Dios, at binigyan kayo. Hanapin ninyo sa Kanya ang hinahanap n’yo,at makikita ninyo.” Si Zaqueo ay determinado na makita si Jesus. Siya ay tumakbo at umakyat sa puno ngsikomoro, at hindi lang basta puno, kundi isang puno na nasa landas na daraanan ni Jesus. Ilang mga puno ang ating inakyat ngayon?

Si Zaqueo ay hindi sumuko, at ang Dios ay nagkaloob sa kanya ng paraan upang makita si Jesus. Si Zaqueo ay nagkamit ng gantimpala para sa kanyang pagtitiyaga na makita si Jesus. Si Jesus sa Kanyang paglalakad kung nasaan si Zaqueo ay tumingala at nakita siya, at sinabi sa kanya, “Zaqueo, bumaba ka, at paroroon Ako sa iyong bahay.” Kaya si Zaqueo ay nagmamadaling bumaba, at tinanggap si Jesus nang may kagalakan. Ilang mga bagay ang dapat nating bigyan ng pansin: Una, si Jesus ay tumingala at Siya’y nakita; pangalawa, tinawag siya sa kanyang pangalan, at pangatlo, binalak Niya na bigyan ng pansariling pansin si Zaqueo sa pamamagitan ng pagpunta sa kanyang tahanan. Dagling sumunod si Zaqueo kay Jesus. Siya ay hindi nagsayang ng panahon, bumaba sa puno, at tinanggap si Jesus nang may kagalakan, nangangahulugan na siya ay labis na naliligayahan na siya ay binigyan ng pansin ni Jesus at siya’y nakilala. Alam ni Jesus ang puso ni Zaqueo at alam Niya kung sino siya tulad din ng pagkakakilala Niya sa bawat isa sa atin.

Sa katapusan, si Zaqueo ay makasalanan, nguni’t hindi ba tayo ay makasalanan din? Hindi ba ang pagiging makasalanan ay higit na magbibigay ng dahilan upang hanapin si Jesus? Sa mga talata 9-10, sinabi ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham. Sapagkat Ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.” Sinasabi sa 2 Pedro 3:9, “Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako Niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang Niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw Niyang mapahamak ang sinuman.”

Tayo ay may mga aral na mapupulot mula kay Zaqueo - mula sa kanyang nagsisising puso, sa kanyang katiyakan na makita siJesus, at sa kanyang kagalakan at mabilis na pagsunod. Maaaring mayroon tayong pananalig na tulad ng isang buto ng mustasa, na nagsisimula sa isang maliit nguni’t lumalago tulad ng isang puno (Lucas 13: 19). Una nating hahanapin ang kaharian ng Dios at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng ito ay ipagkakaloob sa atin (Mateo 6:33).Kung tayo ay magsasaliksik ng buong puso, makikita natin Siya, (Jeremiah 29:13). Tayo ay maghanap at gumawa ng nararapat na gawin upang makita siJesus, tulad ng pandak na tao, na si Zaqueo.


Previous
Previous

Pagsusuri sa mga Kababaihan

Next
Next

Ikaw Ba ay Nawawala?