Ikaw Ba ay Nawawala?
Bailey Maycumber
Noong tayo’y mga bata pa, maraming mga kuwento ang binabasa sa atin, hindi lamang upang tayo ay libangin, kundi upang ipakita sa atin ang malalim na mensahe o kahulugan. Kung minsan hindi natin nauunawaan ang nais ng manunulat na ilarawan o ipakita hanggang tayo ay tumanda na o magka-isip, nguni’t naroon upang tayo’y matuto. Kahit na may mga idad na, mayroong mga kuwento na ibinabahagi sa pag-asa na makita natin ang malalim na kahulugan at magtamo ng karunungan mula dito. Ang mga talinghaga ay kasama rito. Ang mga Judio nang panahong iyon ay lubhang naka-aalam sa ganitong uri ng pag- aaral, kaya si Jesus ay ibinahagi ang mga talinghaga. Tayo ay patuloy na natututo sa mga talinghaga na ating nababasa sa Biblia ngayon.
Sa ika-15 kabanata ng Lucas, si Jesus ay ibinahagi ang tatlong talinghaga. Ang isa ay tungkol sa nawawalang tupa, ang isa ay tungkol sa nawawalang salaping pilak, at ang huli ay tungkol sa naglayas na anak. Sa unang tingin, na ang mga Pariseo ay nagbubulungan tungkol kay Jesus na kasama ang mga makasalanan at maniningil ng buwis, tayo man ay maaaring maniwala na ang mga taong ito masasabi na nawawala. Kung hindi tayo magiging maingat, ang pansin natin ay nasa iba na kung ano ang matututunan sa mga talinghaga…o sa pag-aaral ng Bibilia, o sa mga sermon. Bakit ang pag-aakala na ang kahulugan ng talinghaga ay tungkol sa ibang tao at hindi tungkol sa ating sarili? Sa mainam na pagsusuri ng mga payak na kuwento, nakikita natin ang hiwaga ng kaharian - isang pagkakahawig. Sa tatlong pangyayari, ang nawalang bagay ay naibalik sa pinagmulang lugar. Ito ay nagtuturo sa atin na ipalagay na si Jesus ay tinutukoy ang mga datingmananampalataya na naligaw nguni’t natagpuang muli. Ito ang Kanyang matiyagang paghahanap sa atin - ang nawawala - na ibinubunyag ang Kanyang dakilang pag-ibig.
Ang mga talinghaga ay nagtataglay ng maraming kahulugan, nguni’t ang pag-iisip ng isang ito ay ating susuriin.
Sa talinghaga ng nawawalang tupa, nakita natin ang pastol na may 100 tupa ngunit iniwan ang 99 sa bukirin upang hanapin ang isang nawawala. Nang makita ang nawawalang tupa, ang pastol ay niyakap ito at nagalak. Sa ibabaw ng lahat, ang isang pansin na dapat alisin ay ang katotohanan na ang tupa ay bahagi ng kawan ng pastol, nguni’t ito ay nalingat o naiwan sa hulihan at nawala. Sa halip na sabihing ito ay kawalan at bumili na lamang ng bagong tupa, ang pastol ay gumawa ng paraan, iniwan ang ibang tupa na alam niyang ligtas, at hinanap ang isang nawawala. Ang mga pastol ay kilala ang bawat isang tupa at tinatawag sa kanilang pangalan. Sila ay may natatanging pagtawag upang ang mga tupa ay malaman na ito ang kanilang pastol. Makikita natin ang katibayan sa Juan 10: 3.
May mga panahon na tayo bilang mga Kristiyano ay nakararamdam ng kaguluhan at pagkalito na nagiging dahilan na mawala ang pansin kung saan tayo patungo, at tayo ay nawawala. Alam natin na ang Dios ay nananatili sa atin bilang ating Pastol na nangunguna sa atin, nguni’t may pananagutan tayo na tumugon sa Kanyang tawag at ibigay ang buong pansin na sumunod sa Kanya upang hindi tayo mawala. Sa pagsasalita nito, unawain natin na likas na tayo ay malito at nangangailangan ng pag-iingat, at kailangan natin ang isang Pastol, hindi lamang isang karaniwang pastol; kailangan nating maunawaan ang tinig ng ating Pastol. Kailangan nating marinig ang Kanyang “natatanging pagtawag” upang hindi tayo mahila ng mga mensahe ng mundo, at makita ang ating sarili na nakatigil na lamang at malayo sa kawan. Ilagay natin ang ating pananalig saKanya na pangalagaan tayo para sa ating ikabubuti; Siya ang ating Mabuting Pastol.
“Ako ang Mabuting Pastol. King paano Ako nakikilala ng aking Ama at kung paano Ko Siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala Ko sa Aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa Akin. At iniaalay Ko ang Aking buhay sa kanila. May iba pa Akong mga tupa na wala sa mga kawan na ito ng mga Judio. Kinakailangan Ko rin silang tıpunin. Pakikinggan din nila ang mga salita Ko, at ang lahat ng nakikinig sa Akin ay magiging isang kawan na lang na may Isang Pastol” - Juan 10 :14-16
Katulad din sa talinghaga ng nawawalang salaping pilak, nakita natin ang babaeng may10 salaping pilak, nguni’t nawala ang isa. Sinindihan ng babae ang ilawan at winalis ang buong bahay ay hinanap na mabuti ang nawawalang salapi. Nang makita ito, siya ay nagalak at tinawag ang mga kaibigan at kapitbahay upang makipagdiwang sa kanya. Nakita natin na ang nawawalang salapi ay kanya, nawala at natagpuang muli sa pamamagitan ng matiyaga at walang kapagurang paghahanap. Hindi siya naghanap ng karaniwang salapi sa lansangan upang isama sa 9 na salaping pilak nguni’t minabuti niyang hanapin ang totoong salapi na nawala sa kanya.
Ang talinghaga ay nakawiwili sa kaalaman na samantalang ang mga tupa ay may halaga, nakita natin ang tunay na halaga ng isang bagay kapag ito ay nawala. Para sa atin, ang mga barya ay nakayayamot. Hindi tayo humihinto upang pulutin ang isang sentimo o kahit diyes na barya. Marahil ang barya ay nakalagpas sa ating pansin. Marahil Ito ay may halaga na mayroong kahulugan. Sa panahong ito na ang salapi na tinutukoy ni Jesus sa talinghagang ito ay maaaring kapantay ng isang araw na suweldo, nguni’t hindi lamang iyan ang halaga ng salapi na inilalarawan. Mayroong kaugalian ang mga Judio na kung ang isang babaeng Judio ay magpapakasal, siya ay mag-iipon ng 10 pirasong pilak. Ito ay itinatali na magkakasama at isinusuot bilangsagisag na siya’y may asawa na - ang pilak na palamuti ay kasing halaga ng singsing pangkasal ngayon. Ang nawalang salaping pilak na may sina-unang halaga, ay may mataas na pag hanga dahil sa damdaming nakakabit dito. Samantalang hindi tayo hihinto upang maghanap ng nawawalang salapi, marami sa atin ang hahalughugin ang buong kabahayan upang hanapin ang isang mahalagang piraso ng alahas.
Isaalang-alang ang halaga ng isang nawalang salapi at isaalang- alang ang halaga natin sa paningin ng Dios. Pinaka mamahal Niya tayo nang lubos, at ipakikita Niya sa atin ang liwanag upang tayo’y magliwanag dito at matipon sa Kanya at katawanin Siya sa ating buhay. Sa Kanyang dakilang pag-ibig, “Kahit noong tayo’y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin” (Roma 5:8).
Sumagot si Jesus, “Maikling panahon na lang ninyong maka kasama ang ilaw, kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, para hindi kayo abutin ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya pupunta. Kaya sumampalataya kayo sa Akin na Siyang ilaw ninyo habang narito pa Ako, para maliwanagan ang mga isip ninyo”- Juan 12: 35-36.
Sa katapusan, sa talinghaga ng naglayas na anak, nabasa natin na mayroong dalawang anak. Ang isa ay hiningi ang bahagi ng mamanahin upang Siya’y umalis at mamuhay sa paraang nais niya at naghatid sa kahirapan at naubos ang lahat sa walang kabuluhang pamumuhay. Nang dumating ang taggutom, naramdaman niya ang sarili na nagugutom at hindi na karapatdapat na tawaging anak ng kanyang ama. Sa pagkilalang ito, siya ay bumalik sa kanyang ama sa pag-asa na siya ay magiging utusan na lamang. Bago pa siya humiling na gawin na lamang siyang utusan, malayo pa siya ay nakita na siya ng kanyang ama at naawa sa kanya, sinalubong at niyakap at hinalikan siya. Siya ay binihisan ng magandang damit at inutusan ang mga katulong na magkaroon ng pagdiriwang dahil sa kanyang pagbabalik. Nang makita ito ng nakatatandang kapatid,ang kanyang damdamin ay nasaktan at nagalit kung bakit binigyan ng pagpapahalaga ang kapatid na naglayas. Siya ay naniniwala na higit siyang karapatdapat sa pagdiriwang dahil siya ang laging kasama ng kanilang ama at sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ng ama. Ang ama ay naki-usap at sinabi na sila ay palaging magkasama at ang lahat ng ari-arian ay para sa kanya, ang nakababatang kapatid ay nawala, at inaakalang patay na, nguni’t ngayon ay bumalik na buhay pa.
Ito ay isa sa mga tanyag na talinghaga, at malimit na tawaging talinghaga ng alibughang anak. Sa kuwentong ito, malinaw nating makikita ang pagkakaiba sa dalawang nauna. Hindi lahat ay nagdiwang na ang nawalang anak ay natagpuan. Ang nakababatang anak habang namumuhay na malayo sa ama, ay naunawaan na siya ay malungkot. Ang mundo, na tila nagbibigay ng kaaliwan at pangako ng katiwasayan ay hindi nagkatotoo. Siya ay naghihirap at nag-iisa.. Sa pagkaunawang ito, siya ay bumalik sa kanyang ama sa pag-asang siya ay isa na lamang magiging utusan. Ang namamasukang utusan ay ang pinaka mababang uri ng mga utusan, sapagkat sila ay gagawing utusan na arawan at maaaring paalisin kung hindi na sila kailangan. Sa halip na sumbatan ang anak, ang ama ay lubos na nagalak na ang anak na inaakalang patay na ay bumalik nang buhay. Ang anak ay hindi kailangang lumuhod at humingi ng tawad, ang ama ay pinatawad ang lahat ng pagkukulang ng anak at nagalak sa kanyang pagbabalik. Ito ay isang paglalarawan ng pagmamahal ng isang ama, ang pag-ibig ng Ama sa atin. Nakikita natin hindi lang ang halimbawa ng pag-ibig at pagpapatawad sa talinghagang ito, kundi ang inaasahan ng ama na ang lahat ng nagmamahal sa kanya ay makikiisa sa pagdiriwang at kagalakan sa pagbabalik ng kanyang anak.
Sa kasamaang palad para sa atin, madali para sa atin na mahulog sa ganitong hindi pagkakaunawaan ng pagpapatawad at pagmamahal tulad ng nakatatandang kapatid. Ang mga Judio at Pariseo ay hindi nauunawaan ang hiwaga ng kaharian… Silaay naturuan sa panahon ng Lumang Tipan na ang Dios ay ang Hari. Kung hindi pinahahalagahan ang isang isang hari, sila ay makatatanggap ng kaparusahan dahil sa kanilang mga kilos. Samantalang ang Dios ay ang Hari, ipinapakita rin sa atın na Siya ang Ama. Ito ang Ama na nakakakita ng ating mga puso at tayo ay pinatatawad Niya, na tayo ay hinahanap Niya kung tayo ay nawawala dahil sa ating kahangalan, sa hindi nating nakikita na tayo’y mahalaga sa Dios, o pinapayagan natin ang ating sarili na akıtın ng mga kasinungalingan ng mundo.
Tiyak, mayroong ibang aral na makikita sa mga talinhaga. Sa aking pagbabasa at pag-aaral ng salita ng Dios, mahalaga na hindi lamang ito makita sa pamamagitan ng salamin, kundi hawakan ito tulad ng may pagpapahalaga tulad ng pagtingin sa salamin. Ang mga aral ay hindi lamang para sa mga Pariseo at mga makasalanan at sa mga naniningil ng buwis. Ito ay para sa ating lahat, sapagkat tayo ay nawala din . Maaaring may mga panahon sa ating buhay na nararamdaman natin na tayo ay nawawala, nguni’t alam natin na laging may isang Makapangyarihang Dios na tayo’y binabantayan at nagnanais na tumawag sa Kanya upang tayo’y matagpuang muli. Kailangan nating pakinggan ang Kanyang tinig, hanapin ang Kanyang liwanag at maunawaan na ang pagiging utusan sa Kanyang tahanan ay higit na mainam sa ipinagkakaloob ng mundo. At kahit na hindi natin nararamdaman na tayo’y nawawala, dapat nating maunawaan na mayroong mga tao na nawawala. Bilang mga sugo ni Cristo, kailangan natin dalhin sila sa tawag ng Pastol, ipakita ang kahanga-hangang liwanag, at pagkatapos na sila’y muling makabalik, tayo ay dapat na magalak at yakapin sila, tulad natin noon na nawala, sila ay natagpuan ngayon.