Ang Tagasunod ng Guro
Naalala ninyo pa ba nang si Juan na Tagapagbautismo ay dinalani Herod Antipas sa piitan? Sang-ayon kay Josephus, si Juan ay dinala sa kanlungan ng Machaerus, na nasa Perea, silangan ng Patay na Dagat. Ayon sa kasaysayan, ang Machaerus ay isang madilim at nakakatakot na lugar, nguni’t ang mga tagasunod ni Juan ay naroon sa paligid, upang mabigyan ng pangangailangan si Juan sapagkat ang mga pangyayari ay walang katiyakan at may kadiliman. Sina Mateo at Lucas ay binigyan tayo ng sulyap sa katapatan ng mga tagasunod ni Juan at Jesus na naniniwala at pinaglilingkuran ang kanilang pinuno.
Mateo 9: 14-17, May ilang mga tagasunod si Juan na Tagapagbautismo ang pumunta kay Jesus at nagtanong. “Kami at ang mga Pariseo madalas mag-ayuno. Bakit hindi nag-aayuno ang mga tagasunod Ninyo?” Sumagot si Jesus, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Nguni’t darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at şaka sila mag- aayuno.”
Ang mga tagasunod ni Juan ay may guro at isang propeta na naghihintay ng hatol. Ang mga tagasunod ni Jesus ay magdaranas din ng magkatulad na kapalaran sa susunod na mga araw :
Mateo 11:2-11, Matapos turuan ni Jesus ang Kanyang 12 tagasunod, umalis Siya sa lugar na iyon upang magturo at mangaral sa mga karatig lugar.
Nasa bilangguan si Juan na Tagapagbautismo, narinig niya ang mga ginagawa ni Jesus.. kaya inutusan niya ang kanyang mgatagasunod upang tanungin si Jesus. “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”
Sumagot si Jesus sa kanila, “Bumalik Kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang narinig at nakita ninyo. Nakakakita ang mga bulag, nakalalakad ang mga lumpo, gumagaling ang mga may malubhang sakit sa balat, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mahihirap ang Magandang Balita. Mapalad ang taong hindi nagdududa sa Akin.”
Ang mga tagasunod ni Juan ay may tapat na pananalig at nakatalaga ang buhay na maglingkod sa kanilang guro hanggang sa kamatayan, patuloy na gumagawa ayon sa kanyang turo. Gayundin, ang mga tagsunod ni Jesus ay kumikilos at tumutugon sa kanilang Panginoon at Amo. Sila ay sumusunod na may kagalakan, pagkamangha, at kalungkutan tulad din ng mga tagasunod ni Juan ( na magiging tagasunod din ni Jesus sa darating na panahon).
Ang pinagmulan ng salitang tagasunod ay walang kahulugan sa relihiyon - ang isang tagasunod ay isang mag-aaral.
Ang kahulugan ng tagasunod ay “isang tao na nag-aaral o isang tao na sumusunod sa paniniwala ng isang tao.
Ang sinuman ay maaaring lumahok sa pagiging tagasunod - may kaunting kaalaman sa mga doktrina o pilosopiya - nguni’t ang tunay na tagasunod ay ginugol ang maraming panahon sa pagmamasid sa kanyang amo, ang guro - sila ay naka pagsasalita o nakasusulat ng mga pilosopiya at nauunawaan ang mga simulain na nagbibigay ng pag-asa sa mga pangako ng isang itinuturo. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng sinusunod sa buhay : sa wastong pagkain, mga paliwanag sa edukasyon, pag-aalaga ng anak, ehersisyo - at relihiyon.
Katunayan, ang mga Kristiyano ay hindi lamang ang halimbawa ng mga tagasunod sa mundo ng relihiyon. Ang totoo, tayo ay may nalalaman din tungkol sa pagsunod sa pamamagitan ng pagmamasid sa ibang uri ng pagsunod sa relihiyon. Ang tunay na tagasunod ay makikilala sa kanilang kaanyuan, pagsasalita, pananamit, at kung paano nila ipakilala ang kanilang sarili - sinasalamin ang kanilang guro. Nakikita natin ang mga kabataang Mormon sa kanilang paglilingkod, makikilala sa kanilang pananamit at kilos. Nakikita natin ang mga babaeng Muslim na nakatakip ang mga ulo, sumasama sa mga panalangin, at iniiwasan ang ibang gawain. Bilang mga Kristiyano, mga tagasunod ng Panginoong Jesus, tunay na kailangan nating maunawaan ang nakikita sa ating pagsunod. Kailangan nating isipin kung paano tayo manamit, ang mga salitang lumalabas sa ating bibig, ang ating pagkilos.
Sa mga huling araw ni Jesus sa daigdig, ay tinalakay Niya ang tunay na halaga ng pagsunod. Sa ika-8 kabanata ng Juan, sinabi ni Jesus, “Kung patuloy kayong susunod sa aral Ko, totoo ngang mga tagasunod Ko kayo. Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
Sa ika-9 na kabanata ng Lucas, si Jesus ay nilapitan ng maraming tagasunod na nagbigay ng mga pangako at tanda ng tapat na pananalig sa Kanya. Ipinaalala ni Jesus sa mga naniniwala sa Kanya na ang tunay na pagsunod ay nangangailangan ng malalim na pananalig, pag-aalay at tapat na pagsamba.
Habang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa Inyo kahit saan.” Pero sinagot Siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, nguni’t Ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.”
Sinabi ni Jesus sa isa, “Sumunod ka sa Akin.” Pero sumagot siya,“Panginoon, pauwiin po muna Ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama.” Pero sinabi sa kanya ni Jesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Pero ikaw, lumakad ka at ipangaral ang tungkol sa paghahari ng Dios.” May isa ring nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa Inyo, Panginoon, pero hayaan N’yo muna po akong magpaalam sa pamilya ko.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang sinumang nag-aararo na palaging lumilingon ay hindi kapaki-pakinabang ang paglilingkod sa ilalim ng paghahari ng Dios.”
Ang halaga ng pagsunod ay kailangang timbanging mabuti. Ang mga sakripisyo at mga layunin ay malinaw na makikita sa mga salita ni Jesus. Ang pag-uusap na ito ay nangyari na ang 12 ay naghahanda sa pagsunod kay Jesus sa Jerusalem sa mga huling sandali bago ang pagkakanulo at kamatayan. Ang halaga ay nagiging maliwanag sa mga tao na sumusunod sa Kanya.
Ang ating pagsunod ay kailangang timbangin at isipin nang buong ingat. Sino ngayon ang mga tunay na tagasunod ni Jesus? Nang ang mga tagasunod ay iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus, si Pedro ay hindi ipinagbili ang kanyang tahanan, ang kanyang bangka, at ipinagkaloob ang lahat ng ari- arian sa paglilingkod. Hindi niya ipinagwalang-bahala ang kanyang pananagutan sa kanyang asawa, biyayang babae, at ibang kasapi ng pamilya. Walang palatandaan na ipinagbili ni Zebedee ang kanyang kabuhayan sa pangingisda nang ang kanyang dalawang anak ay sumunod kay Jesus. Sina Pedro, Andres, Santiago at Juan ay bumalik sa pangingisda makalipas ang kamatayan ni Jesus. Ngayon, ano ang kahulugan ng pagsunod sa kanilang buhay? Ano ang kahulugan nito sa akin? Marahil, ang kanilang pagsunod ay nangangahulugan na wala silang matutulugan sa ilang panahon, subalit ang ibig ba nitong sabihin ay wala silang unan? Alam natin na sina Santiago at Juan ay nagalit sa isang lugar ng mga Samaritano nang hindi sila pinayagan na manuluyan doon. Alam di natin na si Jesus at ang 12 ay tumuloy sa mga tahanan ng nga tagasunod sa silangan atkanlurang bahagi ng Ilog ng Jordan. Ang pagsunod ay hindi tungkol sa komunismo, o pagiging martir - ito ay tungkol sa mga dapat unahin, pag-aalay, at tapat na pagsamba.
Ang naging maliwanag sa 12, at sa lahat ng sumusunod kay Jesus, ay ang mga pangyayari sa kanilang buhay - “ang mahahalagang pangyayari” ( tulad ng pagpapalibing sa namatay) ay hindi dapat na maging hadlang sa pagiging tunay na pagsunod. Ang tunay na pagsunod, tunay na pananalig sa isang guro, ay maaaring mag-utos sa atin na iwan ang ilang kaaliwan sa daigdig - kung isa o dalawang gabi lamang. Ang tunay na tagasunod ay hindi pinahihintulutan ang mga tagumpay o kalungkutan sa buhay na ito na maging hadlang sa paglilingkod. Inilalapag natin ang ating mga dalahin anumang oras na tayo ay manatili sa Salita, maglingkod sa nabuhay na Amo, sumunod sa pinuno, at isabuhay ang mga alituntunin at sanligang katotohanan ng ating Panginoon.
Ang uri ng pagsunod ay isang pagpili na ginagawa araw-araw, ang tunay na tagasunod ni Jesus ay una Siyang binibigyan ng pagpapahalaga, ang Kanyang Salita, at ang Kanyang mga utos. Sa talata ng Lucas 9, ang tagasunod ni Jesus ay malinaw na sinabi ang puntong ito,; sinabi niya kung ano ang kanyang uunahin. Una, kailangan ko munang ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay saka ko na gagawin ang para sa buhay at panghabang- buhay.
Ikaw ba ay nakatagpo na ng isang tao na nagsasabi sa iyo kung bakit nila ginagawa ang isang bagay - o, kung bakit nila ginagawa ang dapat gawin? Sasabihin nila na sila ay hindi palagay ang loob sa paglilingkod sa Panginoon dahil sa mga nangyari sa kanilang buhay. Narinig mo na ba na sinabi: “ Ang aking mga magulang ay hindi ginawa iyon, kaya hindi ako natuto”, o “may nangyayari sa akin ngayon”, o “ako ay paparoon doon o gagawin iyon” - nguni’t ang mahalagang bagay na iyon ay nangyayari ngayon. Narinig ko rin, “Marahil, isang araw aymatututunan ko rin ang paglilingkod sa paraang ito, nguni’t ngayon ay kailangan ko munang isipin ang aking sarili, ang aking pamilya, o ang aking gawain.” Kailangan nating maging tapat sa sarili. Ang tunay nating sinasabi ay, “Hindi ko muna uunahin si Jesus ngayon….marahil saka na, hindi muna ngayon na iisipin Ko ang Panginoon.”
Ang uri ng pagsunod kay Jesus naka-ayon kung saan ang pagsunod ay nasa katayuan sa buhay. Tayo ay nag-aangkin ng maraming sinusunod sa ating buhay, mayroon tayong mga pagsunod na dumarating at nawawala. Muli, sa simula ng lathalaing ito, sa ating buhay, tayo ay magiging tagasunod ng tungkol sa wastong pagkain,ehersisyo, mga kaalaman sa edukasyon, pagpapalaki ng anak, pilosopiya,mga libangan, sa paglalaro,at iba pa. Mababanggit natin ang mga guro, ang mga manggagamot, mga pilosopo, at nagtuturo ng wastong pagkain, sa ating paghahanap na makamit ang ating mga layunin at sa pag-asa ng tagumpay.
Nasaan ang pagsunod kay Jesus ay magiging pakinabang sa ating buhay, saan ang Kanyang Salita ay nakahanay, at ano ang ating iiwan upang maglingkod na tunay na tagasunod ng ating Panginoon? Tayo ay magpasya, at marahil ay pakikiusapan Siya na maghintay habang inililibing natin ang isang namatay; marahil sasabihin natin na tayo ay lubhang abala sa ating mga gawain at ating tahanan. Subalit kung gagawin natin ito, maririnig natin Siya na sasabihin, “ Ang sinumang nag-aararo na palaging lumilingon ay hindi kapaki-pakinabang ang paglilingkod sa ilalim ng paghahari ng Dios.”