Kapayapaan sa Pagkawala at Dagliang Pagbabago
Sa paghahanda ng aking isusulat sa buwang ito ng Mayo, ay tinanong ko si AI kung paano ang pagkawala sa buhay ay binibigyan ng kahulugan. Ang sumusunod ay ang tugon ng Artificial Intelligence.
“Ang pagkawala sa buhay ay nangangahulugan ng pagbabago, pagtatapos o pagkakait sa isang tao, bagay, tungkulin, o pinahahalagahan, kinasanayang paraan ng buhay na nagbibigay ng malalim na diin sa damdamin at nangangailangan ng pag- aayos. Ito ay lagpas sa pisikal na kamatayan, kasama ang hindi nahahawakan na “buhay” na pagkawala na gumagambala sa inaasahang buhay ng isang tao. Ang pagkawala ay likas na bahagi ng buhay na nagbibigay ng ibat-ibang damdamin - pagdadamhati, pagkabigla, pagkalito, at kalungkutan - habang ang tao ay inaayos ang sarili sa panibago, malimit na masakit na katotohanan.”
Ang pagkawala ay isang karanasan sa daigdig at hindi bahagi ng ating panghabang-buhay sa kalangitan. Ang pagkawala ay pansarili. Ang pagkawala ay hindi maiiwasan. Ang pagkawala sa ating buhay ay maaaring marahan o biglaan. Ang pagkawala ay dumarating sa ating buhay sa pamamagitan ng kamatayan, pakikipag-ugnayan, karamdaman, hanap-buhay, heograpiya, pananalapi, hindi pagtupad at pagkatalo, at ibat-ibang mga pangyayari. Ang pagkawala ay maaaring bunga ng ating mga kilos, mga kilos ng ibang tao, o ng likas na batas ng kalikasan at pagkakataon.
Ang lahat ng tao ay haharapin ang pagkawala, kaya marahil ang aklat ni Job ang pinakamaraming nagbabasa at nag-aaral saBanal na Kasulatan. Si Linda Barnett ay nagsulat ng isang artikulo sa buwang ito ng Mayo tungkol sa magandang pag-aaral kay Job. Ipinapayo ko na basahin ang artikulong na ilalabas sa susunod na mga linggo. Tayo ay nagsisikap na pagtiisan ang ating pagkawala tulad ni Job, tulad ng paalala ni Santiago, “Hindi ba itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam n’yo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at alam naman ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon” (Santiago 5:11).
Nguni’t si Job ay hindi nag-iisa na dumanas ng pagkawala. Simula kina Adan at Eba na nawala ang dalawang anak na lalaki sa pamamagitan ng kamatayan ng isa at ang isa ay ipinatapon, ang pagkawala ay patuloy na karanasan sa kasulatan. Pagkatapos na patayin ni Cain si Abel, ang katotohanan sa buhay nina Adan at Eba ay kalakip ang dalamhati dahil sa pagkawala ng dalawang anak. Gayunman, sinasabi sa kasulatan, sa kabila ng hindi maipaliwanag na kasawian, ang pananalig ay nananatili. Ang unang pamilyang ito ay muling biniyayaan ng isang anak na lalaki, si Seth. Sinabi ni Eba, “Muli akong binigyan ng Dios ng anak na lalaki bilang kapalit ni Abel na pinatay ni Cain” (Genesis 4:25). Ang patuloy na pag-asa sa Dios ay nakita kay Seth at sa anak na si Enosh na “nagsimulang tumawag sa pangalan ng Panginoon” ( Genesis 4:26 ).
Dahil sa bunga ng kanilang mga kasalanan, sina Adan at Eba ay humarap sa pagkawala ng hardin na nagbigay sa kanila ng patuloy at katangi-tanging pakikipag-ugnayan sa Dios na Maylikha. At makalipas ang maraming taon, sa hindi inaasahang pangyayari, ay makakaharap nila ang kamatayan ng isang anak at ang pagkakanulo at kasamaan ng isa. Gayunman, sina Adan at Eba ay hindi tumalikod sa Dios sa kabila ng pagkawala ng mga anak, at dahil sa kanilang pagsisisi at katapatan, si Seth at ang kanyang mga kaanak ay natutong sumamba sa Dios.
Hindi natin malimit na iniisip ang buhay nina Adan At Eba tulad ng nagdanas ng pagkawala at nagtagumpay sa pamamagitan ng pananalig sapagkat ayaw nating makita na sila ay nagwagi - nais natin na sila ang may pananagutan sa ating mga pagkawala at paghihirap. Gayunman, Hindi sila nagkasala para sa atin; ginawa natin ito sa ating sarili. Sila ay nakaharap sa napakalaking pagkawala at sila ay kailangang makipaglaban upang makita ang Dios, gumawa upang malaman ang Kanyang karunungan, at hanapin ang Kanyang kapayapaan. Alalahanin, na naranasan nila ang kapayapaan araw-araw noong sila ay nasa hardin. Paano nila mapananatili ang kapayapaan kung sila ay nasa labas ng walang-kapintasang pook na dati nilang kinagigiliwan? Ito ang katotohanan ng kanilang buhay, ginugugol nila ang kanilang buhay sa paghahanap ng kapayapaan sa gitna ng pagkawala ng hardin, nauunawaan na ito ay maaari lamang kung ang Dios ay naroon. Paano nila matatagpuang muli ang kagalakan, kung ang hardin ay hindi na para sa kanila? Sila ay nasa mundo, at ang Dios ay nasa Kalangitan….hindi na Siya lumalakad na kasama nila tulad ng dati. Tunay, sila ay magsisikap upang muling maranasan ang presensya ng Dios.
Ang Midrash ay isang bahagi ng panitikan na nagpapaliwanag, pinalalawak, at sinasaliksik ang Biblia ng mga Hebreo upang buksan ang malalim na kahulugan, buuin ang mga patlang sa salaysay, at kunin ang mga aral na naaayon sa batas at moralidad. Ito ay nagsasaliksik upang ang Torah ay naaangkop, at isinalaysay na sina Adan at Eba ay tumangis sa tabi ng katawan ni Abel, hindi alam ang gagawin kung ano ang gagawin sa katawan, sapagkat ito ang unang pagkakataon na maranasan ang kamatayan. Ang Midrash ay itinuloy ang kuwento at sinabi na nakakita ng isang ibon (araiv sa Hebreo) na inililibing ang patay na ibon sa lupa. Nagpasya sina Adan at Eba na tularan ang ginawa ng ibon at inilibing si Abel sa lupa. Marahil, ang Dios ay ipinadala ang ibon upang turuan sina Adan at Eba kung paano tumugon sa kasamaan at mga pangyayari na kanilang haharapin. Ang araiv ay isang napakasamang ibon na iniwan ang mgainakay pagkasilang pa lang. Bagaman naunawaan ni Adan at Eba ang pagpatay para sa paghahandog, maaaring hindi nila naunawaan ang malalim na kamatayan sa kanilang buhay. Marahil, kung ang kuwento ng Midrash ay totoo, ito ay naglalarawan ng pangangalaga ng Dios sa pagbibigay ng karunungan kina Adan at Eba - nauunawaan kung paano tumugon sa kasamaan, kalungkutan, at pagkawala na hindi nila inaasahang mangyayari.
Sa ibabaw ng lahat, ang salaysay ay ipinapakita ang katotohanan ng mga paraan sa daigdig - sila ay may katanungan kung paano ayusin o itapon ang isang patay na katawan. Wala pang nakaranas ng kamatayan ng isang tao noon. Sa malalim na antas, ang salaysay ay nagpapaalala sa atin ng malalim na espirituwal na kaalaman na dinanas nina Adan at Eba na hindi pa naranasan ng ibang tao, kung paano hanapin ang kapayapaan at kaaliwan sa isang madilim na daigdig. Sila ay naghahanap, hindi lamang kung ano ang gagawin sa katawan ni Abel, kundi kung paano tumugon sa kasamaan at sa pagkawala, sa panahong ito ng kasamaan ni Cain. Paano sila nabubuhay pagkatapos ng pangyayaring ito?
Maiisip mo ba ang pagninilay ng isip at puso na naranasan nila sa pagkawala? Oo, sila ay nagkasala, at sila ay mararanasan din ang likas na kamatayan. Sila ay hindi perpektong tao. Nguni’t hindi nila naisip na ang isang anak ay magiging masama. Nauunawaan natin at nagbibigay ng kaaliwan na ang pagkawala na ating naranasan ay naranasan din ng ibang tao. Magkakaroon tayo ng kaaliwan sa kaalaman sa pamamagitan ng mga halimbawa (sina Noah, Jose, Moses, Elias, Pablo) na ang mga tao noong nakaraang panahon ay dumanas din ng magkatulad na pagkawala, na ang pagkawalang iyon ay magpapalakas sa atin, na ang ating mga pagsubok ay ginagawa tayong matalino, na ang ating kapighatian ay pinalalapit tayo sa Dios. Nguni’t sina Adan at Eba ay hindi nakita o nalaman ang karanasan ng ibangtao na nawalan ng anak o mahal sa buhay. Hindi nila nakita ang sinuman na nakipaglaban sa pagkakanulo ng isang anak. Paano nila makikita ang kapayapaan na nakita nila sa hardin habang nasa presensya ng kanilang Manlilikha? Paano nila makikita ito ngayon? Ngayon na naranasan nila ang pagkawala, namumuhay pa sa daigdig kung saan si Satanas ay naghahari, at ang kamatayan, kasalanan, kabiguan, at pagkawala ay nagpapatuloy?
Tunay,sila tulad ni Job ay maraming pag-aalinlangan, mga takot, at hindi sapat na pang-unawa kung paano mahahanap ang kapayapaan at kagalakan sa mga araw sa daigdig pagkatapos ng biglaang pagbabago dahil sa pagkawala.
Ang dati nilang pagmamasid sa Dios sa kanilang dating buhay ay mahahayag na. Ano ang magagawa sa pagkaunawa sa ipinagkaloob na kabutihan ng Dios na kapayapaan, sila man ay sasailalim din ng pagkabulok at kabiguan sa lahat ng mga araw ng kanilang buhay dito sa daigdig? Tunay, maraming gabi na hindi makatulog, galit, at pagkalito. Sila ay may mga pusong wasak na nagsisikap na maunawaan na makita ang Dios sa lahat ng nangyari.
Ang lahat ng buhay ay isang kawili-wiling pag-aaral para sa ating lahat, nguni’t ako ay natatakot na malagpasan ang katotohanan ng ibang buhay na walang malalim na pagmamasid. Walang nabubuhay sa “fairy-tale.” nguni’t walang nabubuhay na tao na walang pag-asa ng panunumbalik at kapayapaan. Ang ating pagkawala ay mananatili sa atin. Sina Adan at Eba ay muling pinagkalooban ng Dios ng isa pang anak na lalaki. Nguni’t hindi sila pinagkalooban ng Dios ng pangangalaga laban sa sakit ng pagkawala, at mararanasan nila ang pagkawala nila sa hardin at ng kanilang mga anak hanggang sila’y pumanaw sa daigdig. Ang ipinagkaloob ng Dios sa kanila ay kapayapaan, sa kanilang pag-aalala nila sa Dios na Maylikha, ang Kanyang kalikasan, ang Kanyang kabutihan - nguni’t ang mga bagong anak ay hindi mapapalitan ang mga nawala. Ang bagong pakikipag-ugnayan ay hindi inalis ang pagkakanulo at nawasak na ugnayan na nasıra ng mga salita, pagbibintang, at mga kilos ni Cain.
At sa katapusan, para kina Adan at Eba, ang kapayapaan at kahinahunan at kagalakan ay nagmumula lamang sa Dios. Sinasabi sa Awit 34:18, “Malapit ang Dios sa may bagbag na puso, at tinutulungan Niya ang mga nawawalan ng pag-asa.”
Sila ay dapat na nakakapit sa Dios na nakilala nila sa hardin at patuloy na mabuhay sa Kanyang presensya. Kailangan nilang alalahanin at pagsikapan na makabalik sa hardin na inilarawan sa Aklat ng Pahayag 22:1-2, “Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito ay kasinglinaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Dios at ng Tupa at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punong-kahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng 12 beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. Ang mga dahon nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa.” Ito ang ating ginagawa. Itinatanim natin ang ating sarili sa pag-asa sa makalangit na tahanan - kung saan tayo ay mabubuhay sa perpektong kapayapaan. Wala ng pag-aalala, kamatayan, kabiguan, pandaraya, kasinungalingan, takot, luha, pagkakanulo, o kaguluhan. “Papahirin Niya ang luha sa kanilang mga mata. Wala ng kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit, sapagkat lumipas na ang dating kalagayan” (Pahayag 21:4).