Ang Talinghaga ng Nakatagong Kayamanan at MamahalingPerlas

By : Denise Bowman

“ Bakit po Kayo gumagamit ng talinghaga sa pagtuturo sa mga tao?” Ang mga tagasunod ni Jesus ay napakinggan ang Kanyang mga turo sa mga pulutong, napakaraming tao ang nagtipon sa paligid Niya,kaya sumakay Siya sa isang bangka at doon umupo, habang ang mga tao ay nasa dalampasigan. Ibinahagi ni Mateo sa ikatlong talata(3), “Marami Siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga o paghahalintulad.” Makalipas na ang mga tao ay lumisan, ang mga tagasunod ay nais na malaman kung bakit si Jesus ay pinili na kausapin sila sa payak at pangkaraniwang pangyayari at kabuuan upang ipahayag ang espirituwal na katotohanan tungkol sa kaharian ng Dios. Ang tugon ni Jesus ay ang nais na makinig at makaunawa ay mauunawaan ang kung ano ang inaasahan ng Dios sa Kanyang mga mamamayan. Nguni’t sa mga nakikinig na hindi nakauunawa, ang mga kuwentong ito ay mananatiling kuwento, tulad ng ipinahayag ni Propeta Isaiah noong nakaraang panahon. Mahalaga para sa mga tagasunod na maunawaan ang “mga hiwaga ng kaharian ng langit (11), sapagkat ang mabuting Balita ay kanilang ipahahayag sa buong daigdig.

Si Jesus ay ibinahagi ang maraming maikling talinghaga tungkol sa kaharian, kasama ang dalawang talinghaga : 

Sinabi pa ni Jesus, “ Ang kaharian ng Dios ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nang nahukay ito ng isang tao, itinago niya itong muli. At sa tuwa niya’y umuwi siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian, at binili niya ang bukid na iyon.”

“Ang kaharian ng Dios ay katulad din nito. May isang negosyante na naghahanap ng magagandang perlas . Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon” (Mateo 13: 44-46).

Ano ang mapupulot nating aral mula sa mga talinghagang ito? 

Una, ang dalawang lalaking ito ay kapwa abala sa kanilang buhay. Hindi natin alam kung bakit ang unang lalaki ay naghuhukay sa isang bukirin na hindi kanya, marahil siya’y gumagawa para sa isang may-ari. Hindi siya naghahanap o umaasa na makakakita ng kayamanan ng araw na iyon. Ang ikalawang lalaki ay nabubuhay sa pamimili at pagbebenta ng mga perlas. Siya ay naghahanap ng pinaka-mainam na perlas sa bawat araw. Paano magkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa kaharian? Para sa ilan, ito ay hindi inaasahan - isang pakikipag- usap, isang paanyaya, isang pagkakataon na pagtatagpo. Hindi sila naghahanap ng kayamanang ito nguni’t natagpuan nila ito. Ang iba ay buong sigla na hinahanap ang kaharian. Alam nila na ito ay naroon lamang at may katiyakan na matatagpuan ito. Tayo ba ay gumagawa ng pagkakataon para sa ibang tao upangm matagpuan ang kaharian? Tayo ba ay halimbawa ng mga mamamayan ng kaharian sa ating mga salita, ating mga kabutihan, at mga kilos? Ang ating ilaw ay dapat na magbigay ng liwanag upang ang ibang mga tao ay makita si Jesus, kahit na sila’y may balak na hanapin Siya o hindi sa oras na iyon.

Pangalawa, ang dalawang lalaki ay nakita ang halaga ng kanilang natagpuan. Anuman ang kayamanang iyon, ang pagtatago dito ay hindi sapat sa lalaking ito sa unang talinghaga. Ito ay napakahalaga, hindi lamang siya naghandog na bilhin ang kayamanan - kundi binili niya ang buong lupain,upang tiyakin na walang pag- aalinlangan tungkol sa pagmamay-arı ng kayamanan! Ang negosyante ng perlas ay dalubhasa tungkol sa mga perlas. Alam niya ang kanyang negosyo. Nang matagpuan niya ANG perlas, alam niya kung gaano ito lubhang kakaiba.

Nakikita ba natin ang halaga ng kaharian ng Dios? Alam ba natinnang ganap ang katotohanan upang makilala ito kung ating makikita, o tayo ba ay “nadadala ng ibat-ibang aral ng mga taong manlilinlang na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian”? ( Efeso 4:14 ). Ang ating daigdig ay puno ng kasinungalingan, mga mababaw at walang kabuluhang mga salita na akala mo ay totoo. Kailangan nating makita ang kaibahan, at bigyan ng halaga ang katotohanan upang makita ang totoo.

Nakita mo ba ang mabilis na kilos sa mga kuwentong ito? Nang ang unang lalaki ay natagpuan ang kayamanan, ito ay itinago niya, nguni’t hindi niya itinago nang matagal. Sa kanyang kagalakan, ay hindi siya nagsayang ng panahon at ito’y binili niya. Ang negosyante ng perlas ay hindi nakita ang perlas at naghintay pa ng 2 o 3 araw bago nagpasya na bilhin ito. Ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon, kaya ginawa niya ang nararapat. Ngayon, paano tayo? May nararamdaman ba tayong pagsusumigasig tungkol sa ating lugar sa kaharian ng Dios? Tayo ay lubhang naguguluhan tungkol sa buhay at lahat ng mga pagpapasya at mga pakikipaglaban sa buhay araw-araw, na hindi natin nabibigyan ng pansin ang kayamanan. Ipinangako ng Dios na ang araw ng paghuhukom ay darating, at ang Dios ay hindi nagsisinungaling. Kung hindi tayo bahagi ng kaharian, at hindi tayo nabubuhay sa paglilingkod sa Kanya, ang paghuhukom ay magdadala ng mabigat na bunga. Ito ay darating tulad ng “isang magnanakaw sa gabi” (1 Tesalonika 5:2), kaya ang bawat isa sa atin ay laging handa bawat araw. Kailangan nating laging masigasig tungkol sa pagiging wasto sa Panginoon.

Sa katapusan, mayroong halaga sa bawat talinghaga. Ang dalawang lalaki ay ipinagbili ang lahat ng kanilang ari-arian sa daigdig upang makamit nila ang nakatagong kayamanan at ang perlas. Tayo ba ay sinabihan na ipagbili ang lahat ng ating ari- arian sa daigdig bilang kapalit ng isang lugar sa kaharian? Samantalang ang mga talinghaga ay kuwento tungkol sa buhay sa mundo na nagtuturo sa atin tungkol sa buhay espirituwal, angmensahe dito ay hindi tungkol sa ating mga pera sa bangko. Ang katotohanan ay binayaran na ni Jesus ang pinakamataas na halaga para sa atin - at anong laking halaga! “Iniligtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal Niyang Anak. At sa pamamagitan ng Kanyang Anak, tinubos Niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad Niya ang ating mga kasalanan” (Colosas 1: 13-14). Kailangan nating sumama kay Pablo nang sabihin niya, “Pasalamatan natin ang Dios sa Kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag!” (2 Corinto 9:15). Gayunman, tulad ng dalawang lalaki sa talinghaga, sa pagkakaalam na makukuha ang kayamanan at perlas ay hindi sapat. Anong kabayaran ang kailangan ko upang ako’y maging bahagi ng Kanyang kaharian? Ang lahat. Ang aking buong sarili. Ako ay lubos na dapat maging Kanya. Sinabi ni Jesus, “Ang sinumang gustong sumunod sa Akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat handa siyang humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod niya sa Akin” (Mateo 16:24). Nang si Jesus ay tanungin kung alin ang pinakamahalagang utos, sinabi Niya, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat” (Mateo 22: 37-38). Kung tayo ay magiging tapat na mga kasapi ng kaharian ng Panginoon, dapat na ipagkaloob natin ang ating buhay sa Kanya, sundin ang Kanyang mga utos, ituro ang Kanyang pagmamahal, linangin ang Kanyang kalooban, magpailalim sa Kanyang kalooban.

Ang kayamanan na hindi mabigyan ng sapat na paglalarawan ay magiging atin - isang tahanan sa langit na kasama ang Dios na nag mamahal sa atin at si Jesus na nag-alay ng buhay para sa atin. Tayo ba ay naghahanap at ibinabahagi ito? Nakikita ba natin ang halaga? Tayo ba ay kusang-loob na gagawa para dito? Ipagkakaloob ba natin ang ating buong sarili sa Panginoon? Isang bagay ang tiyak - ang pakinabang ay napakalaki.

“ Let us then be true and faithful,Trusting, serving, everyday.

Just one glimpse of Him in glory

Will the toils of life repay.

When we all get to heaven,

What a day of rejoicing that will be!

When we all get to heaven,

We’ll sing and shout the victory.”

( When We All Get To Heaven. By Eliza J. Hewitt )


Previous
Previous

Ikaw Ba ay Nawawala?

Next
Next

Ang Lakas na Ibinibigay ng Ebanghelyo sa Puso