Ang Lakas na Ibinibigay ng Ebanghelyo sa Puso 

Sa nakaraang apat na buwan ng taong kasalukuyan, kami ay nagpasya na bigyan ng pansin ang makatuwirang pag-aaral sa ating pagiging tagasunod. Ang katibayan na si Cristo ay sinasabi kung sino Siya ay kahanga-hanga at may kapasiyahan. Kung ibubukas natin ang ating mga mata, ay makikita natin na tayo ay hindi iniwan sa isang umuugang saligan, palaging nag-iisip kung tayo ay sumugal sa isang nagtatagumpay na pangkat.

Si Cristo ay isinakatuparan ang lahat ng mga pahayag at anino ng Lumang Tipan, at ang hinihiling Niya ay ang ating pansin - ang pagpansin ng bawat tao na nabubuhay ngayon at mabubuhay pa sa hinaharap. Kailangan natin na gamitin ang ating isipan upang magpasya tungkol kay Cristo - ang pasya na magbibigay ng lakas sa ating mga puso.

Ang ating pagiging tagasunod ay magkasama ang katumpakan at damdamin, puso at isipan. Wala halos na lugar upang makita ang katotohanan kundi sa mga talinghaga ni Jesus, na ating bibigyan ng pansin sa buwan ng Mayo. 

Kung pag-uusapan ang kultura,ang mga Judio ay maparaan na mga tao. Samantalang ang mga Griego at Romano, na kasama nilang namumuhay, ay mahilig sa pagtatalo at pagsasalungatan dahil lamang sa nais nila, ang mga Judio ay nais na ang isang bagay ay magkaroon ng katapusan. At ang bunga, ang mga talinghaga ay pangkaraniwang ginagamit ng mga Judio sa pagtuturo. Ang mga Judio ay ginagamit ang mga ito upang ilarawan ang isang bagay, nguni’t ito ay nagbibigay din sa mga nakikinig ng katapusan o hatol habang sila’y nakikinig. Alin ang higit na mabuting saligan sa pagtatayo, buhangin o bato? Alin samga alipin ang magmamahal sa amo na nagpatawad? Sino ang higit na mabuting kapwa?

Sa katapusan ng kuwento, ang mga nakikinig ay alam ang tugon sa tanong; ito ay napakalinaw! Gayunman, hindi lahat ng nakakaalam ay isasapuso ito - Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong pag-isipan ! 

Ang talinghaga ng maghahasik ay inilalarawan ang lakas ng katotohanan - ang “mabuting binhi” sa bawat puso. Sa araw na ipinarinig ang talinghagang ito, ang mga tao ay pinagkaguluhan si Jesus at Siya ay sumakay ng bangka. Iisipin natin na ang bawat uri ng puso ay naroon at nakikinig. Kahit na hindi sila magsasaka, ang mga nakikinig ay may kaalaman sa paghahasik ng binhi, at alam nila ang bawat uri ng lupa. At gayun nga, buong ningning at ipinaliwanag ng ating Tagapagligtas ang isa sa mga himala ng kaharian. 

Sa kapakanan ng oras at mga salita, ay ating bigyan ng pansin ang bawat talinghaga at ipaliwanag nang sabay. Ang nag-iisang tauhan ng kuwento ay ang maghahasik, ang isa na may mabuting binhi na kilala na salita ng Dios. Ang binhi ay mabuti - ang kilos ay hindi nakasalalay sa binhi; ito ay naaayon sa kalagayan ng lupa. Ang maghahasik ay ang nagbibigay ng mensahe, at makikita natin ang ating sarili na may dalawang tungkulin - tayo ang uri ng lupa na tumatanggap ng binhi, nguni’t kung pipiliin natin, tayo rin ang maghahasik ng binhi saan man tayo mapadpad na lupain. Ang ating gawain ay magbahagi, hayaan ang lupa na ibinibigay ng kalikasan. Ang maghahasik ay hindi pinababayaan ang matigas na lupa, na ito ay hinahatulan na hindi karapatdapat…siya ay naghahasik lamang.

Ngayon, ang naghahasik ay ginagawa ang kanyang gawain at ang binhi ay mabuti, ang lupa ay may pagkaka-iba. Ano ang magiging bunga ng katotohanan sa puso ng mga nakikinig?Ang unang lupa ay matigas - na parang semento, hindi mapasok. Ang pusong ito ay hindi papayagan na makapasok ang katotohanan - hindi rin ito maririnig. Bilang mga naghahasik. tayo ay nakasasalamuha ang ganitong mga puso. Ito ay isipan na hindi nahihikayat ng katotohanan. Marahil ay dahil sa isang tamad na ayaw mag-isip ng mga bagay. Ilang ulit ka na bang nagtangka na makipag-usap sa isang tao tungkol sa Dios, at sasabihin niya, “hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi”, at iyan ang katapusan ng pag-uusap. Ito ay palatandaan na “ayaw kong mag-isip tungkol sa Dios o ng katotohanan o anumang masalimuot na maaaring magbigay ng pagbabago sa aking buhay at sa paraan ng aking pag- iisip.”

Ang ibang tao ay nais na mag-isa lamang. Ayaw nilang mag-isip tungkol sa Dios o sa sariling espirituwal na kalagayan… at iyon nga nangyayari.

Ang kayabangan ay nakapagpapatigas ng puso higit sa anumang bagay. Iyan ang suliranin ng mga Pariseo. Ang mga Pariseo ay ayaw ng katotohanan sapagkat iniisip nila na alam na nila ang lahat. Hindi nila naririnig ang sinasabi ni Jesus, kundi naghahanap sila ng kamalian sa mga ito.nais nila ang bagay na magagamit nila laban kay Jesus - hindi sila nakikinig sa katotohanan.

Ang mga tao na inaakala na alam na nila ang lahat at wala ng dapat pang pag- aralan ay tulad ng matigas na lupa. Kailangan nating maging maingat sa pag-iisip na ang lahat sa atin ay wasto. Malimit na hindi ito totoo, at kailangan nating magpatuloy sa pag-aaral at paglago at gamitin ang mabuting binhi bilang ating pamantayan ng katotohanan.

Ang ikalawang uri ng lupa ay ang mabatong lupa. Ang mabatong lupa ay hindi nangangahulugan na puno ito ng mga bato. Ito ay may mababaw na lupa at ang bato ay nasa ilalim - ito ay pang-karaniwan sa Palestina - ang apog ay nasa ilalim ng lupa at hindi ito malalim.

Ang binhi ay sinasabi na “sumibol nang may kagalakan”. Ang puso ay naririnig ang katotohanan at agad na kumikilos. Naroon ang maka-damdaming tugon sa narinig na salita ng Dios, at ang tugon ay totoo. Gayunman, samantalang ang karunungan na walang tugon sa damdamin ay nag-iiwan lamang ng pananalig na parang nag-aaral, ang pakiramdam na walang karunungan ay nagbibigay sa ating pananalig na marupok at salawahan tulad ng ating damdamin. Ang pananalig na ito ay mababaw at kulang sa mga bagay na magkaroon ng ugat upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay. Walang katatagan dito - ang pananalig ay nakatayo sa buhangin, at kapag ang pag laki ng tubig ay dumating, ang lahat ay mabubuwag.

Nakalulungkot, marami tayong mga kapatid na lalaki at babae na tumiwalag sa katotohanan dahil sa mga pangyayari sa buhay. Marahil, dahil sa aking idad, ang. isang bagay na aking nakita kung bakit ang aking mga kasamahan ay nawawala ay ang buhay ng anak na walang paniniwala, isang bagay na tinalakay ni Jesus sa Mateo 10:34-39. Sa pagsisikap na aliwin ang pusong wasak, sa halip na bumaling sa Dios, magtiwala sa kakayahan na aliwin tayo, tayo ay nakipagkasundo kung ano ang ating nalalaman sa ating nararamdaman, isang pag-aakma na bunutin tayo at naglalagay ng hadlang sa pagitan natin at ng ating Ama.

Pangatlo,si Jesus ay inilarawan ang matinik na lupa, kung saan ang marami ay tinatawag ang mga sarili na tagasunod. Mula sa ibabaw, ang lupa ay parang mabuti - isang halamanan na tila malinis, gayunman, sa ilalim ay mayroong mga sukal at baging na sumasakal sa mensahe at iniwan ang halaman, kundi man patay na, ay hindi nakapamunga.

Muli, ang lupa ay tinatanggap ang mabuting binhi. Ang binhi ay nagkakaroon ng ugat; gayunman, kung kulang sa alaga at hindiinaalis ang masamang damo, ang binhi ay tumutuloy rin subalit may hangganan. Ang pusong ito ay nakakaramdam at nakakaalam, subalit ito ay nakalibing sa ilalim ng buhay, na anumang pananalig na naroon, ay kailangang magkaroon ng puwang sa gitna ng gawain ng buhay.

Tayo ay may buhay na napalilibutan ng maraming bagay at si Cristo ay hindi kasama roon. Sa halip na maging sentro Siya ng ating buhay at mga pasya - kung sino Tayo - si Jesus ay nagiging Isang bagay na ginagawa natin, mga salitang sinasabi natin, isang gawain sa talaan kung araw ng Linggo. Tayo ay nagiging tagapatmatyag sa gawain sa kaharian, gumagawa ng mga dahilan kung bakit hindi tayo makapaglingkod na hindi naaayon sa atin o walang sagabal o magaan. Kung sasabihin natin na ang ating paglilingkod ay paminsan- minsan, palaging kasiya-siya at laging magaan, hindi tayo tumitingin sa paligid natin nang sapat! Nang araw na ipinahayag ni Jesus ang sermon, Siya ay kulang sa pahinga at hindi nababahala. Siya ay nakikipag-talakay sa mga Pariseo, nagpapagaling ng mga may karamdaman, at nagtuturo sa mga tao sa buong araw. Iniisip mo ba na ang ating paglilingkod ay dapat na naiiba? Sa aking karanasan, ang pagbibigay ng oras at lakas para sa paglilingkod sa kaharian ay hindi magaan, lubhang nakamamangha, at laging nakakapagod. Ito ay nagbibigay ng layunin at katuparan.

Sa katapusan, sinabi ni Jesus na mayroong mabuting lupa - isang puso na tumatanggap ng katotohanan. Kung nasa atin ang pusong ito, hindi lang natin hahanapin ang lugar para sa ebanghelyo na naaayon sa ating abalang buhay; babaguhin natin ang ating buhay, ilalagay ang ebanghelyo sa kalagitnaan at maghahanap ng lugar para sa ibang bagay. Ang mabuting lupa ay may tumpak na tugon ng damdamin sa ebanghelyo, at kasama ang pasasalamat at kababaang-loob, itinatanim natin ang binhi nang malalim at ibinigay ang mga bagay upang ito ay lumago - oras, karunungan, panalangin at paglilingkod.

Ang paraan ng mga manunulat ng Ebanghelyo ay inilalarawan ang tugon ng pusong ito, ang nakikinig ng katotohanan ay kahanga- hanga. Isinulat ng Mateo, na sinabi ni Jesus na ang mabuting tagapakinig ay nauunawaan ang salita. Hindi lang tayo dapat makinig. Tatanungin natin ang ating sarili, “Ano ang kahulugan nito?” at “Ano ang kailangan kong gawin?” Ito ay isang makatuwirang tugon. 

Sa salaysay ni Marcos, sinabi ni Jesus na ang mabuting tagapakinig ay tinatanggap ang salita. Tinatanggap natin, inilalagay sa ating mga isipan at hindi pumapasok sa isang tainga at lumalabas sa kabila. Ito ay nagiging bahagi ng ating pag-iisip at buhay. Ito ang ating tugon na pandamdamin.

Sa salaysay ni Lucas, sinabi ni Jesus na ang mabuting tagapakinig ay tinutupad ang salita. Tayo ay yumayakap dito na tila ang ating buhay ay nakasalalay dito sapagkat totoo naman! Tayo ay sumusunod dito …sa LAHAT ng pangyayari, hindi lamang ang magaan o may pakinabang na bagay. Ito ang tugon ng pagkaunawa at pagtanggap.

Ito ang kaibahan ng mabuting lupa. Nauunawaan natin na ang salita ay tumatahan sa ating kalooban at pinapayagan na ito’y magbigay ng lakas sa ating buhay, inaalis ang masamang damo sa ating halamanan upang ito’y lumago at baguhin tayo tulad ng Kanyang wangis. At kung gagawin natin ng wasto, mga kapatid, tayo ay mamumunga sapagkat ito ang ginagawa ng mabuting binhi kung ito ay nakatanim sa mabuting lupa! Hindi tayo mamumunga nang may magkakatulad na bunga, nguni’t tayo ay magiging mabunga sa lupain saan man tayo. At sa pamumunga, babaguhin ang lupa at tayo ang maghahasik, pupunta sa mga bukirin, ihahasik ang mga binhi, hindi magtatangka na alamın ang bunga kung saan ito tutubo, nguni’t dıdiligin ito, sapagkat ang pag- aani ay tiyak.


Previous
Previous

Ang Talinghaga ng Nakatagong Kayamanan at MamahalingPerlas

Next
Next

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kagalakan