Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Katapatan

Ano kaya sa isang umaga na paggising mo ay tila isang aklat ng mga bata na may pamamat na “Upside Down Day” ang iyong nagisnan? Ang kisame ay nasa ibaba mo at ang sahig ay nasaitaas mo? Kung ikaw ay nagsesepilyo ng ngipin, ang tubig ay umaagos sa kisame? Ang lahat ng mga alituntunin ay kabaliktaran ng lahat ng nangyayari. Ang tanda ng trapiko na hinto ay kasama ang salitang “Kung nais mo.” Ang mga buton sa elevator ay humihinto sa maling palapag. Nakuha mo ang ibig kong sabihin?

Samantalang ito ay isang masayang tagpo para sa isang kathang-isip, sa tunay na buhay, ito ay isang bangungot. Kailangan natin na ang lahat ay “nasa tamang lugar.” Ang iba sa atin ay may kailangan higit sa iba. Nguni’t tayo ay umaasa , sa bawat batas ng kalikasan na hindi tayo nagbabago 100% sa lahat ng panahon.

Sa kabutihang-palad, sa loob ng anim na araw, ang Dios ay nilalang ang daigdig kung saan ang lahat ay gumagawa na may maayos na pagkakasunduan at ito ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Dahil sa gravity, tayo ay nakakainom. Dahil sa friction o pagkiskis, ang sasakyan ay makahihinto. Dahil sa mga batas ng Dios sa kalikasan, tayo ay nakahihinga, nakapagluluto, nakakakita, at nakaririnig. Kahit na “suwayin” natin ang batas ng kalikasan, tulad ng paglipad sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano, ginagamit natin ang batas ng Dios na .itinalaga na upang maisagawa ang ating gawain.

Ang ating pang-araw-araw na buhay dito sa daigdig ay umaasa sa isang tapat na Dios. Pakinggan natin ang mang-aawit sa Awit 33:4-9 :

“Ang salita ng Panginoon ay matuwid, at maaasahan ang Kanyang mga gawa. Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang Kanyang pagmamahal. Sa pamamagitan ng salita ng Dios, ang langit ay nilikha; Sa Kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.

Inipon Niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon, dahil nang Siya’y nagsalita, nalikha ang mundo; 

Siya’y nag-utos at lumitaw ang lahat.”

Kailan tayo nananabik sa katapatan ng Dios? Tunay, tayo ay nagsisikap na maunawaan ang pisikal na daigdig. Nguni’t tayo ay nananabik sa Kanyang katapatan na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Hindi ko alam kung ang isang Kristiyano na nagpapakita ng larawan ng bahag-hari ay hindi idaragdag ang mga salitang ,”Ang Panginoon ay tinutupad ang Kanyang mga pangako.”

“Isipin ninyo na ang Panginoon na inyong Dios ay iisang Dios. Matapat Siya at tinutupad ang Kanyang kasunduan hanggang sa mga salinlahi ng mga nagmamahal sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga utos” (Deuteronomio 7:9). Ang mga pangako ng Dios kay Abraham ay naghatid sa atin kay Cristo. Ang ipinangakong usbong mula sa angkan ni Jesse ay darating upang hatulan nang may katuwiran at katapatan at kapangyarihan — “Paiiralin Niya ang katarungan at katapatan, ito ang magiging pinakasinturon Niya” (Isaias 11:5). Tayo ay nananabik sa Dios na maging tapat sa Kanyang pangako na Siya ay maghahanda ng lugar para sa atin at tayo ay tatanggapin Niya roon (Juan 14:3).Nais natin ang katapatan ng Dios sa Kanyang katuwiran. Nais nating hanapin Siya araw-araw upang malaman kung ano ang tama. Si Moses ay inawit sa Deuteronomio 32:4, “Siya ang bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa Niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng Kanyang mga pamamaraan. Matapat Siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan Siya at maaasahan.”

Nais natin ang katapatan ng Dios sa paghatol. Tayo ay nagagalak sa Awit 96:11-13, “Magalak ang kalangitan at mundo, patı ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umaawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating Siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa Kanyang katuwiran at katotohanan.”

Nais natin ang isang Dios na hahatol na may isang pamantayan para sa lahat - at iyan ay pamantayan ng katotohanan. Tayo ay umaasa sa katapatan ng Dios sa harap ng ating mga kaaway. Sa isang bahagi ng Awit 143: 1-4, “Tinugis ako ang aking mga kaaway. Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan; tulad ako na isang taong matagal nang patay. Kaya nawalan na ako ng pag-asa, at punong-puno ng takot ang puso ko.”

Mayroon bang panahon na ako ay nag-aalinlangan o tinanggihan ang katapatan ng Dios? Nakalulungkot, malimit, ang tugon ay Oo. Madali sa atin na ang mga pagsubok at dalahin sa buhay ay nagbibigay sa atin ng pakiramdam na hindi na natin kaya. Tulad ni David, sa Awit 143:5-6, “Naalala ko ang Inyong mga ginawa noong una; pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng Inyong ginawa. Itinaas ko ang aking mga kamay sa Inyo at nanalangin, kinauuhawan Ko Kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.” Nguni’t malimit, ang paningin ko ay lumiliit. Pinahihintulutan ko ang mundo at ang mga alalahanin na matakpan ang pagtingin ko sa Dios, at pagkatapos, ako ay nawawalan ng pag-asa sakasalukuyan sa halip na katapatan dahil sa nakalipas at hinaharap.

Marahil ang aking sariling pagnanais ang nagtataboy sa akin sa katapatan ng Dios. Si Satanas ay inaakit ako sa bunga ng punong-kahoy at pinapaniwala ako na ang aking sariling kaligayahan ay higit na mainam kaysa katuwiran. Marahil ay nararamdaman ko na ang Dios ay dapat na gumawa ng mga pangangailangan para sa akin at para sa mga pangyayari sapagkat ang mga bagay ay nagiging mahirap. Ako ay kusang- loob na isasakripisyo ang katapatan ng Dios na pag-asa ng lahat ng henerasyon upang habulin ang aking pangarap " mabuhay sa katotohanan."

Saan ako titingin upang ako'y makabalik sa pagpapasakop sa katapatan ng Dios? Ang totoo, sa mundo sa paligid ko. Sa tubig na pumupuno sa aking tasa at hindi sa kisame. Sa araw na sumisikat tuwing umaga. Umaasa ako na ito ang pipigil sa akin upang ako ay muling bumalik sa Kanyang salita. Kahit na ang karaniwang pagbabasa ng salita ng Dios ay magpapaalala sa akin ng mga pangako Niya at ang mga pangako na Kanyang tutuparin.

Samahan mo ako sa pagbabasa, “Panginoon, ang Inyong pag- ibig at katapatan ay umaabot hanggang sa kalangitan” (Awit 36:5). “Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Nguni’t maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi Niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng mga pagsubok, gagawa Siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito- (1Corinto 10:13). “Kung hindi man tayo tapat, mananatili Siyang tapat, dahil hindi Niya maikakaila ang Kanyang sarili (2 Timoteo 2:13). Tulad ng karunungan na nagmumula sa lansangan, ang Dios ay paulit-ulit tayong pinaaalalahanan na Siya ay tapat. Kung iniisip natin na tayo ay nasa tama na walang pang-araw-araw natapat na pananalig, pagbabasa, pagninilay, at panalangin, ay pinahihintulutan natin na punuin ang ating panahon at isipan ng maka-mundong hangarin, ang bunga ng katapatan ay malalanta sa ating puno.

Ang mundo ay sinasabi na “kapit lang.” Sa aklat ng Hebreo, sinasabi sa atin na “magpakatatag.” Magpakatatag saan? “Magpakatatag kayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag- alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin. At sıkapin nating mahikayat ang isat isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan (Hebreo 10:23-25).

Maraming mga araw na ang araw ay sumisikat sa Silangan, at ang gravity ay tumutulong sa ating mga paa na patuloy na nakatapak sa sahig, na tayo ay bumabangon mula sa higaan at nagpupuri sa katapatan ng Dios. Mayroong mga araw na tayo ay nawawalan ng pag-asa, tulad ni Job ay tumatangis, o tulad ni David, itinataas ang mga kamay, nagmamakaawa sa Dios na pakinggan tayo. Araw-araw sa ating paghahanap sa Kanya, tinitiyak Niya na si Cristo Jesus, ang Tupa ng Dios, ay nagtagumpay na. Siya ang nakasakay sa puting kabayo ang İSA na tinatawag na Tapat at Totoo (Pahayag 19:11).


Previous
Previous

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu — Kahinahunan

Next
Next

Ang Buhay Ko ay Para kay Cristo