Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita: Abraham Part 2
Nang ang manunulat ng Hebreo ay unang tinalakay si Abraham sa 11:8-10, sinabi sa atin na ang pananalig ni Abraham ang nagbigay sa kanya na lumisan ng kanyang tahanan at maglakbay sa ilang ng Canaan sa loob ng 100 taon. Habang naghihintay sa Dios, si Abraham ay namuhay nang may pananampalataya at pagtitiwala sa kaalaman na ang Dios ay may layunin sa kanyang buhay.
Makalipas ang maikling pagsasaalang- alang ng pananalig ni Sarah sa mga talata 11-12, ang manunulat ay nagmuni -muni sa mga talata 13-16, kung paano ang mga tao ng Dios, tulad nina Abraham at mga binanggit noong nakaraan, ay nakikita ang kanilang mga sarili na manlalakbay sa daigdig na ito.
Sa pagbabalik sa kuwento ng pananampalataya ni Abraham, nakita nating makalipas ang mga panahon ng paglalakbay,si Abraham ay isa pa ring dayuhan sa gitna ng mga banyaga, nguni’t tinanggap niya ang anak na ipinangako ng Dios, at siya ay patuloy na naghintay sa Dios.
Sa bahaging ito na tayo ay tinanong na isaalang-alang kung ano ang pinaka hindi maunawaan na sandali sa kasulatan :
17-18 Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin Siya ng Dios. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Dios na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay. 19 Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Dios. At ganoon nga ang nangyari - parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan.”
Ang kuwento na inilahad sa Genesis 22 ay malimit na inilalarawan na si Isaac ay isang batang lalaki marahil 10 o 12 taon. Gayunman, ayon sa kaugalian ng mga Judio o sa orihinal na salaysay ng Hebreo, si Isaac ay nasa kalagitnaan ng tatlumpung taon (30). Ito ang nagpabago sa kuwento na naging katibayan ng pananalig hindi lamang si Abraham kundi gayundin si Isaac. Alam ni Isaac kung ano ang nangyayari, at handa siyang sumunod sa kanyang ama. Hindi ko inisip na ito ay malaking hakbang na makita si Isaac na handang sumunod sa kalooban ng kanyang ama dito sa lupa at sa Dios. Katunayan, hindi natin alam kung ano ang idad ni Isaac, maaaring siya ay higit na matanda na kaysa nakikita natin sa mga larawan.
Ang buong - pusong pagsunod ni Abraham ay malinaw na ipinakita ng manunulat ng Hebreo nang sinabi niya na si Abraham ay “inihandog si Isaac.” Hindi niya sinabi na may balak si Abraham na ihandog si Isaac o halos ihandog niya si Isaac. Ang pangungusap ay hindi sinabi na si Abraham ay nasa paghahanda na ihandog si Isaac. Si Abraham ay inialay si Isaac; sa kanyang puso at isipan, ang paghahandog ay ginawa na.
Ang Dios ay sinubok si Abraham sa pamamagitan ng paghahandog sa anak na ipinangako sa kanya. Sina Abraham at Sarah ay nagsikap na alamın kung paano magagawa ng Dios ang ipinangakong anak sa kanila. Ang pagkakaloob ng anak sa kanila sa dahilang sila’y matatanda na. At ngayon - ang hindi mapag- isipan. Ang Dios ay hiniling na gawing handog si Isaac.
Kung ang pananalig at pagsunod ay hindi ugali ni Abraham, tiyak na ang hakbang na ito ay napakalayo. Ito ang anak na ipinangako. Sa Genesis 21-12, nang pinalayas ni Abraham si Ishmael at Hagar, sinabi ng Dios na nagmumula kay Isaac ang mga lahi na Kanyang ipinangako. Ang utos na ialay si Isaac ay hindi makatuwiran.
Gayunman, nakita na ni Abraham ang mga ginawa ng Dios kaya naging tahimik ang hind pagkakatugma na kanyang iniisip. Sila ay naglakbay ng tatlong(3) araw. Naiisip mo ba ang pagdadalamhati ni Abraham sa kanyang puso? Ang bawat hakbang ay papalapit sa gagawing pag-aalay. Mayroon pang panahon upang maki-usap, magmaka-awa, at marahil ay humilng sa Dios na baguhin ang balak. Mayroon pang panahon na mangatwiran kung bakit hindi niya magagawa, gumawa ng mga dahilan at baguhin ang isip. Sa pinakahuli, si Abraham ay maaaring matukso na mag-alinlangan sa balak na ito. Lubos nating mauunawaan kung kanyang inantala o pinabagal ang paglalakbay. Mahirap na isipin na si Abraham ay nanalangin para hindi mangyari ang paghahandog, nguni’t si Abraham ay nagpatuloy sa paglalakbay, inisip na wala na si Isaac sa kanya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na si Abraham ay inutusan na umalis sa makalupang pakikipag-ugnayan at sumunod sa Dios. Siya ay lumisan ng Ur. Siya ay lumisan ng Haran. Siya ay naghintay sa pangako. Hindi niya alam kung paano gagawin ng Dios ang pangako, nguni’t alam ni Abraham na gagawin ito ng Dios. At gayun nga, ay ginawa niya ang hindi maunawaan - dinala niya si Isaac sa lupain ng Moriah at ihahandog niya. Inialay niya si Isaac sa paniniwala na ang Dios ay bubuhayin si Isaac mula sa kamatayan kung nais Niya. Sinabi ng manunulat ng Hebreo, na tinanggap ni Abraham si Isaac mula sa kamatayan, muli ipinakita ang pakikipag-isa ni Abraham sa balak ng Dios.
Ang pagpapahiwatig ng sakripisyo ng Dios para sa atin ay nasusulat sa lahat ng paksa ng kuwentong ito. Ang Ama na kusang-loob na isakripisyo ang Bugtong na Anak. Ang Ama at Anak na parehong may kaalaman, ay nagpatuloy habang papalapit ang paghahandog. Ang Anak na naki-usap sa isang paraan. Subalit, sa paghahandog kay Jesus, walang Tupa na ipinagkaloob. Nang si Isaac ang ihahandog, isang handog ang ipinagkaloob at si Isaac ay nakalaya.
Kailangan kong isaalang-alang kung paano ko isinasakripisyo ang kaaliwan ng aking buhay. Hindi ako tinawag upang isakripisyo ang aking anak, at sa totoo lang, sa mga pagsubok na pansarili, ako ay hindi nagtatagumpay. Ang salitang “sinubok” ay malimit na nasa gitna ng mga talatang ito, at alam natin na tayo ay sinusubok din ng Dios. Sa Santiago, tayo ay sinabihan na tanggapin ang mga pagsubok at magalak sapagkat nagdudulot ito ng katatagan at pananampalata.
Ito ay nagbibigay sa atin ng katiyakan na magagawa natin nang wasto ang mahihirap na bagay kung ang ating pansin ay nasa tama. Ang aking ina ay hindi pinahahalagahan ang damdamin. Siya ay dumanas ng mahihirap na panahon noong kanyang kabataan, Siya ay hindi nagpakita ng mga damdamin na pang- kaisipan. Napag-aralan niya mula sa murang gulang na ang buhay ay mahirap, na nangyayari ang masasamang bagay, at ang pagkawasak ng puso ay hindi maiiwasan. Bagaman, ito ay mahirap minsan, hindi ko iniisip na ito’y masamang bagay. Ibinahagi niya sa kanyang mga anak ang pagtitiwala na harapin ang mga paghihirap.
Gumugugol tayo ng lubos na lakas at sinisikap natin na bigyan ng pag-iingat ang ating mga anak mula sa marahas na katotohanan ng buhay, na nakakalimutan natin na ituro sa kanila ang paggawa ng mahirap na bagay. Sila man ay susubukan at maliban kung nakasuot sila ng espirituwal na kalasag, paano natin maaasahan na mapagtitiisan ang digmaan. Kailangan nilang malaman na makagagawa sila ng mahirap na mga bagay, ipagkait ang sarili, mahaharap nila ang pagkawasak ng puso at kabiguan at malalagpasan nila ang mga ito. Nguni’t ang daigdig ay hindi ibibigay ang mga kasangkapang ito upang gawin ang mga bagay na ito.
Kung si Abraham ay hindi naging tiyak na ang Dios ay magagawa na patayin si Isaac at gayunman isakatuparan ang pangako, maaaring Siya’y magpasya na huwag pumaroon sa Moriah. Siyaay umasa sa kalakasan, karunungan, at kabutihan ng Dios na gagawin nang tama ang lahat. Ang kanyang pagtitiwala ay nasa kapangyarihan ng Dios, at si Abraham ay pinatunayan sa Dios at sa kanyang sarili na magagawa niya ang anumang mahirap na bagay na hinihingi ng Dios sa kanya.