Kapayapaan sa Gitna ng Kaguluhan

Buwan na ang nakalipas nang simulan kong isipin ang tungkol sa kapayapaan. Nakinig ako sa mga sermon, nagbasa ng mga komentaryo, at sinaliksik ang mga kasulatan tungkol sa paghahanap ng kapayapaan. Sa kasamaang-palad, sinimulan kong isulat ang artikulong ito sa panahon ng pinaka masalimuot na bahagi ng taon, mula sa Thanksgiving ng mga Amerikano hanggang Disyembre. Ano ba ang iniisip ko?

Wala akong anumang dakilang rebelasyon tungkol sa paghahanap ng kapayapaan; ang buhay ko ay kasinggulo rin ng ibang tao. Gayunman, ang pagtuon sa paksang ito ay nagbigay- diin sa akin kung kailan ko nararamdaman ang pinakamatinding kapayapaan at kung kailan naman ang wala nito.

Sa pagbabasang ng mga banal na kasulatan, lagi akong bumabalik sa dalawang partikular na şıpı : Juan 14 at Filipos 4.

Sa Juan 14, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na Siya ay aalis na, nguni’t hindi dapat “mabalisa ang kanilang mga puso” dahil iiwan Niya sa kanila ang Kanyang kapayapaan. Hindi ito ang kapayapaang alam ng mundo, kundi isang bagay na partikular sa Kanya. Sinabi Niya na ang lunas sa pag-aalala at pagkabalisa ay ang maniwala sa Kanya. Ang kapayapaan ay hindi isang bagay na hinahabol at hinahanap; ito ay bunga ng pananampalataya.

Nakakalimutan natin ang uri ng kapayapaang inaalok. Nais tayo ng kapangyarihan ng kadiliman na hanapin ang kapayapaan sa mga lugar na ipinapangako ni Satanas, nguni’t wala ito roon. Ang buhay na walang kapayapaan ay, sa madaling salita, isang buhay na wala ang Dios.

Kapansın-pansin na ang Biblia ay nagsisimula at nagtatapos sa isang pangitain ng kapayapaan. Sa Halamanan ng Eden,ang tao at ang Dios ay may kapayapaan. Nguni’t nasıra ito nang pumasok si Satanas at kinuwestiyon ni Eba ang karunungan at awtoridad ng Dios.

Mula noon, ang kasalanan ang naging tagagulo ng kapayapaan - hindi lang kapayapaan bilang kawalan ng digmaan, kundi ang pagtatapos ng kapayapaan ng tao sa Dios. Ipinagpalit nila ang kanilang kapayapaan para sa isang pangakong binitiwan ni Satanas na hindi naman niya balak tuparin. Gayunpaman, sa pamamagitan ng mga propeta at sa paglipas ng panahon, ipinahayag ng Dios ang Kanyang kamangha-manghang plano upang balık ang kapayapaan sa pagitan Niya at ng sangkatauhan.

Sa pag silang ng Mesiyas,ipinahayag ng mga anghel ang pagdating ng “Kapayapaan at mabuting kalooban” sa lupa. (Lucas 2). Narito ang kapayapaang inireregalo ng Dios sa mundo - ang pagdating ni Cristo.

May pagkakataon tayong magkaroon ng Kanyang kapayapaan, nguni’t hindi natin ito mahahanap sa labas ng relasyon sa Kanya. Gayunpaman, ang mga Kristiyano at hindi Kristiyano ay parehong naghahanap ng mga bagay sa mundo na magbibigay ng kapayapaan. 

Isang lugar na ang kapayapaan ay hinahanap sa mundo ay ang modernong medisina. Bagaman hindi masamang gumamit ng gamot kapag kailangan, ang sakit ay maaari ring maging epidemyang magnanakaw ng ating kapayapaan. Sa pinaka mayamang bansa, pinaniniwala tayo na may kulang sa atin - at kailangan natin ang mga gamot para sa kawalan ng pokus o kagalakan o hangarin. Tulad nina Adan at Eba, nagsisimula tayong mag-alinlangan sa kung anong mayroon tayo atnaghahanap ng mas mabuti - nguni’t hindi ito umiiral, kaya tayo ay naiiwang balısa at takot.

Ako ay nagtataka kung ang pagkahilig sa mga gamot ay dahil sa takot sa kamatayan. Ang ating buhay ay maaaring hindi mapigilan kung tayo ay paroon at parito sa mga opisina ng mga manggagamot, nagsisikap na makuha ang resulta ayon sa ating pananaw. Nakasama ko ang mga babaeng Kristiyano na nagsasalita ng may karunungan tungkol sa medisina higit sa pagsasalita tungkol sa kasulatan. Ano ang ating ginagawa? Nakalimutan na ba natin na ang mundong ito ay hindi natin tunay na tahanan? Bakit tayo mababalisa sa kamatayan kung ito ay hindi maiiwasan at isang pakinabang para sa atin…kung iyon ba talaga ang pinaniniwalaan natin?

Mga kababaihan, hindi tayo ninanakawan ng kapayapaan; kuşa natin itong ibinibigay. Sa pagpapapasok kay Satanas sa ating mga tahanan, isipan, at puso, kusang-loob nating isinusuko ang iniwan ni Jesus para sa atin.

Dahil sa sobrang dami nating tinatamasa, tayo ay naiinip at naghahanap pa ng bagong pakikipagsapalaran. Kamakailan ay may nagtanong sa akin kung ano ano ang ginagawa ko kung ako ay naiinip. Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang aking isasagot. Dahil nga sobrang dami ng tinatamasa, tayo ay naiinip at nagiging hindi mapagpasalamat, kaya ang ating mga puso ay nababagabag. Nawawala sa atin ang mga regalo ng espirituwal na kaharian, tulad ng kapayapaan at kagalakan.

Nang lisanin ng Israel ang Ehipto, sila ay nasa ilang ng tatlong araw - tatlong araw - nang sila ay nagreklamo na dinala sila ni Moses sa ilang upang mamatay. Tatlong araw na sila’y maglakad sa tuyong lupa ng Dagat na Pula. Tatlong araw na pinatnubayan sila ng haliging apoy sa gabi at ng ulap sa araw. Binigyan sila ng tubig na dalisay, pinakain ng manna mula sa langit, gayunman, sila ay nagreklamo pa rin. Nais nila ng higit pa. Sila ay nagingbalisa at takot, hindi kontento at walang pasasalamat at kagalakan. Nais pa nilang bumalik sa Ehipto sa pagiging alipin dahil ito ang kalagayang pamilyar sa kanila. Nakita nila ang mga himala ng Dios ,nguni’t sila ay nawala sa kaguluhan. (Exodus 14-16). Tayo ay hindi naiiba sa kanila. Tunay, nakita natin ang katibayan ng Dios sa ating buhay, nguni’t dahil sa kaguluhan ng damdamin, tayo ay bumabalik sa pagka-alipin.

Kung hahayaan nating manaig ang ating mga emosyon, hindi tayo kailanman magkakaroon ng kapayapaan. Pinaka-kaunti ang kapayapaan sa aking buhay kapag ako ay nagagambala ng mga bagay sa mundong ito at hindi ginugugol ang panahon sa Salita ng Dios. Ito ang totoo. Kapag ako ay labis ang trabaho at sa pangangailangan ng iba, wala ng kagalakan at ito ay tila isang gawain na lamang, hindi ako mapayapa. Ang aking isipan ay pumupunta sa ibat-ibang direksiyon, at hindi ito mabuti, o dalisay o dakila.

Sa Filipos 4, sinabi ni Pablo sa mga Kristiyano sa Filipos, na huwag mag-alala. Isaalang-alang ang pag-uusig sa iglesya na kanilang kinaharap. Dito ibinilanggo sina Pablo at Silas dahil sa pangangaral tungkol kay Cristo (Gawa 16). Walang kapayapaan para sa mga alagad, nguni’t sinabi ni Pablo na huwag mag-alala. Gawin ang dapat gawin at siya ay tularan. Manalangin at laging magpasalamat…kahit na sa paghihirap. Bantayan ang inyong isipan - ang “kapayapaang di -maunawaan ng isipan” ang magsisilbing pananggalang ninyo sa kaguluhan ng mundo.

At sa mga talata 8 at 9, sinabi niya sa kanila, at gayundin sa atin, kung paano iingatan ang ating mga sarili mula sa kasamaan ng kultura.

8. Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri, mga bagay na totoo,marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. 9. Ipamuhay ninyoang lahat ng natutunan n’yo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Dios na nagbigay ng kapayapaan. 

Makahahanap tayo ng kapayapaan kapag nagninilay tayo sa mga bagay ng Dios At kung Ginagawa natin ang nakasulat sa Kanyang salita. Sinabi ni Santiago na huwag tayong maging tagapakinig lamang; kundi Sundin ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya n’yo lang ang sarili ninyo (Santiago 1: 22). At kung tayo ay abala sa pakikinig At paggawa, tayo ay hindi maiinip, at tayo ay magiging kontento, hindi mag-aalala, at ang Dios ng kapayapaan ay sasaatin. Tayo ay pinangakuan na malalagpasan ang kaguluhan at itutuon ang isipan sa Kanya.

Alam natin kung paano matatapos ang kuwento - ito ay matatapos kung saan nagsimula - sa isang ilog sa hardin ng paraiso kung saan ang kapayapaan ay nasa kanyang kabuuan, sa pinaka wagas na anyo. Ang kapayapaan ay magiging ganap kung tayo ay magtitiis. Naniniwala ka ba dito?

Kaya magpatuloy tayo! Mag-imbak ng espirituwal na kayamanan ng pag-ibig, kagalakan, at pagtitiis. Isipin ang mga bagay na totoo at marangal. Lumapit sa Dios nang may pasasalamat, umasa sa Kanya na ikaw ay pupunuin. Patahimikin ang ingay sa paligid at ituon ang sarili sa Kanya. Maaari nating panghawakan ang kapayapaan kung pipiliin natin ito. Huwag tayong bumalik sa pagka-alipin. Walang kapayapaan doon. Ang tanging tunay na kapayapaan ay matatagpuan lamang sa presensya ng Dios ng Kapayapaan.


Next
Next

Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita: Abraham Part 2