Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Pagpipigil sa Sarili
Nang nakaraang taon, kami ay bumili ng isang palamigan na kasing taas ng dibdib, at dinala iyon sa palapag ng bahay na nasa ilalim ng kabahayan. Ito ay nakakasigla, hindi aksaya sa oras, at mabuti para sa panustos na mayroon kaming imbak ng karne, gulay , tinapay, at iba pa na hindi na kailangang pumunta sa pamilihan. Sa maikling kabuuan, kami ay naninirahan sa Manhattan sa loob ng 16 na taon kung saan kami ay mayroong katamtamang sukat ng palamigan, kaya ito ay isang bago at masayang pangyayari para sa akin.
İyon lang, hanggang dumating ang oras para mag handa ng hapunan. Ako ay nasa itaas ng kabahayan, na maginhawang nakaupo at pagod, at ang karneng iluluto kinabukasan ay matigas pa at nasa ilalim ng palamigan na nasa malamig na ilalim ng kabahayan. At ngayon, ay hindi na ako nasisiyahan para kunin iyon. Ang totoo, ay sasabihin ko na ang lahat ng dapat sabihin: sapagkat ang aking pag-aatubili na tumayo sa aking pagkaka- upo at bumaba ng hagdan, ay ang sorbetes na para sa akin ay nakatago doon, at naging hadlang sa aking pagmamalabis. Ang maliit na agwat at kawalan ng ginhawa ay nakatulong sa akin upang magkaroon ako ng pagpipigil sa sarili. Mayroon nga ba?
Sa lathalaing ito, ay tinatapos natin ang paksa ng “Pagninilay” sa bunga na binanggit ni Pablo sa huling bahagi - pagpipigil sa sarili. Ang salitang “pagpipigil sa sarili” ay matatagpuan lamang sa Lumang Tipan sa Kawikaan 25:28, “Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader.”
Makikita natin ang mga halimbawa ng pagpipigil sa sarili o kakulangan nito sa mga tauhan sa Lumang Tipan. Ang isa, si Job, na naghirap nang labis, ay hindi isinumpa ang Dios. Si Jose na nagpakita ng pagpipigil sa sarili, hindi lamang nang siya’y tuksuhin ng asawa ni Potiphar, at nagpigil din sa sarili na paghigantihan ang kanyang mga kapatid. Nakita rin natin ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili kay Saul na ayaw sumunod sa mga utos at naghintay kay Samuel na dumating at maghandog, at dahil sa galit ay pinukol si David ng sandata na halos ikamatay niya.
Ang pagsasanay ng pagpipigil sa sarili ay isang utos na ibinigay sa ating lahat sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga apostol, natatangi ang mga sulat ng tagubilin kina Timoteo at Titus. Si Pablo ay binanggit ang matatanda sa iglesya ng Panginoon, mga matandang lalaki, mga nakababatang babae, mga nakababatang lalaki, lahat ng mga Kristiyano na nanganga- ilangan na matuto ng pagpipigil sa sarili. Ang mga kababaihan ay sinabihan na gamitin ang pagpipigil sa sarili sa kanilang pananamit. At gayundin,ang pagpipigil sa sarili sa buhay sekswal. Si Pedro ay isinama ang pagpipigil sa sarili na kailangan nating pangalagaan: “Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya n’yo ang kabutihang-asal, sa kabutihang- asal, ang kaalaman, sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili….” ( 2 Pedro 1:6 ).
Ako ay mayroong nakababatang kaibigan na kamakailan ay natanggap ang kaligtasan kay Cristo at naging maşaya at nakaranas ng pagpapala. Nais niya na ang kanyang pamilya ay makilala rin ang Panginoon at tanggapin Siya at makatanggap ng kaligtasan, nguni’t sila ay walang pakı-alam. Sa maraming panahon, ang kanyang pagsisikap na kausapin sila ay hindi nagtagumpay. Sa paghahanap ng mga talata tungkol sa pagpipigil sa sarili, ay nakita ko ang kuwento ni Pablo sa pangangaral kay Felix, at naalala ko ang tugon ng mga tao sa mensahe ng ebanghelyo:
“ Pagkaraan ng ilang araw, bumalik si Felix at dinala niya ang kanyang asawang si Drusila na isang Judio. Ipinatawag niya si Pablo at nakinig siya sa mga pahayag ni Pablo tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. Pero nang magpaliwanag si Pablo tungkol sa matuwid na pamumuhay, sa pagpipigil sa sarili, at tungkol sa darating na Araw ng Paghuhukom, natakot si Felix at sinabi niya kay Pablo, “ Tama na muna iyan! Ipapatawag na lang kitang muli kung sakaling may pagkakataon ako.” Palagi niyang ipinapatawag si Pablo, at nakikipag-usap dito, dahil hinihintay niyang suhulan siya ni Pablo” ( Gawa 24: 24-26 ).
Nakita ko ang maaaring magkakasunod na kilos o tugon na iniisip ko na mangyari. Ito ay batay sa bunga na si Felix ay “nabahala.” Si Felix ay naging interesado tungkol kay Jesus. Si Jesus ay hindi pangkaraniwang tao. Maraming tao sa mundo na natutuwa na tingnan Siya na may pagnanasa. Gayundin, ang “Katuwiran” ay nakakawiling pag-usapan din. Ang pagiging tama at mabuti ay nakakatawag ng pansin. Ang pagpipigil sa sarili ay nagbibigay ng panibagong antas. Ito ay nangangahulugan na baguhin ang aking pag-uugali kahit na hindi ko ito nais…. At ang darating na paghuhukom? Umalis ka na at mag-uusap tayong muli.
Ano ang magagawa ng pagpipigil sa sarili na hindi lubhang nakakabahala? Sa pag-unawa lamang ng kung ano ang ginawa sa atin ng Dios sa pamamagitan ni Jesus. Basahin Ang salita ni Pablo sa Titus 2: 11-14:
“ Sapagkat ang biyaya ng Dios na nagbibigay ng kaligtasan ay inihayag na sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at maka- mundong pagnanasa. Kaya mamuhay tayo sa mundong ito nang maayos, matuwid, at maka-Dios habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng atingdakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu Cristo. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at upang tayo’y maging mamamayan Niya na malinis at handang gumawa ng mabuti.”
Itala ang mga biyaya: Ang biyaya ng Dios ay dumating na! Ang kaligtasan ay dumating na para sa lahat ng tao! Tayo ay may pag-asa — ang pagbabalik ng ating Makapangyarihang Dios at Tagapagligtas na si Jesu Cristo! Ipinagkaloob Niya ang Kanyang sarili para sa atin! Iniligtas Niya tayo sa lahat ng kasamaan! Mula sa ating mga kasalanan, nilinis Niya tayo para maging Kanya! Tayo ay para sa Kanya! Tayo ay mga mamamayan na masigasig para sa mabubuting gawa!
Ano ang kailangan nating “iwanan”? Ang lahat ng hindi maka- dios at makamundong pagnanasa na walang lugar sa maluwalhating buhay - ang lahat ng karumihan na hindi dapat makita sa presensya ng Dios.
Ano ang magagawa ng salita? Ito ay nagtuturo sa atin na mamuhay na may pagpipigil sa sarili, matuwid, at maka-Dios na buhay. Ito ay tumutulong sa atin na magkaroon ng pag-asa at kalayaan sa katuwiran.
Sa aking pananabik na mapabilang kay Jesus, sa aking puso, si Jesus ang aking Tagapagligtas na tumubos sa akin, na Siya ang aking pag-asa sa buhay na walang-hanggan, ang pagpipigil sa sarili na tanging kailangan para sa maka-Dios at kabanalan ay hindi nakakatakot at nang-aapi, isang kapaki-pakinabang na landas na may malaking gantimpala.
Si Pablo ay ginamit ang larawan ng isang manlalaro sa 1 Corinto 9:25, na buong galak, bagaman mahirap, ay ginamit ang pagpipigil sa sarili upang makamit ang gantimpala. At gaano pa na higit na maluwalhati o hindi nasisirang gantimpala - ang isa na walang katapusan at ang hindi kailanman mababawi.
Si Felix ay hindi pa mananampalataya. Nguni’t tayo, kahit na mga Kristiyano na, ay patuloy na nakikihamok na mamuhay na may pagpipigil sa sarili. Sa aklat ng Roma 7at 8, si Pablo ay tinalakay ang salungatan sa kaluguran sa Batas ng Dios, nguni’t nakikipag- laban sa pagnanasa ng laman. “Ito ang natuklasan ko sa aking sarili: kung ibig kong gumawa ng mabuti, hinahadlangan ako ng kasamaang likas sa akin” ( Roma 7:21 ).
Ito ang nagbabalik sa aking pagkain ng sorbetes. Ako ay gumawa ng isang maliit na balak na nagbibigay sa akin ng tulong sa aking pagsisikap na gamitin ang pagpipigil sa sarili. Nguni’t hindi ko binago ang aking puso tungkol doon. Ang puso ko ba ay tunay na nagbago para kay Jesus?
Ako ay naniniwala na ang pagiging mahinahon sa pag-iisip ay nangangailangan ng hangganan at hadlang na tutulong sa akin na mamuhay na maka-Dios. Gagawa ako ng mga payak na gawain sa gabi ng Sabado na tutulong sa akin upang ako ay gumising, may malay at handa sa pagsamba sa Araw ng Panginoon. O ako’y maglalagay sa aking sarili ng mga tuntunin upang hindi ako pumunta sa mga lugar na ako’y magkakasala o makikibagay. Ako at ang aking asawa ay laging naglalagay ng hangganan upang mapangalagaan ang pagsasama naming mag- asawa.
Gayunman, sa Galatia 5:24, ang talata pagkatapos na naitala ang Bunga ng Espiritu ay sinasabi, “ Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.” Ito ay isang marahas na kilos, isang tunay na paghamak sa gawain ng laman. Ang mga hindi likas na hangganan at hadlang ay magtatagumpay lamang kung ang aking puso ay binibigyan ng halaga ang panghabang-buhay na gantimpala higit sa panandaliang pagnanasa ng laman. Sinabi ni Pablo, “Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw” ( Roma 8:18 ). Kung ako ay nabubuhay upang bigyan ng luwalhati ang Dios, ako ay kusang ipapako ang sarili.
Muling basahin ang Mateo 4, at isaalang-alang si Jesus, na pumaroon sa ilang ng 40 araw ng kawalan at kalapastanganan. Nang si Satanas ay dumating at Siya’y tinukso, bagaman mahina ang Kanyang katawan at damdamin, si Jesus ay binanggit ang kasulatan upang sagutin ang mga tukso: “Sinasabi sa Kasulatan.” Ang kalutasan sa pagsasanay ng pagpipigil sa sarili ay maaaring kasama ang mabuting alituntunin ng pag-iisip, nguni’t ang pagmamahal lamang kay Cristo sa lahat ng ginawa Niya sa akin, at ang salita ng Dios na nasa aking puso ang susugpo sa aking makamundong pagnanasa.
Gaano ko binibigyan ng halaga na makasama ang mga kapatid sa pananambahan? Nakikita ko ba ito na isang pagpapala na umalis sa mundo ng ilang oras sa Araw ng Panginoon at maki-isa sa kapwa Kristiyano at alalahanin ang kamatayan at pagkabuhay na muli ng Panginoon? Nakikita ko ba ang espirituwal na pagpapala ay malaking kayamanan higit sa pagtanggap ng mga kaibigan sa mundo? Nauunawaan ko ba na ang kayamanan sa pagsasama naming mag-asawa ay isang kasangkapan na ipinagkaloob ng Dios at banal sa Kanyang harapan? Kung ang sagot ay oo, ang pagpipigil sa sarili ay bunga ng aking puso.
Winawakasan ko ang pag-aaral sa hanay ng mga lathalain na may malaking kabuluhan sa atin. Ang aking pananalig ay lumago habang ako ay nagbabasa ng kasulatan at isinasaalang-alang ang bunga ng Espiritu. Sa huling pagsasama namin, ang isang kaibigan ay nagsabi, “Tayong lahat ay nagsisikap na maging tulad ni Cristo, at tunay na nakikita natin Siya sa bawat bunga.”
Ang aking panalangin para sa lahat ng minamahal Kong mababasa, ay ikaw ay buong tiwala at buong paggalang na basahin ang salita ng Dios araw-araw kahit na sa ilang sandali. Alam ko na makikita mo ang Espiritu na gumagawa sa salita, atako’y nananalangin na ito’y pahihintulutan mong mangyari sa iyong buhay.
At sino ang nakakaalam kung sino sa ating buhay ang hihipuin ng bunga ng Espiritu? Tatapusin ko ang lathalaing ito sa isang nakapagbibigay ng sigla na pagbanggit mula kay Dayna Mager, “When the Spirit bears fruit in OUR lives, it can affect how OTHERS spend their eternity.” ( “ Kung ang Espiritu ay nagbunga sa ATING buhay, ito ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa IBA kung paano gugugulin ang kanilang buhay na walang-hanggan.” )