Pagyakap sa Kanyang Pangalan

By : Danielle Brentlinger

“ Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Lumikha sa iyo, 

o Israel. 

Huwag kang matakot, dahil ililigtas Kita.

Tinawag Kita sa pangalan mo, at ikaw ay Akin.

Sila ang mga taong Aking tinawag.

Nilikha Ko sila para sa Aking karangalan.”

Isaiah 43: 1, 7

Sino ako? Babae, asawa, ina, anak, kapatid… Anak ng Dios. Ah, sandali lamang! Anak ng Dios? Paano ito mangyayari? Ako ay may kapintasan, makasalanan, walang sapat na kakayahan, lubhang wasak.

Ang pagkakakilanlan ay malaking bagay sa lipunan ngayon. Ang mga tao ay nagsisikap na tiyakin kung sila ba ay lalaki, babae, walang kasarian, ilan sa mga talaan ng mga bagay. Ang mundo ay nagsisikap na ilagay tayo sa mga pangkat na ginawa ng tao, mga pangkat na patuloy na lumalago at nagbabago. Paano natin malalaman kung sino tayo? Paano natin magagawa ang “tunay” na pagkakakilanlan?

Sa Genesis 1: 26-28, sinasabi na ang Dios ay nilikha ang tao ayon sa Kanyang wangis. Sinasabi sa Isaiah 43:1, na tayo ay nilikha ng Dios at tinawag sa pangalan, upang maging Kanya. Sa Efeso 1:5 sinasabi, “Dahil sa pag-ibig Niya, noong una pa’y itinalaga na Niya tayo para maging mga anak Niya sa pamamagitan ni Jesu Cristo.” Sa 1 Juan 3:1-3, “Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Dios sa atin. Tinawag tayong mga anak Niya, at tunay nga na tayo’y “mga anak Niya!” Ipinagkaloob ang pagkakakilanlan sa atin.

Tulad ng ating mga magulang na ibinigay sa atin ang mga pangalan nang tayo’y isinilang, ang Dios ay ibinigay ang Kanyang pangalan nang tayo’y “isinilang sa Espiritu.” Sa Roma 8, si Pablo ay ipinaliwanag ang ating pagiging anak sa Espiritu. “Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay mga anak ng Dios. At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay hindi kayo inalipin upang matakot, sa halip ginawa kayong mga anak ng Dios. Ngayon, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, matatawag na ninyong “Ama” ang Dios (Roma 8:14-15).

Sa pagbabalik sa naunang katanungan, paano mangyayari kung ako ay… hindi karapat-dapat? Ang mga Hapones ay may kakaibang pagtingin sa kagandahan na tinatawag na Wabi Sabi. Ito ay pinaunlad sa pamamagitan ng magandang kaalaman ng tinatawag na cha-no-yu (the tea ceremony) noong ika-15 siglo ng Japan, ang wabi sabi ay isang paglikha ng kagandahan sa mga bagay na may kapintasan, hindi palagian, at hindi buo.

Ang Dios ay hindi tayo hinihiling na maging walang kapintasan. Ang katunayan, Siya ang gumagawa upang tayo’y maging walang kapintasan. Ito ay bahagi ng Kanyang pagkakakilanlan para sa atin, upang maging ganap ang kaligtasan sa Kanyang Anak. Tayo ay makalalapit sa Kanya sa kabila ng ating mga kapintasan at pagiging wasak. Ibinabaling Niya ang ating pagtingin sa kagandahan at ating kawalang-halaga sa Kanyang pananaw. Maaari natin itong isipin sa isa pang kaalaman ng mga Hapones, ang Kintsugi. Ang kintsugi ay inaayos ang mga basag na bahagi ng isang bagay ; ang pagbuo sa mga bagay na may lamat ay naging bahagi ng kasaysayan at nagbibigay ng higit na kagandahan. Ito ang tunay na ginagawa ng Dios para sa atin.

“Sa isang malaking bahay, may mga kasangkapang yarı sa ginto at pilak, at mayroong ding yarı sa kahoy at putik. Ginagamit sa mahahalagang okasyon ang mga kasangkapang yarı sa ginto at pilak, at ang mga kasangkapang yarı naman sa kahoy at putik ay para sa pang-araw-araw na gamit. Ang mga taong lumayo sakasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki- pakinabang sa Kanya at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain ( 2 Timoteo 2: 20-21 ).

Ang Dios ay gumagawa sa atin, nguni’t kailangan nating mangako ng pagbabago. Siya ang tunay na Magpapalayok, at tayo ang putik. Upang tayo ay maging mabuting putik, tayo ay dapat na may kusang-loob na payagan Siya na tayo’y baguhin.

Ang pagbabago ay mahirap. Hindi mahalaga kung ikaw ay bata pa o matanda na. Tayo ay nagiging tiwasay. Nararamdaman natin na tayo’y ligtas sa ating mga kilos. Upang makipag-isa sa pangalan na inihanda ng Dios para sa atin, kailangan nating lumabas sa ating matiwasay na kalagayan. Hayaan natin ang Espiritu ang magbago sa atin mula sa kalooban hanggang sa labas.

Mayroong isang awitin na inawit ng The Zoe Group na pinamagatang From The Inside Out. Ito ay ipinahayag ang kuro- kuro ng pagbabago, upang maging kasangkapan ng karangalan :

A thousand times I’ve failed

Still Your mercy remains

Should I stumble again

Still I’m caught in Your grace

Everlasting, Your light will shine when all else fades

Never ending, Your glory goes beyond all fame

Your will above all else

My purpose remains

The art of losing myself in bringing You praise

Everlasting, Your light will shine when all else fades

Never ending, Your glory goes beyond all fame

My heart and my soul

I give You control

Consume me from the inside out Lord

Let justice and praiseBecome my embrace

To love You from the inside out.

(Ang tao ay patuloy na nagkakasala, nguni’t ang awa at biyaya ng Dios ay nananatili. Ang kaluwalhatian ng Dios ay patuloy na nagliliwanag tulad ng pagsikat ng araw, walang hanggan, walang katapusan. Ipinagkakatiwala ng tao ang kanyang buong puso at kaluluwa, yayakapin ang katuwiran at mamahalin ang Dios ng kanyang buong pagkatao.)(nm)

Ang bahagi ng panloob na pagbabago ay maaaring sangkot ang pagpapagaling. Naalala mo ba ang pananaw ng kagandahan ng mga Hapones? Malimit Kong isipin na ang aking buhay ay isang mosaic, na nilalang ng pinakamagaling ng Manlilikha. Ang mosaic ay nilikha mula sa mga durog at sıra-sırang bahagi. Ang Manlilikha ay alam kung saan ilalagay ang bawat bahagi. Ang kinalabasan ay maganda! Bilang mga anak ng Kataas-taasan, ang ating pagkatao ay nilikha para lang sa ating sarili, ng pinakamagaling na Manlilikha.kinukuha Niya ang lahat sa atin at binabago tayo upang maging mahalagang mga anak Niya . Tayo ay naging “taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging Kanya” ( 1Pedro 2: 9 ).

Ang Roma 7: 14 - 8 : 39, ay isang kahanga-hangang salaysay upang pagnilayan ang pagbabago sa ating pagkatao. Si Satanas, bilang pinuno ng maka-mundong pag-iisip, ay sinasabi na tayo ay walang halaga, walang pakinabang, walang pag-asa, walang nangangailangan, laging malungkot, at mamamatay na nag-iisa. Si Cristo ay sinasabi ang kabaliktaran. Sinasabi Niya na tayo ay mahalaga, may pakinabang, may pag-asa, may nagmamahal, at may buhay na walang-hanggan at kapayapaan kung tayo’y mamamatay.

Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Ama sa atin na tayo’y tinawag na mga anak Niya. Isipin Mo iyon. Ikaw ay nilikha sa sinapupunan ng iyong ina, nguni’t kilala ka sa iyong pangalan.Sinasabi sa Kasulatan na bilang Niya ang buhok sa iyong ulo! Tayo ay malinaw na mahalaga sa Kanya. 

Ngayon, sino ka? Asawa, ina, anak, kapatid…ANAK ng DIOS !


Previous
Previous

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kagalakan

Next
Next

Ang Tawag Upang Magpasya