Ang Tawag Upang Magpasya

By: Sonja H. Windburn

(Isinulat ni Pablo) “Kaya huwag kayong mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, o tungkol sa akin na bilanggo, dahil sa Kanya. Sa halip, sa tulong ng Dios, makibahagi ka sa mga paghihirap dahil sa Magandang Balita. Iniligtas at tinawag tayo ng Dios para maging Kanya, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mundo. Nguni’t nahayag lang ito nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Tinanggalan Niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita. Pinili ako ng Dios na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito. Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Nguni’t hindi ko ito ikinahihiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan Niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa Kanya.” 2 Timoteo 1: 8-11

Mula pa noong una, ang layunin ng Dios para sa bawat tao ay magpasya kung sila ba ay susunod o hindi sa Kanyang Salita. Ang puno na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama sa gitna ng halamanan at ang pagpili na ibinigay ng Dios kina Adan at Eba ay nagsasabi ng katotohanang ito. Nang si Eba,at pagkatapos ay si Adan, ay hindi sumunod sa nag-iisang utos ng Dios, ito ay nagbigay ng pakikipaghiwalay nila sa Dios, at gayundin sa lahat ng mga tao sa pamamagitan ng magkatulad na pagpili. At sa pangyayaring iyon, ipinagpatuloy ng Dios ang Kanyang pinagpasyahang balak ng kaligtasan.

Ang bawat isa ay dapat na magpasya sa pagitan ng mabuti at masama, pamamahala ng Dios o sariling pamamahala, pagiging maka-Dios o pagsamba sa mga dios-diosan, katapatan o walang katapatan, karunungan ng Dios o kahangalan, at buhay na walang hanggan o kamatayan! Nais ni Satanas na ang mga tao ay baluktutin ang naunang layunin ng Dios at tanggapin ang malapit sa Kanyang batas kaya sila ay nalilinlang at naniniwala sa kasinungalingan. Ang pagpapasya na sumunod sa Dios, pagpili na mag-aral at sumunod sa Kanyang kalooban, ay maghahatid sa landas ng kapatawaran ng kasalanan at pakikipag-isa sa Dios. At ang lahat ay inaanyayahan na makisama.

Kung ang isang tao ay hahanapin ang karunungan mula sa Dios, ang kanyang pananaw sa buhay ay salungat kay Satanas at sa kanyang mga bitag. Ang isang tao ay hindi isasaisip na ang sakripisyo, pag-ibig, pananalig, katotohanan, mga pagsubok, kamatayan, buhay, pagsunod, o pag-asa ay katulad ng isang tao na ang pinili ay kahangalan. Ang mga naghahanap ng karunungan ay may mga matang nakakakita at may mga taingang nakakarinig na bukas sa katotohanan ng Dios. Sila ay gumagawa para sa hindi nakikita kaysa nakikita, nabubuhay ayon sa pananampalataya at hindi sa bagay na nakikita. Ang mga pagpiling ito at kahihinatnan ay makikita sa mga bunga ng pag- iisip at kilos ng bawat tao. Bilang mga kasama sa maka-langit na kalikasan, tayo ay binago, ibinukod, naiiba sa karaniwan, isang banal na bayan, isang tahanan na hindi gawa ng mga kamay na nakikipaglaban sa mga gawain ng kadiliman.

Kung ang mga tao ay naghahanap ng katotohanan ng Dios, sila ay tumitigil sa pandaraya ng mga pangyayari, mga kilos at pag- uugali para sa kanilang sariling ginhawa. Nililinis nila ang kanilang mga pagkilos upang ipakita ang kanilang sarili na sila ay nahikayat ng espirituwal na katotohanan na ang kanilang mga kilos ay dahil sa kanilang mga nais o takot. Sila ay nagiging bagong nilalang na may bagong puso at magpapasya na naka- salalay sa matibay na sanligan.

Sapagkat ang lahat ng nakatagpo ng katotohanan ay kailangang matutunan ito mula sa Dios na ipinahayag sa isinulat na salita,walang makararating sa kalooban ng Dios kung walang pag-aaral o kamalian. Kung hindi susugpuin, ang ating mga kamalian ay magiging salungat sa balak at patutunguhan at sa Dios man. Ang pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng pakikipag- kasundo. Ang tao ay kailangang nakahanay sa kabanalan na ipinagkaloob ng Dios. Ang bawat lalaki at babae ay dapat na tanggapin ang paanyaya na kunin ang pagkakataon sa iniaalay na kaligtasan ng Kordero ng Dios. Si Cristo ay dumating na may tiyak na layunin ng kaligtasan, at ito ay nakalaan sa sinumang nagnanais na kunin ang pagkakataon. Ipinapakita natin ang ating kusang-loob na makibahagi sa kamatayan ni Cristo nang tayo ay bautismuhan.

Mula sa araw na iyon, tayo ay naging bahagi bilang mga taong nagpakasal kay Cristo. Tayo ay pinagsama at pinag-isa sa maka- tarungang pakikipag-ugnayan sa mapagmahal na Ama. Ang muling pagtitipon-tipon ay dahil sa ipinahayag na sakripisyo na gagawin ng Kanyang Anak, ang balak para sa tao na muling ituloy ang hindi maipaliwanag na karapatan na lumakad na kasama ang Dios tulad ng pakikipag-ugnayan nina Adan at Eba noong hindi pa sila nagkakasala.

Ang Dios ay isang tapat na Ama, at si Cristo ay tapat na asawa, at ang pagtawag ay ipinararating sa bawat lalaki at babae sa pamamagitan ng salita ng Banal na Espiritu. Nasa atin ang pagpapasya kung tayo ay tutugon sa paanyaya ng Ebanghelyo sa muling pakikipag-ugnayan. Ang lahat ay naihanda na at naipahayag na, at si Cristo ay ipinagkaloob na sa Dios ang kabayaran para sa katuwiran. Ang pakikipaglaban kay Satanas ay napagtagumpayan na, at ang layunin ay naisakatuparan na kay Cristo. Si Satanas ay nagapi na at may kapangyarihan lamang kung ito ay papayagan natin sa ating buhay.

Marami pang digmaan ng isipan ang kakalabanin. Nguni’t kailangan mong piliin ang nagwawaging panig at sumunod sa nais ng Dios sa lahat ng araw ng iyong buhay. Ang sakripisyo ay patuloy na babayaran ang halaga ng mga nakaligtaan mo sa landas ng buhay. Magpakatatag ka! Pipiliin mo na iwan ang mundo at makilahok sa walang-hanggang buhay na kasama ang Dios.


Previous
Previous

Pagyakap sa Kanyang Pangalan

Next
Next

Ang Halaga ng Pagiging Tagasunod