Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kagalakan

Ito ang pangalawa sa hanay ng mga lathalain na aking isinusulat na may kaugnayan sa pag-aaral ng Biblia na aking inihahanda. Pinag-aaralan namin ang bunga ng Espiritu at ang pangalawa ay Kagalakan. Pinamagatan ko ang mga lathalain na “Pagninilay” sapagkat sa aking paghahanda, nakita ko na marami ang dapat isa-alang-alang, maraming pagpansin na ibinigay sa mga katangiang ito sa buong Biblia, na ang mabuting paraan upang ayusin ang mga kaalaman ay tumigil sandali at magnilay.

Sa pag-aaral ng “pag-ibig”, ako ay muling nanindigan kung paano ang matatag na pag-ibig ng Dios ay matatagpuan sa kabuuan ng kuwento ng Biblia. Nang panahon na upang ihanda ang pangalawang pag-aaral,ang “kagalakan”, ang unang hakbang na ginawa ko ay may paraan; ako ay naghanap ng salita sa Bible app. Ang salitang “kagalakan”(Joy) ay matatagpuan ng 180 ulit sa Biblia, at ang salitang “magalak”(rejoice) ay 156 na inulit! Samantalang alam ko na ang mensahe ng kaligtasan ay isang nakagagalak - ako ay namangha pa rin nang bahagya at naunawaan na ang Biblia ay aklat ng kagalakan sa lahat ng mga pahina. Alam natin na ito ay aklat ng kasaysayan, at batas at katipunan ng mga tuntunin ng isang paniniwala, ngayon saan nakapaloob ang kagalakan? Upang maunawaan nang lubos, sinimulan kong basahin ang mga talata na ginagamit ang salitang kagalakan, hinahanap ang kabuuan, mga bagay na kung ano ang ibinibigay ng kagalakan at kung saan matatagpuan ito.

Sa mga aklat ng kasaysayan,naroon ang kagalakan nang ang mga balak at hangarin ng Dios ay natupad. Ang mga tao ay nagalak nang si David ay naging hari, nang ang Dios ay iniligtas sila sa kanilang mga kaaway, nang ang Kahon ng Tipan ay naibalik sa Jerusalem, at pagkatapos ng maraming taon ngpagkabihag, ang bagong Templo ay itinalaga at ang batas ay binasa nang buong lakas: “Sa loob ng pitong araw ipinagdiwang nila nang may kagalakan ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa” (Ezra 6:22).

Sa panitikan ng karunungan, ang mga manunulat ay natagpuan ang kagalakan sa natatanging katangian ng Dios - ang Kanyang karunungan, kapangyarihan, pag-ibig, at katuwiran. Ang kaaliwan at kagalakan ay matatagpuan sa Kanyang presensya, ang Kanyang mga pahayag, Kanyang mga pangako, Kanyang mga layunin sa tao: “Nguni’t ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa Kanyang harapan!” ( Awit 68:3 ). Sa mga isinulat ng mga Propeta, sa kabila ng madilim na panahon at paghihirap sa kasaysayan ng Israel, ang kagalakan ay natagpuan sa kaalaman na ang Dios ay nanatiling makapangyarihan at tapat sa Kanyang Tipan,sa hinaharap na pagtatayong muli ng nawasak na kaharian, at ang pangakong pagbabalik sa Jerusalem, at ang ilaw na mapagtatagumpayan ang kadiliman - ang isang pinili upang pag-isahin ang lahat ng mga bansa: “Ang Inyong mga tinubos ay babalik sa Zion na nag- aawitan na may kagalakan magpasawalang-hanggan. Mawawala na ang kanilang mga kalungkutan, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan” ( Isaiah 51:11).

Sa mga ebanghelyo, ay may kagalakan sa kalangitan at sa lupa nang si Cristo ay isinilang: “Huwag kayong matakot dahil naparito ako upang sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa Bethlehem, sa bayan ni Haring David, ang inyong Tagapagligtas, ang Cristo na inyong Panginoon.” ( Lucas 2:10-11 ). Samantalang si Jesus ay tinawag na ang “Taong dumanas ng sakit at hirap”, sinabi Niya sa Kanyang mga tagasunod na mararanasan nila ang kalungkutan sa Kanyang kamatayan, nguni’t ang kanilang kalungkutan ay mapapalitan ngkagalakan (Juan 16:20). Ang kagalakan ay unang naranasan ng mga babaena dumating sa libingan at natagpuan itong walang laman: “Wala na Siya rito, dahil nabuhay Siyang muli tulad ng sinabi Niya sa inyo” (Mateo 28:6 ).

Sa mga sulat sa Bagong Tipan, ang pinasiglang manunulat ay ipinahayag ang kagalakan sa ating kaligtasan. Nguni’t ang pansin sa kagalakan ay nasa ating pakikipag-ugnayan sa bawat isa, sa magkakasamang pananalig, katatagan at pag-asa. Sinabi ni Pablo sa mga taga- Corinto, “Malaki ang tiwala ko sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo! Labis ninyong pinalakas ang aming loob at nag-uumapaw sa aming puso ang kagalakan sa kabila ng aming mga paghihirap” (2 Corinto 7:4 ).

Sa katapusan ng payak na pag-aaral, isang mabilis na pagtingin at pagbabasa ng mga talata sa Biblia - ay may nangyari. Naramdaman ko ang isang liwanag sa aking isipan at puso. Ang mga alalahanin at pagkabalisa ay pinaliit ng Makapangyarihang Dios na ating pinaglilingkuran. Ang hinaharap ay tiyak na; ang pangkasalukuyan ay may kahulugan. Mayroong dahilan upang purihin ang Dios at magalak saanman ako tumingin.

Ngayon, nakikita ko ang kagalakan ay bunga ng Espiritu - isang nangyari, isang bunga. Ang kagalakan na natagpuan sa Dios - ang Kanyang karunungan, ang Kanyang mga Salita, ang Kanyang mga balak - ay hindi mapipigilan sapagkat ang Dios ay walang hangganan. Gayunman, ang kagalakan ay walang kinalaman sa ating pansariling pangangailangan, mga pangarap, mga pag-aari, mga talino, o pagnanais. Sa pagsuko lamang ng ating mga sariling balak sa Kanya na matatagpuan natin ang antas ng kasiyahan, pag-asa at kagalakan. Naroon ang kabalintunaan, nguni’t hindi ang pagsalungat sa mga pinagpala - “mapalad o matagumpay ang mga inaaming nagkukulang sila sa Dios, ang mga nagpapakumbaba, ang mga nalulumbay.

Sa pagkilala sa positibong bunga ng pagbabasa tungkol sa kagalakan, ako ay nagsimula na isang talaan ng salitang kagalakan upang basahin, isulat at magnilay sa mga talata na ginagamit ang salitang kagalakan. Inaanyayahan ko ang Banal na Espiritu na pagkalooban ako ng pusong may kagalakan at pagtitiwala sa Dios.

“Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya” ( Awit 30:5 ). Sa araw na sinimulan ko ang pagsulat ng lathalain, ako ay nagpaalam sa aking 94 anyos na ama. Siya ay isang matapat na disipulo, at ang totoo, siya ay nanambahan kasama ang mga kapatid sa pananampalataya tatlong araw bago siya pumanaw. Ako ay dumaranas ng kalungkutan kung iniisip ko na hindi ko na siya makikita o maririnig ang kanyang tinig. Nguni’t ito ay mapapalitan ng ginhawa ng kalooban, at tunay, kagalakan sa aking lubos na paniniwala na siya ay nagpapahinga sa dibdib ni Abraham, malaya na sa katawan, sa makasalanang mundo, at nagagalak magpasawalang-hanggan: “ Magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagligtas sa akin” ( Habakkuk 3: 18 ).


Previous
Previous

Ang Lakas na Ibinibigay ng Ebanghelyo sa Puso 

Next
Next

Pagyakap sa Kanyang Pangalan