Paghahanap ng Kapayapaan
Ano ang hinahanap mo sa buhay? Huwag mag-isip nang labis kung ano ang tugon - ano ang pumasok sa isipan mo? Ano ang hinahanap ng karamihan sa atin ? Hinuhulaan ko, ayon sa aking buhay at pakikipag-usap - ito ay kaligayahan, kaligtasan, pag- ibig, katayuan sa pananalapi, tagumpay, layunin, o sama - samang mga ito. Nguni’t paano ang kapayapaan? At anong kasiyahan o katuparan ang maibibigay nito kung wala ang kapayapaan? Ang ugnayan ay mabibigo, ang tagumpay ay maaaring manakaw, ang layunin ay tila walang saysay, kung dumarating ang mga hindi pagkakaunawaan, ang mga materyal na bagay ay hindi makapupuno kung walang kapayapaan.
Kung walang kapayapaan, tayo ay hindi mapalagay, laging naghahanap, hindi nasisiyahan, hindi matagpuan ang kasiyahan dito sa mundo. Kaya patuloy tayong naghahanap ng ibat-ibang paraan na magbibigay ng kapayapaan at kasiyahan.
Tayo ay katulad ng manunulat ng Ecclesiastes. Ang Ecclesiastes ay isang sanaysay sa paghahanap kung paano ang buhay ay magiging kasiya-siya. Ito ba ay isinulat ng isang kaluluwa na walang pag-asa sa buhay? Hindi, sa kabaliktaran nito, ito ay isinulat ni Solomon, anak ni David at Hari ng Israel, ang pinaka- mayaman at pinakamatalinong tao sa kanyang panahon. Siya ay buong pagsisikap na naghahanap ng kapayapaan at hindi nakita, sapagkat siya naghahanap sa mga maling lugar.
Bagaman ang Ecclesiastes ay sina-unang literatura, ang mensahe nito ay totoo pa rin hanggang sa ating panahon ngayon. Ang tao ay naghahanap pa rin kung ano ang magpapalıgaya sa kanya, samantalang kinaliligtaan ang kapayapaan at kasiyahan na abot-kamay lamang. Ang sanaysay ay nagsisimula sa konklusyon ng manunulat ng buhay sa lupa : “Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, ang lahat ay walang kabuluhan - (isang hamog o singaw)”. Ilang ulit na ating nararamdaman na tila tayo ay naghahabol, ano ang nakasisiya sa atin, na hindi nakakamtan tulad ng paghahabol sa hangin?
Sinabi ni Solomon na hinanap niya ang karunungan, na tinatawag nating edukasyon, upang bigyan ng kahulugan ang buhay. Alam natin na si Solomon ay pinagkalooban ng Dios ng malaking karunungan, walang higit na matalino sa kanya. Ano ang natamo niya? Sinabi niya, “Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin. Dahil habang nadadagdagan ang kaalaman ko, nadadagdagan din ang aking kalungkutan.” (Ecclesiastes 1: 17-18).
Sinubukan niya ang pagpapakalayaw- mga kaaliwan. Siya ay nagpakalasing, bumili ng mga alipin, nagtayo ng mga marangyang tahanan at hardin, nag-ipon ng mga pilak at ginto. Tunay, siya ay namuhay ng ‘mabuting buhay” higit sa ating iniisip. Bagaman, ito ay tinawag niyang walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw. Sinabi niya, “Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan. Kung dumarami ang kayamanan mo, dumarami rin ang nakikinabang nito. Kaya wala kang mapapala sa kayamanan mo, kundi pagmasdan mo lang ito. Kung paanong hubad tayong ipinanganak sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay” (Ecclesiastes 5:10ff).
Siya ay tumingin sa kanyang mga ginawa at mga nakamit, ang kanyang kaharian ay napakalawak at napakayaman, na maging ang Reyna ng Sheba ay namangha. Ang daigdig ni Solomon aytunay na kahanga-hanga dahil sa kanyang mga nakamit. Ano ang naramdaman niya? Sinabi niya. “Kaya nanghinayang ako sa lahat ng pinaghirapan ko rito sa mundo. Dahil kahit magsikap ka gamit ang buo mong talino, isip at kakayahan, iiwan mo rin ang lahat ng pinaghirapan mo sa taong hindi naghirap para sa mga bagay na ito ” (Ecclesiastes 2: 20-21).
Sa unang kabanata ng Ecclesiastes ay napagmasdan ni Solomon na, “Lumilipas ang isang henerasyon at napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago. Şumisikat ang araw at lumulubog. Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat. Ang lahat ng ito’y nakakabagot at ayaw na ngang pag-usapan. Hindi nagsasawa ang mga mata natin sa katı tingin at ang mga tainga sa pakikinig.”Ang marami sa ating pagkabalisa at pag-aalala sa ating makabagong kultura ay makikita sa mga talatang ito. Habang tayo ay naghahanap ng kapayapaan ayon sa makamundong paghahanap, ang paghahabol sa hangin ang ating matatamo.
Sa kabutihang-palad, ang Ecclesiastes 2 ay sinasabi na “inilagay ng Dios ang walang-hanggan sa puso ng tao”, nagbibigay sa ating mga kaluluwa na makita na mayroon pang higit sa buhay. Ipinagkaloob Niya ang magkatulad na pangako na ipinagkaloob kay Solomon na kung hahanapin natin Siya, Siya ay ating makikita (1Cronica 28:9). At ang Dios ay ipinagkaloob sa atin ang Kanyang Banal na Salita upang makita natin ang tunay na kapayapaan, ano ang kahulugan nito at kung paano ito makakamtan.
Marahil, sasabihin mo, “Mula sa aking karanasan, ang Biblia ay hindi mapayapang aklat. Maraming mga digmaan, mga sumpa, at mga kaparusahan.” Ito ay tama. Ako ay gumagamit ng pang araw -araw na pagbabasa ng Biblia, at ngayong umaga ay nabasa ko sa 2 Hari 9, ang masamang Reyna Jezebel na pinatay ng kanyang mga sariling tauhan, itinapon mula sa tore, at ang kanyang katawan ay kınain ng mga aso at hindi na siya nakilala.
Tumingin pa tayo sa malayo, at maging patas tayo. Sa pagsisimula ng kuwento sa Biblia, ang tunay na simula, Genesis 1:1, nakita natin ang kadiliman at kaguluhan, at iyon lamang. At nang magsalita ang Dios, dumating ang liwanag, at nang muli Siyang magsalita, ang tubig at kalawakan ay nagkahugis, at ang dagat at tuyong lupa. Sa loob ng pitong araw, kinuha ng Dios ang kaguluhan at kadiliman at nilalang ang isang kahang-hangang mundo at daigdig at halamanan kung saan Niya inilagay ang tao. Doon ay mayroon silang pagmamahalan araw-araw. Mayroong Kapayapaan. Nilalang ng Dios ang daigdig, may pagpipigil sa daigdig, at lumakad na kasama ang tao.
Nguni’t alam natin na sina Adan at Eba ay tinanggihan ang salita ng Dios, at ang kasalanan ay pumasok sa daigdig. Ipinakita ng Dios sa atin sa loob ng maraming siglo, hanggang ngayon na ang kasalanan ay ang kaaway ng kapayapaan. Ang pakikipag- kasundo mula sa kasalanan ay magmumula lamang sa Dios. Ang Dios ay ipinadala ang Kanyang Anak upang bayaran ang halaga ng kapayapaan para sa ating kaluluwa. At tungkol kay Jesus, sinasabi sa Efeso 2:14-15, “Sapagka’t Siya ang ating kapayapaan…na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng Kanyang laman…” Ang kapayapaan sa Dios ay maaari lamang sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.
Sa mga huling kabanata ng Biblia, si Cristo ay nagapi ang kasalanan magpakailanman. Si Satanas ay nalupig na, at ang mga tao na may pangalan ni Cristo sa kanilang mga noo ay mananahan sa isang siyudad na hindi mangangailangan ng sikat ng araw, sapagkat ang Dios ang liwanag. Makikita natin ang doon ang Puno ng Buhay at ang Trono ng Dios at hindi makapapasok ang mga isinumpa. Kapayapaan habang-buhay!
Hindi ko alam kung saang bahagi ng buhay ng manunulat ng Ecclesiastes na kanyang naunawaan, “ Matakot ka sa Dios atsundin mo ang Kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao” (Ecclesiastes 12:13).
Kung natagpuan natin ang kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng pagkatakot at pagsunod sa Kanya, ang ating pananaw sa buhay ay magbabago. Sa walang hanggang buhay sa ating mga puso, mapagtatanto natin na ang buhay sa mundo ay panandalian lamang. Mag-ipon tayo ng mga tunay na kayamanan sa langit kung saan ang mga tanga at kalawang at mga magnanakaw ay hindi makukuha iyon. Ang lahat ng karunungan na nakamit sa buhay ay hindi maihahambing sa ating makakamit na buhay na walang-hanggan.
Ang buhay sa lupa, na may kapighatian at kasalanan, ay nagiging pagkakataon na mabuhay sa mga pagpapala ng Dios na inilaan Niya sa atin habang tayo ay naglilingkod sa Kanyang kaharian at naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Maging si Solomon ay sinabi, “Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Dios na kumain tayo , umiinom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin, dahil ang mga bagay na ito ay regalo Niya sa atin” (Ecclesiastes 3: 11-13).
Alisin na ang pakikipag-alitan sa Dios. Ginawa Niya ang posible. Mahal ka Niya. Hayaan mo Siyang iyong maging Ama. Hayaan mo Siyang maging anak ka Niya. Sumunod ka sa Kanya at ibigay mo ang iyong buong puso. Hanapin ang kapayapaan.
Mayroong isang awitin na nagtatanong, “Peace, perfect peace, in this dark world of sin? With sorrow surging around? Our future all unknown?” ( Kapayapaan, wagas na kapayapaan,sa madilim na mundong ito ng kasalanan? Ang kapighatian ay nasa kalagitnaan? Ang kınabukasan ay hindi nalalaman?” ) Ang tugon ni Isaiah 26:3, “Panginoon, bigyan N’yo nang lubos na kapayapaan ang taong Kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa Inyo.”