1 Corinto 13
By : Ruth Looper
Ang isang taon ng pag-aaral ng pagiging tagasunod na pinangunahan ng mga tagapaglathala ng A Shared Inheritance ay malapit nang magwakas, ang diin ay nakasalalay sa ating pagkilos ng pag-ibig kay Cristo Jesus.
Ang mga katangian ng pag-ibig ay buong husay na inilarawan ni Pablo sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, NKJV :
“ Ang pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog, o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiyak ang lahat” (1 Corinto 13:4-7).
Sa magkatulad na kabanata ipinahayag ang talata 13: “Tatlong bagay ang mananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Nguni’t Ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.” Bakit ang pag-ibig ang pinakadakila? Marahil, sapagkat… “AngxDios ay pag-ibig” ( 1Juan 4:8 ). Ang Dios ang kabuuan ng pag-xibig at Siya ang pinagmulan ng lahat ng pag-ibig.
Paano tayo hindi mamamangha sa pag-ibig para saxPanginoon kung ating susulyapan ang dakilang kamatayan nixJesus sa krus? Ito ay pagsamba na nagbibigay ng pagkilos at ngxwastong patutunguhan sa ating paglalakbay bilang mga buhayxna handog ( Roma 12: 2 ). Ang pag-ibig na nararamdaman natinxpara kay Jesu Cristo ay nagbibigay ng sigla dahil una Niyatayong minahal ( 1Juan 4:19 ). Ang sinumang tao na may pang-xunawa na napag-alaman ang labis na pagpapahirap atxkamatayan ni Jesus sa krus ay makararamdam ng pagkabigla atxpangingilabot kung iisipin ang naranasan ni Jesus. Ang paglibakxat pagkutya - kung paano ang TAO ay tinukso, marahas naxsinaktan, sinibat ang tagiliran - samantalang nananatili angxpagpapakumbaba ay nakakagulat. Isaalang-alang ang pagxhampas sa Kanyang katawan na pumunit sa Kanyang balat at kalamnan, ang pako na ibinaon sa Kanyang pulso at mga paa, ang pagkakait ng pagkain at inumin na hindi Siya nagrereklamo. Ito ay nagbibigay ng panginginig kung iisipin ang naramdaman ni Jesus. Ang plano ng Dios na ibigay ang minamahal na Anak upang mamatay ng isang kalunos-lunos na kamatayan ay patunay ng Kanyang pag-ibig na hindi mabibigyan ng halaga. Ang kabuuan ng handog ni Jesus na nagbigay sa atin ng daan upang tayo’y maging mga anak ng Dios, ay ang pinakadakilang kayamanan na ipinagkaloob sa sangkatauhan (1Juan 3:1-2 ).
Ngayon ang tanong ay, ano ang ating tugon sa nakamamanghang balak ng Dios? Sa pagkaka-alam na ang ating mga kilos ay hindi mababayaran ang Panginoon, nguni’t nananabik na ipakita ang pagmamahal at paggalang, tayo ay nagsisikap na sundin ang Kanyang mga utos, hanapin Siya araw- araw at hanapin ang mga paraan na palaguin ang Kanyang kaharian. Ang payo ng Dios na matatagpuan sa aklat ni Isaiah, “Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda” (Isaiah 1:17). Maliwanag na kailangan nating gumawa ng mabuti.
Si Jesus ay gumawa ng isang espirituwal na daan:
Sumagot si Jesus, “Ito ang pinakamahalagang utos ; “Pakinggan ninyo mga taga Israel! Ang Panginoon na inyong Dios ang natatanging Panginoon. Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buonglakas.” At ang pangalawa ay ito; “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Wala ng ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito” ( Marcos 12: 29-31 ).
Ang ating pag-ibig ang nagbibigay sa atin ng dahilan upang lubos na sumunod at maglingkod sa ating Amo. Sapagkat sinabi Niya, “Kung mahal n’yo Ako, susundin n’yo ang Aking mga utos” (Juan 14 :15). Ito ay nangangahulugan na ang hindi mahalaga ay dapat na iwanan. Si Jesus lamang ang dapat sundin. Nais Niya ang ating buong puso, hindi ang mga tira-tirahan pagkatapos gawin ang mga inunang gawain. Bilang Kristiyano, ang layunin ay unahin ang lahat ng aking panahon, lakas, kayamanan, talino, at pagpupunyagi sa paraan na makapagbibigay ng kaluwalhatian at karangalan sa ating Ama.
Tunay, tayo ay hinubog Niya na nakay Cristo upang gumawa ng mabuti: “ Nilikha tayo ng Dios; at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binigyan Niya tayo ng bagong buhay, para gumawa tayo ng kabutihan na noon pa’y itinalaga na ng Dios na gawin natin” (Efeso 2:10). Ang mabuting Gawa ay binigyan ng diin sa 1 Timoteo 2:10, nang sinabi ni Pablo na huwag tayong mabahala sa panlabas na kaanyuan, “sa halip nagpakita sila ng mabubuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Dios.” Ang sulat ni Pablo kay Titus ay binigyan pa ng diin ang kahalagahan ng mabuting gawa : “Magpakita ka ng mabuting halimbawa sa lahat ng bagay. Maging tapat ka at taos-puso sa iyong pagtuturo” (2:7). Ang kahanga-hangang mga katangian at pagiging mabunga ay mahigpit na naka-ugnay sa mabuting gawa : “At turuan mo ang ating mga kapatid na maging masigasig sa paggawa ng mabuti, para makatulong sila sa mga nagangailangan. Sa ganitong paraan, magiging kapaki-pakinabang ang kanilang buhay” (3:14). Samakatuwid, ang bawat Kristiyano ay dapat na maging masigasig sa paghahanap ng mga pagkakataon na maglingkod. Ang pagiging mabuti sa hindi pa natin lubos na kilala, angpaghahandog ng pag-aaral ng Biblia sa isang kapitbahay, ang magtanim ng binhi ng Salita ng Dios sa panahon ng mga pakikipag-usap ay mga halimbawa ng mabuting gawa.
Ang paglago ay bunga ng paglilingkod - mula sa palaging unahin ang Dios, pangalawa ang kapwa, at sa huli ay ang ating sariling pangangailangan. Sa pananatili lamang sa puno, tayo ay nagkakaroon ng bunga - ang ating pansariling pag-aaral ng Biblia ay lubhang mahalaga. Ang pagpapayaman sa Salita ng Dios araw-araw ay nagbibigay ng kaluwalhatian na makikita sa unang kabanata ng Awit :1-3 :
Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama.
o sumusunod sa mali nilang halimbawa,
at hindi nakikisama sa mga taong nangungutya.
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na na mula sa Panginoon,
at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.
Ang katulad niya’y isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa,
na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon.
Magtatagumpay Siya sa anumang kanyang ginagawa.
Malaking gantimpala ang naghihintay sa matiyagang nag-aaral ng Biblia.
Sa bawat umaga na tayo’y nagising, nararapat na simulan natin ang araw sa pananalangin, magpasalamat sa Dios na tayo’y iningatan sa ating pagtulog, at gamitin ang araw para sa Kanyang kaluwalhatian. Ang pagbabasa ng Salita ng Dios ay nagbibigay ng kagalakan sa ating puso: “Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa Kanyang mga gawa” (Awit 111:2). At pagkatapos na gamitin ang mga kalasag ng pandigma na ipinagkaloob ng Dios (Efeso 6:10-18), mahalagana huwag tumayo lamang suot ang mga kalasag kundi gumawa para sa Kanyang kaharian.
Sa aking pakikipag-tagpo sa kapwa, nais kong pasikatin ang liwanag ni Cristo at hikayatin sila : “Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit” ( Mateo 5:16 ). Ang kagalakan na tinatanggap natin sa paglilingkod sa kapwa ay nagkakaloob ng kapayapaan.
Ipakita ang pagiging masigasig at sikapin na unang maghandog ng paglilingkod sa mga nangangailangan. Sa kaisipang ito, ay magkakaroon ako ng maraming pagkakataon na pagpalain ang iba . Tayo ay makikilala na maaasahan na mga tagapaglingkod kung dumarating ang mga kahirapan. Natututunan natin ang mga hindi pa nakikitang mga pangangailangan. Hindi lamang tayo gumagawa ng mabuti kung saan man at kailanman, kailangan ding himukin ang mga kapatid na gumawa nang magkatulad : “At sikapin ninyong mahikayat ang isat-isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan” ( Hebreo 10:24 ).
Sa kabaliktaran, isang nakatatakot na babala ang ibinigay sa Juan 15:16 sa sinumang nagpapabaya sa pag-aaral ng Biblia ; “Ang hindi nananatili sa Akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin.”
Ang mabuting gawa ay ang pag tulong sa “ulila at mga biyuda sa kahirapan nila” at “pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito” (Santiago 1:27). Sa mga karaniwang pinagkaka- abalahan at mga tukso habang nabubuhay pa sa lupa, ay mahalaga na baguhin ko ang aking kaisipan - isang mapapakinabangan na paglipat. Ang sumusunod ay ipinakilala minsan sa isang talakayan sa North Terrace Church of Christ sa Lutz, Florida. Marahil ang mga titik na L.O.V.E. ay makatutulongsa ating isipan ang layunin kung ang bigat ay magbibigay nghindi wastong timbang :
L-Looking to Jesus, the Author and Finisher of our faith - Hebreo 12:2. “Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na Siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simulahanggang sa katapusan.”
Looking for places to plant the seed of God’s word - 1 Corinto 3:6. “Ako ang nagtanim, at si Apolos ang nagdilig. Nguni’t ang Dios ang Siyang nagpatubo.”
Looking toward and praying for places to serve - 1 Corinto 9: 19-22. “Kahit hindi ako isang alipin, nagpaalipin ako sa lahat makahikayat ako ng mas marami na sasampalataya kay Cristo. Sa piling ng mga kapwa ko Judio, namumuhay ako bilang Judio upang mahikayat ko silang sumampalataya kay Cristo. Kaya wala man ako sa ilalim ng kautusan ng mga Judio, sinusunod ko ito upang madala ko sila sa pananam palataya. Sa piling naman ng mga hindi Judio, namumuhay ako na parang wala sa ilalim ng kautusan upang madala sila sa pananampalataya. Hindi nangangahulugan na hindi ko na sinusunod ang mga utos ng Dios, dahil ang totoo, sinusunod ko ang mga utos ni Cristo. Sa mahihina pa ang pananam- palataya, nakikibagay ako upang mapatatag sila kay Cristo. Nakikibagay ako sa lahat ng tao, upang kahit sa anong paraan ay nailigtas ko ang ilan sa kanila.”
Looking to edify our sisters and brothers in Christ Jesus - 1 Tesalonika 5:11. “Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isat-isa katulad ng ginagawa ninyo.” Galatia 5:13. “Sa halip, magmahalan kayo at magtulungan.”
O - Obeying God and all authorities He has placed in my life - Obedience in action means : Keeping my eyes off the world - 1 Juan 2:15-17Practicing righteousness, abiding in the vine of Jesus - 1 Juan 2:28-29 ; 1 Juan 3:17 Praying for all men - 1 Timothy 2 :1-4
1 Juan 2: 15-17 -“ Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng kamunduhan - ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at anumang pagyayabang sa buhay - ay hindi nagmumula sa Ama, kundi sa mundo. Ang mundo at lahat ng bagay dito na hinahangad ng tao ay mawawala. Nguni’t ang taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay mabubuhay magpakailanman.”
1 Juan 2:28-29 - “Kaya mga anak, manatili kayo sa Kanya, upang magkaroon tayo ng kapanatagan sa Kanyang pagbabalik, at hindi tayo mapahiya pagdating ng araw na iyon. Alam ninyo na si Cristo ay matuwid, kaya nakasisiguro kayo na ang lahat ng taong gumagawa ng matuwid ay mga anak ng Dios.”
1 Juan 3:7 - “Mga anak, huwag kayong padadaya kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng tama ay matuwid, tulad ni Cristo na matuwid.”
1 Timoteo 2:1-4 - “Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin n’yo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang kahilingan n’yo para sa kanila na may pasasalamat. Ipanalangin ninyo ang mga hari at may mga kapangyarihan para makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa na may kabanalan at tamang pag-uugali. Mabuti ito at nakalulugod sa Dios na ating Tagapagligtas. Nais Niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan.”
V - Verifying anything anyone says about God or His word, like the noble Bereans. Reading the text and deciding for myself - Gawa 17:11.
Verifying, am I on the straight and narrow? Do I “watch and stand fast in the faith, be brave, be strong” - 2 Cor. 13:5.
Gawa 17:11 - “Mas bukas ang kaisipan ng mga taga-Berea kaysa sa mga taga- Tesalonika. Araw-araw nilang sinasa- liksik ang kasulatan para tingnan kung totoong ang sinasabi nina Pablo.”
2 Corinto 13:5 - “ Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang may pananampalataya kayo kay Cristo. Tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi n’yo ba alam na si Cristo ay nasa inyo? - maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya.”
E - Extolling the majesties of Almighty God; praising Him in every circumstance - Awit 13:5-6 ; Awit 150: 6
Exhorting one another daily - spurring each other on to good works - Hebreo 3:13 ; 10:25
Exhilarating in His goodness; counting my blessings; refusing to voice negativity - Isaiah 57:19
Awit 13: 5-6 - “Panginoon, naniniwala po ako na mahal N’yo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas N’yo ako. Panginoon aawitan Kita dahil napakabuti N’yo sa akin mula pa noon.”
Awit 150: 6 - “Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!
Hebreo 3: 13 - “Magpaalalahanan kayo araw-araw habangmay panahon pa para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas ng puso n’yo.”
Hebreo 10:25 - “Huwag nating pabayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.”
Isaiah 57: 19 - “At dahil dito, nagpupuri sila sa Akin. Ilalagay Ko sila sa magandang kalagayan sa malayo man o sa malapit. Pagagalingin Ko sila. Ako ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Kung ating pinagninilayan ang pagpapakasakit at paghihirap ni Jesus na Kanyang ibinayad para sa ating kaligtasan, ang ating pagsunod at paglilingkod sa kaharian ng Dios ay mapagyayaman. Tayo ay nagsisikap na tularan ang ating kapatid na si Jesus sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa mga nasa paligid natin habang ipinahahayag ang Mabuting Balita ni Cristo.