Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Pagtitiis / Pagtitiyaga

Sa maagang simula ng buwan ng Enero, ay isinulat ko ang ika- 4 na lathalain sa hanay ng mga bunga ng Espiritu. Alas singko pa ay may kadiliman na at ang polar vortex ay nasa paligid na at may kasamang umaalulong na hangin at napakababang temperatura. Anong inam na ang ating pag-aaral ng Biblia sa buwang ito ay ang bunga ng pagtitiis o pagtitiyaga. 

Malimit ang aking panalangin ay para sa pagtitiis o pagtitiyaga . Tila nais natin itong makamit kaagad! Sa pag- iisip ko na kailangan ko ng pagtitiis , iniisip ko ang mahabang pila sa paghihintay, o nakaupo sa sasakyan dahil sa trapiko, o ang pakikitungo ko sa maliliit na mga bata o hindi maipaliwanag na nababasa sa telepono. Muli, sa unang 3 pag-aaral na mga bunga ng Espiritu - pag-ibig, kagalakan at kapayapaan, isang malawakang pagtingin sa pagtitiis sa kasulatan ay ipinapakita na ito ay higit pa. Ang totoo, sa mga mabigat na daloy ng trapiko sa daan, sa makabagong teknolohiya, at kaguluhan sa pamilya, ang tumpak na kailangan ko ay ang pagpipigil sa sarili. At ito’y pag- aralan natin sa madaling panahon!

Ano ang pagtitiis o pagtitiyaga sa ating pagbabasa ng salita ng Dios? Marahil ang unang papasok sa ating isipan ay ang “pagtitiis ni Job.” Si Apostol Santiago ay ginamit si Job at ang mga propeta bilang halimbawa ng pagtitiyaga/ pagtitiis ( Santiago 5:7-11 ), si Job ay hindi nagtangka na maging mahinahon sa mga pangyayari sa kanyang buhay, dahil sa hamon at yamot, si Job ay nakaharap sa hindi maipaliwanag , hindi nababaliktad na kaguluhan, at napakatinding sakit. Siya ay dumaing ; tinanong ang Dios. Nguni’t hindi niya “isinumpa ang Dios at mamatay.” Hindi niya binaliktad ang alam niya na totootungkol sa Dios bilang tugon sa kanyang kalagayan. Hindi nawala ang kanyang pananalig.

Nakita ko ang 2 kasulatan na naglalarawan ng pagtitiyaga. Sa magkatulad na salaysay kung saan niya tinalakay si Job, si Santiago ay ginamit ang isang magsasaka upang ilarawan ang pagtitiyaga, “ Pagmasdan n’yo ang magsasaka, matiyaga niyang hinihintay ang unang pag-ulan, at pagkatapos niyang magtanim , matiyaga rin siyang naghihintay sa susunod na ulan at anıhan.” Nauunawaan natin ito. Ang magsasaka ay naghahasik ng binhi, at pagkatapos, siya ay maghihintay. Hindi niya mapanghahawakan ang oras o ang panahon. Subalit,matiyaga niyang inaalagaan ang pananim sa abot ng kanyang makakaya. Siya ay naghihintay at gumagawa, umaasa sa hindi nakikita, nguni’t alam na darating.

Ang magkatulad na larawan ng pagtitiyaga ay makikita sa ika-8 kabanata ng ebanghelyo ni Lucas, ang talinghaga tungkol sa maghahasik, “Ang binhi ay ang salita ng Dios. Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios, nguni’t dumating ang diablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas. Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi, ay ang mga taong nakinig sa salita ng Dios at maşaya nilang tinanggap, nguni’t hindi taimtim sa puso nila ang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok ay agad silang tumalikod sa kanilang pananampalataya. Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi, ay ang mga taong nakinig sa salita ng Dios. Nguni’t sa katagalan, madaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito, kaya hindi sila lumago at hindi namunga. Nguni’t ang mabuting lupa na hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios, at iniingatan ito sa kanilang malinis at tapat na puso, at pinag-sikapang sundin hanggang sa sila’y mamunga.” Ang pagpapalago ng pananim, ang pagbibigay ng bunga sa pisikal atespirituwal na kahulugan ay mabagal, kailangan ang pananalig upang mangyari.

Paano natin pagmamasdan ang paggawa nang may pagtitiyaga? Ito ay tulad ng limang (5) dalaga na naghintay, handa sa pagsalubong sa lalaking ikakasal,sa anumang oras siya dumating, may dalang reserbang langis para sa kanilang mga ilawan. Ito ay katulad din ng mga lalaking pinagkatiwalaan ayon sa kanilang kakayahan sa pagnenegosyo, na ginamit nang may pagtitiyaga, dahil alam nila na babalık ang kanilang amo at kukunin ang para sa kanya ( Mateo 25: 14-28 ).

Sa aking pagninilay sa aking pang-araw-araw na buhay na ang aking pagtitiyaga ay sinusubukan, napag-alaman ko, kung kailan ako sinabihan na maghintay, higit na mabuti na ako ay umalis,o maunawaan, o tumanggap, o makabuo. Samantalang mabuti na tanungin ang Dios na tulungan ako na panatilihin ang aking kahinahunan at maging mabuti ang ugali sa mga pangyayari, ang pagtitiyaga sa Biblia ay sinasabi sa akın na maghintay sa Panginoon sa anumang pangyayari na dumarating sa akin: maghintay sa Kanyang kalooban, Kanyang daan, Kanyang layunin, Kanyang panahon.

Maghintay sa Panginoon. Ako ba ay takot sa aking mga kaaway? “Panginoon kong Dios, sa Inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag N’yo akong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. Ang sinumang nagtitiwala sa Inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan”( Awit 25:1-3).

Ako ba ay nalulungkot sa kasamaan ng mundo? “Nguni’t naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan N’yo, Panginoon, habang ako’y nabubuhay dito sa mundo. Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panaginoon”(Awit 27:13-14). Ang sakit, o hapis, o paghihirap, o kalungkutan ay lubhang nakamamangha na ako ay nagsisikap na panghawakan ang pag-asa at huwag mawalan nito. “Nguni’t ang nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila tulad ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi sila mapapagod. Lumakad man sila ay hindi sila manghinina” ( Isaias 40:31).

Ang paghihintay sa Panginoon ay mayroong pangako ng kaligtasan, ng kaluwalhatian at pamana, at panibagong lakas. Sinasabi sa Isaias 30:18, “Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa Kanya.” Ngunit iyan ang huling talata. Narito ang simula, “Pero naghihintay ang Panginoon na kayo’y lumapit sa Kanya para kaawaan Niya. Nakahanda Siyang ipadama sa inyo ang Kanyang pagmamalasakit.” Isang napakalalim at makabuluhang kaisipan, na ang isang Makapangyarihang Dios ay naghihintay sa akin na ang Kanyang layunin ay ipakita ang Kanyang habag!

Ang Dios ay matiyaga! Siya ay naghintay ng 100 taon samantalang ginagawa ni Noah ang barko, bago Niya ipinadala ang baha. Siya ay naghintay ng 400 taon upang bigyan ng panahon ang mga tao sa Canaan na magsisi. Siya ay naghintay, nagturo, at naki-usap sa buong kasaysayan ng bansang Israel nang Siya ay tinalikuran nila. Pinigil Niya ang Kanyang poot at ipinagkaloob ang buhay ng Kanyang Anak bilang kabayaran ng ating mga kasalanan.

Mailalarawan mo ba na ang Dios ay isang matiising Ama? Ipikit mo ang iyong mga mata at isipin ang ama ng alibughang anak na mababasa sa Lucas 15, naghihintay sa anak na matagal nang naglayas, na halos wala ng pag-asa na makita pa. “ Malayo pa ay natanaw na siya ng kanyang ama, at naawa ito sa Kanya. Kaya patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinalikan.” Ang mga salitang “maawain at mapagbigay, hindi madaling magalit, at sagana sa matatag na pagmamahal at katapatan,” ay ginamit sa paglalarawan sa Dios ng 7 ulit sa kasulatan.Sa tugon sa pagtitiis na ito, paano ako, kundi maging tapat? Sa sulat sa mga taga-Roma 2:4, “Ang akala mo ba ay makakaligtas ka sa hatol ng Dios dahil alam mo na Siya’y mabuti, matiyaga at mapagtimpi. Dapat mong malaman na ang Dios ay mabuti sa iyo dahil binibigyan ka Niya ng pagkakataong magsisi sa mga kasalanan mo. Pero dahil sa matigas ang ulo mo at ayaw mong magsisi, pinabibigat mo ang parusa ng Dios sa iyo sa araw na ihahayag Niya ang Kanyang poot at makatarungang paghatol.”

Nakaligtaan natin ang makalangit na pagkakataon na makilala at paglingkuran ang mapagbigay, maawain, at mapagmahal na Dios, kung tayo ay naglilingkod dahil lamang sa takot ng Kanyang poot. Nguni’t tayo ay mga hangal kung hindi natin makikilala na ang Kanyang awa, Kanyang katuwiran at katarungan ay magdudulot ng poot sa mga tumalikod sa Kanya.

At ngayon, ako ay nagbabasa nang may bagong puso na nag- utos sa akin na maging matiyaga sa aking buhay at sa bawat isa. “At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin” (Roma 12: 12).

“Nakikiusap kamı sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan ninyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensiya kayo sa lahat” (1Tesalonika 5:14).

Mula sa mahaba, malamig na mga gabi ng Enero, sa mga araw ng pagkakakulong ng pamilya dahil sa karamdaman, mula sa pag-iisip kung ano ang darating sa susunod na taon, sa panghihina ng loob dahil sa mga kasalanan sa paligid ko, mula sa panahon ng nakadudurog na hinagpis, mula sa tumatandang katawan at isipan, …ako ay mananatiling matiyaga. “Panginoon, sa Inyo po ako humihingi ng kalinga. Kayo ang aking batong kanlungan. Pumarito na po Kayo Panginoon.” (Awit 31:14).


Previous
Previous

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kabutihan

Next
Next

Pagninilay sa Bunga ng Espiritu - Kapayapaan