Ang mga Babaeng Kasama ni Jesus

By: Robin Owen

Brandon, Florida

Kung babasahin natin ang Luma at Bagong Tipan, tayo ay hahanga sa mga kababaihan na ginamit ng Dios sa Kanyang kuwento ng Kaligtasan. Ginamit Niya ang mga reyna (Esther), mga propeta (Deborah), may asawa (Hannah), mga biyuda (Anna), mga ina (Maria), at mga guro (Priscilla), mga nagpakita ng kanilang buhay na may malaking tapang, pagmamahal, tapat na pagsamba at pananampalataya.

Noong unang siglo, ang buhay ng mga kababaihan ay nakatali lamang sa loob ng tahanan. Sila ay mayroong hangganan sa karapatan na naaayon sa batas, at may hangganan ang pakikilahok sa mga hayag at pang-relihiyon na pag-uusap. Ang mga kilos at turo ni Jesus ay hinamon ang panglipunang galaw noong panahon Niya. Si Jesus ay nakisalamuha sa mga kababaihan na mula sa ibat-ibang antas ng lipunan at pinag- mulang lahi. Ipinakita Niya sa mga babae ang paggalang at pagkaawa. Siya ay nagpagaling ng mga karamdaman at nagpatawad ng mga kasalanan, nakisalamuha sa kanila nang hayag, at isinama sa Kanyang pangangaral.

Sa pagbabasa natin ng mga salaysay sa ebanghelyo, tayo ay ipinakilala sa pangkat ng mga kababaihan na nakilala si Jesus at nagpabago ng kanilang mga buhay. Ang kuwento ng mga babaeng ito ay nagsimula habang si Jesus ay nagtuturo sa pook ng Galilea: “Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral Siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, kasama Niya ang 12 Apostol at ilang babaeng pinagaling Niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria, na taga Magdala, na pinalaya Niya sa pitong (7) masasamang espiritu, si Juana na asawa ni Chuza nakatiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Jesus mula sa ari-arian nila (Lucas 8:1-3).

Si Maria na taga Magdala ang unang babae na binanggit. Siya ay isinilang sa Magdala, isang maunlad na bayan sa kanlurang baybay-dagat ng lawa ng Galilea, walumpung (80) milya mula Jerusalem. Sinabi ni Lucas, bago pa nakilala ni Maria si Jesus, siya ay sinapian ng 7 masasamang espiritu. Alam natin mula sa mga ibang salaysay sa kasulatan na ang sinasapian ng masamang espiritu ay nagbibigay ng ibat-ibang sakit ng pagpapahirap. Ang masamang espiritu ay nakakapigil sa pag- iisip at kilos ng tao, na sinasaktan ang sarili, at nagiging dahilan upang mamuhay nang nag-iisa (Lucas 8:26-39). Makikita natin kung paanong si Maria ay nagdusa sa pahirap ng masasamang espiritu at hinamak ng lipunan! Siya ba ay nawalan ng pag-asa? Nguni’t natagpuan ni Jesus si Maria sa kanyang kalagayan ng kadiliman; pinalayas Niya ang masasamang espiritu at binago ang buhay mula sa kalungkutan at kahihiyan patungo sa buhay na may kagalakan.

Dahil sa lubos na pasasalamat kay Jesus, si Maria ay ginugol ang buhay sa paglilingkod kay Jesus. Ang pangalan ni Maria ay binanggit ng 14 na ulit sa buong salaysay ng ebanghelyo. Ang apat na ebanghelyo ay pinatunayan ang presensya ni Maria sa harap ng krus at hanggang sa libingan. Pagkatapos na muling nabuhay si Jesus, natagpuan ni Jesus si Maria, ang Kanyang tapat na tagasunod sa Kanyang libingan. Dahil sa kalungkutan, ay hindi niya nakilala si Jesus, at inaakala na ito ay hardinero. Nguni’t nang binigkas ni Jesus ang pangalan niya, “Maria”, ay nakilala niya ito at sinabi, “Rabboni,” kinikilala si Jesus na kanyang guro (Juan 20: 15-16). Si Maria ang unang tagasunod na nakakita sa nabuhay na Tagapagligtas. 

Si Juana ang pangalawang babae na binanggit. Sinabi ni Lucas na si Juana ay ang asawa ni Chuza, ang katiwala ni Herodes, angpinuno ng Galilea sa panahon ng pangangaral ni Jesus. Ang pagbanggit sa tungkulin ni Chuza ay ipinakita ang katanyagan ni Juana sa lipunan at ang kanyang kayamanan. Maaari tayong magtaka kung ano ang kanyang nakita at narinig sa bulwagan ni Herodes. Si Juana ba ay naroon nang si Juan na Tagapag- bautismo ay nakipag-usap kay Herodes, o sa kaarawan ni Herodes kung saan si Juan ay pinaslang? Narinig ba ni Herodes na si Juana ay gumaling sa kanyang karamdaman? Samantalang walang tugon sa mga tanong na ito sa kasulatan, ang alam natin ay pinagaling ni Jesus si Juana, at bilang tugon ay inialay niya ang kanyang buhay at kayamanan sa paglilingkod kay Jesus. Ang tulong ni Juana sa pangangaral ni Jesus ay nagpapakita na ang Kanyang mensahe ay lumalagpas sa panlipunan at politikal na hangganan. Ang pangalan ni Juana ay minsan pang binanggit sa Lucas 24:6-9 na isa sa mga babae na pumunta sa libingan.

Ang huling babae na binanggit ay si Susana. Samantalang siya ay minsan lamang binanggit sa kasulatan, ang pagbanggit ng kanyang pangalan ay may kabuluhan sapagkat siya ay pinagaling ni Jesus, at siya ay tumugon sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus at pakikilahok sa Kanyang pangangaral. Si Lucas ay binanggit ang “iba pang babae” na kasama ni Jesus. Samantalang hindi sila pinangalanan, hindi natin masusukat ang kanilang ginawa para sa pangangaral ni Jesus.

Ang mga babaeng ito ay kasama ni Jesus at ng mga apostoles sa kanilang paglalakbay sa buong Galilea at hanggang Jerusalem. Sila ang tumanggap ng masaganang biyaya ng Dios nang sila ay pinagaling ni Jesus sa “masasamang espiritu at karamdaman.” Samakatuwid, ipinagkaloob nila ang kanilang buhay bilang pasasalamat at pagmamahal. Iniwan nila ang kanilang mga tahanan upang mapalapit kay Jesus, masiglang tinutulungan ang Kanyang pangangaral sa pamamagitan ng tulong na pananalapi at pag-aalaga kay Jesus at sa pisikal na pangangailangan ng mga tagasunod. Sa kanilang paglalakbay kasama ni Jesus, sila at natuto sa Kanyang mga turo, nakitakung paano ang mga tao ay tinanggap si Jesus, nasaksihan ang mga himala na Kanyang ginawa, at mga naging saksi sa mga pangunahing pangyayari sa buhay ni Jesus.

Sa pagsunod ng mga babaeng ito kay Jesus sa Jerusalem, sila ay maaaring naroon at lumahok kasama ng mga tagasunod sa matagumpay na pagpasok sa Jerusalem, ipinagbubunyi ang Tagapagligtas at sumisigaw ng “Purihin ang Anak ni David!” Nguni’t handa ba sila sa susunod na mangyayari? Hindi tulad ng mga tagasunod ni Jesus na nangalat tulad ng mga tupa noong Siya ay dakpin at ipako sa krus, (Mateo 26:31), ang mga babae ay nasa paanan ng krus, sila ang sumunod kay Jose na taga- Arimatea upang makita kung saan dadalhin ang katawan ni Jesus, at sila ang bumalik sa libingan na may dalang sarı-saring pabango upang matiyak na si Jesus ay maalagaan kahit sa kamatayan (Lucas 23: 55-56). Isipin ang malalim na kalungkutan na naranasan ng mga babae habang minamasdan ang mabalasik na kamatayan ni Jesus, ang pagtataka na wala ang katawan ni Jesus sa libingan, ang pagkatakot na naramdaman nang makita ang dalawang lalaki na may nakasisilaw na damit, at ang malaking kagalakan nang sinabi ng mga lalaki, “Nabuhay Siyang muli!” Naalala ng mga babae ang sinabi ni Jesus sa Galilea, “Na ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa masasamang tao at ipako sa krus, pero mabubuhay Siyang muli sa ikatlong araw” ( Lucas 24:1-9). Pagkatapos, isipin ang kanilang kaligayahan habang sila’y nagmamadali upang ihatid ang masayang balita sa mga tagasunod na ang Tagapagligtas ay nabuhay na muli.

Ang mga babaeng ito ay ginamit ng Dios sa kuwento ng kaligtasan, at tulad ng mga babae na ginamit Niya sa nakaraan, ang kanilang mga buhay ay magandang halimbawa ng malaking tapang, pagmamahal, taos na pagsamba, at pananampalataya.

Ang Dios ay patuloy na ginagamit ang mga babae ngayon sa Kanyang kuwento ng kaligtasan. Samantalang hindi natin makikita ang ating mga pangalan na nakasulat sa kasulatan, angmga ito ay “nakaukit sa Kanyang mga palad” (Isaiah 49:16) kasama ng mga babae at “iba pa” na kasama ni Jesus at tumulong sa Kanyang pangangaral. Si Jesus ay binago ang ating mga buhay, at tayo ay tumanggap ng masaganang biyaya ng Dios. Tulad ng mga babaeng ito, ibuhos natin ang ating buhay na may pasasalamat at pag-ibig kay Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa Kanyang pangangaral , sa pangangalaga sa Kanyang mga tagasunod, at pagbabahagi ng magandang balita sa nabuhay na Tagapagligtas!


Previous
Previous

Ang Buhay Ko ay Para kay Cristo

Next
Next

Nilalang kay Cristo Jesus Para sa Mabubuting Gawa