Ang Buhay Ko ay Para kay Cristo
Ang aklat ng Filipos ay kilala bilang “Sulat ng Pagkakaibigan.” Ito ay isinulat sa mga Kristiyano sa Filipos noong si Pablo ay ikinulong ng mga Romano (c.60-62 CE), ito ay nagkakaloob ng mensahe ng pagpapalakas ng loob at pasasalamat sa kongregasyon noong unang siglo. Ang mataas na paksa ng aklat tungkol sa pagkaka-isa sa pamamagitan ng kababaang -loob ay pinagtibay sa buhay ng mga halimbawa ng mga tagasunod at ang pinakamataas ay si Cristo. Bago basahin nang tuluyan, ay iminumungkahi ko sa lahat na basahin ang kabuuan ng aklat ng Filipos. Ang lathalain na ito ay bibigyan ng pansin ang ikalawang (2) kabanata sa ating pagsusuri sa mga inaasahan at kagalakan ng buhay-Kristiyano at pagkaka-isa ng kongregasyon.
Nang ang aklat ay isinulat, ang Filipos ay isang maunlad na pamayanan sa Macedonia. Ito ay kilala sa kanyang pambansang kabayanihan, at ang kanyang mamamayan ay binubuo ng mga magkaka-ibang lahi ng mga retiradong kawal ng mga Romano, mga Griego, at “magugulong” Thracians. Makikita natin sa Gawa 16:11-40, na si Pablo ay dinalaw ang Filipos sa kanyang ika-3 paglalakbay ng pangangaral. Doon, siya at si Silas ay hinuli at hinahupit, nguni’t nakita rin natin na ang mensahe ng Dios ay tinanggap ng karamihan. Ang salaysay sa Gawa ay ang pagtanggap at pagbabautismo ni Lydia at ng isang guwardia sa piitan, at ng kanilang sambahayan. At kung si Pablo ay sumusulat sa kanila, binabanggit niya ang kanilang buhay ng paglilingkod at sinasabi, ….“ walang ibang iglesya na tumulong sa pangangailangan ko kundi kayo lang” (Filipos 4: 14-16). Sila ay kabilang sa ibat-ibang pulutong ng mga tao na nagka-isa sakanilang kaligtasan. Ang katibayan ng kanilang pananalig ay nakita sa paglilingkod.
Sa kabuuan nito, nangangahulugan na may pagsasalungatan at pagkakahati-hati sa loob ng lokal na iglesya. Ang sinumang naging kasapi ng isang kongregasyon ay alam na mayroong hindi pinagkakasunduan. Ang lahat ng tao ay sariling kuro-kuro, kaugalian, at palagay. Ang Filipos ay hindi naiiba. Si Pablo ay binigyan ng diin ang kahalagahan ng pagkaka-isa sa unang kabanata ng Filipos :
“ Mamuhay kayo nang ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Nang sa ganoon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan ko na nagkaka-isa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita. Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging palatandaan ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Dios” (Filipos 1: 27-28).
Tinawag sila na maging “isang espiritu” at “isang isipan”, upang ang kanilang “paraan ng pamumuhay ay karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo”! Ang pagkaka-isa ay “paraan ng buhay.” Ang ating katiyakan ay nasa ating ginagawa.
Ang mensahe ay pinagtibay sa ika-4 na kabanata nang si Pablo ay tinalakay ang maaaring pagkakahati-hati dahil sa salungatan sa pagitan nina Eudora at Syntique. Ito ay malalang kalagayan na pinakiusapan niya ang mga kapatid na, “tulungan ang mga babaeng ito, sapagkat kasama sila sa pagpapalaganap ng Magandang Balita …na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay” (Filipos 4: 2-3). Ang hindi pagkakaunawaan ay hindi isang maliit na bagay. Ang mga babaeng ito ay kasama ni Pablo sa gawain ng kabutihan at kinilala ng Dios. At gayon nga, ang kanilang hindi pagkakasundo ay nagbibigay ng malalim na bunga sa mga lokal na Kristiyano, tinawag sila ni Pablo sa kanilangpangalan. Ito ang antas ng kahalagahan ng pagkaka-isa sa mga anak ng Dios.
Ang mensahe ng pagkaka-isa sa pamamagitan ng kababaang-loob ay malinaw na ipinaliwanag ni Pablo sa ika-2 kabanata ng Filipos :
“Hindi ba’t masigla kayo dahil nakay Cristo kayo? Hindi ba’t maşaya kayo dahil alam ninyong mahal Niya kayo? Hindi ba’t may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Banal na Espiritu? At hindi ba’t may malasakit at pang- unawa kayo sa isa’t-isa? Kung ganoon, nakiki-usap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayo magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa maka sariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isa’t-isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sariling kapakanan ang isipin n’yo kundi ang kapakanan din ng iba” ( Filipos 2: 1-4 ).
Ibinigay ni Pablo ang apat na kalagayan bilang katunayan ng gawain ng Dios sa loob ng iglesya sa Filipos. Ang pagkakaloob ng pag-asa dahil kay Cristo, kaaliwan sa pag-ibig, ang pakikiisa sa Espiritu, at pagmamahal at pagdadamayan ay ipinagkaloob na ng Dios sa iglesya upang sila’y gumawa nang mainam. Sa mga ipinagkaloob na mga pagpapala,sinabi ni Pablo sa mga taga- Filipos na magkaroon sila ng iisang isipan at pag-ibig at magkaroon ng pagkakaisa sa pamamagitan ng kababaang-loob. Sa pag-uulit ng sinabi ni Pablo: ang kababaang-loob para sa pagkakaisa ay dapat na maging paraan ng pamumuhay ng mga Kristiyano.
Nakakatakot na isipin na ang diablo ay binabaluktot ang mensahe ng Dios. Kahit na sa mahabang panahon ay napatunayan na ang karunungan ng Dios, ay maaaring mahirappa ring magtiwala na ang paggawa ng tama ay mapapalawig ang kaluwalhatian ng Dios. Ang diablo ay dinaraya at inililigaw ang ating pagkaunawa sa maka-Dios na ugali, nagsisikap na paniwalain tayo na ang ating kahalagahan ay dahil sa likas na laman at hindi sa espirituwal na kalikasan. Pinaniniwala tayo na ang kababaang -loob at pagpapasakop ay para lamang sa mahihina. Sinasabi na maglagay tayo ng hangganan, na tila ba ang paglilingkod at pagtitiyaga ay may hangganan. Tayo ay binibigyan ng lakas ng loob na huwag “bigyan ng pagkakataon ang mga tao na tayo’y malamangan.” Ang ating panahon at oras, kamalayan, pakiramdam, at mga ari-arian ay tila mas mahalaga kaysa mga kapatid na lalaki at babae. Nguni’t ipinahayag ni Pablo na ang kaloob ng Dios, ang mga handog na galing sa Dios, ay higit na mahalaga. Ano ang aking panahon, o ano ang aking mga ari-arian kung ihahambing sa pagmamahal ? Ano ang aking kayabangan kung isusukat laban kay Cristo sa Espiritu? Ipinagpatuloy ni Pablo :
“Dapat maging katulad ng kay Cristo ang pananaw n’yo: Kahit na nasa Kanya ang katangian ng Dios, hindi Niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan. Sa halip, ibinababa Niya nang lubusan ang sarili Niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging Tao Siyang katulad natin. At sa pagiging tao Niya, nagpakumbaba Siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Kaya naman, itinaas Siya ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo, upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa Kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama” (Filipos 2:5-11).
Sa katapusan, ang dapat na magbibigay sa atin na hiyain ang ating sarili para sa iba ay mayroon tayong pinakamataas na halimbawa, ang ating Tagapagligtas. Ang ating Cristo ayibinababa ang sarili at namuhay na katulad natin. Sa Hebreo ay sinabi sa atin :
“Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kaharian, na walang iba kundi si Jesus na Anak ng Dios. Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din Niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin pero hindi Siya nagkasala” ( Hebreo 4: 14-15 ).
Alam ni Jesus kung paano maging tao. Sa Kanyang mga huling sandali, Siya ay naki-usap sa Dios na “Ama Ko, kung maaari po ay ilayo N’yo sa Akin ang paghihirap na darating” (Mateo 26: 39), at gayunman, sinunod Niya ang kalooban ng Ama para sa ating kapakanan. Mga kapatid, kung tayo ay sumusunod sa iba nang may pagpapakumbaba, tayo ay sumusunod sa Dios - tulad ni Jesus.
Sa pagpapatuloy ng pagbabasa sa Filipos 2 :
“Mga minamahal, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod noong magkasama pa tayo, lagi sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sıkapın ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap n’yo, at gawin n’yo ito nang may takot at paggalang sa Dios. Sapagkat ang Dios ang Siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod n’yo ang kalooban Niya. Gawin n’yo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan n’yo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. At kung gagawin n’yo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Cristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo” ( Filipos 2: 12-16 ).
Ang pariralang “takot at paggalang” ay nakakapukaw ng diwa. Nakikita natin ito nang malimit sa mga kasulatan, at laging sinasabi ang kilos sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang at paggalang. Ito ang ating palagay tungkol sa paglilingkod, sa ating mga kapatid na lalaki at babae para sa pagkakaisa. Sa pagsusuri ng ating “kalagayan ng buhay,” kailangan nating tanungin ang ating mga sarili - bakit natin ginagawa ang ginagawa natin? Ano ang nagbibigay sa atin ng layunin para sa ating mga kilos? Kung mayroong hindi pinagkakasunduan sa kasulatan, minamaliit ba natin ang ating kapwa? Kailangan ba nating manalo sa pakikipagtalo? Mahalaga ba sa atin na tayo ay higit na matalino o mabuti kaysa mga kapatid, inilalagay ang ating kuro-kuro at kaalaman na higit sa pangangailangan na ayusin ang katawan ng Dios?
Sa katapusan ng ika-2 kabanata, tinalakay ni Pablo ang paglilingkod nina Timoteo at Epafroditus sa pagtulong sa kanya sa panahon ng kanyang pangangailangan. Kung may dumating na pagkakataon na maglingkod sa kapwa, isinasaalang-alang ba natin ang ating sarili na “nakahihigit” tulad ng sinasabi sa Galatia 6:3? O, ibinibilang ba natin ang ating kalagayan sa mundo na “başura” tulad ni Pablo “para makamtan lang si Cristo?” (Filipos 3: 7-8). Tayo ba ay naglilingkod tulad nina Timoteo at Epafroditus na nagkasakit at muntik nang mamatay (Filipos 2: 25-26). Tayo ba ay gumagawa ng mga dahilan at inuuna ang mga gawain sa mundo higit sa gawain para sa kaharian? Sa pagsisikap na maging katulad ni Cristo, isaalang-alang natin ang mga lalaking ito na maka-Dios. At higit sa lahat, isaalang-alang natin si Cristo! Nasa Kanya ang “katangian ng Dios,” at natagpuan ang paraan na magpasakop sa iyo at sa akin. Ngayon, alin tayo? “Nakahihigit” o alipin? Ito ang ating bigyan ng panahon kung isasaalang-alang natin ang ating kaligtasan. Alam ng Dios kung ano ang ating mga layunin, kahit na hindi natin laging nakikita ito. Kailangan nating tingnan mabuti ang ating sarili.
Ang kababaang- loob ay ang kalagayan ng isang Kristiyanong pamumuhay. Ito ay nakikipag-isa, nagbibigay ng kaaliwan, at nagpapalakas. Ito ang maaabot ng ating buhay ng pananampalataya, ang pinakamataas na halimbawa ay ipinagkaloob ng ating Tagapagligtas. Kahit na sinabi ni Pablo na hindi siya naging ganap, (Filipos 3:12), ang buong pagpapakumbaba ay ang layunin na dapat makamit sa bawat araw. Mga kapatid, sa pagtatapos, idinadalangin ko na paunlarin natin ang pagbibigay ng pansin sa kapwa higit sa ating sarili. Ito ang ginawa ng ating Tagapagligtas. Kung tayo ay kumikilos tulad ni Cristo, tayo ay magiging katulad Niya, at ang daigdig ay makikita Siya. Isang kahanga-hangang bagay na maging bahagi nito! Purihin ang Dios !