Ang Natagpuang Kapayapaan nina David at Jose
Bailey Maycumber, El Paso, TX
Kung ikaw ay nasa isang kalagayan na hindi mo kayang pigilan, alalahanin na ikaw ay may kapangyarihan na pumili kung ano paano ka kikilos sa oras na iyon. Kung tayo ay lubhang nahihirapan, maraming mga paraan kung paano natin isasaayos ang kaalaman, nguni’t tayo ay tinatawag ng Dios na hanapin ang kapayapaan sa Kanya sa ating pagpapasya kung paano kumilos sa kagipitan. “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan n’yo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat” ( Filipos 4:6 ). Ang tulong ng Dios, ang walang-hanggan at lubhang Makapangyarihan ay magbibigay sa atin ng kaginhawahan, ngayon bakit tayo nagsusumigasig na ipagkaloob ang ating pananalig sa Kanya?
Sa Lumang Tipan, nabasa natin ang mga kuwento tungkol sa mga tao na hinanap ang Dios at sila’y inaliw ng Dios. Ang dalawa sa minamahal na mga tauhan ay sina David at Jose. Ang dalawang lalaking ito ay namuhay sa paghahandog sa Panginoon at nagtiwala sa Kanya at natagpuan ang kapayapaan sa hindi mapigilang mga pangyayari. Sa kasamaang-palad, nakita natin sa kuwento ni David, na may mga pagkakataon na sa halip na hanapin ang Dios, ang sariling pasya ang ginawa na naghatid sa kanya sa kaguluhan at maging sa kamatayan.
Sa buhay ni David, siya ay hindi na banyaga sa mahirap na mga pangyayari. Ang salitang kapayapaan ay hindi papasok sa isipan upang larawan si David sa kanyang buhay kınalaunan, higit sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang anak na si Absalom. Nang ang anak ni David na si Tamar ay pinagsamantalahan ng kanyang kapatid na si Amnon, si Absalom ay umasa naparurusahan ni David si Amnon. Si David ay lubhang nagalit, nguni’t lumipas ang dalawang taon, si Amnon ay hindi pınarusahan sa ginawang kalapastanganan kay Tamar. Wala tayong nakitang katibayan na si David ay lumapit sa Panginoon para sa kaaliwan o patnubay kung paano haharapin ang pangyayari at sa halip ay pinili ang pagkagalit at kawalan ng pagkilos.
Si Absalom ay nawalan ng pagtitimpi, ginawa ang sariling pasya, at pinatay si Amnon, at siya’y tumakas dahil sa takot kay David sa pagpatay niya kay Amnon. Si Absalom ay nagtago sa loob ng tatlong taon. Sa panahong ito, si David ay nangulila at nais na makita si Absalom, nguni’t hindi niya ginawa. Ang pinuno ng hukbo ni David at ang salita ng isang matalinong babae ang naghikayat sa kanya na pabalikin na si Absalom. Kahit na si Absalom ay nakabalik na, si David ay hindi pa rin nakipagkita kay Absalom sa loob ng dalawang taon, na nagtulak kay Absalom na gawin ang sariling pasya bago pa siya kilalanin at mapatawad ni David. Sa loob ng limang taon, maraming pagkakataon na maaaring matagpuan ang kapayapaan sa gitna ng mga alitan at pagkakanulo ng kanyang anak. Maaari niyang patawarin ang anak, manalangin sa Dios para sa tulong, o harapin ang pangyayari sa halip na hindi bigyan ng pansin at maramdaman ang pagkabalisa at pagkawala. Tayo ay binigyan ng tagubilin sa Efeso 4: 26-27, “Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag n’yong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.”
Apat na taon ang nakalipas, at maaaring may pag-asa na magkakaroon ng kapasiyahan sa pagitan ng mag-ama, nguni’t nagpasya si Absalom na ipagkanulo si David at agawin ang trono. Sa pagtatakwil ng buong Israel kay David, kailangan niyang tumakas upang iligtas ang sariling buhay. Si Absalom ay sinamahan ni Ahithophel, ang tagapayo ni David, sa pagkakanulo. Ngayon nga, si David ay hindi lamang ipinagkanulong sariling anak at mga tao, kundi pati na rin ang kanyang pangunahing tagapayo. At sa gitna ng kanilang mabuway na ugnayan, si David ay nanangis sa Panginoon na siya ay tulungan. Sapagkat si David ay nagmakaawa sa Panginoon, nakita natin kung paano ang Dios ay gumawa upang alisin si Absalom sa luklukan ng trono at ang lahat ng nagkanulo kay David. Sa wakas, si Absalom ay nagapi at pinatay, na hindi ipinag-utos ni David, at si David ay tumangis at lubhang nasaktan sa kamatayan ng anak. Si Joab ay pinaalalahanan si David, na dahil sa kapighatian, ang kanyang mga kawal ay maaaring maramdaman na sila ay nagapi sa digmaan at walang utang na loob sa kanilang kabayanihan upang makamtan niyang muli ang korona. Makalipas ang pakikipag-usap niya sa kanyang pinuno ng mga kawal, nakita ni David na kailangan niyang gawin muli ang kanyang tungkulin bilang hari at bigyan ng lakas ng loob ang kanyang mga kawal sa kanilang kabayanihan, o maaaring sila’y maghiganti laban sa Kanya.
Mahirap sabihin kung ang ugnayan nina David at Absalom ay magkakaroon ng ibang katapusan kung si David sana ay lumapit sa Dios upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan nila. Kahit na sa pagkamatay ni Absalom, si David ay pinili pa rin ang kapighatian at sakit sa halip na hanapin ang payo ng Dios kung paano haharapin ang pangyayari at kailangan pa ang ibang tao na malapit sa kanya na muling tumayo at maging hari na itinalaga ng Dios para sa kanya. Ang kapayapaan ay hindi madaling makamit kung tayo ay nilinlang o napalilibutan ng alitan. Maaaring sugpuin ang mga damdaming ito sa halip na harapin ang katotohanan ng pangyayari at maghanap ng katugunan, o marahil, nais nating malunod sa kapighatian, mangibabaw ang damdamin at malimit na mawalan ng lakas at tayo’y nawawalan ng silbi sa kaharian. Kahit na mahirap na harapin ang mga alitan, kailangan natin gumawa ng makatuwirang pagpili sa pamamagitan ng panalangin at pagpapatawad. Ang tumpak na pagpili ay maghahatid sa atin na lalong maging malapit sa Dios,tutulungan tayo na malutas ang kaguluhan na nararamdaman sa ating sarili. At doon lamang magkakaroon ng kapayapaan.
Ang isa pang halimbawa ng lalaking may takot sa Dios na ipinagkanulo ng mga minamahal niya ay si Jose. Sa kuwento ni Jose, ang kanyang mga kapatid na malapit sa kanya, ay unang nagbalak na siya’y patayin, nguni’t nagbago ng isipan at nagpasya na siya’y ipagbili sa pagka-alipin. Wala tayong kaalaman kung ano ang iniisip o naramdaman ni Jose sa panahon ng pagkakanulo sa kanya, nguni’t nabasa natin na ang Panginoon ay pinangalagaan si Jose, at siya ay nakatagpo ng pagtangkilik mula sa kanyang pinaglingkuran. Sa lahat ng mga pangyayari, si Jose ay hindi nawalan ng pananalig sa Dios. Nakita natin na siya ay lumago sa pananalig at umasa sa Dios, pinapupurihan sa lahat ng pangyayari. Pinili ni Jose ang Dios sa halip na kamunduhan at kasalanan dahil sa pang-aakit ng asawa ni Potiphar. Samantalang ang pagpili niya ay naghatid sa kanya sa piitan, siya ay nakatagpo ng kabutihan sa mga nakapaligid sa kanya, pagtangkilik ng Panginoon, at gayundin mula sa Paraon.
Nang magkaroon ng tag-gutom sa Ehipto, ang mga kapatid ni Jose ay dumating upang bumili ng pagkain para sa kanilang ikabubuhay, at si Jose ay nagkaloob ng kanilang kailangan at tiniyak na makababalik sa Ehipto upang matulungan ang kanyang ama at buong pamilya. Si Jose ay tumangis at sinabi na hindi ang kanilang ginawa ang naghatid sa kanya sa Ehipto kundi ang Dios upang siya’y magkaroon ng pagkakataon na pangalagaan sila.
Si Jose ay pinili na hanapin ang kapayapaan sa lahat ng pangyayari ng pagkakanulo at sigalot sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili sa Dios at pagtitiwala sa karunungan at mga utos ng Dios. Madaling sumuko at sabihin ang mga salitang: “kawawa naman ako, bakit ito ang buhay ko?” Ang pagpili ng ganitong kilos ay hindi makatutulong kay Jose sa anumang paraan kundi marahil maramdaman na bigyan ng katarungan na magkaroon na lamang ng kasiyahan ang sarili. Siya ay hindiiniwan ng Dios, at nakita natin ang katibayan ng kapayapaan ni Jose sa bawat pangyayari. Hindi ipinangako ng Dios na tayo’ymagkakaroon ng maalwang buhay, nguni’t ipinangako Niya na hindi Niya tayo iiwan: “Huwag kang mangamba dahil Ako ang Dios mo. Palalakasin Kita at tutulungan. Iingatan Kita sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo” ( Isaias 41: 10 ).
“Alalahanin mo palagi ang bilin Ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kaya’y manghina, dahil Ako ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon” ( Josue 1: 9 ).
“Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot, dahil Kayo ay aking kasama. Ang dala Ninyong panalo ang sa akin ay nag-iingat, at ang Inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban” ( Mga Salmo 23:4 ).
Ang kapayapaan ay matatagpuan kahit ano pa ang haharapin nating kaguluhan. Ito ay nakasalalay kung tayo ay magtitiwala sa sariling karunungan tulad ng ginawa ni David, o tulad ni Jose, na tayo ay sumasang-ayon na humarap sa Dios at buksan ang ating mga puso upang Siya’y makapasok.