Kapayapaan sa Alitan sa Pamamagitan ng mga Awit

Millie Harris, St. Michael, Minnesota

Sa pagsasaalang-alang ng kuro-kuro ng paghahanap ng kapayapaan sa kasalukuyang kultura, tayo ay binibigyan ng panandaliang pagtigil ng mga alitan at pagkakanulo na nasa ating kapaligiran ngayong ika -21 sigla ng lipunan. Marami sa atin ang may pagkahilig na maramdaman ang na tayo ay nabubuhay sa kakaibang panahon na tulad ng dati. Ang pakiramdam na ibukod ang sarili sa panahon at bagong pangyayari ay hindi makabubuti sa atin. Ang ating mga pakikihamok, maging pansarili o panlipunan, ay malimit na nagbibigay ng pagkabahala sa sarili at makalupang pagsasa-ayos sa mga pagkakanulo sa paligid natin. Si Satanas ay ginagamit ang kahirapan sa buhay upang ilayo tayo sa Dios at kaawaan ang sarili at maging makasarili. Madaling mahulog sa kahinaan ng loob lalo na kung tayo ay pinagmamalupitan o ipinagkakanulo, Kaya paano tayo sa makatatakas sa ganitong makalupang bitag? Ang Dios ang tangi nating pag-asa!

Sa pamamagitan ng patnubay ng Banal na Espiritu, ako ay pinagkalooban ng mga kasangkapan na kailangan ko upang matakasan ang kadiliman ng daigdig na ito at hanapin ang kapayapaan kung ang lahat ng nasa paligid ko ay pawang kaguluhan. Paanong ang kasulatan ay papatnubayan ako sa paghahanap ng kapayapaan? Ang ika-3 kabanata ng Mga Awit ay isang kahanga-hangang aral sa paghahanap ng kapayapaan sa isang unos . Ang awit ay tungkol sa pagkakanulo ni Absalom (2 Samuel 15,16). Sa mga talata 1at 2, isinaad ni David nang malinaw ang pangyayari, “Panginoon, kay dami kong kaaway; kay damıng kumakalaban sa akin!” Ito ang katotohanan kay David! Ito ay hindi suliraning nasa isip lamang, tulad ng sa aking sarili. Ang kanyang anak ay naghimagsik laban sa kanya. Angkanyang buhay ay nasa panganib. Ang mga nasa paligid niya ay naniniwala na na wala na siyang paraan upang makalayo sa ganitong kapinsalaan.

Gayunman,sa mga talata 3-6,si David ay bumaling mula sa nakapanglulumong kalagayan at paalalahanan ang sarili kung ano ang kanyang pinaniniwalaan. Siya ay NANINIWALA at ALAM niya na ang Dios ang kanyang kalasag, ang kanyang kaluwalhatian, at nagtatatag sa kanya. Nakaka-aliw na makita na ang Dios ang kanyang kalasag, hindi sandata. Ang Dios ang kanyang paraan ng pakikipaglaban. Ang salitang ugat ng kalasag ay pandiwa sa talatang ito. Ang Dios ay sınasanggahan siya at si David ay ginagamit ang Dios na kanyang kalasag. Ang lahat ng tunay na naniniwala sa Dios ay nauunawaan ang kapangyarihan ng kalasag na ipinagkakaloob ng Dios. Si Abraham ay pinagkalooban din ng Dios ng pangako na Siya ang magiging kalasag niya sa Genesis 15:1. Bagaman si David at Abraham ay nabuhay sa magkaibang panahon, ang bawat isa sa kanila ay natagpuan ang kapayapaan sa kaguluhan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa lakas ng Dios. At sa aking isipan, paano ako, ngayong 2026, ay makatatagpo ng tunay na kapayapaan sa daigdig na ito? Nauunawaan ko na ako ay walang kakayahan na matagpuan ang sariling kapayapaan at katiwasayan. Matatagpuan ko lamang ang mga bagay na iyon kung ibibigay ko ang lahat sa Dios tulad ng ginawa ng dalawang lalaking ito. Sinabi ni Jeremias sa mga lalaki sa Juda na huwag magtiwala sa kanilang sariling lakas (9:23-24), kundi sa Panginoon na matatag, makatarungan, at makatuwiran. 

Bakit si David ay may kapayapaan? Hindi niya maiingatan ang sarili, at alam niya ito! Alam ko rin ito! Maiingatan ba natin ang ating mga sarili mula sa mga pagsubok ng buhay? Matatakasan ba natin ang pagkakanulo at kaguluhan? HINDI! Matatagpuan ba natin ang kapayapaan sa gitna ng pagsubok? OO! Ginawa Ito ni David? Siya ay tumangis sa Dios, at siya ay tinugon ng Dios mula sa Kanyang banal na bundok (Awit 3) ! Ang Dios ang kanyangmandirigma, at Siya ay akin (kung ako ay sasang-ayon). Sinabi ni Moses sa kanyang awit, ipinagdiwang ang kapangyarihan ng Dios matapos na tawirin ang Pulang Dagat, na ang Panginoon ay nagtagumpay laban kay Paraon at sa kanyang mga kawal at sila’y itinapon sa dagat. Ang Israel ba ay lumaban sa digmaang iyon ? Hindi! Si David ay lubos na naunawaan ito sa kanyang buhay. Sa talata 5, sinabi niya na siya ay nahiga at nakatulog. Ang Dios ay iniingatan siya. Ginagawa ko ba ito? Ibinibigay ko ba sa Dios ang lahat ng aking mga kaguluhan at ako’y mahihiga at matutulog, o ako ba ay mag-aalala at pipiliin na ayusin ang aking kaguluhan? Nais ng Dios na ipagsanggalang ako at ipaglaban ang digmaan para sa akin. Gayunman, kailangan kong bumalik sa kasulatan at ibalik ang aking pananalig at huwag tingnan ang sarili upang Siya ang aking Tagapagligtas. Ang aking nakaraang mga karanasan ng pangangalaga ng Dios ang nagpalakas ng aking pananalig na ako ay Kanyang ililigtas mula sa kasamaan ng mundo at ako ay pagpapalain sa mga paraan na hindi ko inaasahan. Alam ni David na siya ay ililigtas ng Dios. Ako ba ay naniniwala rito? Kung ako ay naniniwala, makakamtan ko ang kapayapaan na magbibigay sa akin na malampasan ko ang anumang unos at ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay na hindi ko akalain na aking magagawa.

Ang pananalig ni David ang nagdala sa kanya sa mga pagsubok na may kapayapaan sa kanyang puso. Hindi niya binigyan ng pansin sa mga pangyayari sa paligid niya. Ang kanyang pansin ay nasa İSA na nagpatawad sa kanya (2 Samuel 12:13). Ang Dios ay pangangalagaan si David mula sa kanyang mga kaaway at Siya rin ang mangangalaga sa akin mula sa aking mga kaaway sa henerasyon ito. Ang tanong ay ano ang TUNAY kong pinaniniwalaan kung ang buhay ay maging mahirap?Sinasabi sa Kawikaan 30:5, ako ay binibigyan ng katiyakan na ang Dios ay pangangalagaan ako kung Siya ang aking magiging kalasag. Ang kayabangan at kasalanan ang magpapatuyo sa akin, nguni’t ang pagtitiwala sa Panginoon ang magkakaloob ng kapayapaan at pagpapala (Kawikaan 3: 5-8). Hindi ako natatangi. Hindi akonabubuhay sa isang naiibang kalagayan. Ang tao ay hinamon ni Satanas at ng kasamaan sa loob ng maraming kasaysayan. Tatanggapin ko ba ang kapayapaan mula sa Dios bilang aking kalasag at mandirigma, o ako ba ay pupunta sa digmaan para sa aking sarili? Ang pagpili ay nasa akin ! 

Si David ay winakasan ang Awit 3 sa mga pangungusap na: “Kayo Panginoon, ang nagliligtas. Kayo rin po ang nagpapala sa Inyong mga mamamayan.” Isang daan para sa kapayapaan sa masamang mundo ! Nang si Juan ay dinala sa kalangitan, nakita niya ang Leon mula sa Lahi ni Juda, ang Anak ni David, ang pinaslang na Tupa, na karapat-dapat na magbukas ng kasulatan at karapat-dapat na sambahin (Pahayag 5: 5-6). Siya ang nakipaglaban para sa atin at ginapi ang kaaway. Siya ang may kakayahan na ipagtanggol tayo. Ang digmaan ay napagtagumpayan na ! Nasa atin kung paano ang kaalaman ay ating gagamitin, nguni’t ang tunay na kapayapaan ay darating lamang sa katotohanang ito. Nauunawaan ni David kung sino ang magliligtas sa kanya. Alam ko ba? Sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na ang kapayapaan ng Dios ay hindi abot ng ating pang-unawa at siyang mag-iingat sa ating mga puso at isipan (Filipos 4:6-7). Nawa’y sumandig tayo sa Dios na pangalagaan tayo mula sa mga kaaway ! “Purihin ang Dios na nakaupo sa , trono, at purihin din ang Tupa dahil iniligtas kamı sa kaparusahan!” ( Pahayag 7:10). Purihin ang Dios!


Next
Next

Ang Natagpuang Kapayapaan nina David at Jose