Mga Kalayaan at Kababaang Loob kay Cristo
By : Nicky McCall
Makalipas ang ilang buwan ng mahimalang pagliligtas ng Kanyang mamamayan, na kasama ang “ibat-ibang mga tao” (Exodo 12:38), ang mga dayuhan ay namangha sa mga nangyaring himala at nabalisa na matakasan ang kalupitan ng mga hari, ang Dios ay inihanda ang Kanyang bayan para sa isang malaking pangyayari sa kasaysayan ng tao. Sa pag-aalala sa 10 salot at sa paghahati ng tubig sa Dagat na Pula na sarıwa pa sa kanilang isipan, sa gitna ng kulog, kıdlat at makapal na ulap, ang tinig ng Dios ay umalingawngaw sa Bundok ng Sinai at ipinagkaloob sa bagong bansa ang Decalogue ( Exodo 20: 3-17)). Ang kasulatan ng Sampung Salita o ang Sampung Utos, ay ang pagsasa-ayos ng pananampalataya at mga alituntunin sa pag- ugali - na payak na ipinahayag , subalit katangi-tanging nauunawaan at may katunayan sa sanlibutan. Sa pagpapaliwanag ng mga seremonya at panlipunang mga batas, ang Torah ay ipinahayag ang banal na kalikasan ng Dios at ang Kanyang mga utos sa Kanyang mga nilalang upang makamtan ang pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Ang Tipan ay ipinagkaloob lamang sa mga anak ni Abraham na may layunin na gawin silang “mamamayan ng Dios at magiging isang kaharian ng mga paring maglilingkod sa Kanya (Exodo 19 : 5-6). Ang nakapaligid na mga bansa ay makikita ang karunungan ng Dios sa kadakilaan ng Kanyang mga mamamayan : “At wala nang iba pang makapangyarihang bansa na may mga utos at tuntunin na katulad ng mga itinuturo Ko sa inyo ngayon” (Deuteronomio 4:8). Ang Batas ay nangangahulugan na isang matalinong pangangilangan upang ang mga Israelita ay makapasok sa buhay na may kagalakan at pakikipag-ugnayan sa Tagapagligtas, maging pinagmumulan ng mga pagpapala, upangingatan sila na bukod at hiwalay sa mga ibang bansa sa daigdig, at pangalagaan mula sa kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga dios-diosan.
Makalipas ang libong taon, si Apostol Pedro ay inilarawan ang Batas “na mabigat na pasanin na kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi makasunod” (Gawa 15:10), at si Apostol Pablo ay namighati “Dahil sa inyo, nilalapastangan ng mga hindi Judio ang pangalan ng Dios” ( Roma 2:24 ). Paano na ang Batas na dapat na magbibigay ng kalayaan ay naghatid sa kanila na maging alipin, na ang dapat na magkakaloob ng mga biyaya ay naging sumpa? Ang tugon ay nakasalalay sa kalikasan ng tao na sumuway at mahilig sa laman. Tungkol sa pagsuway, ang Tipan ay nagsasaad ng “Sumpain ang tao na hindi susunod o gagawa sa lahat ng utos na ito” (Deuteronomio 27:26). Si Santiago ay muling inulit ito sa kabanata 2:10, “Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumalabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong kautusan.” Ang Batas ay binubuo ng 613 na mga utos. Ang pagsunod sa buong kautusan ay mahirap gawin ng tao.
At ang pinakamasama pa nito, sa paglipas ng mga taon, may ugali na ang Torah ay maki-ayon sa legalismo, sa pagdaragdag ng mga kinaugalian ng mga tao at mga pansariling paliwanag, binibigyan ng diin ang mga panlabas na mga seremonya at hindi ibinibilang ang panloob na pananalig at pagkatao. Ang sinasalitang Torah ay naging katulad na ng isinulat na Torah na naging hadlang sa mga karaniwang tao na nahihirapan na makatupad sa mga patakaran at mga alituntunin.
Si Simeon, isang matuwid at may takot sa Dios ay naghihintay sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel (Lucas 2:25). Sa tunay at espirituwal na Israel, ang mga tagapagmana ng pangako na ibinigay kay Abraham, si Jesus ang magiging kaaliwan. Sa ibang tao, Siya ang sandata na magpaparusa sa kanilang kawalan ng paniniwala at pagtatakwil sa Kanya. Ang Batas na hindi pinarangalan sa kabuuan ng sangkatauhan ay naisakatuparan ngAnak ng Dios (Mateo 5:17), at ang sumpa na nakalaan sa mga anak ng Israel, ay ang Anak ng Tao ang tumubos (Galacia 3:13). Sa Kanyang buong buhay, tinupad Niya ang lahat ng pangangalilangan ng Batas. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, binayaran Niya ang kaparusahan ng mga nasa ilalim ng Batas. Samakatuwid, tunay na ipinako Niya ang Batas sa krus at pinalitan ito ng batas na nagtataglay ng Kanyang pangalan, ang Batas ni Cristo, ang Batas ng Kalayaan.
Sa Kanyang pagsisimula ng paglilingkod, si Jesus ay pumasok sa Sinagoga ng Nazareth kung saan ibinigay sa Kanya ang aklat ni propeta Isaias.
Sa talaga ng Maykapal, ang talata na Kanyang binasa ay ang hula tungkol sa Kanyang sarili na nagbigay sa Kanya ng pagkakataon na ipakilala ang sarili bilang Hinirang ng Dios at ipahayag ang layunin ng Kanyang tungkulin, “upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila” at “upang palayain ang mga inaapi” (Lucas 4:18). Hindi ito pisikal na kalayaan mula sa mga Romano, nguni’t isang pagpapalaya mula sa pagiging alipin ng kasalanan at sa mga utos ng mga seremonya ng batas (ang pagpatay sa mga hayop, at pagkakaloob, pagtutuli, at mga kapistahan).
Ang kalayaan na ipinagkaloob sa atin ay dapat na pinamamahalaan ng makalangit na simulain; sa halip, ito ay magiging batong katitisuran ng mga mahihina (1Corinto 8:9). Sa kanyang pagsusuri “Personal Liberties and the Brethren”, si Bob Dickey ay naitala ang mga sumusunod :
(Our Knowledge must be kept in check by love). Ang ating karunungan ay dapat naaayon sa pag-ibig. Ang karunungan ay maghahatid ng kayabangan at magbibigay sa atin na ipagtanggol ang ating karapatan,sa halip na isaalang-alang ang budhi atbigyan ng pagpapahalaga ang kapatid na hindi nagtataglay ng parehong antas ng pang-unawa.
(Our abuse of personal liberty can lead us to sin). Ang pagmamalabis sa ating pansariling kalayaan ay maaaring maghatid sa atin na magkasala. Ang ating pansariling paninindigan ay maaaring maging malakas na tali sa iba, na ang bunga ay hindi pagkakaunawaan at pagkakawatak-watak ng katawan ni Cristo. Ang pagkakaiba ng pansariling kuro-kuro ay hindi laging naghahatid sa panganib o kasalanan. Ito ay maaaring pansarili , na may kababaang-loob at paggalang sa kapwa.
(Sacrificing our personal liberty may save others). Ang pagsasakripisyo ng pansariling kalayaan ay maaaring makapagligtas sa iba. Ang pakikibagay sa mga kaugalian, mga kinagawian, mga pagkakaiba ng mga tao ay maaaring maghatid sa pagbabago ng kanilang pananalig. Si Apostol Pablo ay isang tunay na halimbawa ng simulain na ito, “Kahit hindi ako isang alipin, nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami na sasampalataya kay Cristo” (1Corinto 9:19). Sa halip na ipilit ang kanyang karapatan, siya ay kusang-loob na iangkop at tanggapin ang pangangailangan ng iba at huwag bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang karapatan.
(Our liberty cannot be used to fellowship that which is false). Ang ating kalayaan ay hindi dapat gamitin sa pakikisama sa mali. Ito ay isa sa mga malalaking panganib sa kasalukuyan. Ang ating kusang-loob na pagtanggap, pagbigyan, at parangalan ang kuro- kuro ng iba ay maaaring mabigyan ng sigla ang mga maling turo at mga gawain. Maraming mga maling paniniwala, tulad ng pagkahilig sa imoral na pakikipagtalik, pagpatay sa mga sanggol, pagsusugal, pagtuturo ng mga babae sa pulpito, pakikipaghiwalay at pag-aasawang muli, at tinanggap na ng mga ibang kongregasyon sa pangalan ng “pagiging isa ng magkakaiba”(unity in diversity) o “mabuhay na magkasama”(co existence). Mayroong tunay na pangungusap ng pahayag na tumutukoy sa mga paksang ito , at mayroong tunay na “tama” ay “mali.” At kung ito ang kalagayan, walang dapat na pagbibigay sa mga maling turo.
(The overarching principle should be “whatever you do, do all to the glory of God” - 1Corinto 10:31). Ang tanyag na simulain ay dapat na “anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.” Ang sarili ay dapat na isakripisyo para sa kabutihan ng iba at sa kaluwalhatian ng Dios. Ang Batas ng Kalayaan ay matatagpuan ang katuparan sa pananalig na gumagawa na may pag-ibig.
Paano hindi ka hahanga sa kagandahan na hinabi ng Dios? Ginamit ng Dios ang Batas bilang tagapagturo na pinagkalooban ng kapangyarihan upang supilin ang nakababatang mag-aaral, upang pangalagaan siya, upang iulat ang anumang magulo o imoral na ugali. Ang Batas ay isinasaayos ang panlabas na ugali, ipatupad ang kaayusan at pagiging kagalang-galang, at panatilihin ang pamantayanng moralidad hanggang dumating ang tamang panahon, kung ang sangkatauhan ay may sapat na gulang na upang pag kalooban ng espirituwal na kalayaan at bagong katayuan, bilang mga anak na lalaki at babae ng Dios. Bilang mga tagapagmana ng Hari, tayo ay pinagkalooban ng karapatan na maging malaya at ang pananagutan na gamitin ang kalayaan para Kanyang kaluwalhatian at paglilingkod sa kapwa.