Isang Kapayapaang Nananatili
Sa ika-16 na kabanata ng Juan, si Jesus ay pinagkalooban ang Kanyang mga alagad ng katatagan sa mga darating na pagsubok. Pinagkalooban Niya ang mga alagad ng lakas ng loob sa mga araw na Siya’y lilisan na sa mundo. Ang pag-aalala ng mensahe ng ebanghelyo ay magbibigay sa kanila ng kapayapaan na mananatili hanggang sa wakas. Binigyan Niya sila ng sulyap sa kanilang mga kahinaan at kung paano nila mapagtagumpayan ang mga takot at kabiguan sa mga araw na darating. Sa simula ng Juan 16:31, Sumagot si Jesus sa kanila, “ Kung ganoon, sumasampalataya na ba kayo ngayon sa Akin? Pero darating ang oras, at dumating na nga, na magkakawatak-watak kayo at magkakanya-kanya, at iiwan n’yo akong nag-iisa. Nguni’t kahit na iwan n’yo Ako, hindi ako nag-iisa dahil kasama Ko ang Ama. Sinabi Ko na sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa Akın. Daranas kayo ng mga paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na Ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”
Kalaunan, si Pablo ay nagnilay sa katotohanang ito. Sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos, si Pablo ay binigyan ng lakas ng loob ang pangkat ng mga pinabanal : “Ipakita n’yo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon! Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan n’yo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa N’yo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayo’y nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.” (Filipos 4:5-7).
Malinaw, ang kapayapaan na sinasabi nina Jesus at Pablo ay ang panloob na kapayapaan, ang kapayapaan na nasa puso na masiglang nagbibigay ng kalayaan “na huwag mabalisa sa anumang bagay.” Hindi ipinangako ni Cristo sa Kanyang mga alagad na wala ng digmaan sa pagitan ng mga bansa, wala ng hidwaan sa pagitan ng mga tao, ni walang likas at hindi inaasahang pangyayari kung aalalahanin nila ang Kanyang mga Salita. Ang pangako Niya sa kanila, kung sila’y naniniwala sa mga Salitang binigkas sa kanila, ay may kapayapaan sa kanila sa daigdig ng kapighatian. Tayo ay nabubuhay sa pagkabalisa, pagkatakot at walang katiyakan na daigdig. Mayroong mga pisikal at espirituwal na digmaan na ating kinakaharap araw- araw. Ang ating daigdig, mga bansa, mga siyudad, mga komunidad, mga pamilya, at kung minsan, ang ating sariling kongregasyon, ay maaaring may kapighatian at kawalan ng katahimikan. Tayo ay nabubuhay sa daigdig na nagbibigay ng mga dahilan na laging mag-alala, mga dahilan na maging malungkot na mga biktima ng mga pagkakataon, may katuwiran na may kapaitan, at magkaroon ng katuwiran na magalit at maging masama. Sinabi sa atin na ang asal ng iba at mga pangyayari na hindi kayang pigilan ay magbibigay ng takot at walang kasiyahan. Tayo ay malimit na pinaniniwalaan na ang lahat ay wala na at ang mga bagay ay “ngayon lang naging ganitong kasama.” Gayunman, si Jesus ay nagbabala na may mga panahon na talagang magiging masama - at inaasahan na magkakaroon pa rin ng kapayapaan.
Sa pagsasabi niyon, si Jesus ay alam na ang kapayapaang ito ay hindi lilipas, o panandalian, o pansamantala - nguni’t isa na mananatili. Noong ako ay kabataan pa, inisip ko na mayroong “mabuting araw at masamang araw.” Sinabi Ko sa aking sarili na kınabukasan ay magbibigay ng panibagong pananaw at ang kaguluhan (na kagagawan ko) ay lilipas sa susunod na araw. Ang kapayapaan ay sinusukat ng mga pangyayari at maaaring bantayan at pangasiwaan sa tulong ng mga magulang, asawa atiba pa na nagmamahal sa akin na mamamagitan at ipagtatanggol ang aking kapayapaan. Ito ang naramdaman ng mga alagad nang kasama pa nila si Jesus. Dahil sa “malapit” si Jesus, sila ay umaasa sa Kanya upang bantayan at pangalagaan ang kanilang mga puso at isipan, nagkakaloob sa kanila ng kapayapaan at kasiyahan sa anumang mangyayari. Nguni’t sa mga huling buwan ng buhay ni Jesus, Siya ay nagsimulang mangusap sa Kanyang 12 alagad tungkol sa kapanahunan na kailangan nila na itatag - ang pananampalataya na magbibigay sa kanila ng matatag na katangian ng pananampalataya kahit na Siya’y wala na sa kanilang presensya. Sinabi Niya ang tamang pagmamahal na sasakanila, ang kailangang tunay na pananampalataya, ang kailangang karunungan, at ang isang mahalagang katatagan - na magbibigay ng kapayapaan na mananatili , kahit na sa kamatayan.
Hindi ko na tinitingnan ang aking mga kapighatian at mga pagsubok na “mabuting araw o masamang araw,” Habang nararagdagan ang aking idad at naranasan ang mga pagkawala at kabiguan, naunawaan ko an ang mga kapighatian ay pana- panahon, taunan - at nagpapatatag sa buhay ng tao. Kung tayo ay nananahan sa mga pagkawala at kabiguan, doon tayo mananahan at doon maninirahan sa buong buhay - sapagkat maraming kabiguan hanggang sa huli. Kung tayo ay nananahan sa Salita ng ating Dios, kung ay nananatili sa Salita ni Jesus, kung ating inilalapit ang ating tirahan at tabernakulo sa Panginoon, tulad ng iminungkahi ni Pablo, na ang “Panginoon ay abot -kamay lamang,” hindi tayo “nababahala sa wala.”
Ngayon, ano ang anyo ng kapayapaan na nananatili - paano natin isasagawa sa ating buhay? Paano natin malalaman na mayroon tayong kapayapaan na nananatili? Kung wala tayong kapayapaan, saan tayo maghahanap? Sa Juan 14:27, sinabi ni Jesus, “Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan Ko sa inyo ang kapayapaan. Ang Aking kapayapaan ay ibinibigay Ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaangibinibigay ng mundo.” Ngayon, alam natin na ito ay maaaring makamit. Iniwan Niya ito sa lahat ng makikinig sa Kanya. Nauunawaan natin na ito ang kapayapaan na Kanya, hindi ang kapayapaang ibinibigay ng mundo. Tulad ng ating nalaman, ipinahayag ni Pablo na ang kapayapaang ito ay ang kapayapaan na hindi maunawaan ng tao- ang kapayapaan na ibinibigay sa atin na maging mapagpasalamat, laging nananalangin, tapat, umaasa, at nagagalak sa mga taon, mga panahon, at buong buhay na puno ng mga pagsubok, kapighatian, pagkawala, at kabiguan.
Ang huling sampung taon ng aking buhay ay nagbigay ng mga pagkawala at kabiguan na ang aking batang puso ay hindi inaasahan. Ang kapayapaan na dapat magtagal at lampas sa aking pang-unawa ay hindi mapipigilan ng sinuman o anuman sa daigdig. Kung pababayaan ko ang aking sarili na ang mga pangyayari at pagkakataon ay magbibigay sa akin ng buhay na may kapaitan, malungkot, iniisip lamang ang sarili, nag-aalala, tamad, o magagalitin, ay wala sa akin ang kapayapaan na tinalakay nina Jesus at Pablo. Ang pananatili sa Salita ni Jesus ay nagkakaloob ng mapayapang puso na patuloy na gumagawa nang may kagalakan, patuloy na nagpapasalamat sa Dios sa mabuti man o masama, patuloy na nagbibigay ng liwanag sa pamamagitan lamang ni Jesus upang ang ibang tao ay makilala Siya at patuloy na purihin ang Dios sa lahat ng bagay na darating. Alam ni Jesus na ang kapalaran ng Kanyang mga alagad at marami sa Kanyang tagasunod ay magbibigay ng kapighatian sa kanila sa daigdig. Gayunman, ipinangako ni Jesus na kahit sa mga araw na iyon, sila ay may kapayapaan - ang mga puso ay hindi nababagabag. Nasa atin ba ang kapayapaang iyon? Naroon iyon kung nais natin. “ Nawa’y ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang Siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon,maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon” ( 2Tesalonika 3:16 ).
Isang huling kaisipan, malimit kong iniisip ang Langit sa mga araw na ito. Sa mga huling araw ng aking mga biyenan, kapatid, ina, ama, ang 5 taong gulang na aking apong babae, at marami pang matapang at tapat na mga tagapagturo at mga kaibigan, ay nagpapa-alaala sa akin doon. Ang aking isipan ay puno ng kung ano ang nakikita nila, ang kanilang bagong katawan, ang kanilang pakikiharap sa Panginoon - bagaman maliit ang nalalaman ko tungkol doon. Nguni’t, kung iniisip ko ang Langit, higit sa lahat, ang aking puso ay nawawala ang mga alalahanin ng buhay. Naiisip mo ba - ang lugar ng wagas na kapayapaan. Kapayapaan - walang alalahanin, may katiyakan, walang kasinungalingan, walang luha, walang sigalutan. Ako ay may panaginip isang gabi, na ako ay nasa Langit, at ang lahat ng katotohanan ay ipinahayag at ang lahat ng kamatayan ay inalis, at lahat ng kasalanan ay iniwan, at lahat ng kapighatian ay nawala. Ito ay isang panandaliang panaginip, nguni’t sinasabi ko sa iyo na naalala ko ang pakiramdam ng kapayapaan ng mga saglit na iyon, at sinisikap ko araw-araw na alalahanin ang pakiramdam - sapagkat naniniwala ako na kung sino tayo dapat, mabubuhay tayo ng may kapayapaan kahit narito sa daigdig. Isang kapayapaan na lagpas sa pang-unawa. Isang kapayapaan na nananatili at nananahan sa ating buhay magpakailanman.