Karamihan sa atin ay alam ang panimulang mga talata ng Aklat ng Ecclesiastes (Mangangaral).
Ecclesiastes 1:1-3:
“Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na Hari ng Jerusalem: Walang kabuluhan! Walang kabuluhan ang lahat! Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?”
Ang mga salitang ito at ang sumusunod na mga pangungusap ayang payo ng mangangaral na huli nang siya’y matuto sa kanyang espirituwal na paglalakbay, na ang paghahanap ng kapayapaan at katuparan sa mundo, at ng mga handog sa halip na paglilingkod sa Dios, ay walang saysay.
Mga talatang 5-9:
“Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog, pabalik- balik lang sa kanyang pinanggalingan. Umiihip ang hangin sa timog at pagkatapos ay iihip naman sa hilaga. Paikot-ikot lang ito at pabalik-balık. Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog. Ang lahat ng ito’y nakababagot at ayaw na ngang pag-usapan. Hindi nagsasawa ang mga mata natin sa katitingin at ang mga tainga natin sa pakikinig.Ang mga nangyari noon, nangyayari ulit ngayon walang nangyayaring bago sa mundo.”
Naalala ko ang mga talatang ito noong ako ay isang nakababatang ina at may 3 anak na wala pang 5 taon, at inisip ko na ito ay naglalarawan ng aking buhay. Ang araw ay sumisikat at lumulubog at kung minsan ay may kalabuan. Ang mga dapat gawin at takdang pulong ay nagpapatuloy, nguni’t hindi natatapos. Ang pagluluto ay nagawa na. Ang maruruming damit ay nalabhan na subalit ang “dagat ay hindi napupuno.” Ang maliliit na mga bata ay hindi nasisiyahan, nais pang makarinig ng mga kuwento, magkaroon pa, at higit na pansin. “Ako ay lubhang pagod na ‘sabihin’ kung gaano ako napapagod na.”
Nguni’t huwag mong masamain ang sinabi ko. Mahal ko ang aking mga anak at asawa at ang aking tahanan. Hindi ko ipagpapalit ang anuman sa aking buhay. Alam ko na ito ang kalooban ng Dios na mahalin ko ang aking asawa at mga anak at gawin na pamahalaan ang aking tahanan. Kung ang mabuting babae sa Kawikaan 31 ay maagang gumising kahit madilim pa, ako ay gayun din. Inisip ko na ako ay higit na magiging maringal, higit na mataas, at nagbibihis ng maganda at malinis na kasuotan.
At, inisip ko na ito ay magtatagal. Patawarin ninyo ako, nguni’t isang araw ay binilang ko ang taon na ang aking bunso ay sasapit sa kanyang ika-18 taong gulang. Hindi ko naisip na ang panahon ay saglit lamang tulad ng “tibok ng puso” at ang halaga ay panandalian lamang. Hindi ko rin inisip na ito ay walang- hanggan - ang petsa sa kalendaryo ay dumarating at umalis at walang pagbabago sa puso ng isang ina.
Tingnan natin ang ilang mga halimbawa. Ilang mga lalaki at babae ang makararanas ng pagtatrabaho araw-araw na ang bawat araw ay magkakatulad? Ang mga kailangan ng negosyo ay hindi nabibigyan ng kasiyahan. Ang email inbox ay tulad ngdagat na napupuno at nawawala at pagkatapos ay mapupunong muli. Ang paghahanda para sa pamilya ay nagbibigay sa iyo ng pakiramdam na ikaw ay isang bayani, nguni’t kung minsan ay nararamdaman mo na ikaw ay bahagi ng isang hindi nakikitang bagay.
Alam natin na ang layunin ng Dios ay tayo ay magtrabaho. Pinag- kalooban Niya ng gawain ang tao kahit doon pa sa Hardin ng Eden. Ang sumpa ng kasalanan ay naging pang-araw-araw na gawain sa daigdig na nais nating makawala. Isinulat ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonika…”Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa at huwag kayong makialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. Nang sa ganoon, hindi n’yo na kailangang umasa sa iba at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya” ( 1Tesalonika 4: 11-12 ). Ang ating tahimik na paglilingkod ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Dios.
Ano kaya ang iniisip ng mga guro ng Biblia na inaakala na sila ay nagpapaliwanag ng malaking katotohanan habang ang mga bata ay nakapaligid sa kanila? Ang totoo, sila ay naggugupit, nagdidikit, naglalamina, at umaawit ng mga pambatang awitin sa loob ng maraming taon. Gayunman, ipinaaalala sa atin sa Aklat ng mga Awit, “Ang bawat salinlahi ay magsasabi sa susunod na salinlahi ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa” (Awit 145: 4).Kaya tayo ay buong tiyagang nagtuturo habang ang mga batang ito ay natututo at nagkakaidad. At tayo ay naghihintay at umaasa na may susunod sa gawain.
Ang mga pastol sa iglesya ng Panginoon ay walang “pintuan ng siyudad” kung saan sila ay nakaupo at ipinahahayag ang makatuwirang hatol. Sa halip, sila ay matatagpuan sa mga tahanan nagtatanong ng nakakailang na mga katanungan at pinangungunahan ang nakahihiyang talakayan… “maawa sa mga nag-aalinlangan; tulungan ang iba na iligtas sa kaparusahan, na para bang nagliligtas ng isang bagay na nasusunog na.”(Jude 1: 22-23). Gaano kalimit na ang gawain ng isang tagapamahala ay nangangailangan ng pagtatabas ng damo, o naghihintay sa isang silid sa ospital? Pagkatapos ng isang mahabang araw, ang gawain ba ng isang pastol ay totoong tapos na?
Dahil sa aming tinitirhan, ang aking asawa at ako ay hindi naging pangunahing tagapag-alaga ng aming tumatandang mga magulang. Ginagawa namin ang aming makakaya na magkaroon ng pagkakataon na makatulong, nguni’t nakita namin na ang aming mga kapatid ay iniwan ang kanilang sariling buhay upang mapaglingkuran ang aming mga magulang. Ang buhay ng isang tagapag-alaga ay maihahalintulad sa buhay ng mga nakababatang magulang. Ito ay nangangahulugan ng mga oras na ginugugol sa loob ng tahanan, nakakaligtaan ang marami, ang araw ay lumilipas. Nakikinig sa mga magkakatulad na kuwento, naghahanda ng magkakatulad na pagkain, at nagsisikap na marinig na hindi kailangang sumigaw.
Ang paglilingkod at paghihintay ay hindi kaakit-akit, ito ay paulit- ulit, at marahil ay nakawawala ng sigla. Si Satanas ay tinutukso tayo na mag hangad pa ng higit. Siya ay umaasa na tayo ay magpapasya na hindi pa sapat, o ito ay walang saysay. Siya ay umaasa na tayo ay susuko sa ating mga pananagutan at paglilingkuran lang ang sarili sa halip na ang Panginoon.
Hindi na tayo kailangang tumingin sa malayo kundi kay Jesus na ang Espiritu ay nasa pagsunod sa paghihintay at paglilingkod. Siya ay naghintay ng 30 taon bago Niya sinimulan ang pangangaral. Siya ay naging masunurin, at nag-aral, at naghintay. Kahit noong Siya ay bata pa, Siya ay naroon sa “Bahay ng Kanyang Ama” (Lucas 2: 49).
Ang kuwento ng kasalan sa Cana sa Ika-2 kabanata ng Juan, ay sinasabi na Siya ay naghintay hanggang dumating ang tamang panahon na ihayag Niya ang Kanyang mensahe at kapangyarihanat sa pagpapagaling ng mga karamdaman. “Kaya kumalat ang balitang ito hanggang sa hindi na lantarang makapasok si Jesus sa mga bayan dahil pinagkakaguluhan Siya ng mga tao. Pero pumupunta pa rin doon ang mga tao mula sa ibat-ibang lugar” (Marcos1: 45).
Ano kaya ang pakiramdam ni Jesus sa araw-araw? Siya ay natatagpuan ng mga tao saan man Siya naroon, nagnanais na sila’y turuan, at nagmamakaawa na sila’y pagalingin. Sa pagtatanong kung ano ang halaga ng pagsunod sa Kanya, inilarawan Niya ang Kanyang buhay, “Ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan” (Mateo 8:20). Nasaan ang pagbubunyi at kaaliwan na karapatan ng Hari?
Siya ay matiyagang naghintay sa Kanyang mga alagad na lumago sa pananampalataya. Sa Kanyang mga huling araw sa lupa, sinabi Niya, “Marami pa sana Akong sasabihin sa inyo, pero hindi n’yo pa kayang intindihin sa ngayon” ( Juan 16:12). Siya ay matiyagang tınıis ang nakahihiyang paglilitis at ang malupit na pagpasan ng krus hanggang ang lahat ng hula ay naganap at ibigay ang Kanyang espiritu at Siya’y pumanaw.
Siya ay naglingkod, at Siya ay naghintay. Nauunawaan Niya kung bakit Siya ay naghihintay. Kung minsan ay hindi natin nauunawaan ang saysay ng paghihintay. Sya ay naglingkod nang may kababaang-loob. “Kahit nasa Kanya ang katangian ng Dios, hindi Niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan. Sa halip, ibinaba Niya ng lubusan ang sarili Niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao Siya katulad natin (Filipos 2:6-7). Tayo ay nakikipaglaban na iwanan ang kapalaluan at ang hangarin ng paghanga.
At ngayon, tayo ay naghihintay. Hinihintay natin ang Kanyang pagbabalik. Tayo ay “nasa huling mga araw.” Si Jesu Cristo ay nagtagumpay na sa kamatayan at naka-upo na sa kanang-kamay ng Dios (Colosas 3:1). Tayo’y ay naghihintay sa Kanyang mulingpagbabalik sa wakas ng panahon. Ibinigay Niya sa atin ang dapat nating gawin. Ang tatlong(3) talinghaga sa Mateo 24 ay isinasaad ang pananagutan ng alipin habang ang kanyang amo ay nasa malayo, sapagkat alam niya na ito’y magbabalik. Sa talinghaga ng tapat na alipin, tayo ay kailangang magpakain at pangalagaan ang Kanyang sambahayan. Sa talinghaga ng mga kakayahan, kailangan nating palaguin ang Kanyang kaharian. At sa talinghaga ng matatalinong dalaga, kailangan nating bigyan ng karangalan ang Kanyang pangalan sa lahat ng oras na ang ilaw ay nagliliwanag.
Tayo ay naglilingkod upang bigyan ng kasiyahan ang Dios, sumunod sa Kanyang kalooban, maging tulad ni Cristo. Habang tayo’y naghihintay, pinararangalan natin Siya. Ginagawa natin para sa Kanyang kaluwalhatian. At kaya nga, ang kapayapaan ay nasa paglilingkod. Ang kapayapaan ay nasa paghihintay. Ang kaloob ng Dios na magpalaki ng anak ay isang natatanging karapatan na palakihin at paalalahanan sa Panginoon. Ito ay pagpapala na ako ay makapagkaloob sa aking mga minamahal ng pagkain at kasuotan. Isang malaking karangalan na maging isang guro o pastol sa pamilya ng Dios. At isang dakilang gawain na paglingkuran ang mga matatanda sa mga huling araw ng kanilang buhay habang sila ay naghihintay ng ipinangakong gantimpala.
Ang isa sa mga pinakamamahal kong tao sa lupa ay ang aking tiyahin, ang kapatid ng aking ina. Kung siya ay buhay pa habang inilalathala ang artikulong ito, siya ay 98 na ang idad. Nalampasan niya ang haba ng buhay ng kanyang henerasyon, ng kanyang asawa, mga kapatid, at mga kaibigan. Ang kanyang anak ay nauna na ring pumanaw. Siya ay may dalawang (2) pamangking babae na ginagawa ang lahat nang mabuti, nguni’t kulang pa rin. Sa kanyang mahinang kalagayan ngayon, siya ay nalulungkot sapagkat nararamdaman niya na siya ay hindi na makapaglilingkod. Nguni’t siya ay isang halimbawa sa akin, kungpaano maghintay sa Panginoon, na may pagtitiyaga at kasiyahan at pagtitiwala sa buhay na walang-hanggan.
Sinasabi sa Isaias 40:31, “Nguni’t ang nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad na tulad ng isang agila. Tumakbo man ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi Manghihina.”
Sa mga salita ng awitin, “Turuan Mo ako Panginoon na maghintay.”